You are on page 1of 6

Banghay sa Araling Panlipunana sa Grade 9

I.LAYUNIN NG PAGKATUTO

Pagkatapos ng talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.nalalaman ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;


b.nauunawaan ang teorya ng pangangailangan:at
c.natutukoy ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao.

II.PANGNILALAMAN NG PAGKATUTO

A.Paksang Aralin:Pangangailangan at Kagustuhan


B.Sanggunian: DepEd-Bureau of Secondary Education,Ekonomiks:Araling Panlipunan,
Modyul para sa Mag-aaral pp.
C.Kagamitan:Multimedia-projector,Powerpoints slides,Pentelpen at cartolina.
D.Pagpapahalaga: Maging matalino sa Pagdidisesyon sa Pagbili
D.Estratihiya:

III.PAMAMARAAN SA PAGKATUTO

A.Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Pagdadasal
Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin Lahat ay tatayo at mananalangin.
2. Pagsasaayos ng Silid
Bago tayo magsiupo ay ayusin ninyo muna ang mga upuan at
pulutin ang mga basura na nasa sahig.
Isasaayos ang mga upuan at
pupulutin ang mga nakakalat na
mga basura.
3. Pagtsetsek ng Atendans
Meron bang lumiban sa klase sa araw na ito?
4.Pagganyak
Okay klas ,makinig bago tayo pormal na tumungo sa ating aralin
sa araw na ito ay magkakaroon muna tayo ng isang laro!
Meron akong inihandang mga larawan sa pisara.Ang nais kong gawin ninyo
ay ipagpangkat ninyo ang mga larawan ito sa dalawa, na tingin ninyo ay
May kaugnayan sa isat isa.
Maliwanag ba?
Opo,Maam!
PAGKAIN CELLPHONE PAGKAIN CELLPHONE
LOP TOP NIKE SHOES BAHAY NIKE SHOES
BAHAY TUBIG TUBIG LOP TOP
DAMIT RELO DAMIT RELO
C.Paglinang ng Gawain
a.Mga Gawain (Activity)
1.Paglalahad ng Aralin

Matapos ang ginawa nating laro kanina.May ideya ba kayo


kung anong aralin ang ating pag-uusapan o tatalakayin sa araw
na ito? Sa tingin ko po maam,ang
aralin na tatalakayin natin sa araw
na ito ay may kinalaman sa mga
pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao.
Magaling!Tama yun.Ang araling tatalakayin natin sa araw na ito
ay may kinalaman sa Pangangailangan at Kagustuhan ng tao.
Tatalakayin din natin ang teorya ng pangangailangan.
Handa nabakayong matuto? Opo!
Okay ,Magaling!

Pero bago natin tatalakayin ang kabuuan ng lahat ng mga pangangailangan,


alamin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng ng salitang panganga-
ilangan?
Sino basa inyo ang nais magbahagi ng kanyang ideya ukol sa kung
ano ang pangangailangan?
Maam,sa aking pagkakaintindi
sa salitang pangangailangan ay
Mga bagay na mahalaga upang
upang tayo ay mabuhay.Hal. po
dito ay ang ating pangunahing
pangangailangan tulad ng damit
pagkain,at tirahan.

Tama!Magaling!sa kabilang banda naman ano ang Kagustuhan?


Ang kagustuhan ay ang pagha-
hangad ng mga bagay na higit
sa batayang pangangailangan.
Mga bagay na maaring wala sa
isang tao subalit sa kabila nito
ay maaring parin tayong ma-
buhay kahit wala ang mga ito.
Magaling!tama yun.

Okay.Ngayon titingnan natin kung talagang alam ninyo na ang


pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan.

Halimbawa may kompyuter ang isang graphic artist,


Pangangailangan o kagustuhan? Pangangailangan!
Tama!E kung ang isang mangingisda meron siyang kompyuter,
Pangangailangan ba ito o kagustuhan?
Kagustuhan !
.
Okay Magaling!sa tingin niyo klas,sino ang psychologist na
Nagpanukala ng teoryang pangangailangan?
Abraham Maslow ,Maam!
Magaling!

B.Pangkatang Gawain
Ngayon,upang maintindihan natin at malaman ang teorya
Makinig ng mabuti sa direksyong ibibigay ko.Ang bawat pangkat
ay bibigyan kong tig-iisang pangungusap na pag-uusapan ninyo
sa inyong grupo.Pagkatapos ay magbibigay kayo ng mga halimbawa
ng mga pangangailangan hinihingiat inyong ipapaliwanag kung
bakit ba kailangan ang mga ito.Matapos ninyong magbrainstorming
pipili kayo ng isang myembro na mag-uulat ng inyong mga sagot.
Lahat ng mga sagot ninyo ay isusulat sa kartolinang ibibigay ko.
Nakuha ba ngmaliwanag ba ang direksyong aking ibinigay?
Opo,Maam!

Unang Pangkat:Pangangailangang Pisyolohikal

Pangalawang Pangkat:Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan

Pangatlong Pangkat:Pangangailangan Panlipunan

Ikaapat na Pangkat:Pangangailangan sa Pagkamit ng Respeto sa


Sarili at Respeto ng ibang Tao.

Ikalimang Pangkat:Pangangailangan sa Kaganapan ng Pagkatao.

(Mag-uusap ang mga mag-aaral


sa loob ng 10 minuto ukol sa
kanilang sagot.Isusulat nila ang
kanilang mga sagot sa kartolina
at iuulat ang napagkasunduan
sa loob ng tatlong(3) minuto sa
bawat pangkat).
PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT(sa loob ng 3 minuto)
Okay,Magaling!

Balikan natin ang mga pangungusap na binigay ko sa inyo


ukol sa pangangailangan.Ang lahat ng ito ay nakapaloon sa
herarkiya ng mga pangangailangan ni Maslow.Ayon sa kanya,
ang mga pangangailangang tao ay may takdang Antasayon
sa kahalagahan ng mga ito.Halimbawa kung papipiliin ang tao
kung alin sa pagkain o pananamitang higit niyang kailangan,
malamng mas pipiliin niya ang una dahilnakadepende sa pagkain
ang buhay.Ayon kay Maslow may limang bahagi ang mga
pangangailangan ng tao.
Anu-ano kaya ang mga ito? 1.Pangangailangan Pisyolohikal,
2.Pangangailangan sa Seguridad
at Kaligtasan,
3.Pangngailangang Panlipunan,
4.Pangangailangan sa Pagkamit
sa Respeto sa Sarili at Ibang tao
5.Pangangailangan sa Kaganapan ng
Pagkatao.
Okay,Magaling!.
Talakayin muna natin ang nasa pinakaibaba ng herarkiya.
Ang pangangailangan pisyolohikal.Anu-ano ang mga bagay na
nakapaloob ditto? Tubig,pagkain,damit,hangin,
pagtulog at pahinga.
Tama!At bakit ba natin kailangan ang mga bagay na ito? Upang mabuhay tayo
,maam!
Magaling dumako naman tayo ikalawa.Anu-ano ba ang mga bagay
na ating kailangan sa aspetong seguridad at kaligtasan? Pagkakaroon ng ligtas na
Kapaligiran at kapayapaan.
Tama!Sa tingin ninyo sa ikatlong baiting na pangangailangan.
Anu-ano kaya ang mga bagay na dapat taglayin ditto na isang tao? Pagmamahal at pag-aalaga
mula sa magulang ,kaibigan,
asawa,anak at kung anu-ano
pang pakikipagkapwang perso-
nal na magpapadama sa kanya
ng pagmamahal at pakikipag-
kapwa tao.
Magaling,tama iyun!

Dumako naman tayo sa ikaapat na herarkiya ng pangangailangan.


Anu-ano kaya ang mga nakapaloob ditto?
Tumutukoy ito sa pagnanais ng
tao na s ang kanyang saril at
irespeto ng kanyang kapwa.
Mahusay!At dumako naman tayo sa pinakamataas na antas ng
mga pangangailangan o ang ikalimang herarkiya ng pangangailangan.
Ang pangangailangan sa kaganapan ng Pagkatao.Sa tingin ninyo ba
mahirap marating ang huling baiting ng herarkiya ng pangangailangan
ni Maslow?Sa tingin ninyo bakit?
Opo,maam.Kasi po ang kasiyahan
na hinahanap ay hindi galling sa
pisikal na kalagayan kundi sapag-
katao na walang hanggan.
Tama!Ayon kay Maslow,ang isang taong ganap ay hindi nakatuon
masyado sa mga materyal na bagay kundi sa mga bagay na totoong
makapagpapasaya sa kanya.Para sa inyo totoo ba ang mga ito?

PAGPAPAHALAGA

Ngayon,sa dalawang magkaibang bagay na ating tinalakay.Ang


pangangailangan at kagustuhan,ano ang mas mahalaga para sa
inyo? Para sa akin po maam,ang nakikita
ko pong mas mahalaga ay ang
pangangailangan dahil hindi tayo
mabubuhay kung wala ang mga
ito.Samantalang ang kagustuhan po
magbibigaylamang pasamantalang
kasiyahan.

Ang mga pangangailangan po ay


ang mga bagay na kinakailangan
upang maging produktibo saman-
talang ang kagustuhan aymga bagay
na ibig natin ,nagbibigay ng
Panandaliang kasiyahan.
IV.PAGTATAYA:

Panuto:Isulat ang salitang GUSTO ko/ kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng


1. punta sa party.
2. Kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan.
3. Magbubukas ng saving account sa isang matatag na bangko para sa aking kinabukasan.
4. Uminom ng tubig pagkatapos kumain.
5. Lumipat sa magandang b ahay na may aircon.
6. Mamahaling relo.
7. Telebisyo
8. Kumain ng pizza.
9. Maglaro ng video game
10. Magsuot ng maayos na damit.

V.TAKDANG ARALIN:

You might also like