You are on page 1of 29

AP 7- ARALING PANLIPUNAN 7

(Araling Asyano /Asian Studies)


YUNIT III
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA ASYA
Mga Layunin: Inaasahan na iyong:
1. nailalahad ang mga pangyayaring nagbunsod sa unang yugto ng imperyalismo sa Asya;
2. nasusuri ang mga dahilan ng unang yugto ng imperyalismong Kanluranin sa Asya;
3. natatalakay ang mga salik na nagbigay-daan sa paghahangad ng mga Kanluranin na magkaroon ng
kolonya; at
4. naihahambing ang unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin sa ikalawang
yugto batay sa mga dahilan.
Mga Nilalaman ng Aralin:
I. Mga Pangyayaring Nagbigay–Daan sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya

II. Mga Dahilan ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

III. Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Mga Dahilan at Paraan ng
Kolonyalismong Kanluranin sa
Asya
Panimula
Sa paglipas ng panahon sa Asya, pinagyaman at pinagbuti pa lalo ng mga
sumunod na henerasyon ng mga Asyano ang kaunlaran, karangyaan, at
kasaganaang naipamalas noong sinaunang panahon. Naging masagana lalo ang
naging pamumuhay dahil sa kanilang taglay na talino at galing, at sa likas na
yaman ng Asya.

Bago pa ang pananakop ng mga Kanluranin sa mga lugar sa Asya, mayroon nang
ugnayang naganap sa pagitan ng mga Asyano at mga Europeo. Ito ay dahil sa
kalakalan na sinasabing nagsimula noong pang ikalawang siglo BCE. Nakarating
ang mga produktong Asyano sa Europe gamit ang mga sinaunang ruta.
MGA SINAUNANG RUTA NG KALAKALAN
Hilagang Ruta:
Samarkand at
Peking (kasalukuyang Mga disyerto sa Caspian
Bukhara sa Black Sea Constantinople
Beijing) sa China Gitnang Asya
Uzbekistan Sea

Strait of Aleppo at Damascus sa Syria at


Gitnang Ruta: India Hormuz
Persian Gulf Antioch sa Turkey

Timog na Ruta:

Indian
India Ocean
Arabian Peninsula

Cairo o Alexandria sa
Red Sea
Egypt
Tanging mga kalakal mula sa Asya na pumapasok sa Europe ang pamilyar lamang
sa mga Europeo. Ang mga lugar sa Asya na pinanggagalingan ng mga kalakal ay
hindi pa nila napupuntahan. Ang naging kalakalan din sa pagitan ng dalawa ay
hindi pa ganoon kasigla.

Kinalaunan, dahil sa kaalamang nakalap tungkol sa karangyaan at kasaganaang


taglay ng mga sinaunang kabihasnang Asyano at dahil sa paghahangad para sa
pansariling interes, sinadya ng mga Europeo na marating ang mga lupain ng Asya.
Pinaunlad nila ang sistema ng paglalayag at pakikidigma, paraan upang
magkaroon ng kontrol ang mga Kanluranin sa mga bansang Asyano.
• Paglulunsad ng Krusada
I. Mga Pangyayaring • Paglalakbay ni Marco Polo
Nagbigay-daan sa • Paghahanap ng Bagong Rutang
Pagtungo ng mga Pangkalakalan
• Panahon ng Paggalugad at
Kanluranin sa Asya Pagtuklas
• Paniniwala sa Merkantilismo
1. Paglulunsad ng mga Krusada
• Krusada - kilusang inilunsad ng simbahan at mga haring
Katoliko noong 1096 -1273 para mabawi ang Jerusalem,
banal na lupain ng mga Kristiyano na nasakop ng mga
Muslim. Unang nanawagan ng Krusada si Pope Urban II.

• Mga akda ng mga Kristiyanong kabalyero tungkol sa


karangyaan at kagandahan ng Asya ay nakarating sa
Europa, dahilan upang mahikayat ang mga Europeo na
pumunta sa Asya. Nabighani ang mga kabalyero at mga
Europeong nakaalam sa mga produkto ng Silangan -
sedang tela, porselana, mamahaling bato, pabango,
pampalasa, mga prutas, atbp.
• Pinasigla ng mga Krusada ang kalakalan kaya maraming
Europeo ang nagkainteres na makarating sa Asya.
2. Paglalakbay ni Marco Polo

MARCO POLO - anak ni Niccolo na isang mangangalakal mula sa


Venice, Italy
• 1260 – naglakbay ang mag-ama kasama si Matteo, kapatid ni
Niccolo, patungo sa Silangan
• 1265 – narating nila ang China na noon ay pinamumunuan ni
Kublai Khan ng Imperyong Mongol, naging kaibigan ni Marco
Polo at binigyan siya ng pagkakataon na maglingkod sa
pamahalaan nito bilang tagapayo.
• Naglakbay siya sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng
Emperador -Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati Siberia.
• Manghang-mangha si Marco Polo sa karangyaan at
kagandahan ng kabihasnang Tsino at sa kultura, mga gawaing
pangrelihiyon, at masaganang likas na yaman ng China.
• 30 taon namalagi sina Marco Polo sa China
• 1295- bumalik sa Europe sina Marco Polo
• 1298- lumaban si Marco Polo sa digmaan para sa Venice
ngunit nabihag at ikinulong siya ng mga taga-Genoa.
Habang nasa kulungan, ikinuwento niya ang kaniyang mga
paglalakbay sa kapuwa niya bilanggong si Rustichello.
• The Travels of Marco Polo – aklat na nalimbag mula sa
mga kwento ni Marco Polo tungkol sa kagandahan at
karangyaan ng China at iba pang lugar sa Asya na kanyang
narating.
• Nahikayat ang mga Europeong nakabasa ng aklat na
pumunta sa Asya.
3. Paghahanap ng Bagong Rutang Pangkalakalan
Constantinople - kasalukuyang Istanbul, Turkey
- mahalaga sa sinaunang kalakalan dahil nagsilbi itong tulay sa
pagitan ng Asya at Europe
- dito karaniwan idinadaan ang mga produkto mula sa Asya
patungo sa mga pamilihan sa Europe.
Nakontrol ng mga mangangalakal na Arab sa Middle East ang mga sinaunang rutang
pangkalakalan mula Asya patungong Europe. Ito ang nagbigay-daan sa mga
sumusunod na pangyayari:
Monopolyo ng mga Italian Pagtaas ng Presyo ng mga Paghahanap ng Bagong Ruta
Bilihin
• Isinara ang mga sinaunang • Ninais ng iba pang bansa sa
rutang pangkalakalan. Halos • Ang mga mangangalakal mula Europe na masira ang
nahinto ang malayang sa Italy ang nagdala ng mga monopolyo ng mga Italian.
kalakalan sa pagitan ng Asya at produktong Asyano mula sa
Europe. Constantinople at iba pang • Bunga nito ay naghangad ang
sentro ng kalakalan patungo sa Portugal, Spain, England, France,
• Tanging ang mga at Netherlands ng ibang ruta
Portugal, Spain, France,
mangangalakal sa ilang
Netherlands, at England. patungo sa India at China.
lungsod-estado sa Italy
ang pinahintulutang
makipagkalakalan. Ang mga • Ipinagbili nila ang mga • Sa ganitong paraan, tuwirang
mangangalakal mula sa produktong Asyano sa mas mabibili ang mga produktong
Venice at Genoa mataas na halaga. Asyano sa mas mababang
ay pinahintulutang mamili halaga.
sa mga kontroladong daungan.
.
4. Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas

• Naganap noong 1450 – 1650.


• Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas - dahil dito
nagsimulang maglakbay ang mga Europeo upang
tumuklas ng mga bagong lupain at mga bagong rutang
pangkalakalan.
• Ang pagkakatuklas ng mga lupain ay nagbigay ng ideya
sa mga Europeo na sakupin ang mga bansang narating
upang pakinabangan ang mga likas na yaman. Ito ang
nagbigay-daan upang maganap ang kolonyalismo at
imperyalismong Kanluranin sa Asya.
• Ang Panahong ito ay lalong pinasigla dahil sa pag-unlad
ng sistema ng paglalayag na nagsimula sa Portugal sa
pamumuno ni Prinsipe Henry. Nagpatayo siya ng
navigation school, tinipon ang mga pinakamamagaling
na cartographer upang gumawa ng mapa, at pinaunlad
ang mga kagamitan sa paglalayag.
Sa panahon ni Prinsipe Henry ay narating ng mga
Portuguese na ito ang mga lupaing hindi pa napupuntahan
ng mga Europeo:
Bartolomeu Dias – narating ang dulo ng Africa na tinawag na
“Cape of Good Hope”(1488)
- the first European explorer to successfully sail around the southern
coast of Africa. He proved that a sea trading route from
Europe to Asia is possible. By rounding the cape, he showed
Europeans there was a possible route to India around the
storm-driven southern tip of Africa. He opened the sea route
to Asia via the Atlantic and Indian Oceans.
Vasco de Gama – natuklasan ang bagong ruta patungo sa Asya
noong narating niya ang Calicut (Kerala) sa kanlurang baybayin
ng India (Mayo 27, 1498)
- the first European to reach India by sea. His initial voyage to India by
way of Cape of Good Hope was the first to link Europe and
Asia by an open route, connecting the Atlantic and the Indian
Oceans and therefore, the West and the Orient/East.
5. Paniniwala sa Merkantilismo
Merkantilismo
• batayan ng kaunlaran ng isang bansa noong 16th siglo
• paniniwala na ang tunay na panukat sa kayamanan ng isang bansa ay
ang kabuuang dami ng pilak at ginto na mayroon ito
• nangalap ng mga pilak at ginto ang mga bansang Europeo sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng higit na produktong iniluluwas
(export) kaysa inaangkat (import)
• naging mahalaga ang pagkontrol ng pamahalaan sa kalakalang
panlabas upang matiyak ang siguridad ng bansa kabilang ang
pagkakaroon ng maraming kolonya
- pagbabawal makipagkalakalan sa ibang bansa ang mga
kolonya maliban sa kanila
- pagpapayaman sa pamamagitan ng pag-iipon ng ginto at pilak
- inaasahang kapaki-pakinabang ang kolonya sa pagdagdag ng
yaman mula sa minahan ng ginto at pilak; at
pagkukunan ng mga produkto tulad ng rekado o
pampalasa
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa
Asya • imperyalismo- dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-
estado sa politikal, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng
isang mahina/maliit na nasyon-estado upang maging
makapangyarihan sa daigdig
• naganap noong ika-16 at ika 17-siglo
• nagkaroon ng tuwirang kompetisyon para sa mga lupain sa Asya sa
pagitan ng nag-aagawang Spain, Portugal, Great Britain,
Netherlands at France
• Dumating ang mga Europeo sa Asya sa tulong ng mga
teknolohiyang orihinal na gawa ng mga Asyano: triangular lateen
sail ng mga Arab na pinaunlad lamang ng mga Portuguese;
compass, multiple masts, sternpost rudder, gunpowder at cannons
ng mga Tsino, pati papel na sinulatan ng mga Europeo tungkol sa
kanilang mga sinakop, kanilang kinita, ang paraan ng pamamahala
ng mga kolonya.
• Kolonyalismo ay anyo ng imperyalismong naganap sa Asya sa
panahong ito.
Kolonyalismo
- proseso ng pamamalagi at pamamahala ng mga banyaga at
pagkakaroon ng kapangyarihang politikal sa malaking bahagi
ng daigdig (kabilang na ang Amerika, Australia, bahagi ng
Africa, at Asya)
- ang mga kolonyalista ay nakapagtakda ng patakaran at
nakapangyari sa mga tao at lugar na sinakop; binago ang
estrukturang panlipunan, pampamahalaan, at pang-
ekonomiya ng kolonya; at nangibabaw ang karapatan at
interes kaysa sa kapakanan ng katutubong populasyon ng
kolonya
- kadalasang unang ginagawa ay pakikipagkaibigan
at pakikipagkalakalan saka isasakatuparan ang tunay
nilang hangarin: magtatatag ng pamahalaang kolonyal,
pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng
kolonya, magtatakda at maniningil ng buwis at
magsasagawa ng mga batas na makabubuti para sa
kanila (kolonyalista)
Mga Layunin ng Kolonyalismo sa Asya
GOD (Pagpapalaganap ng Relihiyon)
• palaganapin ang Kristiyanismo (ang pananakop ng mga lupain ng Spain ay bahagi ng Reconquista o
500 taon na pakikibaka ng mga Kristiyano na palayain ang katimugan ng Spain mula sa mga Muslim)

GOLD (Pagpapaunlad ng Ekonomiya)


• pakikinabangan ng mga Europeo ang mga likas na yaman ng mga kolonya
• ipagbibili rin nila ang kanilang sobrang produkto sa kolonya

GLORY (Pagpapalawak ng Kapangyarihan)


• pananakop ng lupain ay patunay sa pagkakaroon ng malakas na pwersang pandigma
• higit na naging makapangyarihan ang mga Europeo dahil lumawak ang kanilang mga nasakop na
teritoryo

* Ang bahaging timog at timog-silangan ng Asya ang nakaranas ng unang yugto ng imperyalismong
Kanluranin
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya

- naganap noong ika-18 at ika-19 na siglo


dahil sa:
- mga pagbabagong naganap sa Europe at
America bunga ng industriyalisasyon
- patuloy na paghahangad ng mga Europeo na
mapalawak ang kanilang teritoryo

*napasailalim na rin sa imperyalismo ang iba’t-


ibang bahagi ng Asya sa panahong ito
Mga Dahilan ng Pagpatuloy ang Imperyalismong Kanluranin sa
Asya Hanggang Ika – 19 na Siglo

1. industriyalisasyon
Rebolusyong Industriyal / Industrial Revolution:
•mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng daigdig; naganap sa Europe noong
ika-18 na siglo
•tumutukoy sa maramihang paggawa ng produkto gamit ang mga makina
•nagsimula sa England at lumaganap sa ibang bansa sa Europe at sa America
•dahil dito, higit na naging malaki ang pangangailangan ng mga Kanluranin sa
mga hilaw na sangkap na matatagpuan sa Asya

* James Hargreaves –inimbento ang spinning jenny na napabilis ang paghahabi ng tela
Nagsisilbing
pamilihan ang mga
Dinadala ang mga kolonya sa Asya ng
produktong gawa sa mga labis na
bulak sa Asya. produkto ng mga
bansang may sakop

4 5
sa kanila.

May malawak na
plantasyon ng
3 1
Gamit ang
makinarya, bulak sa mga
bansang Asyano.

2
napabilis ang
paggawa ng mga Ang bulak ay
produkto. halimbawa ng
hilaw na sangkap.

Dinadala ang mga


hilaw na sangkap,
tulad ng bulak, sa
Europe at North
America.
2. kapitalismo
• resulta ng Industrial Revolution

• tumutukoy sa sistemang pang- ekonomiya kung saan ay may


pribadong pag-aari ng kapital at malayang kompetisyon sa pamilihan
(free enterprise- an economy where businesses and services are free of
government control)

• lalong naging hamon ang paghahanap ng mga bagong mapagkukunan


ng mga hilaw na sangkap

• dahil mayaman ang Asya sa hilaw na sangkap, ipinagpatuloy ng mga


Kanluranin ang pagkontrol sa kanilang mga kolonya
3. pamumuhunan
• sa ilalim ng kapitalismo, itinuring ang Asya bilang mahalagang
mapagkukunan ng pakinabang o tubo

• ang labis na pera ng mga Kanluranin ay kanilang ginamit na kapital sa


mga pataniman at minahan sa Asya upang lumago at magbigay sa
kanila ng mas maunlad na pamumuhay
4. white man’s burden
•tungkulin daw ng mga Kanluranin na palaganapin ang
kanilang kabihasanan na higit na mahusay, mabuti, at
nakaaangat kasya sa ibang kabihasnan sa daigdig
•white man’s burden- tawag sa tungkulin na ito ng
makatang English na si Rudyard Kipling
•maisasakatuparan ang tungkulin sa pamamagitan ng
pananakop ng mga lupain
•nagpadala ang mga Kanluranin sa kanilang mga
nasasakupan ng mga guro, pari, manggagamot, at
tagapangasiwa upang tuparin ang tungkulin
•ginamit na katuwiran ang white man’s burden upang
makapanakop ng mga bansa sa Asya
Iba’t-ibang Anyo ng Imperyalismo
1. kolonyalismo
- tuwirang pagkontrol ng dayuhang bansa sa sinakop na bansa

2. imperyalismong ekonomiko
- pagkontrol na malalaking pribadong samahang pangnenegosyo ng dayuhang bansa sa isang hindi pa
lubusang mauunlad na bansa

3. protektorado
- pagpapaubaya ng dayuhang bansa na manungkulan ang mga katutubong pinuno ng mas mahinang
bansa kasabay ng pagpapanatili ng kontrol sa gayong mga pinuno

4. sphere of influence
- pagpapanatili ng dayuhang bansa ng nakapangingibabaw na impluwensiyang politikal o ekonomiko
sa isang bansa o rehiyong heograpikal
Mga Paraan ng Pagkontrol sa mga Bansa

1. Tuwirang Pagkontrol 2. Hindi Tuwirang Pagkontrol


•ganap ang pangangasiwa sa kolonya •pinanatili ang pangangasiwa sa mga katutubong pinuno
•pinapatalsik ang mga katutubong pinuno ngunit nananatili sila sa ilalim ng kapangyarihan ng mga
dauhan
•pinakialaman ang pamahalaan pati ang aspektong • katutubo ay may karapatan sa pagpapasiya ngunit
pang- ekonomiya, panlipunan, at pangkultura ng kontrolado ng mga dayuhan ang aspektong pangkabuhayan
kolonya tulad na sa paglinang sa likas na yaman
•pinalaganap ang sariling kultura upang • kunyari na tinutulungan ang mga katutubong pinuno
maimpluwensiyahan ang mga katutubo upang matutong pamahalaan ang sarili

Halimbawa: Ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas Halimbawa: pangangasiwa na ginawa ng Dutch East Asia
Company sa Indonesia
References:

Cruz, Romela M. Ed.D, Jose, Mary Dorothy dl. et al. Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, Vibal Group, Inc.
2015.

Department of Education. Modyul sa Sariling Pagkakatuto. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba.

Murphy, Rhoads. A History of Asia. Pearson Education Limited. 2014.

You might also like