You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Batangas
Bauan East District
MANGHINAO ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

Guro Gng. Elizabeth V. Tage-Guro1 Baitang : I


DAILY LESSON Petsa / Oras Pebrero 10, 2020 -Lunes
LOG (Pang-araw- I-Daisy - 8:40-9:30 Asignatura: Araling Panlipunan
araw na Tala sa
Pagtuturo)
Markahan: Ikaapat na Markahan
I.LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa


Pangnilalaman paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan at paaralan at ng
kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga nito.
B.Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay nakagagamit ng konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na
saPagganap kapaligirang ginagalawan at nakapagpapakita ng payak na gawain sa pagpapanatili at
pangangalaga ng kapaligirang ginagalawan.
C. Mga Kasanayan Naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon at distansya sa pang-araw-araw na buhay sa
sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng transportasyon mula sa tahanan patungo sa paaralan
Pagkatuto AP1KAPIVc-6
Isulat ang code ng
bawat kasanayan
II.NILALAMAN: Aralin “Kaugnay ng Lokasyon, Distansya at Transpostasyon sa
Pang-araw-araw na Pamumuhay”
Batayang Pagpapahalaga/Kaugnay na Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga sasakyan
Dulog/Estratehiya: Thinking skills, Think-Pair-Share, Direct Instruction, Scaffold-Knowledge
Integration, Collaborative
Integrasyon: MAPEH, Filipino, Math, EsP, Mother Tongue
III. KAGAMITANG
PANTURO
A.Sanggunian K to 12 – AP1KAPIVc-6
AP Teaching Guide pp. 238-258
B. Iba pang mga
Kagamitang AP LM pp. 212-219
Panturo Slide presentation, mga larawan ayon sa paksa, video clip, cartolina, yarn, crayons, realia

IV.PAMAMARAAN

A . Balik-Aral sa (PE and Music Integration)


Nakaraang Aralin Sasayaw ang mga bata ng sasakyan kita. Sa tuwing kakantahin ang chorus ay magpapakita ng
at/o Pagsisimula larawan ng sasakyan ang guro at ito ay kanilang gagayanin.
ng
Bagong Aralin
B. Paghahabi sa (Filipino Integration)
layunin ng aralin Magpapakita ang guro ng mga iba’t ibang uri ng sasakyan.
Sasabihin ng guro na ito ang mga sinasakyan natin kung malapit o malayo man ang ating
pupuntahan.

(Direct Instruction)
Ngayong araw na ito ay pag-aaralan natin ang kaugnayan ng lokasyon, distansya at transportasyon sa
Pang-araw-araw na pamumunay.
Mga bata pagsinabi natin na lokasyon ito ay kung saan nakalagay/matatagpuan ang isang bagay.
Halimbawa saan nmatatagpuan ang pisara?
Pagsinabi naman natin na distansya ito ay ang layo o lapit ng isang lugar o bagay.
Halimbawa malayo o malapit ba kayo sa paaralan?
Pagsinabi naman natin na transportasyon ito naman ay ang mga sasakyan na ginagamit natin kung
saan man tayo pupunta.
Sa mga nakikita ninyo sa mga larawan, Alin dito ang inyong nasakyan na? Saan kayo nagpunta?

(Mother Tongue)
(Maaari din itanong ang tunog ng sasakyan/ malakas o maniha ang tunog ng mga sasakyan)

(Health Integration)
Kung ikaw ay sasakay ng motor. Huwag kakalimutan ang maghelmet. Ito ay para sa iyong kaligtasan
habang ikaw ay nakasakay sa motor.

C. Pag-uugnay ng Ang guro ay may isang puno. Sa punong ito ay may nakasabit ng mga larawan ng iba’t ibang
mga Halimbawa sasakyan. May tanong ang guro sa mag-aaral. Sa bawat tanong ng guro ay kukunin ng mag-aaral ang
sa Bagong Aralin larawan sa puno at ididikit sa pisara.

(Math Integration)
Tanong:
1. Malapit ba o malayo ang inyong bahay sa paaralan?
2. Paano ka pumapasok sa paaralan?
3. Ikaw ba ay naglalakad o sumasakay?
4. Ilan sa inyo ang sumasakay? Ilan ang lalakad?
(bibilangin ng mga bata.)
5. Kung ikaw ay nagsasakay magkano ang iyong pamsahe?
6. Kung ikaw ay nagbayad ng P 10.00, magkano ang sukli sa iyo?
7. Kung ikaw ay sasakay papasok ng paaralan at pauwi sa inyong bahay magkano ang iyong
magagastos?

(EsP Integration)
8. Ano ang sasabihin mo kapag binigyan ka ng sukli ng driver?
D. Pagtalakay ng (Scaffold-Knowledge Integration)
bagong E-Games
konsepto at
paglalahad 1. Kailangan kong tumawid ng ilog para sa pagpasok sa paaralan. Ano kaya ang aking
ng bagong sasakayan?
kasanayan
#1

2. Hindi gaanong malayo ang aming bahay sa palaruan. Ano kaya ang aking sasakayan dyip o
bisikleta?

3. Medyo malayo ang palengke sa aming paaralan. Ano kaya ang aking sasakyan?

4. Malayo ang SM Batangas nais mamasyal ng aming pamilya ano kaya ang sasakyan namin?

5. Nais bumisita ng aming pamilya sa aming kamag-anak sa Maynila. Ano kaya ang aming
sasakyan?
E. Pagtalakay ng (Collaborative)
bagong Pangkatang Gawain
konsepto at Hahatiin ng guro ang klase sa 4 na pangkat ayon sa kanilang kakayahan. Bawat pangkat ay pipili ng
paglalahad leader. Ang lider ang pipili ng kanilang pangkatang gawain sa pamamagitan ng jack en poy.
ng bagong
kasanayan Pangkat I: “Sakay Na”
#2 Ikonek ang yarn sa pangalan ng sasakyan sa mga larawan.

dyip

tricycle

bangka

bisikleta

kotse
Pangkat II: “Malayo man Malapit din”

Isulat ang letrang A kung ang sasakayan ay maaaring gamitin sa pagpunta sa malapit na lugar.
Isulat ang Z kung ginagamit ito sa pagpunta sa malayong lugar.
Pangkat III: “Distansya Amigo”

Kung ikaw ay nakatira sa kabilang ilog, ano ang sasakyan mo patungo sa sa paaralan?

Iguhit ang iyong sagot sa sa kartolina at kulayan ito.

Pangkat IV: “Sasakyan Kita”

Saan maaaring gamitin ang sasakyang ito? Ang mga larawan ay pagbubukod bukudin ayon sa mga
gamit ng sasakayan.

Lupa Tubig Himpapawid

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Pamantayan 3 2 1
Kaangkupan sa Napalutang o Nakapagpakita Hindi lumutang
Paksa naipakita nang ng pagka - o naipakita ang
ganap ang malikhain paksa o tema.
paksa o tema.
Naipakita ang Nakapagpakita Hindi
Pagkamalikhain pagiging ng kaunting masyadong
malikhain. pagka- malikhain ang
malikhain pagkakagawa.
Kooperasyon Bawat isa ay Karamihan ay May mga hindi
nakibahagi nakibahagi nakibahagi

F. Paglinang sa (Scaffold-Knowledge Integration)


Kabihasaan Ipoproseso ng mga mag-aaral ang ginawang pangkatang Gawain sa pamamagitan ng pagsagot sa
(Tungo sa sumusunod na tanong.
Formative
1.Naisagawa nyo ba ng tama ang inyong gawain?
Assessment)
2. Natapos ba ninyo sa takdang oras ang inyong gawain? Bakit? Bakit hindi?
3. Ano ang inyong naramdaman?
4. Paano nakiisa ang bawat kasapi ng grupo sa pangkatang gawain?
G. Paglalapat (Think-Pair -Share )
ng aralin sa Papangkatin sa dalawahan ng guro ang mga mag-aaral.
pang-araw-araw Bibigyan sila ng tanong o suliranin.
na
May ilan sandali silang mag-isip tungkol sa tanong o suliranin.
buhay
Sa hudyat ng guro ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa kani-kanilang pangkat.
Pagkaraan ng talakayan ibabahagi ng bawat pangkat sa klase ang kanilang mga sagot sa klase.

Sitwasyon: Ibahagi sa kaklase ang sumusunod:


Ano ang sinakyan mo patungong paaralan?
Kung kayo ay sisimba ng iyong pamilya, Ano ang inyong sasakyan?

H. Paglalahat ng (Thinking Skills)


Aralin Ano-ano ang mga sasakayan natin patungo sa paaralan?
Kung malapit ka lamang sa paaralan ano ang ginagawa mo?
Ano-ano ang maaaring gamitin na sasakyan sa kapatagan?
Ano-ano namang sasakyan ang maaaring gamitin sa dagat/ilog?

I. Pagtataya ng Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Aralin
1. Nais kong magpunta sa aking kaklase medyo malapit lamang ito sa aming bahay. Alin sa mga
sumusunod na sasakyan ang aking gagamitin?

a) b) c) d)

2. Ang mga sumusunod na sasakyan ay maaring gamitin sa kapatagan maliban sa?

a) b) c) d)

3. Tatawid ako ng ilog pagpasok sa paaralan. Anong sasakyan ang aking gagamitin?
a) bangka b) bisikleta c) kotse d) bus

4. Magbabaksyon kami ng aming pamilya sa Quezon. Ano ang aming sasakayan patungo doon?

a) b) c) d)

5. Malapit lamang ako sa aking paaralan. Ano kaya ang aking dapat gawin?
a) Sasakay ako ng tricycle.
b) Sasakay ako ng dyip.
c) Maglalakad ako.
d) Wala sa nabanggit.

J. Karagdagang (Arts Integration)


Gawain para sa Takda:
takdang-aralin at Iguhit ang sasakayan na inyong ginagamit kung ikaw ay papasok sa paaralan.
remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-
aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailang
an ng iba pang
gawain para
sa
remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy
sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng
lubos? Paano
ito
nakatulong?
F. Anong
suliranin ang
aking
naranasan na
solusyunan sa
tulong ng
aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking
nadibuho na
nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
ELIZABETH V. TAGLE
Guro I
Iniwasto ni:
DONNA L. DE VILLA
Dalub Guro I

Noted:
BRENDA C. BOONGALING-Ph.D
Punungguro IV

You might also like