You are on page 1of 3

Demo-teaching

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


Grade 2

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga
namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting
paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng
mga kasapi ng sariling komunidad

Nilalaman: Kabuhayan sa Komunidad

Pamantayan sa Pagkatuto:
1.1 Nailalarawan ang likas na yaman at pangunahing produkto ng komunidad
AP2PSKIIIa-1

Mga Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang salitang “likas yaman”
2. Natutukoy ang gamit ng mga likas yaman sa komunidad

Paksang Aralin: Kahulugan ng Likas Yaman

Pagpapahalaga: Pagbibgay ng halaga sa kalikasan

Mga Kagamitan: Larawan ng kalikasan, mga larawan ng likas yaman,


Powerpoint presentation
TG pahina 145-146
LM pahina 206-210

PAMAMARAAN:

I. BALIK TANAW

A. Ipaalala sa mga bata ang nagdaang markahan tungkol sa mga pagbabagong nangyari
sa kanilang komunidad
B. Magpakita ng dalawang larawan ng NOON at NGAYON.
C. Itanong:
1. Sino ang gumawa sa mga pagbabagong nangyari sa inyong komunidad?

II. PAGGANYAK

A. Itanong
1. Ano ang ginawa ng Diyos para sa ating komunidad?
2. Ipaawit sa mga bata ang “Kinsay Nagbuhat?”

KINSAY NAGBUHAT?

Mga babae : Kinsay nagbuhat sa isda, sa isda, sa isda?


Kinsay nagbuhat sa isda?

Mga lalaki : Ang Diyos lamang.

(Palitan ang salitang isda ng dagat, langit, kahoy, bukid)


3. Itanong:
a. Ano ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa awit?
b. Makikita ba ang mga ito sa inyong komunidad? Ano-ano ang mga ito?
c. Bakit kaya gumawa ang Diyos ng mga bagay na ito?

III. PAGLALAHAD AT PAGTATALAKAY

A. Magpakita ng mga larawan (Powerpoint Presentation)


B. Itanong:
1. Ano ang mga bagay na inyong nakikita sa larawan?
2. Nakita n’yo na ba ito sa personal o napuntahan n’yo na ba ito?
3. Sino kaya ang gumawa nito?
4. Bakit kaya ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito?
5. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
C. Ilahad ang paksang-aralin, “Bahandi sa Kinaiyahan”
D. Ipabasa sa mga bata ang talata tungkol sa “Bahandi sa Kinaiyahan”
Mga Tanong:
1. Bakit tinawag sila na “Bahandi o Yaman”?
2. Ano ang ibinibigay nito sa mgaa tao?
3. Bakit tinawag sila na “Likas o Kinaiyahan”?
4. Ano kaya ang mangyayari sa atin kung wala ang mga likas na yaman?

IV. MGA GAWAIN

A. Pangkatin sa tatlo ang mga bata. Ibigay ang pamantayan at ang mga panuto sa gawain.

Pangkat 1: PILIIN MO AKO!


Panuto: Pilin ang mga bagay na nasakop sa mga likas na yaman at bilugan
ang mga ito.

Pangkat 2: HANAPIN MO AKO! (Loop a Word)


Panuto: Hanapin ang nga bagay na nasakop sa mga likas na yaman.
Maaring ito ay pababa, pahalang o patakilid at lagyan ito ng linya.

Pangkat 3: KILALANIN MO AKO!


Panuto: Isulat ang pangalan ng mga likas na yaman sa loob ng mga maliliit
na kahon.

V. PAGLALAHAT

A. Itanong: (Maglaro ng pasahan ng bola. Ipasa ang bola habang umaawit ng Kinsay
Nagbuhat?” Paghinto ng awit, ang guro ay magtanong sa huling may hawak ng bola.)

1. Ano ang tawag sa mga bagay na ginawa ng Diyos?


2. Ano ang gagawin natin sa mga ito?
3. Bakit kailangang pangangalagaan natin ang mga ginawa ng Diyos?

VI. PAGLALAPAT

A. Pangkatang gawain. Ibigay ang mga panuto sa gagawin. (with rubrics)

Pangkat 1: SULKAS
Panuto: Sumulat ng dalawang saknong ng tula na may 4 na tuludtod bawat
saknong hinggil sa iba’t ibang mga likas na yaman na inyong nalalaman at
nakikita sa inyong paligid at bigkasin ito sa harap.

Pangkat 2: IGUHIT MO AKO AT IKUWENTO!


Panuto: Gumuhit ng isang likas na yaman na nakikita sa inyong komunidad
at magkuwento hinggil nito sa harap ng inyong kaklase.
Pangkat 3: SINO AKO!(Pinoy Henyo)
Panuto: Bumuo ng isang laro o game show. Pumili ng isang mag-aaral na
siyang magsasabi kung anong likas na yaman ang nasa larawan. Ang ibang
pang kasamahan ang siyang magsasabing kung siya ay tama o mali.

VII. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga pangungusap Isulat sa patlang ang TAMA (Sakto) kung wasto
ang sinasabi. MALI (Dili Sakto) kung hindi tama ang sinasabi.

_____________1. Ang kinaiyahan binuhat sa Diyos ug tawo.


_____________2. Apil sa bahandi sa kinaiyahan ang barko nga naglutaw sa lawod.
_____________3. Dili gyod madaut ang mga bahandi sa kinaiyahan.
_____________4. Ang bahandi sa kinaiyahan makahatag og panginabuhian sa mga tawo.
_____________5. Ang bukid, suba ug lasang nahiapil sa mga bahandi sa kinaiyahan.

VIII. TAKDANG-ARALIN

1. Ano ang mga likas yaman na galing sa lupa?


2. Ano ang mga likas na yaman na galing sa tubig?

Inihanda ni:

MARY JEAN L. CABATO


Guro

You might also like