You are on page 1of 4

ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
PRE-TEST

Pangalan: _______________________ Pangkat/Seksiyon:_______________________


Petsa:__________________________ Iskor:__________________________________

Panuto: Isulat ang tamang titik sa patlang na nakalaan.


______1. Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?
A. Kanlurang Asya B. Timog Asya C. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
_____ 2.Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?
A. Tajikistan B. Kyrgyztan C. Turkmenistan D. Uzbekistan
_____ 3. Mayaman sa likas na yaman ang mga rehiyon sa Asya na kung saan nakatutulong sa pag-unlad ng mga bansa sa
Asya. Anong rehiyon sa Asya ang sagana sa yamang mineral na langis at petrolyo?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya C. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya
_____4.Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o paghahawan
ng kagubatan.
A. Habitat b. Siltation c. Deforestationd. Salination
_____5. Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar.
A. Habitat b. Siltation c. Deforestationd. Salination
_____6. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong
daigdig? A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho B. Ilog ng Lena C. Ilog ng Amu Darya D. Yangtze
_____7. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Asya?
A. China B. United Arab Emirates C. Uzbekistan D. Thailand
_____8. Ano ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na may humigit kumulang 13,000 na pulo?
A. Indonesia B. Pilipinas C. Japan D. Brunei
_____9. Alin sa sumusunod na bansa ang bumubuo sa rehiyon ng Timog Asya?
A. Oman, Yemen at Israel B. China, Japan at Taiwan
C. Tajikistan, Azerbaijan at Georgia D. Nepal, Bhutan at Afghanistan
_____10. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?
A. Gumamit ng Dinamita B. Pagputol ng Kahoy
C. Pagtapon ng plastic sa dagat D. Huwag magtapon ng basura sa dagat
______11. Ano ang kahulugan ng salitang “ Kabihasnan”? Ito ay isang _______
A. lugar na kung saan ang mga taong nanirahan ay may kanya-kanyang paraan ng pamumuhay.
B. lugar na may malawak na kapatagan at may iilang pangkat ng mga taong naninirahan.
C. malawak na lambak-ilog na walang taong naninirahan.
D. pamumuhay na kinagawian at pinapaunlad ng maraming pangkat ng tao.
______12. Anu-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng isang kabihasnan? Ito ay _________
A. ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasaka, pangingisda, pagkakaingin at pagtatahi.
B. ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa
gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at
arkitektura, at Sistema ng pagsulat.
C. may maraming mga tao at may sariling paraan ng pamumuhay, may sariling batas at paniniwala.
D. may sariling paraan ng pamumuhay na kakaiba sa ibang lugar.
______13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng mga taong namuhay sa Panahon ng Lumang
Bato o “Paleolithic Age”?
A. Gumamit ng magagaspang na bato. C. Nanatili sa permanenteng lugar o tirahan.
B. Kauna-unahang nakatuklas sa paggamit ng apoy. D. Nangalap ng pagkain sa kapaligiran.
______14. Anong Panahon itong natutong magpaamo ng mga hayop at gumawa ng mga damit na galling sa mga balat ng
hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan? Panahon ng ________
A. Bagong Bato o Neolitiko. C. Lumang Bato o Paleolithic Age.
B. Bakal o Metal Age. D. Pang-gitnang Bato o Mesolitiko.
______15. Saan lugar kadalasan umuusbong ang mga sinaunang kabihasnan?
A. Burol B. Kabundukan C. Kapatagan D. Lambak-ilog
_____16. Kung ang sistema ng pagsulat sa Indus ay Pictogram, ano naman sa Kabihasnang Sumer?
A. Baybayin B. Calligraphy C. Cuneiform D. Steno
_____17. Bakit higit na marami ang nalalaman natin sa Kabihasnang Sumer kaysa sa Kabihasnang Indus?
A. Hindi pa nababasa ang sulatin sa Indus. C. Unang natuklasan ang Kabihasnang Sumer.
B. Mas mahusay ang mga Sumerian. D. Walang kalakalan sa kabihasnang Indus.
_____18. Ano ang pagkakatulad ng Kabihasnang Sumer, Indus, at Shang?
A. Lahat sila ay nabuo sa lambak-ilog. C. Pare-pareho ang kanilang pinagmulan.
B. Lahat sila ay nagsulat ng kanilang kasaysayan. D. Sabay-sabay ang kanilang pag-usbong.
_____19. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabishasnang Sumer at Indus?
A. Buo ang pananampalataya ng Shang sa maraming Diyos.
B. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula.
C. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
D. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa kautusan ng simbahan.
_____20. Alin sa mga sumusunod ang kaibahan ng lungsod ng Shang sa mga lungsod ng Sumer at Indus?
A. Kilala ang mga lungsod ng Shang sa pagiging tourist attraction.
B. Malaki ang kanilang ambag sa sibilisasyon ng buong mundo.
C. Mas mataas ang tingin ng kinikilalang pinuno sa Shang kaysa sa Sumer at Indus.
D. Naging organisado sa pag-aayos ng mga lungsod na napalibutan ng mataas na pader para proteksiyon at
paghahanda sa madalas na digmaan sa kanilang lupain.
_____21. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran
ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
_____22. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang
likas
_____23. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang Asyano.
Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis
pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mga
Kanluranin.
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin.
_____24. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa.
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong mamamayan.
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng pamahalaan.
D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.
_____25. Ang sumusunod na mga dahilan ang nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya, MALIBAN SA
A. Ang Paglalakbay ni Marco Polo C. Ang Imperyalismo
B. Ang Pagbagsak ng Constantinople D. Ang Merkantilismo
_____26. Ano-anong mga bansang Kanluranin ang nakarating sa bansang India?
A. Portugal, England at France C. Britain, France at England
B. France, England at Netherlands D. Portugal, Britain at France
_____27. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang magprisinta ng
mga aral sa kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito
mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alin ang mas angkop na gamitin sa isang video conferencing.
A. Multimedia presentation at pagtalakay B. Pagkukuwento at pagtatanong
C. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka D. Debate at pag-uutos ng dapat gawin
_____28. Sa anong taon naitatag ni Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut, India?
A. 1580 B.1505 C. 1502 D. 1510
_____29. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies. Anong bansa ito sa kasalukuyan?
A. India B. Oman C. Muscat D. Indonesia
_____30. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang pulitika ng bansa sa pamumuno ng
British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng India. Maging ang
pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles. Sa ganitong pangyayari, napilitan ang mga
manggagawang Hindu na magaral ng Ingles upang mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay.
Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.
B. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang Hindu.
C. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayanng mga Hindu.
D. Ang pananakop ng mga kanluranin ay nagdulot ng kaguluhan sa pamumuno ng mga Hindu.
______3 1. Ang __________ ay nagmula sa salitang suffrage ibig sabihin karapatang bumoto.
A. Suffragist B. Kolonyalismo C.Feminist D.Referendum.
______ 32. Sino ang unang babae sa Japan na nahalal ng limang beses sa Parlamento?
A. Corazon C. Aquino C..Ichikawa Fusae
B. Gloria Macapagal-Arroyo D. Aung San Suu Kyi
______ 33. Si Megawati Sukarnoputri, Corazon Aquino, Aung San Suu Kyi, at Ichikawa Fusae, ano ang kanilang
pagkakatulad nagawa?
A. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa.
B. Nagpairal ng bagong uring pamahalaan sa kanilang bansa.
C. Nakibaka para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa.
D. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng kanilang bansa.
______ 34. Itinatag ng 32 na kababaihan sa Japan sa pangunguna nina Raicho, Yaeko at Chihiro, anong pangalan ang
kanilang Asosasyon?
A. Japan Womens Association (NJWA) B. National Organization of Women (NOW)
C. Womens Suffrage League (WSL) D.GABRIELA
_______ 35. Sino ang kauna-unahang baaeng pangulo ng Pilipinas?
A. Aung San Suu Kyi C. Gloria Macapagal-Arroyo
B. Ichikawa Fusae D. Corazon C. Aquino
_____ 36. Ano ang mabuting epekto ng pagyakap ng Japan sa imperyalismong kanluranin?
a. nagkaroon ng hidwaan ang magkaratig bansa.
b. umunlad ang aspiktong pang ekonomiya at teknolohiya ng bansa.
c. naging bukas ang mga pag iisip ng mga mamamayan sa pagbabago ng kultura nito.
d. lumakas ang alyansa ng bansang Japan sa mga karatig bansa nito.
_____3 7. Paano nakamit ng bansang Indonesia ang kanilang kalayaan?
a. matagumpay na rebulosyon na kanilang inilunsad matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
b. nagpalabas si Sukarno ng derikto upang ma palaya.
c. kusang ibinigay ng mga kanluranin ang kanilang bansa.
d. pilit nilang ipinaglaban ang kanilang kalayaan hangang itop ay makamit.
_____ 38. lto ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila’y magbuklod at labanan ang mga dayuhang
mananakop.
a. Kolonyalismo c. Imperyalismo
b. Nasyonalismo d. Komunismo
_____ 39. Ang lahat sa ibaba ay mga dahilan ng pagkamulat ng bansang Burma sa konsepto ng Nasyonalismo, maliban
sa;
a. ang Burma ay ginawang lalawigan lamang ng bansang India.
b. paghawak ng Great Britain sa bansang Burma ayun sa Kasunduang Yolando.
c. pagkatalo sa British sa digmaan.
d. pagbinta ng bansang India ng Burma sa Great Britain.
_____ 40. Alin sa ibaba ang isa sa mga dahilan kung bakit lumago ang kaisipang Nasyonalismo sa bansang Indonesia?
a. Kapabayaan sa sistema ng Edukasyon.
b. kalupitan ng mga namumuno.
c. sapilitang pagpapalit ng paniniwala.
d. ang pagkatalo ng pankat ni Diponegro sa Java.

Prepared By: Checked and Reviewed By:

FRIZIE F. GO ROSARIO D. QUIŇANOLA


T-III MT-II

Approved By:

MA. THERESE VENERANDA G. SEMPRUN


HT-IV, Araling Panlipunan Department

You might also like