You are on page 1of 3

i - ACHIEVERS ACADEMY

Tulay na Bato, Bongabon, Nueva Ecija 3128

LEARNING MODULES IN AP 7
THIRD QUARTER
WEEK 2
NAME: ______________________________ DATE: Feb.22-27, 2021

LESSON : Koloyalismo at Imperyalismong Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya


LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo
at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika17-siglo) pagdating nila sa
Timog at Kanlurang Asya

MAHALAGANG TANDAAN:
 Kolonyalismo- ang pagkontrol ng isang bansa sa isa pang bansa. Ito ay termino ng
pananakop at pamumuno ng isang makapangyarihang bansa sa isang rehiyon. Nagsimula
ang terminong kolonyalismo sa salitang Latin na colonus na nangangahulugang
“magsasaka.”
 Imperyalismo- dominasyon ng isang bansa sa ekonomiya at politika ng isa pang bansa
pormal man o di pormal. Ito ay nangangahulugang paglikha ng isang imperyo at ang
pagpapalawig ng impluwensiya sa mga karatig rehiyon o higit pa. Ang terminong
imperyalismo ay nagmula sa Latin na imperium na nangangahulugang “mag-utos.”
 Tatlong Pangunahing Tradisyonal na Rutang Pangkalakalan:
o 1. Silk Route- rutang panlupa na tumatawid sa rehiyong Asya na nag-uugnay sa
China at Mediterranean Sea. Pangunahing ikinakalakal ng mga Tsinong
dumaraan dito ay seda kasama ang tsaa at porselana.
o 2.Incense Route- pangunahing ikinakalakal ay insenso at mira mula sa Timog
Arabia at nagtatapos sa Mediterranean.
o 3. Spice Route- pangunahing ikinakalakal ng mga Indian sa rutang pangkalakal
ay ang pampalasa at rekadong nagmumula sa Timog at Timog- Silangang
Asya.
 The Travels of Marco Polo- aklat na naglalarawan ng kultura, karangyaan, at
kayamanan ng Asya na kumintal sa interes ng mga Eurepeo na marating ang Asya.
 Krusada- banal na pakikidigma laban sa mga Muslim.
 Merkantilismo- nakabatay ang prinsipyo ng sistemang ito sa paniniwalang ang
pambansang yaman at kapangyarihan ay makakamit sa pamagitan ng pagpaparami ng
mamahaling metal lalong lalo na ang ginto at pilak.
 Piyudalismo- may prinsipyong nagsasabi na nagbibigay ng higit na yaman at
kapangyarihan ang dami at lawak ng lupaing pag-aari.
 Magnetic Compass- isang kagamitanng panlayag na may magnetic needle na lagging
nakaturo sa hilaga. Sa pamamagitan nito, natutukoy ng mga manlalayag ang direksyong
kanilang kinaroroonan at direksiyong pupuntahan.
 Mariner’s Astrolabe- ginagamit upang matukoy ang latitude ng barko sa dagat sa
pamamagitan ng pagsukat sa taas ng araw sa tanghali.
 Partolani- mapang panlayag na batay sa direksyon ng compass.
 Layunin ng mga Europeo sa Panggagalugad at Pananakop: “God, Gold and Glory”
o 1. Kristiyanismo- Ang nais na palaganapin ng mga Europeo sa silangan na
pantapat sa lumalaganap na relihiyong Islam sa mundo.
o 2. Kayamanan- Ninais nila na magkamit ng maraming ginto at pilak at ninais din
nilang makuha ang Pulo ng Pampalasa o Spice Islands na matatagpuan sa
Moluccas
o 3. Karangalan- Ang pagnanais na makilala sa buong mundo na sila ang
pinakamalakas at makapangyarihan.
 Kasunduan sa Tordesillas- isang kasunduan sa pagitan ng Portugal at Espanya, kung
saan nagkasundo na hatiin ang lahat ng lupain sa mundo na nasa labas ng Europa para sa
pagitan ng dalawang mga bansa nila, na hindi isinasaalang-alang kung sino man ang
naninirahan sa lupaing ito.. Tinawag itong “New World”
 Kasunduan sa Zaragoza- nagtatakda ng sakop ng impluwensiya ng Spain at Portugal sa
Asya upang resolbahin ang kanilang pag-aagawan sa Isla ng Moluccas.
 Kapitalismo- sa sistemang ito may kalayaan ang mga namumuhunang indibidwal na
magmay-ari ng mga salik ng produksyon.
 Industralisasyon- prosesong pagpapalit-palit anyo ng ekonomiya ng isang bansa mula sa
isang lipunang agrikultural patungo sa isang lipunang nagmamanupaktura ng mga kalakal
at serbisyo.
 Eurosentrikong pananaw- nagsasaad na superior ang lahi at kultura ng mga Kanluranin
kaysa sa mga Asyano.
 Colony- tuwirang pinamahalaan ng isang bansa ang ekonomiya at pamahalaan ng
lupaing nasakop nila.
 Protectorate- isang sistema kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan
ng mga lupain nasakop na pamunuan ang kanilang sariling pamahalaan.
 Mandate System- pansamantalang pagkontrol ng mga bansang Allied sa mga lupaing
dating sakop ng Germany at Imperyong Ottoman bilang paghahanda para sa pagsasarili.
 Sepoy- Sundalong Indian na binubuo ng mga sundalong Muslim at Hindu.
 Racial discrimination- pangkalahatang paniniwala ng mga Ingles na mas nakahihigit
ang kanilang lahi kaysa sa mga Indian.
 Rajakariya- sistema ng pagmamay-ari ng lupa sa Ceylon na kung saan nagkakaloob ng
lupa ang hari ng Kandy bilang kapalit ng serbisyong pampubliko at mga gawaing may
kaugnayan sa caste uring panlipunan.
 Mutilation- paglura-luray sa katawan ng ilang mangangalakal nna Ingles sa teritoryo ng
Kandy sa utos ng hari.
 Cyprus Convention- isang lihim na kasunduan sa pagitan ng England at Imperyong
Ottoman na nagbigay ng karapatan sa mga Ingles na kontrolin ang Cyprus.
 Sykes-Picot Agreement- nakasaad sa kasunduang ito na maliban sa Central Arabian
Peninsula, magpapalawak ng kapangyarihan at impluwensiya ang England at France sa
kalakhang bahagi ng Kanlurang Asya.
 Asia Minor Agreement- pinagkasunduan ng diplomat ng France na si Francois George-
Picot at ng diplomat ng England na si Sir Mark Sykes.
 Balfour Declaration- naglalaman ng mga pangako ng England na lilikha ng lupain sa
Palestine para sa mga Hudyo.
 Holocaust- malawakang pamamaslang ng mga Nazi sa mga hudyo sa Germany.
 Zionism- muling pagbabalik ng mga Hudyo sa itinuring nilang “Lupang Pangako”- ang
Israel.

AKTIBIDAD 1:
Isa-isahin ang tatlong hinihiling ng mga pahayag. (labinlimang (15) puntos bawat bilang)

1. Tatlong tradisyonal na rutang pangkalakalan ng mga Asyano na nag-uugnay sa Silangan at


Kanluran.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Tatlong pangunahing kadahilanan ng mga Kanluranin sa pananakop nila ng mga lupain
Asyano.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


Impormasyon/ Ideyang Inilahad 10
Kaangkupan sa Tema 10
Kabuuang Puntos 20

Inihanda ni:
Jamaica M. Leodones-Valdez, LPT
Guro

You might also like