You are on page 1of 8

St.

Peter Baptist College foundation


(Formerly: St. Peter Baptist Academy)
Lupi Camarines Sur

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

PANIMULA:
Bawat tao ay humaharap sa ibat ibang sitwasyon sa araw-araw kalimitan
magkaiba ang kanilang mga karanasan. Pag aaralan sa araling ito ang mga
konsepto ng pangangailangan (needs) at Kagustuhan (wants) inaasahan na
masusuri at matataya mo ang iyong mga pamantayan sa pagbuo ng matalinong
desisyon tungkol sa iyong mga kagustuhan at pangangailangan.

I. PAMANTAYANG PANG NILALAMAN


Naipapamalas ng mag aaral ang pag unawa sa mga pangunahing
konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang
araw-araw na pamumuhay.
II. PAMANTAYANG PAGGANAP
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw
na pamumuhay.
III. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
1. Nasusuri ang Kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailan
(needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon.
2. Naipapakita ang ugnayan ng personal na kagustuhan at
pangangailangan sa suliranin ng kakapusan .
3. Nakakabuo ng sariling pamantayan sa pag pili ng mga
pangangailangan batay sa mga herarkiya ng pangangailangan
4. Nasusuri ang herarkiya ng pangangailangan.
IV. NILALAMAN
Paksa: Mga pangunahing konsepto ng ekonomiks
Aralin 3: Pangangailangan at kagustuhan.
Kagamitan: Laptop, speaker, manila paper, pentel pen, colored paper
Sanggunian: Ekonomiks (araling panlipunan) modyul para sa mag-aaral
pahina 37-43 at www.youtube.com
PAGPAPAHALAGA :
Pagkakaisa at tamang pagdedisyon tungkol sa kagustuhan at
pangangailangan.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
- Pagdarasal - Papangunahan ng isa sa mag-
- Pagtsek ng attendance aaral.
B. PAGGANYAK
- (may ipapanood na video 3
minuto)
- Ano ang napansin niyo sa video na - Isang ama na kayang gawin ang
napanood niyo? lahat para sakanyang anak.

- Bakit kaya ginawa yun ng isang - Para maibigay ang


ama sa kanyang anak ? pangangailangan ng kanyang
anak.

- Tama, Ang pinanood niyo ay may


kaugnayan sa tatalakayin natin
ngayon.

C. PANLINANG NA GAWAIN

- Hahatiin ko kayo sa tatlong


Grupo lamang .

Unang pangkat :
Gamit ang graphic organizer ilista
ang upang mabuhay o bilang mag-
aaral .

PANGANGAILANGAN PANGANGAILANGAN

Ikalawang pangkat:

Ilista ang inyong kagustuhan bilang isang


mag aaral. Gawin ito sapamamagitan ng
Cluster Map
KAGUSTUHAN KAGUSTUHAN

Pangatlong Pangkat:
Gamit ang Venn diagram ilista ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng kagustuhan
at pangangailangan.

D. PAG AANALISA

- Sa inyong palagay ano kaya ang - Ito po ang bagay na dapat


pangangailangan? mayroon ang tao sapagkat
kailangan ito sa pang araw araw na
Gawain.

- Ano naman kaya ang kagustuhan? - Ito po ang bagay na hinahangad


natin na palagay po natin ay
magiging Masaya tayo.
- Ngayon upang mas lalo niyong - opo
maunawan kung ano ang
pangangailangan at kagustuhan
may ipapanood ulit ako sainyong
video. intindihin ng mabuti .

- Base sa napanood niyo ano ang - batay po sa herarkiya ng


kahulugan ng pangangailangan? pangangailangan ni maslow ito ay
binubuo ng pisyolohikal, segurida
at kaligtasan,panlipunan,respeto
sa sarili at sa ibang tao at
kaganapan ng pagkatao.

- Ano ang mga halimbawa ng - Damit, tubig, tulog, at tahanan


pangangailangan Pisyolohikal?

- Sa seguridad at kaligtasan? - Seguridad sa katawan, pamilya,


kalusugan at trabaho.

- Sa pangangailangang panlipunan? - Pagkakaroon ng kaibigan


atpagmamahal mula sa kapwa.

- Pagkamit ng respeto sa sarili at - Tiwala saa sarili ,tagumpay at


respeto ng ibang tao? respeto

- Kaganapan ng pagkatao? - Malapit na ugnayan sa ibang tao.

- Base naman sa napanood niyo ano - Ito po ang bagay na kapag nakamit
ang kahulugan ng kagustuhan? na natin ang lahat na nating
pangangailangan , maghahangad
tayo ng bagay na magiging Masaya
tayo at sa palagay natin
makukuntento tayo.
E. PAGLALAHAT

- Kailan nagiging pangangailangan - Kapag ang ating kagustuhan po ay


ang isang kagustuhan? kakailanganin natin sa pang araw
araw . halimbawa po cellphone ito
po ay kagustuhan natin ngunit
kailangan natin para makipag
komunikasyon sa mahal natin sa
buhay.

- Ano nga ang teoryang isinagawa ni


maslow? Ayon sa pagkasunod
sunod nito.

5. Kaganapan ng pagkatuto

4. Pagkamit ng respeto at
Respeto ng ibang tao

3. pangangailangang panlipunan

2. siguridad at kaligtasan

1. pisyolohikal

F. PAGLALAPAT

Mag papangkatang Gawain tayo ulit.

Unang pangkat:
Ipapakita niyo sa pamamagitan ng
dula dulaan ang pangangailangan
pisyolohikal.

Pangalawang pangkat:
Pangangailangan seguridad at
kaligtasan
Pangatlong pangkat:
Pangangailangang panlipunan

Ika-4 na Pangkat:
Pagkamit ng respeto sa sarili at
respeto ng ibang tao.

Ika-5 na pangkat:
Kaganapan ng pagkatao.

Pag papahalaga:

Kung kayo ay kapos sa pamumuhay


Tama lang ang kinikita ng magulang - Mag iipon po ako para mabili yung
niyo para matustusan ang lahat gusto ko.
niyong pangangailangan, ngunit may - Magtitipid po
nais pa kayong gusto makamit anong
gagawin niyo?

- Ano ba ang mas mahalagang


paiiralin niyo ang inyong
kagustuhan o ang inyong - Pangangailangan po. Sapagkat ito
pangangailangan? ang mas kailangan natin para
mabuhay.

VI.PAGTATAYA

(Pagpili ng mga tamang titik na sagot)

VII. TAKDANG ARALIN

- Ibigay ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at


kagustuhan.

Isinagawa ni :

CATHY MAE C. BLANCO


Para Kay :

Gemma caganda
Instructor
St. Peter Baptist College Foundation
(Formerly: St. Peter Baptist Academy)
Lupi Camarines Sur

Pangalan: Petsa: Iskor:

Baitang:

Panuto: Bilugan ang titik na may tamang sagot.

1) Ito ang bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kanyang araw-araw na
gawain o buhay.
a. Pangangailangan c. kakapusan
b. Kagustuhan d. wala sa nabanggit
2) Ito ay nagpapakita ng paghahangad ng mga bagay na ninanais ng taong makamit.
a. Pangangailangan c. kakapusan
b. Kagustuhan d. wala sa nabanggit
3) Ang Pagkakaroon ng kaibigan ay isang .
a. Pangangailangan c. kakapusan
b. Kagustuhan d. wala sa nabanggit
4) Ang sundin ang lahat na luho ay isang
a. Kagustuhan b. pangangailangan c. kakapusan d. wala sa nabanggit
5) Kumain ng masusustansyang pagkain ay isang
a. Kagustuhan b. pangangailangan c. kakapusan d. wala sa nabanggit
6) Bumili ng mga magagarang damit ay isang
a. Pangangailangan b. kagustuhan c. kakapusan d. wala sa nabanggit
7) Magkaroon ng sapat na edukasyon ay isang
a. Pangangailangan b. kagustuhan c. kakapusan d. wala sa nabanggit
8) Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao ng pagkain, tubig, hangin, pagtulog,kasuotan at
tirahan.
a. Pangangailangan ng seguridad at kaligtasan
b. Pangangailangan panlipunan
c. Pangangailangang pisyolohikal
d. Kaganapan ng pagkatao
9) Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan na ang unang pangangailangan.
Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanap buhay, kaligtasan mula sa karahasan at iba pa.
a. Pangangailangang panlipunan
b. Pangangailangang pisyolohikal
c. Kaganapan ng pagkatao
d. Pangangailangan ng seguridad at kaligtasan
10.) Ito ang pangangailangan na magkakaroon ng kaibigan, kasintahan,pamilya at anak.
a. Pangangailangan ng pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao
b. Pangangailangang pisyolohikal
c. pangangailangang panlipunan
d. kaganapan ng pagkatao
11.) Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon
a. Pangangailangan pisyolohikal
b. kaganapan ng pagkatao
c. Pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao
d. pangangailangang panlipunan
12.) Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao.
a. Pangangailangang panlipunan b. pangangailangang pisyolohikal
c. Pangangailangan ng seguridad d. kaganapan ng pagkatao

13.) Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto maituturing na


kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan . kailan maituturing na
batayang pangangailangan ang isang prudukto serbisyo.
a. magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na Gawain
b. nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawahan
c. hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito
d. makakabili ka ng maraming bagay sapamamagitan nito
14.) Paano Makakatulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng
matalinong pagdedesisyon.
a. Nakakatulong ito upang malaman ang mga dapat isalang alang
b. malalaman ang kahalagahan ng pangangailangan
c. malalaman ang kahalagahan ng kagustuhan
d. masusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang
batayan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.
15.) Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan ?
a. pangangangailangan ay ang mga bagay na dapat mayroon ang tao samantala ang
kagustuhan ay isang paghahangad ng tao sapagkat nagdudulot ito ng higit na kasiyahan.
b. ang pangangailangan damit, bahay, alaga , pagmamahal, siguridad , respeto at ang
kagustuhan lahat na ating minimithi.
c. ang kagustuhan ay dapat mayroon tayo para mabuhay at ang pangangailangan ay di
importante upang mabuhay
d. A at B
16.) ang pumunta sa party
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
17.) ang kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. Kasiyahan d. wala sa nabanggit
18.) ang magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking
kinabukasan.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
19.) ang lumipat sa magandang bahay na may aircon
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
20.) ang uminom ng tubig pakatapos kumain.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
21.) ang mamahaling relo
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
22.) ang telebisyon.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
23.) ang kumain ng pizza.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
24.) ang mag laro ng video game.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit
25.) ang magsuot ng maayos na damit.
a. pangangailangan b. kagustuhan c. kasiyahan d. wala sa nabanggit

You might also like