You are on page 1of 32

1

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Aking Pangangailangan

Araling Panlipunan – Unang Baitang


Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Aking Pangangailangan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gretchen B. Sua
Editor: Pablo L. Eulatic Jr.
Tagasuri: Norma M. Layagan, Editha C. Madres, Blessy Mae M. Cabayao
Tagaguhit: Mark Y. Garcia,
Layout Artist: Leemart Clyde T. Turno
Tagalapat: Rodel H. Catubay
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, CESO VI - Schools Division Superintendent
Carlos S. Susarno, PhD. - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, PhD. - CID Chief
Nelida A. Castillo, PhD. - Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz, PhD. - Division ADM Coordinator
Sally A. Jabido - Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/9083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Aking Pangangailangan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – 1 ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling Ang Aking Pangangailangan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - 1 ng Self-Learning Module (SLM)


Modyul ukol sa Ang Aking Pangangailangan .

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi ng Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iv
Alamin
Ang bawat tao ay may mga pangangailangan
na kailangan niyang matugunan. Ang mga
pangangailangang ito ay mga bagay na dapat
mayroon ang isang tao sapagkat kailangan niya ito
sa pang-araw-araw na gawain.
Ang pagkain, damit at tirahan ay itinuturing na
batayang pangangailangan sapagkat hindi
mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay
inaasahang makalalarawan ng pansariling
pangangailan.
Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:
• Nailalarawan ang pansariling
pangangailan: pagkain, kasuotan at iba pa
at mithiin para sa Pilipinas. AP1NAT-Ib-4
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na
na aralin:
Aralin 1- Mga Pansariling Pangangailangan (Pagkain)
Aralin 2- Mga Pansariling Pangangailangan
(Kasuotan)
Aralin 3- Mga Pansariling Pangangailangan(Tirahan)

Aralin 4- Mga Gawain at Pangangailangan sa


1
Araw-araw
Aralin 5- Panapos na Pagsusulit
a. Natutukoy ang mga pansariling pangangailangan
(pagkain).
b. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa
pagpapahalaga ng mga pansariling
pangangailangan.
c. Naisusulat ang mga pagkaing pampalusog.
d. Nailalarawan ang pansariling pangangailangan
(kasuotan).
e. Naipamamalas ang kakayahan sa pagtukoy ng
pansariling pangangailangan.
f. Naiisa-isa ang pansariling pangangailangan.
g. Naipapahayag ang kahalagahan ng pag-iingat
sa mga pansariling pangangailangan.
h. Nalilinang ang kasanayan sa pagsulat ng
pansariling pangangailangan.
i. Nakapag-uugnay ng mga bagay na
kinakailangan sa bawat gawain sa araw-araw.

Subukin

2
Panuto: Punan ang patlang ng mga
nawawalang letra upang makabuo ng mga salita.

1. p__gkain 2. lap__s

3. da__it 4. notbu__

5. tirah__n

Aralin
Mga Pansariling
1 Pangangailangan (Pagkain)
3
Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga pansariling pangangailangan


(pagkain).
2. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa
pagpapahalaga ng mga pansariling
pangangailangan.
3. Naisusulat ang mga pagkaing pampalusog.
Sa araling ito ay matututunan mo ang tungkol sa
iyong mga pansariling pangangailangan, tulad nga
pagkain.

Balikan

Noong nakaraang linggo ay pinag-aralan ninyo ang


mahahalagang impormasyon tungkol sa inyong sarili.
Mahalagang malaman mo ang iyong pangalan,
kaarawan, edad, at tirahan.

Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa


mga bagong kaibigan, kamag-aral, at kalaro.

Alam mo ba ang iyong buong pangalan? Isulat ito sa


loob ng puso.

4
Tuklasin

Ngayon ay magbabasa tayo ng isang tula. Unawain at


basahin ito ng maayos.

Tula: Gatas, Itlog

Gatas, itlog ay pampabilog

Karne’t isda ay pampalusog

Prutas, gulay nagbibigay kulay

Kumain lagi ang bilin ni Nanay.

Tumakbo, lumukso at magpalakas

Araw-araw tayo’y lumabas

Kumain, mag-aral at magsaya

Lahat tayo’y liligaya.

Suriin

Ngayon ay alamin natin kung naintindihan ba ninyo


ang binasang tula. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
5
1. Tungkol saan ang tula?

a. b. c.

2. Ano-ano ang mga pagkaing pampalusog?

a. b. c.

Pagyamanin
Bilugan ang mga pagkain na kailangan upang manatiling
malakas at malusog ang katawan.

Isaisip
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Sagutin ang
puwang ng angkop na salita upang mabuo ang
pangungusap.
6
Kailangan ng bawat bata ang ______________________
upang siya ay lumaking malusog.

Isagawa

Sa loob ng plato, sumulat ng tatlong halimbawa ng


pagkaing pampalusog ng katawan. Pumili sa loob ng
kahon.
itlog tsitsirya
karne
kendi saging

1.___________________
2.___________________
3.___________________

Tayahin
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang sumusunod ay
pagkaing pampalusog at ekis (X) naman kung hindi. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.

7
____1. ____4.

____2. ____5.

____3.

Aralin
Mga Pansariling
2 Pangangailangan (Kasuotan)
Layunin:
8
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nailalarawan ang pansariling pangangailangan
(kasuotan).
2. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa
pagpapahalaga ng mga pansariling
pangangailangan.
3. Naipamamalas ang kakayahan sa pagtukoy ng
pansariling pangangailangan.
Sa araling ito ay matatalakay ang tungkol sa iyong mga
pansariling pangangailangan, tulad nga kasuotan.

Balikan
Balikan natin ang nakaraang aralin.
Alin sa mga sumusunod na mga pagkain ang
kailangan ng isang bata upang maging malusog at
masigla? Ikahon ito.

Kailangan ng bawat bata ng kasuotan upang


mapangalagaan ang kanyang katawan sa init at lamig at
sa pagkakaroon ng karamdaman.
Tukuyin kung kailan isinusuot ang kasuotan, tag-init ba
o taglamig. Bilugan ang iyong sagot.
1. Tag-init Taglamig
9
Tuklasin

2. Tag-init Taglamig

3. Tag-init Taglamig

Suriin
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Anong uri ng kasuotan ang kailangan mong suotin kung


napakainit ng panahon?

a. b. c.

Anong uri ng kasuotan ang kailangan mong suutin kung


umuulan?

a. b. c.

Pagyamanin
Tingnan ang mga larawan. Isulat sa patlang ang
Tama kung ito ay nagpapakita ng wastong pag-iingat sa
mga kasuotan at Mali naman kung hindi.

______1. ______3.

10
______2. _______4.

Isaiisip
Binabati kita, malapit mo ng matapos ang araling ito.
Ngayon ay sagutin mo ang katanungan.

Ano ang kailangan ng bata upang mapangalagaan ang


kanyang katawan sa sobrang lamig at init?

________________________________________________________

Isagawa
Tingnan ang mga larawan ng kasuotan.
Pagsunod-sunurin ang mga ito mula sa pagkabata
hanggang sa inyong edad sa ngayon. Isulat sa loob ng
kahon ang bilang 1-3, 1 para sa pinakaunang kasuotan at
3 naman para sa pinakahuli.

Tayahin

Panuto: Ikahon ang angkop na kasuotan sa bawat bilang.


11
1. Panlamig

2. Pantag-araw

3. Panloob

4. Pambahay

5. Pampasok sa paaralan

Karagdagang Gawain
Punan ang nawawalang titik upang mabuo ang salita.
Isulat ito sa patlang.
kasu__tan

Aralin
Mga Pansariling
3 Pangangailangan (Tirahan)
Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang pansariling pangangailangan
(Tirahan).
2. Naipapahayag ang kahalagahan ng pag-iingat sa
mga pansariling pangangailangan.
12
3. Nalilinang ang kasanayan sa pagsulat ng pansariling
pangangailangan.

Sa araling ito ay mapag-aaralan mo ang tungkol sa


iyong mga pansariling pangangailangan, tulad ng tirahan.

Balikan

Balikan nating muli ang huli nating tinalakay.


Iugnay ang mga salita sa hanay A sa mga larawan sa
hanay B.
hanay A hanay B
1. Panloob

2. Pampasok sa paaralan

3. Pambahay

Tuklasin
Kailangan ng bawat bata ng tirahan upang
mapangalagaan ang kanyang katawan sa init at lamig
upang hindi magkaroon ng karamdaman. Ito rin ang
magsisilbing ligtas na lugar para sa kanya.

Basahin ang tula at sagutin ang mga katanungan.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Tula: Ang Aming Munting Tahanan


Masaya kaming nagsasama
13
Sa aming munting tahanan
Mayroon akong mapagmahal na ama’t ina
Matulungin at masipag na ate’t kuya
Munti man an gaming tahanan
Kami’y ligtas sa karamdaman
Lahat ito ay biyaya
Ng Poong Mapagpala

1. Tungkol saan ang tula?


a. tahanan b. paaralan c. simbahan
2. Ano ang katangian ng ama at ina?
a. masungit b. mapagmahal c. tamad

Suriin
Ano ang kailangan ng bata upang mapangalagaan
ang kanyang sarili at may masilungan? Ikahon ang iyong
sagot.

Pagyamanin

14
Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng angkop na damdamin sa
bawat sitwasyon sa tahanan.

1. 3.

2. 4.

Ikahon ang angkop na larawan upang mabuo ang


pangungusap.

Kailangan ko ang munting _________ na may pamilyang


nagmamahalan.

Isaisip

15
Ngayon ay malapit mo ng matapos ang araling ito.
Punan ng tamang salita upang mabuo ang pahayag.
Isulat ito sa patlang.
Kailangan ng bawat bata ang __________ upang may
masilungan.

Isagawa
Alin sa mga gawain ang maaring gawin sa tahanan o
tirahan. Isulat sa patlang ang tsek(/) sa tamang gawain at
ekis(X) naman sa maling gawain.
___linisin
___taniman ang paligid ng halaman
___ sirain ang mga kagamitan

Tayahin
Panuto: Iguhit ang puso sa loob ng kahon kung ang
larawan ay nagpapakita ng maayos na tirahan at
nakatutugon sa iyong pangangailangan at tatsulok
naman kung hindi.

16
Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ng


Tama o Mali at isulat ang sagot sa patlang.

________1. Ang tirahan ay nagsisilbing ligtas na lugar para


sa isang bata.

________2. Kailangan ng bawat bata ng tirahan upang


mapangalagaan ang kanyang katawan sa init at lamig.

________3. Dapat dumihan at sirain ang ating tirahan

Aralin Mga Gawain at


4 Pangangailangan sa
Araw-araw
Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang pansariling pangangailangan.

2. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa


pagpapahalaga ng mga pansariling pangangailangan.

3. Nakapag-uugnay ng mga bagay na kinakailangan sa


bawat gawain sa araw-araw.

17
Sa araling ito ay mapag-aaralan mo ang tungkol sa
iyong mga pansariling pangangailangn at mga bagay
na kakailangan mo sa bawat gawain sa araw-araw.

Balikan

Ating balikan ang nakaraang aralin!


Panuto: Bilugan ang larawan ng nagpapakita ng maayos
na tirahan.

Tuklasin

May iba’t ibang pangangailangan ang bawat bata tulad


ng pagkain, damit, tirahan at mga gamit sa paaralan.
Nagkakaiba-iba ang mga pangangailangan ng
bawat bata ayon sa tirahan at sitwasyong nararanasan.
Piliin sa kahon ang mga angkop na salita upang
mailarawan ng tama ang pansariling pangangailangan at
isulat ang mga ito sa bawat patlang.
maganda masarap matulis
matibay makapal

1. Ang bahay namin ay _________________.

18
2. Si Ana ay may damit na ______________.

3. Bumili si nanay ng ______________ na pagkain.

4. Ang lapis na gamit ni Gab ay ______________.

5. Ang kumot na ____________ ay mabigat.

Suriin

Ngayon ay sagutin mo ang sumusunod na mga


katanungan. Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay gigising
sa umaga?

2. Ano ang gagamitin mo kung ikaw ay maliligo?

Pagyamanin
Suriin ang mga larawan. Isulat sa patlang ang Tama
kung ito ay nagpapakita ng wastong pag-iingat sa mga
pansariling pangangailangan at Mali naman kung hindi.

________1. ______3.

________2.
19
Bilugan ang iyong mga pangangailangan sa araw-araw.

Isaisip

Binabati kita, malapit mo ng matapos ang aralin na ito.


Ang gagawin mo ngayon ay sagutin ang mga
katanungan. Ikahon ang tamang sagot.

1. Kapag nagugutom ka, ano ang ginagawa mo?

2. Kung papasok ka sa paaralan, alin ang isusuot mo?

Isagawa

Isulat ang kakailanganin mo sa bawat gawain. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon.

20
kasuotan lapis at papel sabon
kanin at itlog kumot
1. Paliligo- ________________
2. Pagbibihis-_____________
3. Pagpunta sa paaralan-___________
4. Pagkain ng agahan-_____________
5. Paghahanda bago matulog sa gabi-________

Tayahin

Panuto: Ikahon ang mga bagay na iyong kailangan sa


bawat gawain.

1.paliligo

2. p agbibihis

3. pagkain ng agahan

4. pagpasok sa paaralan

21
5. paggising sa umaga

Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ang nawawalang titik upang pabuo ang


salita.

1. b a

2. l a p i

Aralin

5 Panapos na Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat


sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang pahayag
at Mali naman kung hindi.

_______1.Ang pagkain ay pangunahing pangangailangan


ng tao upang mabuhay.
_______2. Magkakasakit ka kung walang bagong sapatos.
_______3. Ang tirahan ay silungan ng tao at nagbibigay
proteksyon sa kanya sa ulan at init.
22
Pagyamanin:
Gawain 3.3 Tayahin:
23
1.
Isagawa: 2.
1.
1. / / 3. Suriin:
2. / 4. Tuklasin:
2. /
3. / 5. 1. a
3. X 2. b
4.
/ Aralin 3
Pagyamanin:
Tayahin: Isagawa:
1. Tama
2 1 3 Tuklasin:
1.
2. Mali Suriin: 1. Tag-init
2. 3. Tama 1. b 2. Taglamig
3. 4. Tama 2. c 3. Tag-init
Tayahin:
4.
1. /
Aralin 2
Isagawa:
5. 2. X
1. itlog
3. / Pagyamanin: Suriin:
2. karne
4. X 1. a
3. saging
5. X 2. a
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
mapangalagaan ang kanyang katawan sa init at lamig.
_______5. Kailangan ng bawat bata ang kasuotan upang
kotse.
_______4. Pangunahing pangangailangan ang magarang
Aralin 4
unan
2.
5. makapal 3. Mali 5. 5. kumot at
4. matulis 4. kanin at itlog
3. masarap 2. Mali 4. papel
2. maganda 1. 3. lapis at
1. Tama 3. 2. kasuotan
1. matibay
Tuklasin: Suriin: 1. sabon
Pagyamanin: 2.
Isagawa:
1.

Aralin 5 Tayahin:

5. Tama
4. Mali
3. Tama
2. Mali
1. Tama
pagsusulit:
Panapos na

Sanggunian:
"K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING
PANLIPUNAN (Q1-Q4)". 2020. Slideshare.Net.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-
learners-material-in-araling-panlipunan-q1q4.

"Grade 1 Teacher's Guide (TG) K To 12 Curriculum". 2020.


Deped Tambayan. https://depedtambayan.org/grade-1-
teachers-guide-tg-k-to-12-curriculum/.

MELCs

24
PAHATID-LIHAM

25
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

26

You might also like