You are on page 1of 12

Wesleyan University – Philippines

Maria Aurora, Extension Campus


College of Education

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN I


IKAAPAT NA MARKAHAN, IKAAPAT NA LINGGO

I. LAYUNIN
1. Naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon at distansya sa pang-araw-araw na buhay sa
pamamagitan ng iba’t ibang uri ng transportasyon mula sa tahanan patungo sa paaralan.
AP1KAP-IVc-6
2. Nauunawaan ang gamit ng mga transportasyon ayon sa distansiya ng bahay patungo sa
paaralan; at
3. Napapahalagahan ang gamit ng iba’t ibang uri ng transportasyon.
II. PAKSANG ARALIN
A. 1. Kaugnayan ng Lokasyon, Distansiya, at Transportasyon sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.
2. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng distansya sa paglalarawan ng sariling
kapaligirang ginagalawan.
3. Pamantayan sa Pagganap
 Nagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang
ginagalawan.
B. SANGGUNIAN:
 MELCS p. 27
C. KAGAMITAN:
 Larawan
 PowerPoint
D. INTEGRASYON:
 Music
E. PAGPAPAHALAGA:

III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO


A. Panimulang Gawain

1. Paalala para sa Health Bago tayo magpatuloy, magkakaroon muna tayo ng ilang
Protocols paalaala para maiwasan natin ang sakit na COVID-19.

 Isuot ng maayos ang ating facemask

 Palagiing magdala na alcohol o sanitizer

 Panatilihin ang isang metrong distansya.


Ilayo ang sarili sa iba.

Upang pasimulan ang araw na ito, magsitayo tayo at simulan


natin ang ating araw sa pamamagitan ng panalangin.
2. Pagdarasal Magandang umaga mga bata!
 Magandang umaga din po!

Tayong lahat ay manatiling nakatayo at tayo ay kakanta.


3. Pagbati
“Araling Panlipunan”
tono: Kung ikaw ay masaya
4. Pag-awit
Araling Panlipuna’y tuklasin,
Araling Panlipuna’y alamin

Pag-aralan natin ang ating kasaysayan,


Handog nito’y puno ng kaalaman

Araling Panlipuna’y tuklasin,


Araling Panlipuna’y alamin

Pangyayari mula noon,


Hanggang sa ngayon
Dala-dala nito’y edukasyon.

Alamin naman natin kung ano ang ating panahon ngayon,


awitin natin ang “Panahon” ni Teacher Cleo.

Ano ang panahon natin ngayon mga bata?


5. Pagsasabi ng panahon  Maaraw po an gating panahon

Alamin naman natin kung anong araw ngayon, awitin natin ang
“Pito, Pito” ni Teacher Cleo.

Anong araw naman natin ngayon mga bata?


6. Pagsasabi ng araw  Ang araw po ngayon ay Lunes

Kapag tinanong ko kung nasaan ang mga lalaki, kayo ay tatayo


at papalakpak ng dalawa sabay sabi ng “hep hep”.

Kapag tinanong ko naman kung nasaan ang mga babae kayo ay


7. Pagtatala ng mga batang tatayo at itataas ang dalawang kamay sabay sabi ng “hooray”.
pumasok o lumiban sa klase
Nasaan ang mga lalaki? (hep hep)
Pakibilang nga ____. (bibilangin ng bata)
Magaling!

Nasaan ang mga babae? (hooray)


Pakibilang nga ____. (bibilangin ng bata)
Mahusay!

Ilan kaya ang pumasok sa araw na ito? Pakibilang nga ang


kabuuan ______.
Magaling!

B. DRILL Saan kaya patungo ang mga tao sa larawan? Suriin ang bawat
isa.

________ 1. A.
________ 2. B.

________ 3. C.

________ 4. D.

Balik – Aral Panuto: Kumpletuhin ang mga puwang upang mabuo ang
kaisipan.

1. Himpilan ng _ u _ _ _

2. Istasyon ng b _ _ b _ _ _

3. Sambahan o s _ _ _ a _ a _

4. Pamilihan o p _ _ e _ g _ _

5. _ s _ _ _ a _ o pagamutan

Magaling mga bata. Ako ay natutuwa dahil nasagot niyo ang


aking mga katanungan.

Paghahabi sa layunin ng
Aralin  abot-tanaw – naaabot ng tingin.

Paglinang na Gawain
1. Pag-alis ng sagabal
 pedicab – sasakyan na may tatlong
gulong o karaniwan na tinatawag na
“padyak”.

 transportasyon – tumutukoy sa
paggamit ng sasakyan upang makarating
sa paroroonan.

2. Pagganyak Malapit ba o malayo ang inyong bahay sa paaralan?


 (iba-iba ang sagot ng mga bata)

Paano ka pumapasok sa paaralan ara-araw? Ikaw ba ay


naglalakad o sumasakay?
 (iba-iba ang sagot ng mga bata)

Kung ikaw ay sumsakay, ano ang iyong ginagamit na


sasakyan?
 (iba-iba ang sagot ng mga bata)

Mahusay mga bata!

3. Pangganyak na tanong Bago tayo magpatuloy mayroon akong ilang katanungan na


inyong sasagutin pagkatapos mapakinggan ang isang diyalogo.

1. Paano pumapasok sa paaralan si Janus?


2. Malayo ba ang bahay nila Toby sa kanilang
paaralan? Ano ang sasakyang ginagamit niya
patungo dito?
3. Saan naman sumasakay si Maricon patungo
sa knaiyang paaralan?
4. Bakit bisikleta lamang ang gamit ni Hauwie
sa pagpasok?
5. Bakit inihahatid ng kotse si Jojo patungo sa
paaralan?
6. Ano naman ang sinasakyan ng mag-ina sa
pagpasok sa paaralan?

Sa inyong pakikinig, narito ang ilang pamantayan para sa inyo.


4. Pamantayan sa pakikinig ng
kwento/diyalogo  Maupo ng maayos at huwag makikipag-usap sa
katabi.

 Tumingin sa nagkukwento at makinig na


mabuti.

 Tandaan ang mga mahahalagang pangyayari.

Alam kong handa na ang lahat kaya simulan na natin!


5. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin
(pakikinig ng Ako si Janus, abot-tanaw
kwento/diyalogo) mula sa aming bahay ang
aming paaralan kaya
naglalakad lamang ako.

Ako naman si Toby. Sumasakay ako


sa traysikel sa pagpasok sa aming
paaralan dahil medyo may kalayuan
sa aming bahay ang aming
paaralan.

Ako si Maricon, at dahil


malapit lamang sa aming
barangay ang aming paaralan,
sumasakay ako sa pedicab.

Ako si Hauwie. Gumagamit ako


ng bisikleta dahil sa kabilang
kalsada lamang ang aming
paaralan.

Ako naman si Kikay. Hinahatid


ako ni tatay sa kotse papunta sa
aking paaralan dahil malayo ito
sa aming bahay.
1. Pagsagot sa pagganyak na Matapos mong mabasa ang usapan ng mga batang mag-aaral,
tanong at pagtatalakay sa anu-ano ang mga napansin mo sa paraan ng pagpasok nila sa
kwento paaralan? Anu-anong sasakyan ang kanilang ginamit?

Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano pumapasok sa paaralan si Janus?

 Si Janus ay naglalakad lamang tuwing papasok


sa paaralan.

2. Malayo ba ang bahay nila Toby sa kanilang


paaralan? Ano ang sasakyang ginagamit niya
patungo dito?
 Medyo may kalayuan ang bahay nila Toby sa
paaralan. Sumasakay siya ng traysikel sa
kaniyang pagpasok.

3. Saan naman sumasakay si Maricon patungo sa


kaniyang paaralan?
 Siya ay sumasakay sa pedicab

4. Bakit bisikleta lamang ang gamit ni Hauwie sa


pagpasok?
 Dahil sa kabilang kalsada lamang ang kanilang
paaralan.

5. Bakit inihahatid ng kotse si Jojo patungo sa


paaralan?
 Dahil malayo ito sa kanilang bahay.

6. Ano naman ang sinasakyan ng mag-ina sa pagpasok


sa paaralan?
 Sumasakay sila sa bus.
1. Pagtatalakay ng bagong Tingnan ang mga larawan, sumasakay ka ba sa isa sa mga ito
konsepto at paglalahad ng tuwing pumapasok sa paaralan? Bakit?
bagong kasanayan #1

Iba-iba ang paraan ng mga mag-aaral sa pagpasok sa paaralan.

Ang iba ay naglalakad kapag malapit lamang ang


paaralan sa kanilang bahay.

Maaari din gumamit ng bangka kung nasa kabilang


ilog ang inyong bahay papunta sa paaralan.

Ang bisikleta at pedicab ay maaari mong gamitin


kung ang iyong tahanan ay hindi gaanong malayo
Paglinang sa kabihasnan Bago tayo magsimula sa pangkatang gawain, mayroon muna
(Tungo sa Formative akong ilang paalala.
Assessment)

(Pangkatang Gawain)  Pumunta sa inyong pangkat ng tahimik.


 Panatilihin ang social distancing.
1. Pamantayan sa  Sumali sa nakaatang na gawain.
Pangkatang Gawain  Kapag tapos na ang gawain pumapalakpak
at bumalik sa upuan ng tahimik.
 Tandaan na kapag nagkakaisa kayo sa
gawain ay madali itong matapos.

RUBRIKS 5 – Nagawa ng mahusay ang gawain


4 – Nagawa ng maayos ngunit kulang ang detalye
3 – Nagawa ang gawain ngunit hindi malinaw ang
pagpresenta
2 – Hindi natapos ang gawain
1 – Walang nagawa
Pangkatang Gawain Paunuto: Pangkatin ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng
Unang Pangkat: transportasyon ayon sa lokasyon o distansiya na maaaring
gamitin patungo sa paaralan.

Malayo sa paaralan
1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________

Hindi gaanong malayo sa paaralan


1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________
Pangalawang Pangkat:
Panuto: Lagyan ng thumbs up kung tama ang paraan ng
pagpasok ng isang mag-aaral sa paaralan at thumbs down
kung hindi.

_________ 1. Ginamit ni Luis ang kaniyang bisikleta para


makapasok sa paaralan dahil sa kabilang kanto lamang.

_________ 2. Nilangoy ni Marko ang ilog sa pagpasok sa


paaralan.

_________ 3. Sa bukid na nasa lalawigan at malayo sa


kabayanan ang bahay nina Essel at Richelle, walang dumaraan
na anumang sasakyan sa kanilang lugar kaya’t sumasakay sila
sa traktora pagpasok sa paaralan.

_________ 4. Hindi gaanong malayo ang bahay ni Sophia sa


kanilang paaralan kung kaya’t nilalakad na lamang niya ito.

_________ 5. Tumatakbo sa pagpasok sa paaralan si Tonyo


kahit alam niya na may dumaraang dyip sa kanilang lugar.

Pangatlong Pangkat: Panuto: Pag-aralan ang mga uri ng transportasyon sa ibaba.


Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang tamang
sagot.

pedicab bisikleta

bus kotse

dyip traktora

_________ 1. Anong uri ng sasakyan ang maaari mong gamitin


kung nais mong pumunta sa iyong pinsan na nasa kabilang
kanto lamang?

_________ 2. Alin sa mga larawan sa itaas ang iyong


gagamitin kung ikaw ay pupunta sa malayong lugar?

_________ 3. Ano ang iyong gagamiting sasakyan kung hindi-


gaanong malayo ang iyong pupuntahan?

_________ 4. Anong uri ng transportasyon ang ginagamit


patungo sa bukid na makikita sa lalawigan?

_________ 5. Ang batang si Eric ay inihahatid ng kaniyang


ama tuwing papasok ng paaralan. Natatakot siyang sumakay sa
ibang sasakyan. Sa iyong palagay saan siya sumakay sa
kaniyang pagpasok patungo sa paaralan?

Presentasyon ng mga ginawa at Ipakita at ipaliwanag ng bawat grupo ang kanilang ginawa.
pagbibigay ng iskor
Pagbibigay ng guro ng kanilang score.
Ako ay nagagalak dahil lahat kayo ay nakatapos sa inyong
gawain at nagawa niyo ito ng tama at mahusay, may
pagkakaisa at nagtutulungan at dahil diyan makakatanggap
kayong lahat ng STAR.

Paglalahat sa aralin (bawat isa ay may hawak na )

Panuto: Itaas ang kung ang sasakyan ay maaaring gamitin


sa pagpunta sa malapit na lugar. At kung ginagamit ito sa
pagpunta sa malayong lugar.

1.

2.

3.

4.

5.

Mahusay mga bata. Tunay ngang kayo ay nakinig sa ating


aralin.

Pinapatnubayang Pagsasanay Mayroon akong iba’t ibang uri ng transportasyon dito. Piliin
kung alin dito ang inyong ginagamit sa pagpasok sa paaralan at
sabihin kung bakit.
Malayang Pagsasanay Panuto: Piliin ang dapat gawin ayon sa distansiya ng iyong
bahay sa paaralan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____ 1. Abot-tanaw mo ang iyong paaralang mula sa iyong


bahay.

a. maglalakad
b. sasakay ng bus

_____ 2. Nasa kabilang kanto lamang ang iyong paaralan mula


sa iyong bahay.

a. sasakay sa pedicab
b. sasakay sa dyip

_____ 3. Malapit sa kabilang barangay ang iyong kaibigan.

a. magbibisikleta
b. sasakay ng bus

_____ 4. Nasa isla ang palaisdaan na titirhan ng inyong


pamilya.

a. sasakay ng bangka
b. magbibisikleta

_____ 5. Ang inyong bahay ay nasa kabilang bayan.

a. sasakay ng pedicab
b. sasakay ng dyip

Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin at


bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ako si Nelson na nasa unang baiting, nasa kabilang


kanto lamang ang aming paaralan.
a. Ako ay sasaky ng bus patungong paaralan.
b. Ako ay magbibisikleta patungong paaralan.
c. Sasakay ako ng dyip patungo sa aming paaralan.

2. Abot-tanaw lamang mula sa aming bahay ang


pinapasukan kong paaralan.
a. Mag-aabanag ako ng traysikel upang maihatid ako
sa aming paaralan.
b. Mag-aabang ako ng bus upang ihatid ako sa aming
paaralan.
c. Maglalakad lamang ako patungo sa aming paaralan.

3. Mula sa aming bahay ay walong kilometro ang layo sa


aming paaralan.
a. Maglalakd lamang ako.
b. Sasakay ako ng dyip patungo sa aming paaralan.
Gagamitin ko ang aking bisikleta patungo sa aming
paaralan.
4. Ako si Marga, isa akong mag-aaral sa unang baiting.
Kami ay nakatira sa Bayan ng Maria Aurora. Pupunta
kami sa paaralan ni Kuya sa Manila. Saan kami
sasakay?
a. Gagamitin naming ang aming bisikleta.
b. Sasaky kami ni nanay sa bus.
c. Sasakay kami ni nany sa traysikel.

5. Kami ng ate ko at ang aming pamilya ay sa tabi ng ilog


nakatira. Saan kami sasakay pagpasok sa aming
paaralan sa kabyanan?
a. Ihahatid kami ng aming tatay sakay ng bangka.
b. Ihahatid kami ng aming tatay sakay ng kotse.
c. Ihahatid kami ng aming tatay sakay ng pedicab.

Takdang Aralin: Upang mapanatili ang iyong maayos na kalusugan. Ano ang
dapat mong gawin kung ang iyong paaralan ay abot-tanaw
lamang mula sa inyong tahanan? Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


SHARMAINE KRISTEL JOY C. RAMOS EMELINA A.
BATAZAR
Practice Teacher Cooperating Teacher

Itinala ni:

GLICERIA C. GENETA
Principal III

You might also like