You are on page 1of 3

Araling Panlipunan Baitang I

Yunit 4

I. Layunin:

 Naipapamalas ang pag-unawa sa iba’t ibang katawagan sa pagsukat ng

lokasyon sa pagtukoy ng mga gamit at lugar sa bahay (kanan, kaliwa, itaas,

ibaba)

II. Paksang Aralin:

 Nagagamit ang iba’t ibang katawagan sa pagsukat ng lokasyon sa pagtukoy ng

mga gamit at lugar sa bahay.

Reference: Araling Panlipunan Curriculum Guide

Materials: Laptop, Projector, Videoclips, Powerpoint Presentation, Pictures

Values: Napapahalagahan ang gamit ng lokasyon upang matukoy ang kinaroroonan

ng isang bagay.

III. Procedure:

1. Pre-Activity

a. Pagbati sa isa’t-isa

b. Pagtsek ang pumasok at lumiban

c. Balik-aral:

- Ang guro ay magpapakita ng larawan at tutukuyin ng mag-aaral

kung ang distansya ng isang bagay mula sa isang bagay ay

malapit o malayo.

- Videoclip Presentation (malapit o malayo)


2. Pagganyak

a. Ipaawit ang

b. Ipaawit ang kantang “Kamusta Ka” at ipagaya sa mag-aaral ang kilos na iyong

gagawin.

3. Paglalahad

a. Sa pamamagitan ng videoclip presentation ang mag-aaral ay mailalarawan ang

gamit ng lokasyon upang matukoy ang kinaroroonan ng isang lugar o bagay.

- Base sa napanood ninyong video ano-ano ang mga lokasyon na

ginagamit natin sa pang araw-araw na buhay?

b. Ipawit ang “I have two hands” at bakatin sa kwaderno ang kanilang kanan at

kaliwang kamay

c. Ang guro ay magbibibgay ng tula tungkol sa paggamit ng lokasyon.

(Tula)

- Base sa tulang napakinggan, ano ang naitutulong ng paggamit

ng lokasyon?

d. Sa pamamagitan ni Dora The Explorer, tutukuyin ng mga mag-aaral ang bawat

lugar sa bahay nito.

Silid-tulugan

Kusina DORA Palikuran

sala

4. Pangkatang Gawain

Pangkat I. Tukuyin kung saan nakaharap ang bawat larawan.


Pangkat II. Alamin kung anu-ano ang makikita sa itaas at ibaba ng inyong

tahanan.

5. Pagtatalakay

Pagtalakay sa ginawang pangkatang Gawain.

6. Paglalahat

Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral kung paano naakatulong ang paggamit

ng lokasyon.

- Nakakatulong ang paggamit ng lokasyon upang malaman ang

kinaroroonan ng isang bagay o lugar.

At ipapataas ang kanilang kanan at kaliwang kamay, ipaturo ang itaas at ibaba.

7. Paglalapat

Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral kung anu-ano ang kanilang nakikita sa

loob ng silid-aralan. (Sa itaas, ibaba, kanan at kaliwa)

IV. Pagtataya

Alamin kung ang mga larawan ay nakapwesto sa kanan, kaliwa, itaas o ibaba.

V. Takdang Aralin

Iguhit ang inyong tahanan kasama ang mga bagay na makikita sa kanan, kaliwa,

itaas at ibaba.

You might also like