You are on page 1of 7

PIVOT 4A Lesson Exemplar Using the IDEA Instructional Process

Learning Area ESP


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Lucena West IV Elem. School Baitang ESP 5


TALA SA
PAGTUTURO Guro DIANAG. OBLEA Antas Ikalima
Petsa September 2020 Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Araw 1 Araw

I. Layunin Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A.Pamantayang Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng


Pangnilalaman mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain
na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
B.Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin sa kung
Pagganap ano ang dapat at di-dapat
D.Pinakamahalagang . 1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa
Kasanayan sa Pagkatuto mga:
(MELC) 1.1. balitang napakinggan
(kung mayroon, isulat 1.2. patalastas na nabasa/narinig
ang 1.3. napanood na programang pantelebisyon
Pinakamahalagang 1.4. nabasa sa internet
kasanayan PT- 13 (MELC / PIVOT4A/ CG)
sa pagkatuto o MELC)
E.Pagpapaganang
Kasanayan
(kung mayroon, isulat
ang
pagpapaganang
kasanayan)
.
II. NILALAMAN Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain
na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
III. KAGAMITANG
PANTURO
A.Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa MELC ESP 5, Q1, PIVOT BOW R4AQUBEbCurriculum Guide: (p.79)
Gabay ng Guro K to 12 Bagay Pangkurikulum sa Filipino 6, pahina 119
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina Edukasyon sa Pagpapapkatao 5
saTeksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa MISOSA ESP 5. Modyul 1
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Modyul 1: ESP 5
Kagamitang
Panturo para sa mga
Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang ikaw ay magkaroon ng


pagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga aklat at
magasin. Ang mga matututunan mo sa modyul na ito ay
maaari mong magamit sa

iba’t-ibang mga sitwasyon.

Ang modyul na ito ay tatalakay sa ika-pitong aralin na may pamagat na:

 Pagbabasa at Pagsusuri na may Kawilihan, Dulot ay Kabutihan

Pagkatapos mabasa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makitaan ng


kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga aklat at magasin:
a. nagbabasa ng diyaryo araw- araw;
b. nakikinig/nanonood sa telebisyon sa mga “update” o bagong
kaalaman; at
c. nagsasaliksik ng mga artikulo sa internet.

Layunin : Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at


loobin sa kung ano ang dapat at di-dapat
ESP5KP-Ia-27

B. Pagpapaunlad Subukin
Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Maglagay ng smiley face () sa
patlang
kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng kawilihan sa
pagbabasa/pagsuri ng mga aklat at magasin at sad face () kung ito
naman ay hindi nagpapakita
ng kawilihan.

1. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan ,magasin at iba pang


babasahin ay mabuting libangan.

2. Hindi uunlad ang kaisipan kapag laging nagbabasa.

3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng pahayagan at


pakikinig sa radyo.

4. Nakabubuti sa mag – aaral ang maging mapanaliksik.

5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka namang ginagawa.

_____6. Nagbabasa ng diyaryo buong araw lamang.

_____7. Sinusunog ang mga aklat.

_____8. Pinipili ang mga pelikula o programang pinanonood.

_____9. Nakapupulot ng aral sa mga binabasa.

_____10. Ginagaya ang masasamang salita at kilos na napanood.

Kumusta ang iyong unang pagsusulit? Madali ba?


Tuklasin
Magsimula na tayo!
Basahin at unawain ang susunod na tula para sa iyo upang lubos
mong maunawaan ang mga kakayahang dapat mong matutunan.
Panatilihin ang iyong kagalakan hanggang sa pagtatapos ng
modyul. Natitiyak kong sa pagtatapos ng modyul na ito ay magiging
matagumpay ka.

Batang Mapanaliksik
Ang pagbabasa ay komunikasyon,gaya ng panonood sa
telebisyon at pakikinig sa radyo.Ito’y isang uri ng pakikipagtalastasan.
Napakabuting libangan ang pagbabasa ng mga aklat at
pahayagan araw- araw, pakikinig ng balita sa radyo, at
panonood sa telebisyon at pagkuha ng impormasyon sa internet.
Ito ay pakikipag – ugnayan sa ibang tao, ibang bansa, ibang lipunan
at mga pamayanan.Kaya’t ang mga libangang ito ay
nagdudulot ng kaalaman at nagpapalawak ng karanasan.
Ang mga nakabubuting dulot ng mga aklat at iba pang mga
babasahin ay ang sumusunod:
1. Nagbibigay ng impormasyon sa loob at labas ng bansa.
2. Nagbibigay ng impormasyonsa pagbabadya ng mga sakuna o
kalamidad na maaaring dumating sa bansa.
3. Nagbibigay ng iba’t – ibang kuro- kuro o palagay ng
mga kilalang manunulat tungkol sa pang araw- araw na
kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
4. Nagbibigay ng kaalaman tungkol sa kultura at tradisyon ng bansa.

Ang mga aklat, media ay nagpapalawak ng ating kaalaman.


Pinagyayaman at pinalalawak din nito ang ating karanasan.

Mahusay! Nabigkas mo ng maayos ang tula. Binabati kita!


Sagutin mo naman ngayon ang mga tanong mula sa
binasa mong tula.

 .

Tandaan mo:
Ugaliin ang pagbabasa at pagsusuri ng iba’t-ibang babasahin o
mapagkukunan ng impormasyon at ito ay magdudulot ng madaming
kaalaman na magagamit mo sa iyong buhay.

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay ang mga malayang pagsasanay upang mapagtibay


mo pa ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maligayang
paggawa!
.
Malayang Pagsasanay 1
Punan ang loob ng hugis ng iyong nabasa sa aklat o pahayagan,
napakinggan sa radyo, at napanood sa telebisyon o internet. Paano
nakaapekto ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin? Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

Malayang Pagsasanay 2
Magtala ng mga impormasyon mula sa “news article” (tungkol sa
nagaganap na COVID- 19)

Malayang Pagsasanay 3

Nadagdagan na ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng bukas na


isipan sa tulong ng media tulad ng radyo, pahayagan, telebisyon at
internet.
Ano ang nasa isip mo nang pinagsama – sama ang iyong
karanasan sa pagkuha mo ng “news article” (tungkol sa COVID- 19).Itala
ang mga ito sa kahon A, B, C, D. Sa loob naman ng puso, itala ang
kabutihang dulot ng iyong karanasan sa pagkuha ng “news
article”(tungkol sa COVID- 19) na pumukaw sa iyong damdamin.Gawin ito
sa bond paper.

pagsasanay
Suriin ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto.
Wow! Masaya ka ba?
Nagagalak ka na bang makita ang iyong iskor sa susunod na?
A
Magpatuloy tayo ngayon.
Tara na at maghanda para sa ika-apat na pagsasanay. B
C
Magaling! Natutuhan mo agad ang Modyul.
Maaari mo ng iwasto ang iyong sagot sa pagsasanay na ito
gamit ang susi sa
pagwawasto. Tandaan ang katapatan sa pagwawasto mo ng
mga kasagutan.

C. Pakikipagpalihan
Isagawa
Panuto: Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang
tauhan dito? Itala rin ang dahilan kung bakit mo ito dapat gawin. Gawin
mo ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang nakababata mong kapatid ay walang hilig sa pagbabasa.
Gagawin:

Dahilan:

2. Muli, ang iyong kapatid ay kukuha ng board exam. Hindi siya pumasa
sa unang pagsusulit. Nagbigay siya ng sapat na panahon sa
pagsasaliksik mula sa pahayagan, aklat at internet para sa darating ng
eksamem.
Gagawin:
Dahilan:
3. Hindi bumibili ng diyaryo ang magulang mo dahil dagdag lang yan sa
gastusin, pero alam mo na may diyaryo araw – araw sa silid- aklatan
ninyo.
Gagawin:
Dahilan:
4. Napabalita sa telebisyon na paparating ang isang malakas na bagyo.
Gagawin:
Dahilan:
5. Nakita mong may malaswang pinanonood sa internet ang iyong mga
pinsan at niyaya ka nilang manood.
Gagawin:
Dahilan:

Linangin
Noong mga nakaraang aralin, natutunan mo ang pagsusuri ng mga
impormasyon na iyong nakukuha mula sa iba’t-ibang pinagmumulan nito
gaya ng libro, internet, balita, at iba pa. Natutunan mo din ang mga
mabuting at hindi mabuting maidudulot nito sa iyo at pati na rin sa iyong
pamilya. Nalaman natin na maaaring maganda ang maidulot ng mga
impormasyong ating nakukuha ngunit, magiging maganda din kaya ang
dulot ng mga impormasyon na ating nababasa o napapakinggan kung
kinawiwilihan natin ito?

D. Paglalapat Isaisip
(Assimilation) Ano ba ang importansya ng pagbabasa at panonood?
Ayon sa website ng Gemm Learning, maraming mabubuting
epekto ang pagbabasa. Sinasabi rito na ang pagbabasa at panonood ay
isang importanting life skill.Mahihirapan umano sa pag- aaral ang mga
batang nagkakaproblema sa pagbabasa. Ang pagbabasa rin daw ay
isang mabuting pagi- ehersisyo sa ating utak.Sinasabing mas demanding
ito kumpara sa panonood ng telebisyon o pakikinig sa radyo. Ani
Maryanne Wolf, director ng Center for Reading ang Language Research
sa Tufts University, sa pagbabasa at panonood raw ay mas mapipilitan
tayong gumawa ng naratibo (narrative) at mag- imagine. Sa pagbabasa
raw kasi, mas may oras tayong mag –isip. Kumbaga maaari tayong
huminto para sa pag- iintindi (comprehension) at pagkuha sa tunay na
kahulugan at implikasyon (insight) ng ating binasa. Ang pgbabasa ay
nakatutulong din sa concentration at attention skills. Dagdag pa ng
website, ang pagbabasa rin ay nakatutulong sa pagtaas ng ating
bokabularyo, pagtaas ng tiwala sa sarili ng isang tao. Sinasabi na isa
umanong chain reaction ang nangyayari: pag tayo ay laging nagbabasa,
marami tayong malalaman. Isa pa sa mga sinasabing maganda ang
epekto ng pagbabasa ay ang paghasa sa ating creativity. Dahil nai –
expose tayo sa mga bagong ideya at mas maraming impormasyonsa
pamamagitan ng pagbabasa, maaaring magkaroon ng pagbabago
(ikabubuti o ikagagaling) sa paraan ng ating pag – iisip.

Tayahin
Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Maglagay ng smiley face () sa
patlang kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng kawilihan
sa pagbabasa/pagsuri ng mga aklat at magasin at sad face () kung ito
naman ay hindi nagpapakita ng kawilihan.

1. Ang pagbabasa ng aklat,pahayagan ,magasin at iba pang


babasahin ay mabuting libangan.

2. Hindi uunlad ang kaisipan kapag laging nagbabasa.

3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng pahayagan at


pakikinig sa radyo.

4. Nakabubuti sa mag – aaral ang maging mapanaliksik.

5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka namang ginagawa

6. Nagbabasa ng diyaryo buong araw lamang.

7. Sinusunog ang mga aklat.

8. Pinipili ang mga pelikula o programang pinanonood.

9. Nakapupulot ng aral sa mga binabasa.

10. Ginagaya ang masasamang salita at kilos na napanood.

V. PAGNINILAY 1. Iguhit ang iyong sarili na nagbabasa ng aklat.


2. Sumulat ng dapat mong ugaliin upang mapaunlad ang kawilihan a
pagbabasa.
3. Gawin ito sa bond paper.

You might also like