You are on page 1of 4

MALA MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Layunin

Sa loob ng 45 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang :


1. Nasusuri ang kahulugan at kaibahan ng kagustuhan at pangangailangan.
2. Naipapamalas ang pagkaunawa sa hirarkiya ng pangangailangan.
3. Napapahalagahan ang paggawa ng matalinong desisyon sa pagtugon sa pangunahing
pangangailangan.

II. Paksang Nilalaman


Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan
Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral
Kagamitan: Mga kagamitang biswal, PowerPoint presentation.
III.Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
i. Panalangin
ii. Pagbati
iii. Pag-aayos ng Silid
iv. Pagtala ng Liban
v. Pagbabalik Aral

b. Pagganyak
Aktibidad: Magpapakita ang guro ng halimbawa ng mga larawan na nakikita sa
pamilihan.  Tutukuyin ng mga mag-aaral kung kagustuhan o pangangailangan ang mga
pinakitang larawan

c. Paglalahad/Pagtatalakay
Ipapaliwanag ng guro ang mga sumusunod:
1. Kahulugan ng Pangangailangan
2. Kahulugan ng Kagustuhan
3. Teorya ng Pangangailangan
Aktibidad 1: Magtatala ang mga mag-aaral ng sampung bagay na kanilang nabibili sa
pang-araw-araw sa pamilihan at bibilhin pa na kanilang gagamitin sa tahanan, eskwelahan at
iba pa. Tutukuyin ng ng mga mag-aaral kung ang kanilang inilista ay pangangailangan o
kagustuhan.

Aktibidad 2.Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Magkakaroon


ng debate ang mga mag-aaral tungkol sa pangangailangan at kagustuhan. Sa gagawing debate
bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto sa paghahanda, tatlong minuto sa paglalahad, at
isang minuto naman sa pagbibigay ng konklusyon. Pipili ng representante ang bawat pangkat.
• Pangkat 1 – Pangangailangan
• Pangkat 2 – Kagustuhan

Krayterya sa Debate
 Nilalaman: 30 puntos

 Organisasyon ng mga ideya: 20 puntos

 Kabuuan = 50 puntos

Mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan ng tao.


o Edad
o Antas ng Edukasyon
o Katayuan sa Lipunan
o Panlasa
o Klima at Kapaligiran

d. Paglalahat
Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Para sayo, ano ang higit na mahalaga pangangailan o
kagustuhan?
2. Ano ang kaibahan ng pangangailangan sa kagustuhan?
3. Anu-ano ang limang baitang sa Hirarkiya ni Maslow? Isa isahin
mula sa pinakamababa patungo sa pnakamataas.

e. Paglalapat
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
sitwasyon kung saan magagamit nila ang tamang pagdedesisyon ng pagpili o pagbili sa pagitan
ng pangangailangan o kagustuhan. Bibigyan ng play money ang bawat pangkat at kailangan
nilang mamili na tulad sa pamilihan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga cut-outs na may
nakalagay na pangalan ng produkto at presyo nito.
Sitwasyon:
• Pangkat 1 – Ikaw ay isang estudyante at ang baon mo sa isang araw ay limang pung piso. Hindi
pa kasali ang iyong pamasahe na sampung piso taga-sakayan at pananghalian. Paano mo
gagastuhin ang pera na mayroon ka?
• Pangkat 2 – Ikaw ay isang empleyado sa isang kompanya at ikaw ay sumasahod ng labing
anim na libong piso kada buwan. Ikaw ay nangungupahan na ang bayad ay dalawang libo kada
buwan. Hindi pa kasali ang pambayad ng tubig at kuryente na limang daang piso kada buwan.
Paano mo gagastusin ang iyong sahod?
• Pangkat 3 – Ikaw ay binigyan ng iyong magulang ng dalawang pung libong piso para pambili
ng laptop na iyong gagamitin sa iyong pag-aaral. Subalit napag-isipan mo na malapit na ang
iyong kaarawan at maraming kaibigan mo ang umaasa na iimbitahin mo sila. Itutuloy mo ba ang
pagbili ng laptop o nanaisin mong ipanghanda na lang ito sa nalalapit mong larawan?
• Pangkat 4 – Ikaw ay isang ilaw ng tahanan. Ang haligi ng tahanan ay kumikita lamang ng
sampung libong piso kada buwan. Mayroon kayong tatlong anak na nag-aaral sa elementarya.
Wala kayong binabayarang renta at tubig maliban sa kuryente kada buwan. Paano mo
ibabadyet ang pera ng iyong pamilya?
Krayterya sa Simulasyon:
 Kompyutasyon: 50%
 Pagbibigay ng rason o eksplanasyon: 50%
 Kabuuan= 100%

IV.Pagtataya
I. Tukuyin ang mga sumusunod na salita. Lagyan ng titik K kung kagustuhan at P naman
kung Pangangailangan.
_________1. Pagmamahal
_________2. Cellphone
_________3.Bahay
_________4.Pagkain
_________5.Edukasyon
_________6.Kotse
_________7.Laptop
_________8.Damit
_________9.Alahas
_________10.Tubig

II. Esssay. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos bawat bilang)
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at ‘pangangailangan.
2. Iguhit ang Hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow at ipaliwanag ang
bawat baitang.

V.Takdang-Aralin
Bilang myembro ng inyong pamilya, paano ka makakatulong sa paglutas ng
inyong pampamilyang suliranin sa kakapusan?

Inihanda ni:
Jamaica Del Mundo Leodones

You might also like