You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

Paaralan: SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL Baitang GRADE IV


(School) (Grade Level)
Petsa/Araw/ JAN. 29, 2020 / WEDNESDAY / WEEK 2 Markahan IKAAPAT NA
Oras: (Quarter) MARKAHAN

I. LAYUNIN
(I. OBJECTIVE)
A. Nakakikilala ng mga karapatang tinatamasa ng mga bata..
B. Nakapagpapahayag ng damdamin tungkol sa isang pangyayari.
C. Nakapagsasadula ng karapatan ng mga bata..
(AP4KPBI-Vc-2)
II. NILALAMAN MGA KARAPATAN NG MAMAMAYANG PILIPINO
(II. Content) (Karapatan ng mga Bata)
III. KAGAMITANG PANTURO
(III. Learning Resources)
A. Sanggunian
(A. References)
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang LM pahina 341-345,
Pang-mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan LAMP (AP4KPBI-Vc-2)
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo PowerPoint presentation, mga larawan
(b. Other Learning Resources)
C. Pagpapahalaga/Pagsasanib: Pagpapahalaga : Pagiging Mapagpasalamat

Integrasyon : Filipino (Paghihinuha ng Wakas ng Isang Kuwento)

IV. PAMAMARAAN
(IV. Procedure)
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong Balik Aral:
aralin.
Magpakita ng jumbled word sa mga bata tungkol sa kanilang nakaraang
aralin. Hayaang buuin ng mga ito ang bawat salita.

 BILSI
 KALPOTILI
 LIPUPANNAN
 ONSKTITUYONS
 TANRAPAKA
B. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Pagganyak:

Magpakita ng mga larawan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng


PowerPoint presentation. Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang
sitwasyong nakikita nila sa larawan.
C. Pagtalakay ng bagong Paglalahad :
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 - Sa pamamagitan ng mga larawan, talakayin ang karapatan ng bawat
bata.

Mga Karapatan ng Bata


Ang Samahan ng Nagkakaisang Bansa(United Nations) ay bumuo ng
Pandaigdigang Kasunduan ng mga Karapatan ng mga Bata(Universal
Declaration of Children’s Rights) upang tugunan ang pang-aabuso sa
mga bata sa iba’t-ibang panig ng mundo. Narito ang mga karapatang
nakapaloob sa kasunduan.

Ang mga Karapatang Nakapaloob sa Kasunduan:


1. Karapatang mabuhay
2. Karapatang maging malusog
3. Karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
4. Karapatang alagaan at mahalin ng magulang
5. Karapatang magtamasa ng maayos na pamumuhay kahit may
kapansanan
6. Karapatang ampunin kung ito ay higit na makakabuti
7. Karapatan sa sapat na pagkain, damit at tirahan
8. Karapatan sa sapat na edukasyon
9. Karapatang maprotektahan laban sa deskriminasyon
10. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng sarili
11. Karapatang magpahinga at maglaro
12. Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa pagdukot at
pagbebenta ng mga bata.
13. Karapatang mabigyan ng proteksiyon sa mga bawal na gamot.
14. Karapatan na mapangalagaan laban sa sekswal na pagmamalabis
C. Pagtalakay ng bagong Pangkatang Gawain:
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan # 2  Magbigay ng Panuntunan sa Pangkatang Gawain.

Unang Pangkat- Isadula ang sa palagay ninyo ang susunod na gagawin


ng batang nasa larawan habang nakamasid sa ibang batang naglalaro.

Ikalawang Pangkat- Tukuyin kung anong karapatan ang pinapakita sa


mga larawan.

Ikatlong Pangkat – Gumawa ng “dialog comics” tungkol sa karapatang


nakasulat sa ibaba.

“ Karapatang magtamo ng maayos na pamumuhay kahit may


kapansanan”

Ikaapat na Pangkat – Pag-aralan ang dalawang larawan. Anong


karapatan ang dapat tinatamasa ng batang nasa unang larawan? Ano
naman ang dapat gawin ng nasa ikalawang larawan sa pagtamasa ng
kanyang karapatan.

D. Paglinang sa kabihasnan Pagsasanay: (Oral)


Bubunot ang mga mag-aaral ng nakarolyong papel sa kahon na may
laman na iba’t-ibang sitwasyon ng mga bata. Tukuyin kung anong
karapatan ang dapat tinatamasa ng mga batang ito.

1. Laging kinukutya si Dino ng kaniyang mga kapitbahay dahil sa kanyang


kulay.
(Tungo sa Formative 2. Dahil sa kapansanan ng isang batang lalaki, iniwan siya ng kanyang
Assessment) mga magulang upang mamalimos.
3. Si Anna, na sampung taong gulang ay dumaranas ng trauma dahil sa
panggagahasa sa kanya.
4. Sa murang edad natuto ng gumamit ng pinagbabawal na gamot si
Vince.
5. Ipinalaglag ni Nora ang sanggol sa kanyang sinapupunan dahil iniwan
siya ng kanyang asawa.

Gaano kahalaga ang mga bata sa lipunan? Ano sa palagay ninyo ang
E. Paglalapat ng aralin sa pang- maaaring mangyari sa mga bata kapag nalabag ang bawat karapatan ng
araw araw na buhay mga ito? Anong ugali ang maaari ninyong maging tugon sa pagtatamasa
ng inyong mga Karapatan?
F. Paglalahat ng Aralin - Anong samahan ang nagsulong sa karapatan ng mga bata?
- Bakit nila sinulong ang karapatang ito?
- Isa-isahin ang mga karapatang nakapaloob sa kasunduan?

G. Pagtataya ng Aralin Panuto : Tukuyin ang karapatang ipinapakita sa bawat sitwasyon. Piliin
ang sagot sa kahon.
 Karapatang ampunin kung ito ay higit na makabubuti
 Karapatang maglaro
 Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa pagdukot at
pagbebebta ng bata
 Karapatan sa sapat na edukasyon
 Karapatang maging malusog
 Karapatang mabuhay
___________________ 1. Nakapaglalaro si Rexel pagkatapos niyang
gawin ang kanyang takdang-aralin.
___________________ 2. Namatay ang mga magulang ni Dario sa
pagkakalunod dahil sa bagyong Yolanda. Kinupkop siya ng kanilang
kapitbahay at tinuring na tunay na anak.
___________________ 3. Si Jay ay marunong ng magbasa at magsulat.
___________________ 4. Para maagapan ang sakit ni Nelson sa puso,
lagi siyang sinasangguni ng mga magulang sa doctor.
___________________ 5. Hinuli ng mga pulis ang isang lalaki dahil
tinangka niyang dukutin ang batang nasa harap ng paaralan.

H. Karagdagang Gawain para sa Gumupit ng tatlong larawang nagpapakita ng pagtatamasa sa mga


takdang-aralin at remediation karapatan ng batang Pilipino. Idikit ang mga ito sa kwaderno.
V. MGA TALA
(V. REMARKS)

VI. PAGNINILAY
(VI. REFLECTION)

INIHANDA NI:

ELEANOR B. SALAZAR
TEACHER I

You might also like