You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN

GRADE 9: EKONOMIKS – PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN


ORAS: 1 HOUR

I. PAMANTAYAN
a. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
 Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: Sa mga pangunahing konsepto ng
Ekomomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-areaw-araw na
pamumuhay.

b. Pamantayang Pagganap (Performance Standard)


 Ang mga mag-aaral ay: Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.

c. Pamantayan sa Pagkatuto
 Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) at pangangailangan (needs)
bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon
 Naipapakita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
suliranin ng kakapusan.
 Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan.
 Nakabubuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan
batay sa mga hirarkiya ng pangangailangan.

II. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng klase, 75% ng mga estudyante ay dapat:
a. Matukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;
b. Maipapakita ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng pangangailangan at
kagustuhan at ang hirarkiya ng pangangailangan;
c. Napahahalagahan ang bawat pangangailangan ng tao.
III. NILALAMAN
a. Yunit 1: Pangangailangan at Kagustuhan
Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan
Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan
Pangunahing Tanong: Paano isasabuhay ang pagkakaiba ng
pangangailangan at kagustuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay?
b. Sanggunian: Pahina 37-43
c. Kagamitan: Manila Paper, Teyp, Yeso, Pisara, Mga Larawan
IV. PAMAMARAAN
a. Panimulang Gawain
a.1. Panalangin, Pagtala ng mga lumiban sa klase
a.2 Balitaan
a.3 Balik-aral: Ano ang kakapusan? Paano ito nakakaapekto sa pang-araw-araw
na pamumuhay?
Ano ang kakalungan? Paano ito nakakaapekto sa pang-araw-
araw na pamumuhay?
a.4 Pagganyak: “Maria went to Market”
Paano ito gagawin?
1. Hatiin ang klase sa dalawang grupo.
2. Pumili ang bawat grupo ng isang lider at magbibigay ang guro ng
play money na nagkakahalaga ng P1,000.
3. Sa harapan ng klase ay may mga larawan ng mga gamit na
ginagamit sa araw-araw at ang mga ito’y may kalakip na mga
halaga.
4. Mag-uusap ang bawat grupo sa loob ng 3-5 na minute kung paano
nila ibabadyet ang isang libo at ang mas kailangan nilang bilhin.
5. At ang lider ay ipapakita sa harap ang mga napili nilang produkto at
ipapaliwanag kung bakit iyon ang napili nila at ang pangkahalatang
halaga nang kanilang nabili.

b. Paglinang na Gawain
b.2 Pagpapaliwanag ng mga naturang Pangangailangan at Kagustuhan.
b.3 Talakayin ang pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan.
Ipaliwanag ang Personal na Kagustuhan at Pangangailangan sa Suliranin ng
Kakapusan.
Talakayin ang patungkol sa hirarkiya ng Pangangailangan ayon kay Maslow at ang
batayan ng Personal na Pangangailangan at Kagustuhan.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang pinagkaiba ng kagustuhan at pangangailangan?
2. Paano nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan?
3. Ano nga ba ang mga pangangailangan ng mga tao ayon kay Maslow?

V. EBALWASYON
A. Word Hunt: Ayusin ang mga salitang naka-rambol. Hanapin at bilugan ang mga
salitang nabuo sa puzzle.

B. TAKDANG-ARALIN
a. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan.
b. Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga Salik na Nakakaimpluwensya sa
Pangangailangan at Kagustuhan.

You might also like