You are on page 1of 7

National Capital Region

Kagawaran ng Araling Panlipunan

BANGHAY-ARALIN SA EKONOMIKS

I. PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
(Content Standard) (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang
mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks pag-unawa sa mga pangunahing konsepto
bilang batayan ng matalino at maunlad na ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino
pang-araw araw na pamumuhay at maunlad na pang-araw araw na
pamumuhay
Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) AP9MKE-Ic-7
Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa pangangailangan (needs) bilang
batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon.
Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
a) Nasusuri ang kaibahan ng Pangangailangan at Kagustuhan
b) Nasusuri ang hirarkiya ng pangangailangan
c) Napahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang
pangangailangan.

II. NILALAMAN
1. Yunit 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO SA EKONOMIKS
Aralin 3: Pangangailangan at Kagustuhan
2. Sanggunian: EKONOMIKS (pp. 37-49)
Iba pang Sanggunian: Internet
(https://www.slideshare.net/sherwinm29/ekonomiks-learning-module-yunit-1)
3. Kagamitan: Laptop, projector, kartolina, marker

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
1.1. Pagdarasal
1.2. Pagbati
1.3. Pagpuna sa kaayusan at katahimikan
1.4. Pagkuha ng liban
1.5. Balitaan

GURO MAG-AARAL
Sino ang magbabahagi nang napapanahong balita? (Magbabahagi nang napapanahong
balita)

1.6. Balik-Aral

GURO MAG-AARAL
Tayo ay magbalik aral sa nakaraang talakayan. Ekonomiks. Ito ay isang sangay nang
Maglalaro tayo nang 4 Pics 1 Word. Huhulaan nyo Agham Panlipunan na nag-aaral kung
kung ano ang tinutukoy sa larawan. At ipaliwanag paano tutugunan ang tila walang
ang kahulugan nang salita. katapusang pangangailangan at
kagustuhan nang tao gamit ang
limitadong pinagkukunang yaman.
Tama ang iyong kasagutan Maria. Natalakay natin
ang Ekonomiks. At ito ay ang pag-aaral kung paano
tutugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan
ng tao sa pinakamahusay na paraan.

2. Panlinang na Gawain
2.1. Pagganyak
Gawain 1: Family Feud

GURO MAG-AARAL
Bago tayo dumako sa ating aralin ngayon (Maghahati sa dalawang grupo)
magkakaroon tayo nang gawain. Hatiin sa dalawang
grupo ang inyong klase.Bawat grupo ay mayroong
limang miyembro na magtutulungan tulad nang
isang pamilya. Mayroong isang tanong na kailangan
sagutin. Isulat sa kartolina ang kasagutan nang
inyong grupo. Bawat sagot ay may puntos na
katumbas. Ang makakakuha nang mataas na
puntos ang panalo.

Handa na ba kayo? Opo!

Magbigay nang 4 na bagay na madalas Sagot nang unang Grupo


pinagkakagastusan nang mga kabataan? Pagkain
Gadgets
Damit
Load

Sagot nang ikalawang Grupo


Video games
Accessories
Pagkain
Gadgets
(Pagkatapos nang 10 segundo ay ilalahad nang
bawat grupo ang kanilang kasagutan)
Batay sa aking ginawang pagsisiyasat ang mga
bagay na madalas pinagkakagustuhan nang mga
kabataan ay ang sumusunod:
Madalas na
Pinagkakagastusan PUNTOS
nang mga kabataan
PAGKAIN 42
DAMIT AT SAPATOS 33
ACCESSORIES 10
GADGETS 7
VIDEO GAMES 6
PANUNUOD NANG 2
SINE

Ang nanalo sa ating unang gawain ay ang


ikalawang grupo. Mahusay!

2.2 Pagtalakay
Gawain 2:

GURO MAG-AARAL
Dumako naman tayo sa pangalawang gawain. Ang nais ko pong makuha sa mga
Liza pumili ka nang limang bagay na mahalaga o larawan na mahalaga para sa akin
nais mong makuha mula sa mga larawan. ay una pagkain dahil ito ay unang
kailangan nang ating katawan para
mabuhay, pangalawa ay ang tirahan
dahil ito ang magsisilbing
pahingahan nang aking pamilya,
pangatlo ay ang damit na
magsisilbing proteksyon sa aking
katawan, pangapat ay ang
edukasyon dahil ito ang susi sa
kinabukasan nang bawat tao at
panglima ay ang health insurance na
magagamit sa oras na magkasakit.

Mahusay natapos nyo ang mga gawain!

Batay sa ginawa nating gawain ano sa palagay Tungkol po sa pangangailangan at


nyo ang kaugnayan nito sa ating paksang aralin kagustuhan ang ating aralin Bb.
ngayon?

Tama!

Calla pakibasa ang depinisyon nang Ang pangangailangan ay mga bagay


pangangailangan. na dapat na mayroon ang isang tao
sapagkat kailangan niya nito sa
kanyang pang-araw-araw na buhay.
Ang pangangailangan ay ang mga bagay na
nararapat na makuha o ginagamit ng tao upang
mabuhay. Ito ay mahalaga upang mabuhay ang
tao ng maayos sa kanyang mga pang-araw araw
na gawain. Hindi ito dapat na ipagkait sapagkat
isa itong karapatan ng bawat nilalang na makuha
o makamit sa kanyang buhay.

Magbigay nang halimbawa nang Halimbawa po nang


pangangailangan Moana. pangangailangan ay ang pagkain,
tirahan, edukasyon at ang mga
mahahalagang birtud tulad ng
pagkakaroon ng pamilya,
pagmamahal, pag-aalaga at
kaibigan. Ang mga
pangangailangang ito ay nagbibigay
ng saya at ng saysay sa buhay ng
isang tao. Sinumang magnanais na
tanggalin ito sa kanya ay maaring
maparusahan o makapagdulot ng
kabawasan sa moral na pamumuhay
ng isang tao.

Magaling Moana!

Ang sunod naman sa pangangailangan ay ang Ang kagustuhan ay paghahangad ng


kagustuhan. Raven pakibasa ang depinisyon. mga bagay na higit pa sa batayan ng
pangangailangan ng tao.

Ang kagustuhan ay tumutukoy sa mga bagay na


nagbibigay kaginhawaan at kasiyahan sa buhay
ng isang tao. Ito ay ginawa ng isang tao upang
mas mapabuti ang kanyang buhay, mas maging
masaya, mas maging komportable at mas
lumago ang kanyang sarili. Ito ay maaring hindi
magkakatulad sa bawat nilalang sapagkat iba't
iba ang kanilang mga ninanais na kagustuhan.
Maaaring ito ay magdulot ng maganda sa isang
nilalang o maging dahilan ng lungkot, lumbay o
pagkalungkot sa indibidwal kapag itoy hindi niya
nakamit.

Maaari ka bang magbigay nang halimbawa nang Halimbawa po nang kagustuhan ay


kagustuhan Anima. mga materyal na kagamitan katulad
nang telebisyon, cellphone, laptop,
alahas, gadgets, laruan at iba pa.

Bakit sa tingin nyo bakit mahalagang malaman Mahalagang malaman po ang mga
ang pangangailangan at kagustuhan? pangangailangan at kagustuhan
upang malaman ko kung ano ang
mas importante at upang unahin ko
ang mas mahalagang
pagkagastusan at maiwasan ang
kakulangan.

Tama. Mahalagang masuri ang


pangangailangan at kagustuhan para
magkaroon tayo nang matalinong desisyon sa
mga pang-araw-araw na nating gawain at
masolusyunan ang suliranin ng kakapusan.

Matapos nating malaman ang mga paunang


impormasyon sa paksang aralin, ngayon naman
ay dadako tayo sa susunod na aralin.

Mga mag-aaral kilala nyo ba si Abraham Opo!


Maslow?

Ana sino nga ba si Abraham Maslow Ahleina? Si Abraham Maslow po ang


nagpanukala nang teorya nang
pangangailangan.
Magaling Ahleina!

Ayon kay Maslow, habang nagpapatuloy na


napupunan nang tao ang batayang
pangangailangan, siya ay naghahanap ng mas
mataas na pangangailangan ito.

Herarkiya ng Pangangailangan Ayon kay


Maslow.

Kaganapan ng Pagkatao

Pagkamit ng Respeto sa
sarili at Respeto ng Ibang
Tao
Pangangailangan Panlipunan

Pangangailangan ng Seguridad at
Kaligtasan

Pangangailangan Pisyolohikal

Magbigay nang mga halimbawa sa bawat Pangangailangan Pisyolohikal


baitang nang herarkiya ng pangangailangan. (Physiological Needs)
Halimbawa: pagkain, tubig, hangin,
pagtulog, kasuotan at tirahan.

Pangangailangan ng Seguridad at
Kaligtasan
(Safety Needs)
Halimbawa: kasiguraduhan sa
trabaho, katiyakang moral at
pisilohikal, kaligtasan mula sa
karahasan, seguridad sa pamilya at
sa kalusugan.

Pangangailangang Panlipunan
(Social Needs)
Halimbawa: kaibigan, kasintahan,
pamilya at anak

Pagkamit ng Respeto sa sarili at


Respeto ng Ibang Tao (Self-
Esteem)
Halimbawa: kailangan maramdaman
ng tao ang kanyang pagpapahalaga
sa lahat ng pagkakataon.

Kaganapan ng pagkatao
(Actualization)
Halimbawa: hindi natatakot mag-isa
at gumawa kasama ang ibang tao,
hindi mapagkunwari at totoo sa
kanyang sarili;may kababaang loob
at respeto sa ibang tao.

Kaganapan ng pagkatao
(Actualization)
Halimbawa: hindi natatakot mag-isa
at gumawa kasama ang ibang tao,
hindi mapagkunwari at totoo sa
kanyang sarili;may kababaang loob
at respeto sa ibang tao

3. Pangwakas na Gawain
3.1 Paglalahat
Gawain 3:

GURO MAG-AARAL
Naunawaan nyo ba ang teorya ng Opo!
pangangailangan ayon ka Abraham Maslow?
May iba pa ba kayong mga katanungan? Wala na po!

Kung lubos nyong naunawaan ang teorya ng (Maghahati sa limang pangkat ang
pangangailangan magkakaroon tayo tayo nang mag-aaral)
gawain. Hatiin sa 5 pangkat ang inyong klase.
Bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto
upang magkaroon ng “brainstorming”. Bawat
isang grupo ay ipapaliwanag sa pamamagitan ng
“talk show” o panayam kay Abraham Maslow
ayon sa kanyang Teorya ng Pangangailangan na
ipepresenta sa loob ng apat na minuto.

Pangkat 1 – Pangangailangang Pisyolohikal


Pangkat 2 – Pangangailangan ng Seguridad at
Kaligtasan
Pangkat 3 – Pangangailangang Panlipunan
Pangkat 4 – Pagkamit ng Respeto sa sarili at ng
ibang Tao
Pangkat 5 – Kaganapan ng Pagkatao

Pamantayan:
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Wasto ang 30
impormasyong
nakapaloob sa
presentasyon
Organisasyon Maayos ang daloy 20
ng presentasyon
Pagkamalikhain Mahusay, malinis at 10
malikhain ang
paggawa
Presentasyon nang 5 grupo

Pangkat 1 – Pangangailangang
Pisyolohikal
Pangkat 2 – Pangangailangan ng
Seguridad at Kaligtasan
Pangkat 3 – Pangangailangang
Panlipunan
Pangkat 4 – Pagkamit ng Respeto
sa sarili at ng ibang Tao
Pangkat 5 – Kaganapan ng
Pagkatao

Magaling ang inyong inilahad na panayam. Batay


sa aking pamantayan ang nakakuha nang mataas
na puntos ay ang ikalimang grupo.

Tanong:
1. Bilang isang mag-aaral, nasa anong antas ka (Mga posibilidad na sagot nang
na ng baitang ng Teorya ng Pangangailangan? mag-aaral)
2. Ano ang iyong dapat gawin upang marating mo (Mga posibilidad na sagot nang
ang pinakamataas na baitang? mag-aaral)

3.2 Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan (Mga posibilidad na sagot nang
ng pagkakaroon ng tamang desisyon sa mag-aaral)
pagtugon ng pangangailangan?

IV. PAGTATAYA
Sa isang sagutang papel, sagutin ang mga sumusunod:
1. Ibigay ang kahulugan ng pangangailangan?
2. Ano ang ibig sabihin ng kagustuhan?
3. Sino ang nagpanukala ng Teorya ng Pangangailangan?
4-8. Itala ang mga antas ng pangangailangan, magsimula sa pinakamababa.
9-10. Magbigay ng salik na nakakaimpluwensya sa Pangangailangan at
Kagustuhan

V. KASUNDUAN
Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kwaderno.
1. Alamin at itala ang iba’t-ibang salik na nakakaimpluwensya sa
Pangangailangan at Kagustuhan.
2. Basahin ang susunod na aralin sa pahina 50 at sagutan ang panimulang
gawain sa pahina.

Inihanda ni:
Bb. May Lim

You might also like