You are on page 1of 6

Detailed Lesson Plan in ESP 1

First Quarter – Module 4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling


Pangnilalaman kakayahan,pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng
pamilya.
B. Pamantayan sa Naisabubuhay nang may wastong pag-uugali ang iba’t ibang paraan ng
Pagganap pangangalaga sa sarili at kalusugan upang mapaunlad ang anumang kakayahan.

3.Nakapaglalarawan ng ibat’ ibang gawain na maaring makasama o makabuti sa


kalusugan - EsP1PKP-Id-3
C. Mga Kasanayan sa 3.1 Nakikilala ang ibat’ ibang gawain/paraan na maaring makasama o makabuti sa
Pagkatuto kalusugan - EsP1PKP-Id-3
K: Nakikilala ang iba’t ibang gawain/paraan na maaaring makasama o
Isulat ang code ng bawat makabuti sa kalusugan
kasanayan S: Naisasagawa ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan at
pag-iingat ng sariling katawan
A: Napapanatili ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain
ng mga masustansiyang pagkain
Pagiging Responsable sa Pangangalaga sa Sarili – Kalinisan at Kalusugan
II. NILALAMAN
(Cleanliness/Wellness)

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro K to 12 MELC, pahina 60

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang- Unang Markahan – Modyul 4 Pagiging Responsable sa Pangangalaga sa
Mag-aaral Sarili-Kalinisan at Kalusugan (Cleanliness/Wellness), pp. 3-12

3. Mga Pahina sa
Teksbuk

4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang


Panturo

III. PAMAMARAAN

A. Balik- aral sa Sabihin: Magandang umaga mga bata! Kumusta na kayo ngayon?
nakaraang aralin at/o Ngayong umaga, ay magakakaroon tayo ng ibat ibang mga gawain na
pagsisimula ng bagong makakatulong sa inyo upang mapanatiling malinis at malusog ang inyong
aralin. pangangatawan.
Bago natin simulan ang ating leksiyon, ipapaalam ko sa inyo muli ang mga
nararapat na hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19.
(Iisa-isahin ng guro ang mga hakbang.)
Sabihin: Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang laro ng paghula. Meron akong ilalarawan,
pagkatapos ay huhulaan ninyo ito. Itaas ang kamay kapag gusto ninyong sumagot. Handa na
ba kayo mga bata?

1. Ginagamit ko ito kapag tapos na akong kumain. Tinatanggal nito ang mga
nakasingit sa aking ngipin. Sagot: sepilyo at toothpaste
2. Para maging malinis ang iba’t ibang bahagi ng aking katawan, ang bagay na ito ay
ginagamit ko araw-araw. Bumubula ito at tumutulong sa pag-alis ng dumi.
Sagot: sabon
3. Ito ang ginagamit ko sa pag-ayos nga aking buhok. Pagkatapos kong maligo, inaalis
nito ang gusot ng aking buhok. Sagot: suklay
4. Ito naman ang ginagamit ko sa pagputol ng aking matataas at maruruming mga
kuko. Sagot: nailcutter
(Kung walang mga tunay na kagamitan, maaaring gamitin ng guro ang mga larawan.)
Sabihin: Pagmasdan ang mga larawan. Tukuyin kung ang mga larawan na nasa ibaba ay
ginagamit ninyo upang mapanatiling malinis ang iyong katawan.

https://bit.ly/3wbgz1Y https://bit.ly/3bXL30D https://shutr.bz/3Ptj9as https://bit.ly/3poafjE

Itanong:

1. Ginagamit mo ba ang mga bagay na ipinakita sa larawan?


2. Bakit ba kailangang gamitin natin ito?
3. Anu-ano kaya ang mangyayari kapag ang ating katawan ay hindi natin
nililinis o pinapahalagahan?

Sabihin: Magaling mga bata! Ngayon, handa na ba kayong alamin kung anu-ano pa
ang maaari nating gawin upang mapanatiling malinis at malusog ang ating katawan?

Simulan na natin.

B. Paghahabi sa layunin Sabihin: Tingnan ninyong mabuti ang mga larawan. Saan-saan dito ang nagpapakita nang
ng aralin tamang pangangalaga sa kalinisan at kalusugan ng ating katawan?
https://bit.ly/3K0wNRa https://bit.ly/3QzorCw https://bit.ly/3A2JWET

https://bit.ly/3dCnoTz https://bit.ly/3QxBdl4 https://bit.ly/3zZb4EJ

Itanong: Anu-ano ang masasabi ninyo sa bawat larawan? Ang mga gawain bang ito
ay nakabuuti o nakasasama sa ating katawan?

Sabihin: Nakita ninyo sa larawan ang mga nararapat nating gagawin upang
mapanatiling malinis at malusog ang ating katawan. Mahalaga nag pagiging malinis,
malusog, at maingat sa ating katawan upang hindi tayo madaling magkakasakit.
Kaya, dapat lamang na susundin natin ang mga payo ng ating mga magulang o mga
nakatatanda sa atin tungkol sa kalinisan at kalusugan ng ating katawan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga paraan na dapat ninyong sundin para
mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng inyong mga katawan.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
1. Kumain ng masustansiyang pagkain.
2. Maligo araw-araw at gumamit nga sabon para sa katawan at shampoo sa
buhok.
3. Ugaliin ang paghugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain.
4. Magsepilyo pagkatapos kumain.
5. Maagang matulog tuwing gabi at iwasan ang pagpuyat.
6. Maglaan ng oras sa pag-eehersisyo.

D. Pagtalakay ng bagong Itanong:


konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #1

1. Bakit kaya kailangan nating sundin ang mga tamang paraan sa


pagpapanatiling malinis at malusog ang ating katawan?
2. Kung hindi ninyo ito magagawa, ano kaya ang mangyayari sa inyong katawan
o sa inyong araw-araw na gawain?
3. Magagawa mo kaya ang mga mabubuting paraan sa pagpapanatiling malinis
at malusog ang iyong katawan? Paano mo ito gagawin?

Think-Pair-Share Activity

E. Pagtalakay ng bagong Sabihin: Anu-ano ang inyong ginagawa araw-araw upang mapanatiling malinis at
konsepto at paglalahad malusog ang iyong mga katawan?
ng bagong kasanayan #2
Tumawag ng isang pares kung saan maibabahagi nila sa buong klase ang kanilang
mga napag-usapan.

Sabihin: Magkakaroon tayo ng isang laro. Kapag ang sasabihin ko ay nagpapakita ng


responsableng pangangalaga sa kalinisan at kalusugan, ipapalakpak ninyo ang
inyong mga kamay ng dalawang beses lamang. Kapag hindi naman ay pumadyak
kayo ng dalawang beses din.
F. Paglinang sa
Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment ) 1. Kumain ng mga prutas at gulay at iba pang mga masustansiyang pagkain.
2. Maligo araw-araw.
3. Huwag hugasan ang kamay bago at pagkatapos kumain.
4. Iwasan ang pagkain ng junk foods at iba pang sitsirya.
5. Maglaro ng computer games hanggang hatinggabi.

Ipakita ang larawan ng isang bata na matamlay, marumi at hindi malusog.


Itanong: Batay sa mga ginagawa ninyo araw-araw at sa mga natutunan ninyo, ano
G. Paglalapat ng aralin sa
ang gusto ninyong sabihin sa batang ito para maging malinis, malusog at hindi agad
pang-araw-araw na
siya magkakasakit?
buhay
Bigyan ng pagkakataon ang mga batang gustong ibahagi ang kanilang sagot.

Itanong:

1. Sino ang may responsibilidad sa kalinisan at kalusugan ng iyong katawan?


2. Paano mo mapanatili ang kalinisan at mabuting kalusugan sa inyong katawan?
3. Mahalaga ba na panatilihing malinis at malusog ang ating katawan? Bakit?

Tandaan:

● Ang batang malinis at malusog ay hindi madaling magkakasakit.

H. Paglalahat ng Aralin ● Marami kayong magagawa araw-araw kapag ikaw ay maingat sa iyong
katawan.
● Magagawa mo ang iyong gawain sa bahay, paaralan at kahit saan kung
ginagawa mo ang mga tamang hakbang sa pagpapanatiling malinis at
malusog sa inyong katawan.
● Dapat na maging responsible sa pangangalaga sa inyong sarili habang
kayo ay bata pa upang ito ay iyong makasanayan hanggang sa paglaki
ninyo.

I. Pagtataya ng Aralin Sabihin: Makinig sa inyong guro habang binabasa niya ang mga katanungan. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot.
A. Direksiyon: Lingini ang letra sa hustong tubag.

1. Unsa ang angayan nimo nga kan-on aron magpabiling himsog ang imong
lawas?
a. mga prutas, utanon ug uban pang masustansiyang pagka-on
b. mga junk foods
c. sitsirya ug soft drinks
2. Unsa ang mayo nimong buhaton taga adlaw sa dili pa ka moadto sa
eskuylahan?
a. Mag-ilis ko dayon sa akong uniporme kay ma late naman ko.
b. Maligo usa ko sa dili pa ko mag ilis sa akong uniporme.
c. Maghulat ko nga ingnon ko ni mama nga maligo.
3. Si Jose, gasige og dula sa iyang paborito nga computer games hangtod sa
kadlawon. Unsa kaha ang lagmit nga mahitabo ni Jose?
a. Posible nga dugay makamata si Jose, magluya siya unya maulahi usab
siya sa klase.
b. Malipay iyang mama kay dili siya makaeskuyla.
c. Malipay iyang maestra kay naulahi siya sa klase.
4. Unsa ang imong buhaton kung nakita nimo imong klasmeyt nga gasige og
kaon og junk foods?
a. Mangayo ko niya og junk foods kay paborito man usab nako na.
b. Ako siya nga dasigon sa pagkaon og mga masustansiyang pagkaon kay
kini mayo sa atong lawas.
c. Ako siyang hadlokon nga makadaot ang junfoods aron mohilak siya.

B. Idibuho ang imong kaugalingon nga nagpakita sa paglimpyo sa imong


kalawasan. Kolori kini. Buhata kini sa imong notbuk.

Talamdan sa Paghatag og Grado

Pagkamamugnaon 50%

Haom sa leksyon 50%

Ang Tanan 100%

J. Karagdagang gawain Direksiyon: Lingini ang mga masustansiyang pagkaon nga anaa sa kahon.
para sa takdang-aralin at
remediation
Buhata kini sa imong notbuk.
Sanggunian: ESP1 -Module 4, page 6

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na nakaunawa
sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-


aaral na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga
istratehyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasan na
solusyunan sa tulong ang
aking punungguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by:

_______________________________

You might also like