You are on page 1of 12

PIVOT 4A Lesson Exemplar Using the IDEA Instructional Process

Learning Area ESP


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Lucena West IV Elem. School Baitang ESP 5


TALA SA
PAGTUTURO Guro DIANAG. OBLEA Antas Ikalima
Petsa September 2020 Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Araw 1 Araw

I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A.Pamantayang Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng


Pangnilalaman mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
B.Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung ano ang
Pagganap dapat at di-dapat
D.Pinakamahalagang . 1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga:
Kasanayan sa 1.1. balitang napakinggan
Pagkatuto 1.2. patalastas na nabasa/narinig
(MELC) 1.3. napanood na programang pantelebisyon
(kung mayroon, 1.4. nabasa sa internet
isulat ang PT- 13 (MELC / PIVOT4A/ CG)
Pinakamahalagang
kasanayan
sa pagkatuto o
MELC)
E.Pagpapaganang
Kasanayan
(kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan)
.
II. NILALAMAN Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
III. KAGAMITANG
PANTURO
A.Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa MELC ESP 5, Q1, PIVOT BOW R4AQUBEbCurriculum Guide: (p.79)
Gabay ng Guro K to 12 Bagay Pangkurikulum sa Filipino 6, pahina 119
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina Edukasyon sa Pagpapapkatao 5
saTeksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan MISOSA ESP 5. Modyul 1
mula sa Portal
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Modyul 1: ESP 5
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain
sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo upang makatulong sa papaunlad ng
sarling kakayahan. Ang saklaw ng module na ito ay nagtutulot na gamitin sa
maraming iba 't ibang sitwasyon sa pagkatuto. Ang wikang ginamit ay kinikilala
ang iba 't ibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay
nakaayos upang sundin ang pamantayang pagkakasunod-sunod ng kurso.
Ngunit ang pagkakasunod-sunod na ito ay maaaring baguhin upang tumugma
sa aklat na ngayon ay ginagamit.

Ang modyul ay nahahati sa limang aralin, gaya ng sumusunod:


Aralin 1 – Napahahalagahan ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga:
a. balitang napakinggan
b. patalastas na nabasa/narinig
c. napanood na programang pantelebisyon
d. nabasa sa internet

Aralin 2 – Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa


sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napapakinggan at napapanood.

Aralin 3 – Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin


sa pag-aaral.
3.1. pakikinig
3.2. pakikilahok sa pangkatang gawain
3.3. pakikipagtalakayan
3.4. pagtatanong
3.5. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology
tools)
3.6. paggawa ng takdang-aralin
3.7. pagtuturo sa iba

Aralin 4 – Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga


proyektong pampaaralan.

Aralin 5 - Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa


pagtatapos ng gawain.

Aralin 6 - Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling


opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong
may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan.

Aralin 7 - Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa


kalooban gaya ng:
7.1. pagkuha ng pag-aari ng iba
7.2. pangongopya sa oras ng pagsusulit
7.3. pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng
pamilya, at iba pa

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Makapagpakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong
pampaaralan.
Suriin
Ayon sa nabasa mong tula. Sagutin ang sumusunod.

1. Paano mo ilalarawan ang batang lalaki sa tula?


2. Bakit siya minahal ng mga tao?
3. Katulad ka rin ba ng bata sa tula?
4. Bilang isang mag-aaral, paano maipakikita ang matapat na paggawa sa
paaralan.
5. Paano mong isinasabuhay ang pagiging mapagmahal mo sa katotohanan?
Sa anong pagkakataon mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa
katotohanan? Magbigay ng ilang halimbawa.
6. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging matapat sa
iba‟t - ibang mga gawaing pampaaralan.

Halika, samahan mo ako! Magpatuloy tayo sa mas maraming mga gawain


na hahamon sa paraan ng pag-uugnay mo ng ating aralin sa iyong pang-araw-
araw na karanasan.

Sundin mo ang mga tagubilin sa ibaba at paghusayan mo pa.

Layunin : Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin


sa kung ano ang dapat at di-dapat
ESP5KP-Ia-27

B. Pagpapaunlad Subukin
A. Panuto: Iguhit ang simbolo ng thumbs up ( ) kung ang
pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan at
thumbs down ( ) naman kung hindi.

______1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa E.P.P. Agad


mo itong sinabi sa iyong nanay pati ang eksaktong halaga
nito.

______2. Nalimutan ni John na gawin ang kanyang takdang -


aralin sa Matematika. Biglang nagwasto ng kuwarderno si
Bb. Tan, nang tawagin niya si John ay sinabi niyang
naiwan niya ang kanyang takdang - aralin sa bahay.

______3. Si Abby ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil


Government sa kanilang paaralan. Sa mismong araw ng
botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na
siyang gagamitin sa botohan agad - agad ay ibinalik niya
ang mga ito sa gurong taga - pangasiwa.

______4. Si Mang Ron ay nangungupit ng mga labis na kagamitan


mula sa opisina na kanyang pinagtatrabahuhan at agad
na ibinebenta sa labas ang mga kagamitang kanyang
nakuha sa mas mababang halaga.
______5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Gabby
nakatingin man o hindi ang kanyang amo sa oras ng
trabaho.

B. Panuto: Gaano mo kadalas ginawa ang sumusunod?


Sagutin kung Palagi, Minsan o Hindi Kailanman.

_____1. Isinasauli ko ang sobrang sukli.


_____2. Tamang halaga ang ibinabayad ko sa tuwing bibili
ako sa kantina ng aming paaralan.
_____3. Sinasabi ko ang totoong dahilan kapag nahuli ako
sa klase.
_____4. Nagsasabi ako ng totoo sa aking magulang kapag
humihingi ako ng pahintulot na pumunta sa isang
lugar.
_____5. Tumatanggi akong sumali sa isang gawain kapag
sa tingin ko ay hindi iyon kapaki-pakinabang.

Kumusta ang iyong unang pagsusulit? Madali ba?


Maaari mo nang pag-aralan ang aralin 36: Pamilyar na salita at Di Kilalang Salita

Tuklasin
Magsimula na tayo!
Basahin at unawain ang susunod na tula para sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang mga kakayahang dapat mong matutunan.
Panatilihin ang iyong kagalakan hanggang sa pagtatapos ng modyul.
Natitiyak kong sa pagtatapos ng modyul na ito ay magiging matagumpay ka.

Ang Batang Hindi Nagsisinungaling


(Malayang salin ni RG Alcantara mula sa tulang Ingles na The Boy Who Never
Told a Lie ni Isaac Watts)

Minsan, may isang batang lalaki,


Kulot ang buhok at may mga matang masaya palagi,
Isang batang palaging nagsasabi ng totoo,
At hindi kailanman nagsinungaling,
Kapag umalis na siya ng paaralan,
“Ayun pauwi na ang batang may kulot na buhok,
Ang batang hindi kailanman nagsinungaling.”
Kaya nga ba mahal siya ng lahat
Dahil lagi siyang matapat.
Sa araw-araw, at habang lumalaki siya,
May lagi nang nagsasabi, “Ayun na ang matapat na bata.”
At kapag nagtanong ang mga bata sa paligid
Kung ano ang dahilan at bakit,
Palaging ganito ang sagot,
“Dahil hindi siya kailanman nagsinungaling.”
Nais mo bang malaman ang higit pa tungkol dito?
Kaya, mag-ayos at manatiling nakatuon.
Talakayin pa natin ito nang detalyado.

Mahusay! Nabigkas mo ng maayos ang tula. Binabati kita!


Sagutin mo naman ngayon ang mga tanong mula sa binasa
mong tula.

 .

Tandaan mo:
Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng mga idea at
lumutas ng mga suliranin.

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay ang mga malayang pagsasanay upang mapagtibay mo


pa ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maligayang paggawa!
Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!
Siya si Honesto, anak nila G. at Gng. Anastacio Castro. Siya ay
labimpitong taong gulang at kasalukuyang nasa ikalimang baitang ng
Paaralang Elementarya ng Sala sa bayan ng Cabuyao. Si Honesto ay kakaiba
sa karaniwang mga mag -aaral dahil sa murang edad ay kinailangan na niyang
maghanapbuhay upang makatulong sa gastusin ng pamilya. Buong sipag
niyang tinutulungan ang kanyang mga magulang upang maitaguyod ang
pangangailangan nilang magkakapatid. Tunay na siya ay isang mabait at
huwarang anak at kapatid sa para kanyang pamilya.
Isang araw habang si Gng. Anacay ay nagtuturo ay tinawag niya si
Honesto sa harap ng klase. Tila nagulat at natakot ang bata kaya siya ay
nagdalawang isip na tumayo at lumapit sa guro. Hanggang sa siya ay lapitan
na ng guro at malugod na ipinagmalaki at ginawang halimbawa ang mga gawi
na nakasanayang gawin ni Honesto sa paaralan at maging sa kanyang
pinapasukan na trabaho.
Nagsimulang magkuwento si Gng. Anacay. “Alam niyo ba mga bata na
kayo ay mapalad na magkaroon ng isang kamag - aral na kinagigiliwan ng
maraming tao dahil sa kanyang pagiging matapat.” nagbulungan ang mga bata
at tila nagtaka kung sino ang tinutukoy ng guro. “Nakakwentuhan ko si Gng.
Villanueva (Coordinator ng Yes - O Club) noong isang araw, ayon sa kanya
siya daw ay humanga sa ginawa ng isa ninyong kamag - aral. Habang siya ay
abala sa pangungolekta ng mga naipong plastik na boteay nilapitan siya ng
mga bata at nag - alok ng tulong. Agad naman siyang pumayag at tinawag ang
batang ito na aking tinutukoy upang pamunuan ang pagbebenta ng mga
naipong bote para magamit na pondo ng Yes - O Club. Agad naman siyang
tumugon sa aking ipinagawa. Makalipas ang ilang minuto, dala - dala na niya
ang pera na napagbentahan mula sa mga plastik na bote. Agad siyang
inabutan ng guro ng pangmerienda ngunit mabilis na tinanggihan ang alok at
masiyang bumalik sa kanyang klase. Sa hindi kalayuan napansin ni Gng.
Villanueva ang grupo ng mga bata na naiinis na nagkukuwentuhan. “Hmp.
Nakakainis talaga malaki naman ang napagbentahan sa plastik na bote ewan
ba kung bakit ayaw niya pang bawasan.” ang wika ng isa. Agad naman
sumigunda ang isa pang mag - aaral, “Baka sumisipsip lang paano laging liban
sa klase.” Napaisip ng malalim ang guro hinggil sa narinig na usapan ng mga
bata. At agad na ikinatuwa ang pagiging matapat na bata ng kanyang mag -
aaral.
Biglang nagtaas ng kamay si Jocelyn, “Ma,am, Ma,am ako po ba ang
tinutukoy ninyo?” lakas loob na tanong ng bata at umalingawngaw ang
tawanan sa loob ng silid - aralan. Agad na nagpatuloy sa pagkukwento si Gng.
Anacay. “Bilang pagpapatuloy kaninang umaga naman nakasalubong ko
papasok ng paaralan si Mang Max at agad na kinamusta ang batang ito. Sabi
ko naman medyo dumadalas siya sa pagliban sa klase at doon ko
napagalaman na siya pala ay kasalukuyang namamasukan sa construction
upang kumita ng pera at maipangdagdag sa kanilang pangagastos. Naantig
ako sa aking narinig at mas lalo niya pa akong pinahanga sa mga sumunod na
sinabi ni Kuya Max.
“Alam mo ba Gng. Anacay lubos akong nagagalak sa batang iyan,
noong isang araw ay umalis ako ng maaga sa site na pinaggagawan ng aking
bahay. Kinailangan ko kasing dumalo sa miting pambarangay na ipinatawag ni
Kapitan Kiko Alimagno. Ako ay tiwala sa aking mga trabahador ngunit noong
isang araw ay binalikan ko ang mga naganap sa site gamit ang CCTV Camera
na aking inilagay sa hindi kalayuan. Ako ay nabigla sa aking nasaksihan,
noong araw na ako ay dumalo ng miting mga alas - 4:00 hapon. Sa aking pag -
alis pala ay agad ding nag - alisan ang aking mga manggagawa kahit hindi pa
oras ng uwian ng bigla akong may narinig na boses at nagsabing,”mga kasama
maaga pa po alas - 5:00 ang ating uwian higit kumulang isang oras pa po bago
tayo maaaring umuwi,” ang mahinahon na paliwanag ng bata. “Aba!, akala mo
kung sino ka kabago - bago mo ganyan ka.” paangil na sagot ng isa. “Oo nga
atsaka wala naman si Bossm minsan lang naman ito,” dugtong pa ng isa.
“Bahala po kayo basta ako ay uuwi ng tama sa oras iyong itinakda ng may -
ari,” mahinahon ngunit malaman na pagpapaliwanag ng bata.
“Wow! tunay na kahanga - hanga naman talaga siya sa kanyang mga
kilos at gawi.” “Dapat siya ay kinikilala sa flag ceremony upang tularan pa ng
mga batang tulad namin.” “Eh Ma‟am sino po ba ang batang ito na dapat
naming tularan?” makulit na pagtatanong ng mga mag -aaral ni Gng. Anacay.
Dito na ipinagmalaki ng guro sa lahat si Honesto isang batang matapat at
dapat iniidolo ng lahat. Dahil dito ay agad sa mungkahi ng kanyang mga mag -
aara ay agad na ipinatawag ni Gng. Anacay ang mga magulang ni Honesto.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ilarawan si Honesto. Alin sa mga katangian niya ang
nagpapakita ng pagiging matapat?
2. Papaano hinangaan ni Gng. Anacay si Honesto? Isalaysay ito sa klase.
3. Bilang isang indibidwal, paano mo maipapakita ang matapat na
paggawa sa paaralan? Sa lahat ng uri ng paggawa?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging matapat sa
iba‟t - ibang mga gawaing pampaaralan at sa uri ng paggawa.
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makaharap ng guro ang mga magulang
ni Honesto? Magbigay ng sapat na batayan.

Suriin ang iyong sagot, pagkatapos ay magpatuloy ka sa pagsasagot ng


Gawain 1.
Magaling! Huwag kalimutang manatiling nakatuon sa aralin kung nais mong
magkaroon ng mas mahusay na marka.

Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga tanong. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong
sagot.
Mga Tanong: Palagi Paminsan- Hindi
minsan
1. Nagsasabi ba ako ng totoo kahit masaktan
man ang kalooban kung ito ay para sa
kabutihan ng lahat?
2. Nandaraya ba ako sa pagsasagot sa isang
pagsusulit?
3. Iniingatan ko ba at isinasauli nang maayos ang
mga bagay na hiniram ko lamang sa iba?
4. Nagpapaalam ba ako sa may-ari bago ko
kunin o gamitin ang isang bagay na hindi sa
akin?
5. Sinasabi ko ba ng buong katapatan sa aking
mga magulang ang mga ginagawa ko sa
paaralan?

Kung gayon, tingnan muli kung paano ka umunlad.


Binabati kita! Lumipat tayo sa susunod na gawain para lalo ka pang humusay.

Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Kulayan ang larawang
nagpapakita ng pagiging matapat. Ipaliwanag kung
paano ito nagpapakita ng katapatan.

Kumusta? Mahusay!
Ipagpatuloy mo lang ang susunod na gawain.

Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung nagpapahayag ng
pagiging matapat at MALI kung hindi.
_____ 1. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo na
pagtatawanan ka ng ibang tao.
_____ 2. Hindi dapat isinasauli ang bagay na hiniram mo.
_____ 3. Tama lang na angkinin ang papuri para sa isang
proyektong mahusay na ginawa ng iba.
_____ 4. Dapat na isauli sa “Lost and Found” ang bagay na
napulot mo.
_____ 5. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang
isang mahalagag bagay na napulot mo.

Gawain 3
Panuto: Sagutan ang graphic organizer. Magbigay ng sitwasyong
nagpapakita ng pagiging matapat.

______

Matapat
______ ako! ______

______

Masaya ako na malaman na patuloy mong ginagawa ito upang makabisado


ang ating aralin.
Saludo ako sa iyong pasensya at sipag.
Malapit na tayo.

Malayang Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng matapat
na paggawa sa proyektong pampaaralan. Isulat ang
salitang MATAPAT o DI-MATAPAT.

_____ 1. Sumasali sa pagbuo ng plano kung paano ggawin sng


proyekto.
_____ 2. Dinadala mo ang mga gamit ninyo sa bahay para sa
proyekto nang hindi nagpapaalam sa iyong mga
magulang.
_____ 3. Paglalaan ng libreng panahon sa proyekto kapag walang
gaanong pinagkakaabalahan.
_____ 4. Dumadalo sa pagpupulong ng pangkat sa tamang oras.
_____ 5. Ginagawa ang takdang aralin kasabay ng paggawa ng
proyekto.

Sariling pagsusuri muli. Ang galling mo!


Ano ang masasabi mo sa iyong gawain?
Madami ka na bang natutunan?

Gawain 4
Panuto: Lagyan ng ( ) tsek ang patlang kung nagpapahayag ng
katapatan at ( ) kung hindi.
_____ 1. Inaamin ang kasalanang nagawa sa tuwing magkakamali.
_____ 2. Iniiwasan ang panloloko sa kapwa.
_____ 3. Ibinibigay sa guro ang takdang-araling ginawa sa bahay
at hindi kinopya lamang sa kamag-aaral.
_____ 4. Pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng oras.
_____ 5. Sumasama ang loob kung hindi nabigyan nang ayon sa
tamang paghahati ng mga bagay.

Suriin ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto.


Wow! Masaya ka ba?
Nagagalak ka na bang makita ang iyong iskor sa susunod na pagsasanay?
Magpatuloy tayo ngayon.
Tara na at maghanda para sa ika-apat na pagsasanay.

Magaling! Natutuhan mo agad ang Modyul.


Maaari mo ng iwasto ang iyong sagot sa pagsasanay na ito gamit
ang susi sa
pagwawasto. Tandaan ang katapatan sa pagwawasto mo ng mga
kasagutan.

C. Pakikipagpali
han Isagawa
Panuto: Gumawa ng isang pangako na magiging matapat ka sa lahat ng
oras. Magtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng pagmamahal sa
katotohanan.

Ako si ____________________ ay
nangangakong__________________
______________________________
______________________________

Binabati kita! Nasa huling bahagi ka na ng modyul na ito.


Upang siguradong masubukan ang iyong kasanayan sa araling ito, sagutan
mong mabuti ang sumusunod na pagsasanay.

Linangin

D. Paglalapat Isaisip
(Assimilation)
Ang pagiging matapat ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong
nagpapakita ng ganitong pag - uugali saanman at kailanman ay
makakamit ang tunay na kaligayahan at magkakaroon ng isang
maayos, payapa at maunlad na pamumuhay. Iniiwasan niyang
magsinungaling at pagtakpan ang mga maling gawi na ginawa ng iba.
Sa pagiging matapat marami kang maaaring matapakang ibang
tao lalo‟t higit iyong may mga baluktot at maling sistema sa buhay.
Hindi bale ng mapahiya at mapagalitan ng mas nakakatanda
huwag lang mabalewala ang ugali ng pagiging isang matapat na
indibidwal sa paaralan man o sa paggawa at saan mang dako pa iyan.
Ngayon ay alam mo na kung paano maging matapat sa iba‟t –
ibang mga gawain. Pagyamanin mo ito at ipagpatuloyang
mabuting gawi. Isa kang huwarang mag – aaral na dapat tularan.
Sa pagkakataong ito, mahal kong mag-aaral ay handa mo ng
isalin
ang mga kasanayang natutunan mo sa araling ito.
Handa ka na ba?

Kaya, subukan mo na ito.

Hindi na ako makahintay upang makita ang resulta ng iyong gawain.

Mag-enjoy at good luck!

Tayahin
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang

_____1 Mayroon kayong proyektong pampaaralan ngunit hindi mo


ito nagawa kaya kumopya ka na lamang sa iyong kaklase.
Natuklasan ito ng inyong guro at tinanong niya kung sino sa
inyong dalawa ang nangopya. Ano ang gagawin mo?
A. Aaminin mo sa iyong guro na ikaw ang nangopya at
mangangakong hindi na ito mauulit.
B. Sasabihin mong ang iyong kaibigan ang nangopya.
C. Hindi mo aaminin ang nagawa mong kamalian.
D. Hindi papansinin ang guro

_____ 2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?


A. Nakikinig at sinusunod ang payo ng magulang
B. Umaamin sa pagkakamaling nagawa.
C. Umiiwas sa utos ng guro sa paaralan
D. Nagmamano sa magulang

_____ 3. Alin ang nagpapamalas ng wastong kaisipan?


A. Tama lang na magsinungalingh paminsan-minsan.
B. Mahalaga ang katapatan sa pagtatagumpay ng isang gawain.
C. Puwedeng magsinungaling kung ito ay para sa ikabubuti ng sarili.
D. Maglihim sa magulang kapag hindi pinayagang sumali sa isang
gawain

4. Nakita mong kinuha ni Tom ang laruan ni Jerry at itinago


niya ito sa kanyang bag. Umiiyak na naghahanap si Jerry
ng nalaman niya ito. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pag-aawayin ang dalawa.
B. Bibigyan ng bagong laruan si Jerry.
C. Pagtatakpan ang ginawa ni Tom.
D. Sasabihin kay Tom na ibalik ang laruan.
5. Nasira mo ang aklat na hiniram mo sa iyong kaklase. Nang
kinukuha na niya ito ano ang sasabihin mo?
A. Aawayin mo siya at itatanggi ang iyong nagawa.
B. Wala kang sasabihin at ibibigay mo na lang aklat sa iyong
kaklase.
C. Hihingi ka ng paumanhin at mangangako kang aayusin mo ang
iyong nasira.
D. Sasabihing mong hindi mo napansin na may sira pala ang aklat
na hiniram mo.

______6. Walang kinatatakutan ang batang _________________.


A. matapat B. mayaman C. sinungaling D. magaling

______7. Nabasag mo ang plorera na nasa mesa ng iyong guro


habang ikaw ay naglilinis. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sabihin sa guro ang totoo.
B. Itago ang nabasag na plorera.
C. Umuwi sa bahay at magtago.
D. Sabihing ang kaklase mo ang nakabasag.

______8. Nakita mo ang kapatid mo na pinapakialaman ang test


paper ng kanilang guro na gagamitin sa pagsusulit.
Sinabihan mo siya na ibalik ito subalit hindi nakinig at
nagalit pa sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Babalewalain ang ginawa ng kapatid
B. Gagayahin na rin ang ginawa ng kapatid.
C. Sasabihin sa magulang mo ang ginawa niya.
D. Magalit din sa kanya at huwag na siyang kausapin.

______9. Nakaupo sa unang hanay si Raymond at nabigyan na ng


kending ipinamimigay ng guro. Subalit lumipat siya sa ika-
apat na hanay upang muling mabigyan pa ng kendi.
Kitang-kita mo ang ginawa ni Raymond. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin sa guro ang ginawa ni Raymond.
B. Hindi papansinin at magkukunwaring walang nakita.
C. Sisigawan at sasabihing mali ang kanyang ginagawa.
D. Lalapitan at itutulak si Raymond pabalik sa unang hanay.

_____10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng katapatan sa


gawaing pampaaralan MALIBAN sa isa.
A. Si Rosa na nangongopya sa pagsusulit.
B. Si Maica na nakikiisa sa pangkatang gawain
C. Si Lea na umaamin sa pagkakamaling kanyang nagawa.
D. Si Joshua na tumulong sa paggawa ng proyekto upang matapos
agad ang gawain.

Yehey! Mahusay! Karapat-dapat kang bigyan ng papuri sapagkat natutuhan


mo ang mga kasanayan ng araling ito.
Binabati kita! Sa pagsasagot ng karagdagang gawain ay tuluyan mo ng
matatapos ang huling gawain para sa ating aralin.

V. PAGNINILAY A. Gumawa ng collage na nagpapakita ng ibat-ibang sitwasyon na


B. nagpapakita ng pagiging matapat.

Sa pamamagitan ng Journal, Maglahad ng isang karanasan na nagpapakita


ng katapatan. Sumulat ng isang repleksiyon ukol sa kahalagahan ng pagiging
matapat sa lahat ng oras

You might also like