You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ______________________ Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo
Manatiling Matatag sa Kabila ng Lahat

I. Panimula
Ano ba ang karanasan? Ang karanasan ay mga sitwasyon o
pangyayari na ating naranasan sa nakalipas. May mga karanasan
na nagdudulot ng mabuti sa isang tao, meron din namang
karanasan na minsan ayaw mo nang maalala dahil sa nagbunga
ito ng hindi maganda.
Ngunit sa iba ang karanasan o nararanasan nila ay ang
nagiging dahilan upang maging matatag sa mga pagsubok.
tandaan na sa sa kabila ng pagsubok na ating nararanasan ay
hindi tayo iiwan ng ating Diyos. Kailangan lamang nating maging
malakas, matapang at matatag.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naibabahagi ang sariling karanasan na natutuhan mula sa
pamilya na makakatulong sa kanyang pag-unlad.
Koda: HGA-IIc-3
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. makatutukoy ng karanasan na makatutulong upang maging
matatag, at
2. magagamit ang mga karanasan upang mapaunlad ang sarili.

IV. Pagtalakay
Ang hamon ng pandemya na ating nararanasan ngayon ay
maituturing na isang karanasan na hindi malilimutan kailanman.
Ano ang iyong naranasan o nararanasan ngayong panahon
ng pandemya? Maaaring kapareho sa iba ang inyong kuwento
maaari din namang hindi. Ang mahalaga tayo ay pinapatibay ng
panahon upang labanan ang pagsubok na kinakaharap, hindi
lang ng iyong pamilya kundi ng buong bansa.
(Basahin ang kwento sa gabay ng magulang at sagutin ang tanong sa ibaba.)

Ang Aking Pamilya sa Gitna ng Pandemya


Isinulat ni Gng. Laura G. Del Rosario

Ako si Sam. Pitong taong gulang. Ako ay nasa unang baitang.


Nag-iisang anak ng aking mga magulang.
Masaya ang aking pamilya ng biglang dumating ang isang
pandemya. Ito ay ang Corona Virus o covid 19, isang sakit na
madaling makahawa at nakamamatay. Kayat ang buong mundo
ay pinag-iingat dahil sa sakit na ito. Nagbago ang takbo ng
pamumuhay ng aming pamilya, kung dati ay nakikipaglaro ako sa
labas kasama ng aking mga kaibigan, nakakapagsimba upang
magpasalamat sa mga biyayang pinagkaloob at nakakapasok sa
paaralan ngayon ay hindi na.
Sila nanay at tatay ay sa bahay na rin nagtatrabaho. Tuwing
lalabas ng bahay kailangan mong sumunod sa mga safety

2
protocols tulad ng pagsuot ng facemask at faceshield, madalas
na paghuhugas ng kamay, makipag-usap ng isang metro ang layo
upang maproteksyunan ang iyong sarili at para sa kaligtasan ng
iyong pamilya banta ng corona virus.
Marami ang nagbago sa aming pamumuhay dulot ng
pandemya ngunit kailanman hindi kami sumuko bagkus naging
positibo sa pagharap ng pagsubok dahil umaasa kami na ang
lahat ay may katapusan. Manalig ka lang at maging matatag.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Tungkol saan ang kuwento? _________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? ____________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang ginawa ng pamilya ni Sam upang malampasan ang
pagsubok? ____________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain ( Patnubay at gabay ng magulang
kinakailangan )
A. 1 Panuto: Iguhit ang puso ( ) sa patlang kung ang sitwasyon
ay nagpapahayag ng positibong karanasan, ekis ( X ) naman kung
hindi.
__________1. Naging matatag ang aming pamilya sa panahon ng
pandemya.

3
__________2. Masayang tinanggap ni Bea ang kaniyang pagkatalo
sa paligsahan.
__________3. Nagalit si Alfred sa tatay dahil hindi ito nakarating sa
kaniyang kaarawan.
__________4. Malungkot si Nicole dahil hindi siya pinayagan
maglaro ng kaniyang nanay.
__________5. Hindi nagpatalo ang pamilya ni Juliene sa pagsubok
na dumating sa kanilang pamilya.

A. 2 Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang sitwasyon kung ang karanasan


ay nagpapakita ng katatagan at ekis (X) naman kung hindi.
__________1. Nawalan ng trabaho si itay dahil sa pandemya.
__________2. Nalungkot ako nang namatay ang alaga kong aso.
__________3. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak tuwing
LInggo.
__________4. Marami akong natanggap na regalo noong aking
kaarawan.
__________5. Nanalo si Althea sa paligsahan ng pag-awit sa
kanilang barangay.

Gawain 2. Gawaing Pagganap ( Patnubay at gabay ng magulang


kinakailangan )
B.1 Panuto: Interbyuhin ang iyong mga magulang. Gamitin ang
mga gabay na tanong sa ibaba.
1. Anong karanasan ang hindi malilimutan sa panahon ng
pandemya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4
2. Paano nalampasan ng pamilya ang hamon ng pandemya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan

Malinaw na nasagot ang mga tanong. Bata ang may gawa. 5

Hindi masyadong malinaw ang mga kasagutan sa tanong. Bata ang may gawa. 3

Malinaw ang mga kasagutan sa tanong. Hindi bata ang may gawa. 1

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Sumulat ng maikling panalangin para sa bansa.


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan

Akma ang panalangin sa paksang hinihingi. Sariling gawa ng bata. 5

Akma ang panalangin sa paksang hinihingi. Hindi gawa ng bata. 3

Akma ang panalangin sa paksang hinihingi. Hindi gawa ng bata.

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para
sa gawain.)

5
VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung dapat taglayin ang
pahayag at MALI naman kung hindi.
__________1. Iyakan na lamang ang mga problema.
__________2. Magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya.
__________3. Tanggapin ng buong puso ang pagkatalo.
__________4. Maging matatag sa gitna nang pagsubok.
__________5. Magmukmok kung hindi nakuha ang gusto.

VII. Pangwakas
Panuto: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa pahayag. ( 5 puntos )
1. Ano ang iyong karanasan na hindi mo malilimutan? _________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang gagawin mo upang mapaunlad ito?_________________


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.
2020-2021.
Department of Education. Homeroom Guidance Grade 1 Self-
learning Module 3: It Feels Good. Manila: Department of Education
Central Office, 2020

6
IX. Susi sa Pagwawasto
Gawain # 1 Gawain # 2

A 5.
A 4.
B 3. iba ang sagot
B 2. B.1 at B.2. Maaaring magkaka-
B 1. A. 2
3. X 4. X 5. 2. A.1 1.

Pagsusulit Pangwakas
MALI 5.
TAMA 4.
TAMA 3.
TAMA 2.
MALI 1. ang sagot
iba Maaaring magkaka-

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagapagsuri ng Nilalaman: Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela S. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like