You are on page 1of 7

Daily Paaralan: Baitang : 1

Lesson Plan Guro: Asignatura: EsP


(EsP Petsa at Oras Kwarter:
Elementary) Tatlo,Week 1
ng Pagtuturo:

LAYUNIN
Nakapagpapakita ng ibat ibang paraan ng pagiging masunurin at magalang
A.Pagsagot kaagad kapag tinatawag ng kasapi ng pamilya
B.Pagsunod nang maluwang sa dibdib kapag inuutusan
(EsP1PPP-llla-1)
Kasanayan sa Nakapagpapakita ng ibat ibang paraan ng pagiging
Pagkatuto with code masunurin at magalang
Competency: (EsP1PPP-llla-1)
Batayang Konsepto: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagiging masunurin pagpapanatili ng kaayusan,
kapayapaan at kalinisan sa loob ng tahanan at paaralan.
II. NILALAMAN
A. Paksa Masunurin(Obedience) at
Magalang (Respect) ako
B. Sanggunian MELCs Edukasyon sa Pagpapakatao (TG)
pp.112-115,
Edukasyon sa Pagpapakatao (LM) pp.140-145
C. Kagamitan projector, laptop, manila paper, pentel pen,
D. Estratehiya ng Deductive Method
Pagtuturo
E. Pagninilay mula sa kwentong nabasa.
Pagpapahalagang
Lilinangin
III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
Magandang umaga mga bata, tatalakayin natin
ngayon ang tungkol sa pagiging magalang at masunurin
na bata
Narinig mo na ba ang kwento ng munting gamo-
gamo?
Makinig nang mabuti at alamin kung bakit napahamak
ang munting gamo-gamo .

B. Alamin/Isaisip PROPEL: Pagbabasa ng mga bata sa isang kwento


(Paglalahad/ Ang Munting Gamo-Gamo
Pagtatalakay) Isang araw, magkasama ang mag-inang gamo-gamo sa
(Gawain Ko!) pamamasyal. Nakakita si Munting Gamo-gamo ng liwanag
na nagmumula sa ilawan. Ibig ni Munting Gamo-gamo na
lumapit sa ningas ng ilawan.”Huwag kang lalapit sa ilaw
anak”, ang sabi ng Inang Gamo-Gamo.“Masusunog ang
iyong mga pakpak.Hindi sumunod si Munting Gamo-
Gamo.”Hindi ako natatakot sa ilaw”ang sabi ng mayabang
na si Munting Gamo-Gamo.Noon din ay lumapit si
Munting Gamo-Gamo sa ningas ng ilawan. At nasunog
nga ang kaniyang mga pakpak.
Sagutin ang mga Tanong:
1.Bakit napahamak si Munting Gamo-Gamo?
2.Tulad ka rin ba ni Munting Gamo-Gamo? Bakit?
3. Ano kaya ang mahalagang aral ang natutunan?
4.Kung ikaw si Munting Gamo-Gamo ano ang iyong
gagawin? Bakit?
Ang batang masunurin at magalang ay biyaya ng
Diyos sa magulang. Maituturing na biyaya mula sa
Panginoon ang pagkakaroon ng anak na masunurin
at magalang.
Ang pagiging masunurin at magalang ay mga
kagandahang asal ng mga Filipino. Ang mga ito ay
dapat mong paunlarin at pagyamanin. Paano mo ba
ito maipakikita? Basahin at unawain ang kuwento ng
mga sumusunod na bata.
Sina Hannah at John ay mga masunurin at magalang na
bata na dapat tularan ng mga kabataan.

C.Isagawa
(Pagsasanay/Gawain) Gawain A
(Gawain Natin!) Panuto: Idrowing ang masayang mukha kung
dapat tularan ang mga sumusunod na pahayag.
at malungkot na mukha kung hindi dapat tularan.
_______1. Sundin ang mga payo ng mga magulang upang
hindi mapahamak.
_________2. Umuwi kaagad sa bahay pagkatapos ng klase.
_________3. Sumagot kaagad kapag tinatawag ng lolo at
lola.
_________4. Iwasan ang mga gawaing ipinagbawal ng
magulang.
_________5. Kailangang bigyan ng bayad kapag
inuutusanng
guro.

Gawain B
Panuto: Punan ng mga letra ang mga patlang para
makompleto ang mga pangungusap.
1.Ang b at a n g m _ s _ n _ r _ n at m _ g _ l _ _ g
ay b i y a y a ng Diyos sa m a g u l ang.

2.S_sundin k0 ang tuntunin ng aking p__ a_r__ lan.

D. Isapuso/Isabuhay (Hatiin ang klase sa dalawang pangkat)


(Paglalagom/ Unang Pangkat
Paglalapat) Isulat sa patlang ang letrang D kung ito ay dapat
(Gawain Mo!) gawin ,HD kung Hindi Dapat.
______1. Sinusunod ko ang ipinagagawa sa akin ng aking
magulang nang bukal sa aking puso.
______2. Umiiwas ako kapag alam kong mayroong inuutos
ang aking guro.
_______3. Ako ay nagbibingi-bingihan sa mga paalaala ng
aking nanay.
_______4. Sinasabi ko sa aking guro na iba na lang
ang utusan niya.
_______5. Sumusunod agad ako sa utos ng aking
nanay sa bahay.
Ikalawang Pangkat
Panuto: Lagyan ng tsek ( /) ang patlang kung ang larawan
ay nagpapakita ng paggalang at pagkamasunurin sa
pamilya at kapwa , ekis ( X ) kung hi ndi.

1.______

4._______

2._____

5.______

3.______

RUBRIK ng Pangkatang Gawain


Pangkat Pagtutulungan Pagsunod sa Pagsagot Kabuuan
30% gawain 30 % 40% 100%

Unang
Pangkat
Ikalawang
Pangkat
Ikatlong
Pangkat

Ikatlong Pangkat
Panuto:Idikit ang mga larawan na nagpapakita ng
pagiging masunurin sa paaralan at tahanan. Idikit ang
mga ito sa lood ng kahon.
E. Subukin Natin Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa
patlang ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng paggalang
at pagkamasunurin, MALI kung hindi.
_________1. Huwag susundin lahat ang utos ng
magulang.
_________2. Iniiwasang gawin ang mga bagay na bawal.
_________3. Kailangan pang bigyan ng pera kapag
inuutusan
ng guro.
_________4. Sinusunod agad ang utos ng mga guro.
_________5. Binilin ni nanay na mag aral ng leksyon
ngunit
mas pinili ko ang maglaro sa labas.

IV. PAGTATAYA Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na sitwasyon.


Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1.Pagkatapos ng klase umuwi agad si Maria ng bahay.
Siya
ay nagpapakita ng _________
A. pagkamasunurin
B. pagkamadamot
C. Pagkamagalang

2. Inutusan ka ng iyong nanay na iligpit mo ang nagkalat


na
mga laruan sa sahig.
A. Hindi pakikinggan si Nanay.
B. Sundin agad ang utos ni Nanay.
C. Iutos sa ate ang tugon ni Nanay.

3.Sinabihan ka ng iyong Nanay na linisin ang iyong


pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin?
A. magagalit
B. gawin kaagad ang sinabi ng nanay
C. tatakbo

4.Naglalaro ka kasama ang iyong mga kaibigan. Inutusan


ka
ng iyong tatay na bumili ng sabon sa tindahan. Ano ang
gagawin mo?
A. sundin kaagad ang utos ni Tatay
B. sundin ang utos na nagdadabog- dabog
C.Iiyak ka dahil inutusan ka.

5.Sinabihan ka ng iyong nanay na pakainin ang iyong


alagang aso. Ano ang gagawin mo?
A. Iiyak ka
B. papaluin ang alagang aso
C. gawin ang iniutos ng nanay

V.KASUNDUAN Panuto: Sa loob ng puso, gumupit o gumuhit ng tatlong


/TAKDANG larawan na nagpapakita ng pagiging masunurin sa
ARALIN tahanan at paaralan.

VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation.

Manunulat: Janice B. Villalon


Paaralan: Dumalogdog Elementary School
Distrito: Sindangan South
SUSI sa Pagwawasto: 1. A 2. B 3. B. 4. A. 5. C

You might also like