You are on page 1of 3

Unang Markahan

WEEK 4

I. Layunin
Natutukoy ang mga bumubuo ng isang komunidad.

II.Paksang Aralin

MELC: Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad : a. mga taong naninirahan b:mga
institusyon c. at iba pang istrukturang panlipunan

Sanggunian: Tg. Aralin 1.1

Kagamitan: clay, krayola, papel, manila paper,

Pagpapahalaga:Pagkamakabayan

I. Pamamaraan:
A. Panimulang gawain
1. Balitaan
Pagbabalita sa napapanahong isyu……
Tungkol sa programa/ Gawain ng pamahalaan sa inyong komunidad.
Maaaring magpakita ng larawan mula sa pahayagan.
2. Pagsasanay
Lagyan ng tsek kung ang mga sumusunod ay nakikita sa inyong lugar na
tiitirhan at ekis nman pag hindi.
1.mga tao____ 2.paaralan_____ 3.mga bahayan______4.mga
sasakyan_____

5.simbahan_____

3. Pagwasto sa Takdang Aralin


Magpalitan mga bata ng Gawain upang iwasto ang bawat takda.
4. Balik-aral
Ano-ano ang mga pinag-aaralan natin noong nakaraang leksyon?
B. Panlinang na Gawain

1.Pagganyak
Magpakita ng larawan ng isang komunidad.

-
-
-
-
-

- Anong masasabi ninyo sa larawan? Nakikita ba ninyo ang mga ito sa


inyong komunidad?

2.Paglalahad ng Gawain
Magdaos ng brainstorming gamit ang tanong na “Ano ang
komunidad?”

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Ipabasa ang “Basahin”sa ilalim ng


Alamin Mo p. 6 – 8 at ipasagot ang sumusunod na katanungan na nasa p. 9.
Ipauulat ng guro sa bawat lider ng pangkat.

3.Pagsusuri/Pagtatalakay sa Paksa

Tatalakayin ng guro ang iniulat ng bawat pangkat. Bibigyang diin ang


kahulugan ng komunidad gayundin ang mga bumubuo saisang komunidad.

4. Paghahalaw
Ano ang komunidad?
Ano-ano ang bumubuo sa komunidad?
5. Paglalapat/ Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga bata ang Gawain A sa kanilang Lm p. 9
(Pagguhit ng bumubuo sa komunidad na kanilang kinabibilangan.)

Mahalaga bang malaman mo ang komunidad na kinabibilangan mo?


Bakit?

IV.Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ito ay isa sa mga bumubuo ng komunidad na kung saan hinuhuhubog ang
isip at kakayahan ng mga kabataan.
A.simbahan B.paaralan C.tahanan D. palengke
2.Dito ginagamot at inaalagaan ang may sakit.
A.paaralan B.pamahalaan C.simbahan D. ospital
3.Sila ang namamahala at nag aalaga sa lahat ng bumubuo ng ating
komunidad.
A.ospital B.pamayanan C. pamilya D. palengke
4.Dito sama-samang nagdadasal ang buong pamilya.
A.pamahalaan B.pamayanan C.simbahan D. paaralan
5.Mabibili natin dito ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.
A.simbahan B.pamahalaan C. palengke D.paaralan

IV. Takdang aralin:


Magdala ng mga larawan na nagpapakita ng kinaroonan ng komunidad.

You might also like