You are on page 1of 2

Daily Lesson Plan

In Araling Panlipunan

Grade Level 1
Learning Area Araling Panlipunan
Quarter Ikaapat
I. Objectives
Content Standard Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng
sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng
kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.
Performance Standard 1. Nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na
Kapaligirang Ginagalawan
2. Nakapagpakita ng payak na gawain sa pagpapanatili at pangangalaga ng
kapaligirang ginagalawan
Learning 1. Naipaliwanag ang konsepto ng distansya at direksyon at ang gamit nito
Competencies/Objectives sa pagtukoy ng lokasyon
2. Nakakagawa ng payak na mapa ng loob at labas ng tahanan
3. Natutukoy ang mga bagay at istruktura na makikita sa nadadaanan
mula sa tahanan patungo sa paaralan
II. Content Konsepto ng Distansya at Lokasyon
III. Learning Resources
References
Other Learning Laptop, LCD Projector, worksheet, mga larawan
Resources
IV. Procedure
Before the Lesson I. Pagganyak (5 minuto)

Panonoorin sa klase ang video tungkol sa “Lokasyon at Direksyon”.


Kinuha ito sa https://www.youtube.com/watch?v=kN6or_dwW6E
Itatanong ng guro sa klase ang sumusunod:
1. Base sa video, an gang pinag-aralan ni James?
2. Saan makikita ang basurahan sa bahay ni James?
3. Ang kanyang laruang eroplano?
4. Saang bahagi naman ng bahay makikita ang kanilang sasakyan?
5. Ano naman ang makikita sa harapan ni James?

II. Paglalahad ng mga layunin at Paksa (5 minuto)

a. Isa-isahing talakayin ang konsepto ng lokasyong sa kanan, sa kaliwa,


ibaba, itaas sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming halimbawa
gamit ang mga larawan ng bagay at iba pa.
b. Bigyang diin na ang mga katawagang ito ay mga salitang naglalarawan
ng distansya at lokasyon.

During the Lesson I. Talakayan (15 minuto)

Gamit ang powerpoint, ilalahad ng guro Konsepto ng Distansya at


Direksyon. Pagkatapos ay magpapakita ng mga larawan ng mga
halimbawa ng nagpapakita ng distansya at deriksyon. Ang guro ay
magbibigay ng chat tungkol sa distansya at direksyon na makikita ni
Lena sa pagpasok sa paaralan. Ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga
katanungan ng guro.

Ang Distansya at Direksyon sa Pagpasok ko sa Paaralan


Mga Katanungan:
1. Ano-ano ang mga istruktura ang makikita sa larawan?
2. Saang direksyon pupunta si Lena kapag sya ay pupuntang paaralan?
3. Malayo ba o malapit ang paaralan mula sa bahay ni Lena?
4. Saang direksyon makikita ang simbahan?
5. Malayo ba o malapit ang simbahan mula sa bahay ni Lena?

II. Comprehension Monitoring (10minuto)


Magpapasagot ang guro ng worksheet na nasa ibaba.

Panuto: Pagmasdan ang larawan at sagutin ang mga katanungan na nasa


ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May padulasan sag awing ___ ng bahay.


a. Kaliwa b. kanan c. itaas
2. Ang araw ay nasa ___.
a. Itaas b. ibaba c. kanan
3. Ang bulaklak ay nasa ___ ng bintana.
a. Itaas b. kanan c. ibaba
4. Makikita ang puno sag awing ___ ng bahay.
a. Kaliwa b. kanan c. ibaba
5. Nakaupo ang pusa sa ___ ng bahay.
a. Kanan b. likod c. harap

After the Lesson Integrasyon (5minuto)


Ang guro ay magbibigay ng paglalahat tungkol sa araling tinalakay.

Tandaan:
Ang distansya ay nagpapakita ng lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay. Ang
lokasyon naman ay nagtuturo ng direksyon o kinaruruonan ng isang bagay o
lugar. Ang iba’t-ibang direksyon ay ang kanan, kaliwa, harapan at likod ay
magagamit sa pagtukoy ng kinalalagyan ng mga bagay.

III. Kasunduan

Sa short bondpaper, iguhit at pag-aralan ang lokasyon ng mga hayop sa


larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.

1. Ang ibon ay nasa ___ ng usa.


2. Kung ang ibon ay nasa itaas asan naman ang usa?
3. Ang kuwago ay nasa ___ ng ibon.
4. Nasa gawing ___ ng usa ang ahas.
5. Ang ibon ay nasa gawing ___ ng kuwago.

You might also like