You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
PAMPAARALANG TANGGAPAN NG SANGAY I NG PANGASINAN
Lingayen, Pangasinan

MYSTICAL ROSE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


Mangatarem, Pangasinan
T.P. 2021-2022

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN 9
(EKONOMIKS)

I. LAYUNIN. Pagkatapos ng 60 - minutong talakayan 100% ng mga estudyante ay


inaasahang naisasagawa ang mga sumusunod nang may 80% antas ng tagumpay:

A. naipapaliwanag ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan;


B. naipapakita ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan;
C. nabibigyan ng halaga ang konsepto ng pangangailangan at pagkonsumo; at
D. nakikilahok ng may kasiyahan at pagkukusa sa mga gawain o talakayan.

II. NILALAMAN

A. Paksang Aralin: PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN


 Pangangailangan at Kagustuhan
 Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pangangailagan at
Kagustuhan
B. Sanggunian: Ekonomiks (Bernard R. Balitao, et. al.)
pp. 42-56
C. Kagamitan: Jumbled letters, Mga larawan ng mga salik nakaiimpluwensiya sa
pangangailangan at kagustuhan , Makukulay na papel, Laptop, PowerPoint
Presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng lumiban sa klase
3. Pagbabalik-aral:
 Ano ang ibig sabihin ng kakapusan?
 Ano ang pagkakaiba ng kakapusan sa kakulangan?

B. Pagganyak
“AKO BA O SIYA?”
1. Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. Ang isa ay pupunta sa harap at pipili ng
kulay ng papel.
2. At sa bawat makulay na papel ay may nakapaloob ang inyong gagampanan.
3. Nakapallob dito ay ang pangangailangan o kagustuhan. May tag 2 minuto ang
bawat grupo.
C. Paglalahad
Lahat ng tao ay mayrong kanya-kanyang pangangailangan at kahustuhan
sa buhay, Kaya sa araw na ito ay tatalakayin natin ang kahulugan ng
pangangailangan at kagustuhan, at ang mga salik na nakakaapekto dito.

D. Panlinang na Gawain
1. Gamit ang mga larawan ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kahulugan ng
pangangailangan at kagustuhan.

2. Gamit ang mga larawan ay tutukuyin ng mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa


Pangangailagan at Kagustuhan.

YUANAKAT AS NANLIP
TASNA GN YASKUDNEO
AKIT

KITA ANTAS NG EDUKASYON KATAYUAN SA LIPUNAN

DADE LASANAP RANPALIKAIG TA ILKMA

EDAD PANLASA KAPALIGIRAN AT KLIMA


E. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Ano ang pangangailangan at kagustuhan? Ano-ano ang mga salik na
nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan?

2. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano nakakaapekto sa atin ang pangangailangan at
kagustuhan sa pang araw araw natin? Ano sa palagay mo ang mas dapat pag tuuan ng
pansin?
3. Pagpapayaman ng Aralin
“Hulaan mo ako beybe!”
 Sa larong ito hahahatiin ang klase sa apat na pangkat na kung saan
magkakaroon sila ng isang representante na bubunot sa mahiwang kahon.
 Ang kahon na iyon ay naglalaman ng isang sagot tungkol sa ating
natalakay.
 Ang representante ay kikilos ayon sa nabasa ipapakita sa kagrupo at
huhulaan nila ito. Bawal mag salita ang representante.
 Meron tig 3 minuto ang bawat grupo. Sa isang hula may mayroong 2
puntos.

F. Ebalwasyon
A. Panuto: Basahin at intindihin ang mga pangungusap. Isuluat kung pangangailangan o
kagustuhan sa patlang.

______1. Pumunta sa party at magwaldas ng pera.


______2. Manbukas ng savings account sa matatag na bangko para sa kinabukasan.
______3. Paglaro sa computer shop kasama ang mga barakada.
______4. Pagbili ng pagkain at gamit sa bahay .

B. Panuto: Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang tamang sagot. Ilagay ang sagot
sa patlang.

______5. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas Malaki ang
posibilidad na mas maging mapanuri sa pangangailangan at kagustuhan.
______6. Ang pananamit at gupit ng buhok ng kabataan ay naiiba sa nakakatanda .
______7. Kapag maliit ito konti o limitado lang ang ating nabibili dito.
______8. Ang matatanda ay mas limitado ang kanyang pwedeng gawin o kainin upang
manatiling malusog. Samantalang ang mga bata ay nasisiyahan sa lahat ng bagay.
______9. Kapag mayaman ay nabibili ang gustuhin at pangangailangan samantalang ang
mahirap ay limitado.
______10. Ang mga malapit sa tabing dagat kalimitan ang trabaho ng karamihan ay
pangingisda.

IV. Kasunduan
1. Iguhit ang iyong pangangailangan at kagustuhan. At ipaliwang kung bakit.
Gawin ito sa long coupon bond.
2. Basahin ang sususnod na aralin tungkol sa Alokasyon. Sanggunian:
Ekonomiks (Bernard R. Balitao, et. al.) pp. 57 – 68 o Internet.
Inihanda ni:

ART CHRISTOPHER L. SALUMBRE


BSED 3B

Binigyang-puna ni:

MARC JOSEPH C. ACIERTO


GURO

You might also like