You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo
Ako Bilang Isang Mabuting Kapuwa!

I. Panimula:
Bukod sa iyong pamilya at kaibigan nariyan din ang tinatawag
na kapuwa. Sila ang mga taong kailangan din ng pagmamahal at
paggalang mula sa ibang tao.
Sa araling ito kailangang maipamalas mo ang iyong
pagmamahal, paggalang at pagiging makatarungan sa iba. Ano
ba ang pagiging makatarungan sa iba? Bakit mahalaga na ang
batang tulad mo ay magtaglay ng katangian ito?
Halina at alamin natin.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Naipapakita ang pagkamakatarungan sa iba.
Koda: HGS-IVe-5
2. Naipamamalas ang kakayahan sa pakikipagkapuwa at sa
pamayanan na may paggalang at pagmamahal.
Koda: HGS-IVe-6
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga kakayahan sa pakikipagkapuwa; at
2. maipakikita ang pagiging makatarungan sa iba.

IV. Pagtalakay
(Basahin ang dayalogo sa patnubay ng magulang pagkatapos sagutin ang
mga tanong.)

Piliin ang Tama


Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Ang magkaibigang Dan at Ben ay laging magkasama at


magkasundo sa lahat ng bagay, parang magkapatid na ang
turingan ng bawat isa. Sa pagpasok at pag-uwi ng paaralan ay
laging naghihintayan. Isang umaga sa kanilang paaralan.
Ben: Dan ang kapatid mo nakikipag-away sa kapatid ko, naku! Ano
kaya ang nagyari? Nilapitan nila ang kanilang kapatid.
Ben: Carl bakit kayo nag-aaway?
Carl: Kasi kuya tinulak niya ako kaya ako nadapa.
Bart: Kasi naman sinipa mo ang tsinelas ko.
Ben: Para maayos ito Dan dapat nating ipaalam sa ating guro.
Carl: Tama ka Dan.
Dinala nina Dan at Ben ang kanilang kapatid sa kanilang guro
upang ipaalam ang buong pangyayari, sa tulong ng kanilang guro
ay naayos at napagbati ang dalawa.
Guro: Hinahangaan ko kayo Dan at Ben sa inyong ginawa, dahil
pinili ninyong maayos ang gulo ng inyong mga kapatid.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang matalik na magkaibigan sa kwento?
a. Dan at Ben b. Dan at Carl c. Dan at Bart

2
2. Ano ang dahilan ng pag-aaway nina Bart at Carl?
a. dahil kinain ni Carl ang pagkain ni Bart
b. dahil sinipa ni Carl ang tsinelas ni Bart
c. dahil sinuntok ni Carl si Bart

3. Ano ang ginawa nina Dan at Ben para maayos ang gulo?
a. nagsuntukan din ang dalawa
b. sumali ang dalawa sa away ng kanilang kapatid
c. dinala ang mga kapatid sa guro upang maayos ang gulo

4. Naipakita ba nina Dan at Ben ang pagiging makatarungan sa


kuwento? Paano?
a. Opo, dahil pinili ng nilang ipaalam sa guro ang nangyari
b. Opo, dahil pinili nilang ipagsawalang-bahala ang nangyari
c. Opo, dahil pinili nilang magkampi-kampihan at lalong mag-
away.

5. Tama ba ang ginawa ng magkaibigan? Bakit?


a. Hindi po, dahil naistorbo pa ang guro
b. Siguro po, dahil naayos naman nila ang gulo
c. Opo, dahil naipakita nila na wala silang kinakampihan

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang ay kailangan)

A.1 Panuto: Iguhit ang puso sa kahon kung ang pahayag ay


tungkol sa paggalang sa kapuwa at masayang mukha naman
kung pagmamahal sa kapuwa.

1. Pagsagot ng po at opo.

2. Pagmamano sa nakatatanda.

3. Pagtulong sa mga nasunugan.

4. Pagbabahagi ng lumang damit sa iba.

5. Pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.

3
A. 2 Panuto: Lagyan ng tsek / ang patlang kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng pagkamakatarungan sa iba at ekis X naman kung
hindi.
__________1. Nagalit agad ang tatay ni Isko ng hindi alam ang
dahilan.
__________2. Kinampihan ni nanay si bunso kahit siya ang may
kasalanan.
__________3. Inalam ng punong-guro ang buong pangyayari bago
ito nagdesisyon.
__________4. Ipinatawag ng guro ang mga magulang ng mga
batang sangkot sa gulo.
__________5. Nagharap ang dalawang nag-away upang alamin
ang buong katotohanan sa nangyari.

Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang


aykinakailangan)

B.1 Panuto: Gawing islogan ang mga katagang “Ako Bilang Isang
Mabuting Kapuwa!” Gawin ito sa malinis na bond paper.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan
Maayos at malinis ang gawa. Bata ang may gawa. 5
Hindi masyadong maayos at malinis ang gawa. Bata ang may gawa. 3
Maayos at malinis ang gawa. Hindi bata ang may gawa. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Kumpletuhin ang pangako. Piliin sa loob ng kahon ang


tamang salita sa bawat patlang. Bigkasin o basahin ang pangako
sa harap ng magulang o guro.
Ang Aking Pangako
Ako si (Pangalan)___________________________________________
nangangakong (1)____________________ at (2)_____________________
ko ang aking kapuwa.

4
Uugaliin ko din ang magsaliksik bago (3)___________________ ng
aking (4)____________________ upang maging (5)___________________
sa pagdedesisyon.

patas kapuwa manghusga


igagalang mamahalin

UBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


ISKOR
Pamantayan
Nasagot ng tama at nabigkas nang maayos ang pangako 5
Nasagot ng tama at hindi nabigkas nang maayos ang pangako 3
Nasagot ng tama ngunit hindi nabasa ang pangako. 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali
naman kung hindi.
__________1. Ang pagiging makatarungan ay pagiging patas.
__________2. Matutong magsaliksik bago husgahan ang kapuwa.
__________3. Pakitaan ng pangit na ugali ang mga hindi kilalang tao.
__________4. Ang paggalang at pagmamahal sa kapuwa ay hindi
mabuting gawain.
__________5. Dapat munang alamin ang panig ng bawat isa bago
gumawa ng desisyon.

VII. Pangwakas
Panuto: Ibahagi ang natutuhan mo sa araling ito. Sumulat ng isang
repleksiyon ukol dito.
Sa araling ito natutuhan ko ang ___________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5
VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.
2020-2021.

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain # 1 Gawain # 2
5.patas
3. maghusga 4.kapuwa
5. / A.2 1. X 2. X 3. / 4. / B.2. 1. Igagalang 2. Mamahalin
B.1 at
5. 4. 3. 2. A.1 1.

Pagsusulit Pangwakas

Maaaring magkakaiba ang sagot


ng mga bata
tama 5. mali 4.

mali 3. tama tama 2. 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like