You are on page 1of 34

1

Araling
Panlipunan
Unang Markahan-Modyul 5:
Pagbabago sa Sarili
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Pagbabago sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aireen A. Bautista
Editors: Dennis L. Galve
Tagasuri: Roger Suerte, Pablo L. Eulatic Jr., Lorna T. Padua
Tagaguhit: Mark Y. Garcia
layout Artist: Herminio L. Carnaje Jr., Ysmael Yusoph E. Alamada
Tagalapat: Jennifer Suba
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, CESO VI - Schools Division Superintendent
Carlos S. Susarno, PhD. - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, PhD. - CID Chief
Nelida A. Castillo, PhD. - Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz, PhD. - Division ADM Coordinator
Alex F. Floro - Subject Area Supervisor
Sally A. Jabudo- Subject Area Supervisor
Inilimbang sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:

Pagbabago sa Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling Pagbabago sa Sarili!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Self-Learning Module (SLM)
Modyul ukol sa Pagbabago sa Sarili!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi ng Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo

iv
Alamin

Ang bawat tao ay nakakaranas ng pagbabago sa


kanilang pisikal na kaanyuan. Kabilang na rito ang ang
mga kakayahang kanilang nadedebelop sa pagdaan ng
panahon. Maraming bagay ang gusto at ayaw gawin ng
isang tao o bata habang sila ay lumalaki. Maraming
pagbago ang nagaganap sa kanilang buhay, na siyang
tumutulong upang maging buo ang kanilang pagkatao.
Ito rin ang siyang daan upang ating malaman at
madiskubre ang mga kakayahang ating tinatago tulad ng
mga talento na may kaugnayan sa ating pisikal,
halimbawa ay ang pagiging magaling sa isports. Bawat isa
sa atin ay may kanya-kanyang pisikal na pagbabagong
nangyayari, maaring may katulad at mayroon ding
magkaiba ngunit ang mahalaga ay nakikita natin at
natututunan ang mga pagbabagong ito. PAGBABAGO
ang tawag sa mga nagaganap sa buhay na siyang ating
tatalakayin sa araw na ito.

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:

• Naipakikita sa pamamagitan ng timeline at iba pang


pamamaraan ang mga pagbabago sa buhay at mga
personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa
kasalukuyamg edad.
CG-Code: AP1NAT-Ie-9

1
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na
aralin.
Aralin 1 - Pisikal na katangian at kakayahan
Aralin 2 - Mahahalagang pangyayari sa buhay
Aralin 3 – Pagkain
Aralin 4 - Personal na gamit
Aralin 5 - Panapos na Pagsusulit
a. Natutukoy ang mga pagbabago sa buhay mula
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad
b. Naipapakita sa timeline ang mga pagbabagong ito
c. Napapahalagahan ang mga pagbabagong
nagaganap sa sarili
d. Nakakagawa ng timeline na nagpapakita ng mga
personal na pagbabagong nararanasan mula
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad
e. Naibabahagi sa klase ang personal na
pagbabagong naranasan mula sanggol hanggang
sa kasalukuyang edad
f. Napapahalagahan ang mga pagbabagong
nagaganap na mahahalagang pangyayari sa buhay
g. Natutukoy sa timeline ang mga pagkain ng isang
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad
h.Naipapakita ang pagpapahalaga ng pagkaing
ibinibigay ng magulang
i. Natutukoy ang mga personal na gamit na dala batay
sa kung anong gulang ito ginagamit
j. Naipapakita ang mga halimbawang personal na
gamit mula sanggol hanggang sa kasalukuyang
edad

2
Subukin

Pagpapakita ng mga larawan na gamit ng isang


sanggol at sa kasalukuyang edad.

1. Ano-ano ang inyong nakikita?

2. May napansin ba kayo sa mga larawan?

3. Ano ang ipinagkaiba ng unang larawan sa ikalawang


larawan?

4. Sino ang sumusuot sa unang larawan?

5. Sino ang sumusuot sa ikalawang larawan?


Aralin
Pisikal na katagian at
1 kakayahan
3
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang ikaw ay:
• Natutukoy ang mga pagbabago sa buhay mula
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad ;
• Naipapakita sa timeline ang mga pagbabagong ito; at
• Napapahalagahan ang mga pagbabagong
nagaganap sa sarili.

Sa araling ito ay matututunan mo ang mga pisikal na


katangian at kakayahan ng sanggol hanggang sa
kasalukuyang edad.

Balikan

• Mga mag-aaral naalala pa ba ninyo ang ating


napag-aralan noong nakaraang linggo?

Noong nakaraang linggo ay napag-aralan natin


ang tungkol sa pagbabagong nagaganap sa buhay
ng isang guro. Ngayon naman ating pag-aralan ang
mga Pisikal na katangian at kakayahan ng sanggol
hanggang sa kasalukuyang edad.

• Mga mag-aaral handa na ba kayo?

Tuklasin

Gawain 1.1

4
Pagmasdan nang mabuti at paghambingin ang
dalawang larawan.

1. Ano ang inyong napansin sa larawang ito?


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
2. Ano ang nasa unang larawan?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Ano ang nasa ikalawang larawan?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
4. May nagbago ba sa kanilang pisikal na katangian at
kakayahan?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Suriin

1. Anong pagbabagong pisikal ang inyong napansin sa


isang bata habang ito ay lumalaki?
__________________________________________________
5
___________________________________________________
__________________________________________________
2. Mahalaga bang malaman ang mga pagbabagong
nangyayari sa ating sarili? Bakit?
___________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Pagyamanin
Gawain 1.3
Panuto: Piliin at isulat ang tamang titik sa Hanay A ang
pisikal na kakayahan ng isang bata na makikita sa Hanay
B.

Hanay A Hanay B

_____ 1. Nakagagapang na a.

_____ 2. Nakatatayo na b.

_____ 3. Nakasusulat na c.

Isaisip

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

6
1. Ilang taong gulang ang nagsisimula na sa
kindergarten?
___________________________________________________

2. Ilang taong gulang ang nakagagapang na?


___________________________________________________

3. Ilang taong gulang ang pumapasok na sa unang


baitang?
___________________________________________________

4. Ano ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay


ng isang bata?
___________________________________________________

Isagawa

Pag-aralan ang mga sumusunod na pisikal na kakayahan


ng isang bata at isulat ang bilang 1-3 sa loob ng bilog ayon
sa timeline.

_____ _____ ________

Tayahin

7
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pangungusap sa
bawat bilang. Isulat ang Mali kung di-wasto ang
pangungusap.

________ 1. Nag-iiba ang sukat ng damit habang lumalaki


ang bata.
________ 2. Patuloy na nadaragdagan ang mga gawain
na kayang gawing mag-isa ng bata habang siya ay
lumalaki.
________ 3. Habang lumalaki ang bata, hindi nagbabago
ang kaniyang pisikal na katangian at kakayahan.

Karagdagang Gawain

Pag-aralan ang mga sumusunod na pisikal na kakayahan


ng isang bata at isulat ang bilang 1-3 sa nakalaang
patlang ayon sa timeline.

______ ______ _______

Ngayon alam mo na kung ano ang pisikal na


katangian at kakayahan ng isang bata hanggang sa
kasalukuyang edad.

Aralin
Mahahalagang Pangyayari sa
2 Buhay
8
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang ikaw
ay:
• Nakakagawa ng timeline na nagpapakita ng mga
personal na pagbabagong nararanasan mula
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad;
• Naibabahagi sa klase ang personal na
pagbabagong naranasan mula sanggol hanggang
sa kasalukuyang edad; at
• Napapahalagahan ang mga pagbabagong
nagaganap na mahahalagang pangyayari sa
buhay.

Balikan

Ating balikan ang nakaraang aralin.


Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at isulat
ang bilang 1-3 sa loob ng kahon ayon sa katangiang
pisikal at kakayahan ng bata.

____ _____ _____

Tuklasin

Gawain 2.1
9
Sabihin kung ano ang ginagawa ng bata sa bawat
yugto.

1. Ano ang ginagawa ng bata sa unang larawan?


2. Ano ang ginagawa ng bata sa ikalawang larawan?
3. Ano ang ginagawa ng bata sa ikatlong larawan?
4. Anong ginagawa ng bata sa ikaapat na larawan?

Suriin

Gawain 2.2
1. Anong mahalagang pangyayari sa iyong buhay ang
pinakagusto mo na hindi mo nakakalimutan?
___________________________________________________

2. Mahalaga bang malaman ang mga pangyayari sa


iyong buhay? Bakit?
___________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 2.3

10
Pagmasdan nang mabuti ang mga larawan na
nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
isang bata. Bilugan ang titik ng tamang pagkasunod-
sunod ng mga larawan ng bata.
1. Alin sa larawang ito ang nagpapakita ng
pagkasunod-sunod ng tamang yugto sa kanyang
buhay.

a.

b.

2. Alin sa larawang ito ang nagpapakita ng


pagkasunod-sunod ng tamang yugto sa kanyang
buhay.

a.

b.

Isaisip
Naaalala niyo pa ba ang mga bagay na nangyari o
naganap sa inyo noong kayo ay bata pa hanggang sa
11
kayo ay lumalaki na? Maaari bang isulat mo rito ang mga
pangyayari na di mo nakakalimutan?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Isagawa

Gumawa ng isang timeline sa pamamagitan ng pagsulat


ng mga mahahalagang pangyayari sa iyong buhay mula
noong ikaw ay isang taong gulang hanggang sa
kasalukuyan mong edad.

Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay

Tayahin

Ipalahad sa bawat mag-aaral ang mga mahahalagang


pangyayari na naganap sa kanilang buhay mula noong

12
sila ay isang taong gulang pa lamang hanggang sa
kasalukuyan.
Ano ang nararamdaman mo habang ibinabahagi mo ang
mga mahahalagang pangyayari sa iyong buhay?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Karagdagang Gawain

Tanungin ang mga magulang tungkol sa mga


mahahalagang pangyayari na nangyari noong ikaw ay
sanggol pa lamang hanggang sa kasalukuyang edad.

Ngayon alam mo na kung ano ang mga nangyari


noong ikaw ay sanggol pa lamang hanggang sa
kasalukuyang edad.

Aralin

3 Pagkain

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang ikaw
ay:

13
• Natutukoy sa timeline ang mga pagkain ng isang
sanggol hanggang sa kasalukuyang edad; at
• Naipapakita ang pagpapahalaga ng pagkaing
ibinibigay ng magulang.
Sa araling ito ay pag-uusapan natin ang mga pagkain
ng isang sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.

Balikan

Ating balikan ang nakaraang aralin.

Ano ang mahalagang pangyayari ang nangyari sa


iyong buhay?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Lagyan ng tsek (/)ang masustansiyang pagkain


at ekis (X) ang hindi gaanong masustansiyang pagkain.

14
Suriin

Gawain 3.2
1. Ano ang kinakain ninyo noong kayo ay sanggol pa
lamang?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
2. Ano ang kinakain ninyo ngayon?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
3. May nagbago ba sa mga pagkaing inyong kinakain?
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 3.3
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay
nagpapakita ng masustansiyang pagkain at malungkot na
mukha kung nagpapakita ng hindi masustansiyang
pagkain.
15
____1. ____2. ____3. ____4.

Isaisip
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Dapat ba nating pahalagahan ang mga pagkaing
ibinibigay sa atin ng ating magulang? Bakit?
____________________________________________________

Isagawa

Pag-aralan ang mga sumusunod na pagkain ng sanggol


hanggang sa kasalukuyang edad. Isulat ang bilang 1-3 sa
loob ng bilog ayon sa timeline.

____ _____ _____

Tayahin

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay


nagsasaad ng tama at Mali naman kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng mali sa bawat bilang.

________ 1. Kumain ng gulay upang maging masigla.

16
________ 2. Uminum ng alak upang maging malakas.

________ 3. Kumain araw araw ng kendi upang tumibay


ang ngipin.

________ 4. Kumain ng prutas upang kuminis ang balat.

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang iyong paborito pagkain.


______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Aralin

4 Personal na Gamit

Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang ikaw ay:
• Natutukoy ang mga personal na gamit na dala batay
sa kung anong gulang ito ginagamit; at
• Naipapakita ang mga halimbawang personal na
gamit mula sanggol hanggang sa kasalukuyang
edad.
17
Sa araling ito ay mapag-aaralan mo ang tungkol
sa iyong personal na gamit noong ikaw ay sanggol
hanggang sa kasalukuyang edad.

Balikan

k. Mga mag-aaral naalala pa ba ninyo ang ating


napag-aralan kahapon?
Napag-aralan natin ang tungkol sa pagkaing
masustansiya at di gaanong masustansiya na kinakain
ng sanggol hanggang sa kasalukuyang edad.
Bilugan ang masustansiyang pagkain na nagbibigay
sa atin ng masiglang pangangatawan.

Tuklasin

Gawain 4.1
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

18
1. Ano ang iyong napansin sa unang larawan?
____________________________________________________
2. Ano ang iyong napansin sa ikalawang larawan?
____________________________________________________
3. Alin dito ang sinisuot mo ngayon?
____________________________________________________
4. Alin dito ang sinusuot ng sanggol?
____________________________________________________

Suriin
Gawain 4.2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang gamit ng sanggol at ekis
(X) naman ang gamit ng kasalukuyang edad.

Pagyamanin

Gawain 4.3
Panuto: Pagmasdan nang mabuti ang mga larawan sa
Hanay A at Hanay B. Piliin sa Hanay B ang mga
kagamitang ginagagamit o akma sa bawat larawan na
makikita sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

_____ 1. a.

19
_____ 2. b.

_____ 3. c.

Isaisip
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang personal na gamit ang hindi nagbago sa
iyo o patuloy pa ring ginagamit ?
_________________________________________________
2. Kailangan bang pahalagahan natin ang ating mga
gamit? Bakit?
_________________________________________________

Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na kasuotan ng


isang sanggol hanggang sa paglaki nito at isulat ang
bilang 1-3 sa patlang ayon sa timeline.

______ ______ ______

Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


20
1. Alin dito ang gamit ng sanggol?

a. b. c.
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kasuotan ng
anim na taong gulang?

a. b. c.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng iyong paboritong


gamit na madalas mong sinusuot o ginagamit.
1. ________________________________________
2. ________________________________________
Aralin

5 Panapos na Pagsusulit

Panuto : Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at


isulat ang bilang 1-5 sa loob ng kahon ayon sa timeline.

21
Susi sa Pagwawasto

22
23
Sanggunian:
"K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING
PANLIPUNAN (Q1-Q4)". 2020. Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-
learners-material-in-araling-panlipunan-q1q4.
24
"Grade 1 Teacher's Guide (TG) K To 12 Curriculum". 2020.
Deped Tambayan. https://depedtambayan.org/grade-1-
teachers-guide-tg-k-to-12-curriculum/.

MELCs

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

26

You might also like