You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo
Nakikiisa ako sa aking Pamayanan!

I. Panimula
May kasabihan na “Walang Nagtatagumpay nang Mag-isa,
Kailangan Mo ng Kasama.” Ipinapahayag dito na kailangan ng
tulong ng bawat isa sa atin, dahil walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang.
May mga suliranin ang bawat indibidwal na dapat
pagtuunan ng pansin at dapat masolusyonan ng ating
pamayanan. Bilang isang mamamayan dapat mong alamin ang
mga isyu na ito upang malaman kung paano ka makatutulong.
Ang pakikiisa sa mga isyu ng pamayanan ay pagpapakita
lamang nang pagmamalasakit at pagmamahal sa iyong kapuwa.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naipapaabot ang mga mungkahi upang masolusyonan at
mapagtuunan ng pansin ang mga isyung nakaaapekto sa
pamayanan.
Koda: HGS-IVf-7
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga solusyon sa mga isyu na nakaaapekto sa
pamayanan; at
2. naisasagawa ang mga pagtugon sa mga isyu ng isang
komunidad.

IV. Pagtalakay ( Basahin ang kuwento sa gabay ng magulang o guro)


Ang Programa ni Gng. Lara
Ni: Laura G. Del Rosario

Sa isang liblib na lugar sa bayan ng Victoria, Si Gng. Lara ay


nagtuturo sa elementarya. Sa kanyang paglalagi sa lugar ay
marami siyang natuklasan. Isa na nga rito ay matinding kahirapang
dinaranas ng maraming pamilya sa lugar.
Sa murang edad ng mga bata, kailangan nilang
magtrabaho upang tumulong sa kanilang mga magulang na
magkaroon ng pantustos sa mga pangunahing pangangailangan,
kabilang na ang mga pangangailangan sa kanilang pag-aaral.
Naantig ang puso ni Gng. Lara sa sitwasyon ng kanilang mga
mag-aaral. Dahil dito, gumawa siya ng isang programa na may
layuning magbahagi ng konting tulong para sa mag-aaral at
pamilya.
Naghanap si Gng. Lara ng mga sponsor. Maraming mga
kaibigan at kamag-anak ang sumuporta sa kaniyang proyekto na
“Giving Gifts Program.”
Sa pamamagitan ng programang ito, maraming mga bata
at pamilya ang nabahaginan ng school supplies, health kits,
grocery items, lumang damit at may bagong tsinelas pa. Marami
ang nagalak sa mga simpleng regalong natanggap nila.
“Ang sarap sa pakiramdam ang makatulong,” sambit ni Gng.
Lara.

2
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino si Gng. Lara sa kuwento? ________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang natuklasan ni Gng. Lara sa paaralan na kaniyang


pinagtuturuan? ________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano ang ginawang hakbang ng guro upang masolusyonan ang


suliranin? __________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Anong programa ang inilunsad ng guro upang matugunan sa


simpleng paraan ang pangangailangan ng mag-aaral? _________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Ano ang katangiang taglay ng guro na si Gng. Lara sa kuwento?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang
ay kailangan)
A.1 Panuto: Suriin ang bawat programa. Tukuyin kung ito ay
nakatutulong sa pamayanan. Lagyan ng tsek (/) sa tamang
hanay.
Hindi
Mga Programa Nakakatulong
nakakatulong

1. “Gift Giving”

3
2. “Tapat ko, Linis ko”

3. “Clean as you Go”

4. “Feeding Program”

5. “ Basura Mo, Ayusin Mo”

A. 2 Panuto: Tukuyin kung ang bawat sitwasyon ay nagpapahayag


ng pakikiisa sa mga programang nangangalaga sa kapaligiran.
Iguhit ang puso sa patlang kung opo at ekis kung hindi po.
__________ 1. Ang inyong kapitbahay ay nagtatapon ng patay na
hayop sa ilog.
__________ 2. Hindi sumusunod sa health protocols ang iyong mga
kapitbahay.
__________ 3. Nagtatanim ng mga puno at halaman sa paligid.
__________ 4. Nireresiklo ang mga basura sa paaralan.
__________ 5. Nagsusunog ng plastic.

Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang


ay kailangan)

B.1 Panuto: Gumuhit o magdikit ng larawan ng mga programang


ipinatutupad sa inyong paaralan o pamayanan na iyong
nasalihan.

4
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan

Naisagawa nang malinis at maayos. Bata ang may gawa. 5

Maayos na naisagawa ngunit hindi malinis. Bata ang may gawa. 3


Naisagawa nang malinis at maayos ang islogan. Hindi bata ang may gawa. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Basahin at isaulo ang pangako sa loob ng kahon.


Bigkasin ang pangako sa harap ng guro o magulang.

Ang aking Pangako


Ako si ________________________________________
nangangakong makikiisa ng buong puso sa mga programang
ilulunsad ng aking komunidad para sa ikabubuti ng lahat.

____________________ ___________________
Lagda ng bata Lagda ng magulang

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan
Nasagot lahat ang patlang ng tamang sagot. Nabigkas ng tama at maayos
5
ang Pangako. Bata ang may gawa.
Nasagot lahat ang patlang ng tamang sagot. Hindi masyadong nabigkas ng
3
tama at maayos ang Pangako. Bata ang may gawa.
Nasagot lahat ang patlang ng tamang sagot. Hindi nabigkas ng tama at
1
maayos ang Pangako. Bata ang may gawa.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
__________1. Pagdalo sa fun run.
__________2. Huwag sumunod sa alituntunin ng pamayanan.
__________3. Makilahok sa mga programang pangkalinisan bilang
pagsuporta.
__________4. Sundin ang ipinagbabawal sa pamayanan, tanda ng
pakikiisa sa mga programa.

5
__________5. Hindi muna ako makikisali sa mga programa dahil
bata pa ako.

VII. Pangwakas
Panuto: Ibahagi ang iyong natutunan sa modyul na ito.
Sa araling ito natutuhan ko ang ____________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

IX. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12
S.Y. 2020-2021.
IX. Susi sa Pagwawasto
Gawain # 1 Gawain # 2
5. 4. 3. 2. A.2 1.
iba ang sagot
A.1 nakakatulong lahat ang tamang sagot B.1 & B. 2. Maaaring magkaka-

Pagsusulit
MALI 5.
TAMA 4.
TAMA 3.
MALI 2.
TAMA 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto
Manunulat: Laura G. Del Rosario
Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagapagsuri ng Nilalaman: Melchora E. Aduca
Ruby Ann C. Soliven
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like