You are on page 1of 3

11/27/2017

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Baitang 1

I. Layunin
Pagtapos ng 40- minutong talakayan, ang walumpong bahagdan ng mag-
aaral ay inaasahang:
A. Nailalarawan ang mga pagbabago sa paaralan tulad ng pangalan,
pisikal na anyo at lokasyon

II. Nilalaman
A. Paksang- Aralin
Ang Kuwento ng aking Paaralan
(AP1PAA-IIId-7)
B. Sanggunian
Kto12 Gabay ng Guro Araling Panlipunan Baitang 1
Kto12 Kagamitang Pangmag- aaral Baitang 1
internet
C. Kagamitan
powerpoint presentation, larawan, tsart
D. Pagpapahalaga
Nakapagpapahayag ng pagkilalala at pagpapahalaga sa sariling
paaralan.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati sa Guro
2. Balik- aral
Pagkilala sa paaralang kanilang kinabibilangan at ang
ginampanan nito sa kanilang buhay.
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipabasa ang kwentong "Ang Aming Paaralan"

Ang Aming Paaralan

Ang aming paaralan ay malaki. Ito ay maganda. Mayroon kaming bandila sa aming
paaralan. Mayroon din kaming halamanan sa aming paaralan. Ipinagmamalaki at
minamahal namin ang aming paaralan.

2. Paglalahad
Anu- ano ang mga katangian ng paaralan?
Anu- ano sa mga katangian ang nagbabago sa sariling
paaralan?
11/27/2017

C. Pagtatalakay
Gumamit ng lumang larawan na nagpapakita ng pisikal na anyo
nito. Magkuwento tungkol sa mga pagbabagong naganap sa
paaralan. Talakayin ang pangalan nito, pisikal na anyo at
lokasyon ng paaralan.
Ano ang itsura ng paaralan noong itinatag ito at sa kalagayan
nito ngayon?
Mas marami ba ang bilang ng mga mag- aaral na unang
pumasok noon kaysa sa bilang ng mag- aaral na pumapasok
ngayon?
May uniporme kayang suot ang mga estudyante noon katulad
ngayon?
Ano ang mga nagbago at hindi nagbago sa paaralan?

D. Pangkatang Gawain
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.

Panuto: Punan ang tsart. Lagyan ng tsek () kung may nagbago o


hindi nagbago sa sumusunod na pagbabagong naganap sa pangalan,
pisikal na anyo at lokasyon ng paaralan ngayon.

Nagbago Hindi
Nagbago
Pangalan ng paaralan
Lokasyon ng paaralan
Laki o lawak ng paaralan
Mga kasapi ng paaralan
Bilang ng mga mag- aaral
Uniporme ng mga mag- aaral na
pumapasok sa paaralan
Mga itinuturo sa paaralan

Talakayin ang gawain. Bigyang- diin ang mga kasagutan.

E. Paglalapat
Magkaroon ng munting botohan. Hayaan silang pumili kung ano ang
kanilang mas ibig nilang anyo ng ating paaralan, kung noon o ngayon. Ilagay
ang kanilang mga boto sa ballot box.

F. Paglalahat
Anu- ano ang mga mahahalagang impormasyon na inyong nalaman
tungkol sa ating paaralan?
11/27/2017

G. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon, ilagay sa patlang kung ito
ay tama o mali.
_________1. Malaki ang pagbabago sa pisikal na anyo ng ating paaralan.
_________2. Mas maraming silid- aralan noon kaysa ngayon.
_________3. Mas maganda ang paligid ng paaralan noon kaysa ngayon.
_________4. Noon kaunti lamang ang bilang ng mga mag- aaral kaysa
ngayon.
_________5. Mas maraming guro ngayon kaysa noon.

V. Takdang- Aralin
Iguhit sa inyong kwaderno ang inyong paaralan. Kulayan.

You might also like