You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 2


Pangalan:______________________ Antas:____ Kwarter:___Aralin:
4 __
3

Naipaliliwanag na ang mga karapatang tinatamasa ay may


katumbas na tungkulin bilang kasapi ng komunidad. (2 linggo)
AP2PKK – IVg-j-6
Ang mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga tungkulin sa sarili at pamilya;
2. nauunawaan ang epekto sa komunidad ng pagtupad at
hindi pagtupad sa mga tungkulin sa sarili at pamilya; at
3. nakabubuo ng reflection paper tungkol sa mga tungkulin
sa sarili at pamilya bilang katumbas ng mga karapatang
tinatamasa.

Sa mga nakaraang aralin ay napag-aralan na ang mga


serbisyong ibinibigay ng bawat kasapi ng komunidad. Ang mga ito
ay inilalaan upang matugunan ang mga karapatan ng bawat
mamamayan lalo’t higit ng mga bata. Natalakay na din ang
tungkol sa iba’t ibang karapatan ng mga bata na dapat nilang
tinatamasa.

Sinasabing ang karapatan ay may kaakibat na


responsibilidad. Nangangahulugan na kahit ang karapatan ng
mga bata ay may katumbas din na mga tungkulin na dapat nilang

1
gampanan. Inaasahan na sa bawat pagtamasa nila ng kanilang
mga karapatan at pagtupad sa kanilang mga tungkulin ay lalaki
silang mabubuti at kapaki-pakinabang na mamamayan, hindi
lamang sa sarili kundi maging sa kanilang pamilya at komunidad.

Basahin ang nilalaman ng pahina 194 hanggang 217 ng


Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 2 para sa
karagdagang kaalaman.

Gawain 1A - Mundo Ko Bilang Bata


Panuto: Suriin ang mga karapatang ipinakikita sa larawan. Tukuyin
ang kaakibat na tungkulin ng mga karapatang ito mula sa
paso ng pagpipilian. Isulat sa patlang ang titilk ng iyong
sagot.

_____ 1. _____ 2.

_____ 3. _____ 4.

_____ 5.

Ang mga larawan ay mula sa


www.lrmds.deped.gov.ph

2
tungkuling tungkuling iwasan
mahalin, igalang, ang mga pagkaing
at sundin ang mga nakakasama sa
magulang kalusugan

tungkuling limitahan ang tungkuling suriin at


oras sa paglilibang at piliin ang mga
sumunod sa heath impormasyong
protocols tulad ng
kapupulutan ng
pananatili sa loob ng
mabubuting aral
bahay

tungkuling
pangalagaan at
ilayo ang sarili sa
kapahamakan

3
Gawain 1B - Tungkulin Ko, Alam Ko
Panuto: Tukuyin mula sa mga pahayag na nasa kanang bahagi
ang mga tungkulin at mga maling tungkulin ng mga bata sa
pamamagitan ng pagguhit ng linya.

Panatilihin ang kalinisan


ng katawan.

Tungkulin
ng mga
Bata Pagpuyatan ang
paglalaro sa gadget.

Kumain lamang tuwing


nakakaramdam ng
gutom.

Maling
Magpaalam sa magulang o
Tungkulin nakatatandang miyembro ng
pamilya kung lalabas
ng bahay.

Hayaang nakabukas ang


gripo tuwing nagsisipilyo.

4
Gawain 2 – EpekTUNGKULIN
Panuto: Mula sa mga saranggola ay piliin ang tamang salita na
bubuo sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang
na makikita sa bawat aytem.

nagkasakit inspirasyon doktor

pakikipagkapwa aktibo

1. Pangarap ni Nena na maging _____________ sa kanilang


barangay kung kaya’t nag-aaral siya nang mabuti kahit
nasa distance learning.

2. Pinapayagan ni Mang Jose na makipagkaibigan at


makipaglaro ang kaniyang mga anak sa ibang mga bata
nang matutuhan nila ang __________________________.

3. Ang ulilang inampon at minahal ng mag-asawang Cruz ay


______________ ngayong tumutulong sa mga programa ng
barangay.

4. Hinahangaan at _____________ si Maria sa kanilang barangay


dahil sa kaniyang pagiging masipag at matapat.

5. Inutusan ni Aling Merly ang mga anak na itapon ang mga


tubig mula sa mga gulong na nasa bakuran nila ngunit hindi
nila ito sinunod. Pagkaraan ng dalawang linggo ay may
________________________ ng dengue sa kanilang lugar.

5
Gawain 3 – Reflection Time!
Panuto: Panuto: Sa isang malinis na papel ay ipahayag ang
iyong natutuhan, karanasan at napagnilayan bilang
repleksiyon. Gamitin bilang gabay ang mga tanong sa
ibaba at ang rubrik sa pagpupuntos sa iyong gagawin.

Mga gabay na tanong:


a. Bukod sa napag-aralan, ano pa ang alam mong tungkulin
sa iyong sarili at sa iyong pamilya na kaya at dapat mong
gampanan?
b. Bakit mahalagang gampanan mo ang iyong mga tungkulin
sa sarili at sa iyong pamilya?

Nakuhang
PAMANTAYAN
KRAYTIRYA Puntos
5 3 1
Nilalaman ng Nasagot ang Nasagot ang Nasagot ang mga
Reflection lahat ng tanong isa sa mga tanong ngunit
Paper tanong hindi angkop ang
mga naging sagot
Kalinawan Malinaw ang May mga Hindi maunawaan
ng natapos mensahe at nauunawaan ang natapos na
na gawain madaling sa isinulat gawain
naunawaan ang
reflection paper

Kaayusan ng Maayos ang May kaayusan Walang kaayusan


ideya at pagkakalahad ang mga ang mga ideya ng
gramatika ng mga ideya at ideya ngunit natapos na
tama ang mga may maling gawain
salita at bantas salita at bantas
na ginamit na ginamit

KABUUANG PUNTOS NA NAKUHA

6
Repleksiyon:
Panuto: Piliin mula sa nakapaloob na mga salitang nasa unahan
ng bawat pangungusap ang naging karanasan mo sa pag-
aaral at pagsagot ng mga gawain sa aralin. Salungguhitan
ito at isulat sa patlang kung bakit.

(Nadalian/Nahirapan) akong unawain ang aralin dahil sa


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______________________________________________.

(Nasagutan ko/Hindi ko nasagutan) ang mga gawain sapagkat


may ___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________________________________.

a. Department of Education. Araling Panlipunan 2- Kagamitan


ng Mag-aaral, pahina 194-217
b. “LR Portal.” n.d. Deped LR Portal. Accessed May 10, 2021.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7790.
c. “LR Portal.” n.d. Deped LR Portal. Accessed May 10, 2021.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/13212.
d. 2021. Deped.gov.ph. 2021.
http://lrmds.deped.gov.ph/media/cache/my_thumb/media
_resources/52b2978b9a3f8.png.

7
e. 2021. Deped.gov.ph. 2021.
http://lrmds.deped.gov.ph/media/cache/my_thumb/media
_resources/529e97bbc4275.png.
f. 2021. Deped.gov.ph. 2021.
http://lrmds.deped.gov.ph/media/cache/my_thumb/media
_resources/529ea09ebedef.png.
g. 2021. Deped.gov.ph. 2021.
http://lrmds.deped.gov.ph/media/cache/my_thumb/media
_resources/52ea1146a547a.png.
h. 2021. Deped.gov.ph. 2021.
http://lrmds.deped.gov.ph/media/cache/my_thumb/media
_resources/52de0e271ab45.jpeg.

Inihanda ni:

FREDA MARIE P. CRISTOBAL, T/1


Pili Central School, Pili East District

JENNELYN S. CEDRON
Public Schools District Supervisor

8
Gawain 1A - Mundo Ko Bilang Bata
1. C 2. E 3. D 4. B 5. A

Gawain 1B - Tungkulin Ko, Alam Ko

Gawain 2 - EpekTUNGKULIN
1. doktor
2. pakikipagkapwa
3. aktibo
4. inspirasyon
5. nagkasakit

Gawain 3 - Reflection Time!


Gamitin ang rubrik sa pagbibigay ng puntos sa natapos na
gawain ng bata

*ANG SUSI NG PAGWAWASTO AY PARA SA PAGWAWASTO NG


GURO

You might also like