You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikaapat na Markahan – Ikalimang Linggo
Suliranin at Sanhi

I. Panimula
Natutukoy mo ba ang mga suliranin na iyong nararanasan?
Nalalaman mo ba ang mga sanhi nito? Sa araling ito tatalakayin
ang mga ibat-ibang suliranin na nararanasan ng isang indibidwal.
Mahalaga na matukoy ang mga sanhi ng mga suliranin na
ating nararanasan upang malaman kung paano natin ito
mabibigyan ng solusyon.
Handa ka na ba? Kung ganun simulan na natin.

II. Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng suliranin at mga sanhi nito
na nararanasan ng isang indibidwal.
Koda: HGS-IVg-8

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga suliranin ng isang indibidwal at mga sanhi
nito.
IV. Pagtalakay (Patnubay at gabay ng magulang ay kailangan)
Ang Magkaibigang Samantha at Sophia
Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Ang magkaibigang Sophia at Samantha ay mahilig sa


pagsayaw. Libangan nila ang pagsasayaw. Isang araw nag-
anunsyo ang kanilang guro na magkakaroon ng paligsahan sa
pagsayaw sa kanilang paaralan sa darating na Biyernes. Sumali
sina Sophia at Samantha. Laging nag-eensayo ang dalawa para
sa kanilang presentation dahil nais nilang manalo.
Nasasabik ang dalawa sa araw ng paligsahan. Pagsapit ng
araw ng Biyernes, masaya sila ngunit kinakabahan. Natapos na
ang presentation ni Sophia at bumilib ang mga hurado sa kaniyang
husay sa pagsayaw. Tinawag naman si Samantha upang
magpakita ng kaniyang husay. Natuwa din ang mga hurado sa
kaniya. Patapos na sana ang kaniyang presentation ng bigla
siyang napaupo at hindi na natapos ang sayaw. Naiyak si
Samantha at nalungkot din si Sophia para sa kaniyang kaibigan. “
Siguradong hindi na ako mananalo”, wika ni Samantha sa
kaibigan. “Huwag ka nang malungkot sigurado akong marami
pang paligsahan tayong masasalihan”, wika naman ni Sophia.
Dahil sa husay na ipinakita ni Sophia siya ang itinanghal na
nanalo. Ipinakita ni Samantha kay Sophia na masaya siya para sa
kaniyang kaibigan.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang matalik na magkaibigan sa kwento?
a. Samantha at Sophia b. Sam at Sop c. Samy at Sophy

2
2. Ano ang kinahihiligan nilang gawin?
a. mahilig sila sa pag-awit
b. mahilig sila sa pagguhit
c. mahilig sila sa pagsayaw

3. Ano ang sanhi ng pag-iyak at pagkatalo ni Samantha?


a. dahil siya ay napaupo habang sumasayaw
b. dahil siya ay natapilok habang sumasayaw
c. dahil siya ay nadapa habang sumasayaw

4. Ano ang naramdaman ni Sophia para kay Samantha?


a. siya ay masaya dahil matatalo na siya
b. siya ay nalungkot para sa kaniyang kaibigan
c. siya ay lihim na natawa sa nangyari sa kaibigan

5. Ano naman ang naramdaman ni Samantha sa pagkapanalo ni


Sophia?
a. siya ay lihim na naiinggit sa kaibigan
b. siya ay masaya para sa kaniyang kaibigan
c. siya ay nalungkot para sa kaniyang kaibigan

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain (Patnubay at gabay ng magulang
ay kailangan)
A.1. Panuto: Iguhit sa patlang ang tsek / kung ang pangungusap
ay isang suliranin at ekis X naman kung hindi.
_________1. Mababa ang markang nakuha ni Veron sa kaniyang
pagsusulit.
_________2. Dumalo sina Lea at Mio sa kaarawan ni Cassy.
_________3. Natalo si Nicole sa paligsahan ng pag-awit.
_________4. Nabasa ang aklat ni John Paul.
_________5. Masaya si Althea.

3
A. 2 Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Mababa ang markang nakuha ni Lita sa pagsusulit dahil hindi
siya nag-aral. Bakit kaya nakakuha ng mababang marka si Lita?
a. dahil nag-aral ng mabuti si Lito
b. dahil hindi nag-aral ng mabuti si Lita
c. wala sa nabanggit ang tamang sagot
2. Natalo sa paligsahan sa pagtula si Mila kaya siya umiiyak. Ano
ang sanhi ng pag-iyak ni Mila?
a. natalo sa paligsahan sa pagtula si Mila
b. nanalo sa paligsahan sa pagtula si Mila
c. lahat ng nabanggit ay tamang sagot
3. Umiiyak na umuwi ng bahay si Kath dahil na-bully siya ng
kaniyang kamag-aral. Bakit umiiyak si Kath?
a. sinuntok siya ng kamag-aral
b. nadapa si Kath
c. na-bully si Kath
4. Masakit ang tiyan ni Resty dahil sa kinain niyang mangga. Bakit
sumakit ang tiyan ni Resty?
a. dahil sa kinain niyang buko
b. dahil sa kinain niyang mangga
c. dahil sa kinain niyang bayabas
5. Napagsabihan si Mira ng guro dahil nagmura ito. Bakit
napagsabihan si Mira?
a. dahil umawit ito
b. dahil nagmura ito
c. dahil nakipag-away ito

4
Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang
ay kailangan)
B.1 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon.
1. Nagalit si Miko dahil tinago ang kaniyang lapis ng kaklaseng si
Jonathan. Bakit nagalit si Miko?__________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Nawala ang pera ni Eliza sa loob ng silid-aralan pinagbintangan
niya ang kaniyang katabi dahil dito nagsumbong sa guro ang
kaniyang kaklase. Bakit nagsumbong sa guro ang kaklase ni Eliza?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan
Nasagot ng tama. Bata ang may gawa 5
Hindi nailahad ng tama ang sagot ngunit bata ang may gawa. 3
Nailahad ang tamang sagot ngunit hindi bata ang gumawa 1
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.

B.2 Panuto: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga tanong

Magbigay ng isang Isulat ang sanhi ng suliranin


halimbawa ng suliranin na na iyong naranasan.
iyong naranasan.

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan
Maayos na nakasunod sa panuto. Nakasulat ng konsepto na akma sa aralin.
5
Bata ang may gawa.
Maayos na nakasunod sa panuto. Nakasulat ng konsepto ngunit di akma sa
3
aralin. Bata ang may gawa.
Maayos na nakasunod sa panuto. Nakasulat ng konsepto na akma sa aralin
1
ngunit hindi bata ang may gawa.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga suliranin sa bawat bilang. Tukuyin ang
maaring sanhi nito. Piliin ang titik ng tamang sagot sa patlang.
__________ 1. Napagalitan ka ni nanay.
__________ 2. Nasunog ang niluluto mong kanin.
__________ 3. Nahuli ka sa pagpasok sa paaralan.
__________ 4. Hindi mo nadala ang iyong takdang aralin.
__________ 5. Pagdating sa inyong bahay nalaman mo na kulang
ang sukli na binigay ng tindera.

a. hindi mo nagawa ang utos ni nanay


b. umalis ka ng hindi na binilang ang sukli
c. tinanghali ka ng gising dahil napuyat ka
d. nakalimutan na may sinaing dahil naglalaro sa labas
e. naiwan ang kwaderno dahil nagmamadali sa pagpasok

VII. Pangwakas
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang konseptong natutuhan mo sa araling ito? ____________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

6
________________________________________________________________
2. Paano mo ito maisasabuhay? ________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12
S.Y. 2020-2021.

IX. Susi sa Pagwawasto


Gawain # 1 Gawain # 2
5. B 4. B 3. C 2. A 1. B A.2 B.2. Maaaring magkaka- iba ang sagot

5. X 4. / 3. / 2. X 1. / A.1 B.1. Maaaring magkaka- iba ang sagot

Pagsusulit Pagsusulit
5. B 4. E 3. C 2. D 1. A Maaaring magkaka- iba ang sagot

X. Grupo ng Tagapaglinang
Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Melchora E. Aduca
Ruby Ann C. Soliven
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like