You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling-Panlipunan

EKONOMIKS

I. Layunin:
 Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan ng
matalinong desisyon.
 Naipapakita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin
ng kakapusan.
 Nasusuri ang heirarkiya ng pangangailangan .

II. Nilalaman

 Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan


 Kagamitan: Cartolina, Chalk, Pisara
 Sangguniang Aklat: Araling Panlipunan: Ekonomiks pp. 37- 49

III. Pamamaraan

A. INTRODUKSYON

Ang guro ay magtatanong/magpapakita ng mga bagay na dapat kilalanin ng mga mag-aaral


kung ito ba ay pangangailangan o kagustuhan. Ipaliwanag ang naging sagot.

Pamprosesong Tanong:
 Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan sa kagustuhan?
 Paano mo masasabi na ito ay pangangailangan at kagustuhan?

B. INTERAKSYON

Tatalakayin ang sumusunod na paksa:

 Pagkakaiba ng Pangangailangan at kagustuhan .


 Kaugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan.
 Heirarkiya ng pangangailangan at salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan at
kagustuhan.

Pamprosesong Tanong:
 Paano nakakaapekto ang kagustuhan sa ating pangangailangan?
 Paano mo mahahalintulad ang pangangailangan at kagustuhan ng ibat-ibang antas ng
buhay ng tao?

C. INTEGRASYON

Pagpapahalaga:

 Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng limang bagay na mahalaga sa kanila at


pagsunod-sunorin ayon sa kahalagan.

 Kung binigyan ka ng isang libo paano mo ito gagastusin?

Pamprosesong Tanong:

Ano ang dapat isaalang-alang ng tao upang magkaroon ng matatalinong pagpasya sa pagtamo
ng kanyang pangangailangan at kagustuhan?

Pagtataya
Panuto: Ibigay ang nararapat na heirarkiya ng pangangailangan sa mga sumusonod na
katanungan.

1. Pagkain, tubig, pagtulog, pahinga


-Pisyolohikal

2. Pakikipagkaibigan, Pakikipagkapwa at Pamilya


-Pangangailangan Panlipunan

3. Kalusugan, Trabaho, Ari-arian, Pamilya


-Seguridad at kaligtasan

4. Malikhain, mapaghalaga sa buhay at interest


Kaganapan ng Tao

5. Tiwala sa sarili, tagumpay at respeto


-Respeto sa tao at sa sarili

II. Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa alokasyon at iulat ito sa klase.

Inihanda ni:
MelJean Narciso

You might also like