You are on page 1of 12

Wesleyan University – Philippines

Maria Aurora, Extension Campus


College of Education

BANGHAY-ARALIN SA MATHEMATICS I
IKAAPAT NA MARKAHAN, IKAAPAT NA LINGGO

I. LAYUNIN
1. Solving problems involving time (days in a week, months in a year, hour and half hour).
M1ME-IVb-4
2. Nasasagot ang mga suliranin na may kaugnayan sa araw sa isang linggo, buwan sa isang taon
at oras; at
3. Naksusunod sa mga itinakdang oras.
II. PAKSANG ARALIN
1. Solving problems involving time.
2. Pamantayang Pangnilalaman
 Demonstrates understanding of time in solving mathematical problems.
3. Pamantayan sa Pagganap
 Is able to apply knowledge of time (days in a week, months in a year, hour and half-hour)
in mathematical problems and real-life situations.
A. SANGGUNIAN:
 MELCS p. 264
B. KAGAMITAN:
 Larawan
 PowerPoint
C. INTEGRASYON:
 MUSIC
D. PAGPAPAHALAGA:

III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO


A. Panimulang Gawain

1. Paalala para sa Health Bago tayo magpatuloy, magkakaroon muna tayo ng ilang
Protocols paalaala para maiwasan natin ang sakit na COVID-19.

 Isuot ng maayos ang ating facemask

 Palagiing magdala na alcohol o sanitizer

 Panatilihin ang isang metrong distansya.


Ilayo ang sarili sa iba.

Upang pasimulan ang araw na ito, magsitayo tayo at simulan


natin ang ating araw sa pamamagitan ng panalangin.
2. Pagdarasal
Magandang umaga mga bata!
 Magandang umaga din po!

Tayong lahat ay manatiling nakatayo at tayo ay sasayaw.


3. Pagbati
“It’s Mathematics Time”

4. Pag-awit It’s Mathematics time


It’s Mathematics time
Let us all get ready now
It’s Mathematics time

It’s Mathematics time


It’s Mathematics time
Let us all get ready now
It’s Mathematics time

Alamin naman natin kung ano ang ating panahon ngayon,


awitin natin ang “Panahon” ni Teacher Cleo.

Ano ang panahon natin ngayon mga bata?


5. Pagsasabi ng panahon  Maaraw po an gating panahon

Alamin naman natin kung anong araw ngayon, awitin natin ang
“Pito, Pito” ni Teacher Cleo.

Anong araw naman natin ngayon mga bata?


 Ang araw po ngayon ay Lunes
6. Pagsasabi ng araw
Ngayon ay alamin naman natin kung ilan ang pumasok at
lumiban na mga lalaki.

Nasaan ang mga lalaki?


Nasaan ang mga lalaki?
7. Pagtatala ng mga batang
pumasok o lumiban sa klase Heto kami
Heto kami

Kumusta kayo ngayon


Kumusta kayo ngayon

Mabuti naman
Mabuti naman

Mahusay. Pakibilang nga ang mga lalaki.

Nasaan ang mga babae?


Nasaan ang mga babae?

Heto kami
Heto kami

Kumusta kayo ngayon


Kumusta kayo ngayon

Mabuti naman
Mabuti naman

Ilan naman kaya ang mga babae?


Pakibilang nga.
Magaling!

B. DRILL Panuto: Basahin at unawain ang mga oras na nakasulat. Iayos


ang kamay ng orasan angkop sa binasa.

1. Ika-8 oras ng umaga.

2. Ika-6 at kalahating oras


ng hapon.

3. Ika-12 oras ng tanghali.

Mahusay mga bata!

Balik – Aral Panuto: Piliin ang sagot sa bawat katanungan na nasa loob ng
kahon.

24 2:00 12 7

1. Ilang oras ang mayroon sa isang araw?


2. Ilanga raw ang mayroon sa isang linggo?
3. Ilang buwan ang mayroon sa isang taon?
4. Anong oras ang nasa orasan?

Magaling mga bata. Ako ay natutuwa dahil nasagot niyo ang


aking mga katanungan.
Paghahabi sa layunin ng
Aralin

Paglinang na Gawain Selebrasyon – pagdiriwang ng isang


1. Pag-alis ng sagabal mahalagang pangyayari.

Imbitasyon – pahintulot na pumunta sa


isang selebrasyon.
2. Pagganyak Tingnan ang mga larawan, ano ang mga ito? Anong okasyon
kayo nakakakita ng mga ganito?

 Ito po ay mga lobo, cake, regalo at clown. Nakikita po


ito tuwing may kaarawan.

Iniimbitahan mo ba ang inyong mga kamag-anak tuwing


kaarawan mo? Bakit?
 Opo, dahil mas masaya po kung kasama naming sila na
magsaya sa aking kaarawan.

Hinahandaan din ba kayo nina Tatay at Nanay at


nireregaluhan tuwing kaarawan mo?
 Opo

Ano naman ang sinasabi mo tuwing makakatanggap ka ng


regalo?
 Nagpapasalamat po sa kanila at sa ibang tao na
nagbigay ng regalo.

Mahusay mga bata!


3. Pangganyak na tanong
Sa ating kwento alamin natin kung paano naghanda at
nagdiwang ang pamilya ni Sky para sa kaniyang kaarawan.

Bago tayo magpatuloy mayroon akong ilang katanungan na


inyong sasagutin pagkatapos mapakinggan ang isang kwento.

1. Ano ang selebransyon na kanilang


pinaghahandaan?
2. Sino ang magdadaos ng kaarawan?
3. Anu-anong paghahanda ang kanilang
ginawa?

4. Pamantayan sa pakikinig ng Sa inyong pakikinig, narito ang ilang pamantayan para sa inyo.
kwento
 Maupo ng maayos at huwag makikipag-usap sa
katabi.

 Tumingin sa nagkukwento at makinig na


mabuti.

 Tandaan ang mga mahahalagang pangyayari.


Alam kong handa na ang lahat kaya simulan na natin!
5. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin “Isang Malaking Selebrasyon”
(pakikinig ng kwento)

Ngayon ay araw ng Biyernes, ika-2


ng Pebrero naghahanda ang pamilya
De Leon sa isang malaking
selebrasyon, dahil kaarawan ng
kanilang bunsong anak na si Sky sa
ika-5 ng Pebrero.

Tatlong araw ang


paghahandang gagawin ng
buong pamilya. Ngayong
araw ay gumagawa sila ng
imbitasyon para sa mga
bisita.

Bukas naman ay mag-


aayos sila sa lugar kung
saan idaraos ang kaarawan
ni Sky.

Sa isang araw, magluluto na ng


pagkain para sa espesyal na
selebrasyong ito.

Sa araw na pinakahihintay
nila, binihisan si Sky ng ika-
2:30 ng hapon at nagsimula
ang handaan ng ika-3:00 ng
hapon.

Naging masaya ang pagdiriwang ng ikapitong kaarawan ni


Sky. Maligaya si Sky at ang buong pamilya.

1. Pagsagot sa pagganyak na Alam kong nakinig kayo ng mabuti sa ating kwento. Kaya
tanong at pagtatalakay sa balikan natin ang mga tanong kanina.
kwento

Magaling mga bata bigyan nga natin ng rain clap ang ating
mga sarili.

Ako ay natutuwa dahil nasagot ninyo ang aking mga


katanungan.

1. Pagtatalakay ng bagong Balikan natin ang ating kwento kanina at sagutin ang ilang mga
konsepto at paglalahad ng katanungan.
bagong kasanayan #1
1. Pang ilang araw sa isang linggo nagsimula ang
paghahanda?
 Pang anim na araw po.

 Laging tandaan na may 7 araw sa isang linggo. Ang mga


araw na ito ay ang Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules,
Huwebes, Biyernes, Sabado.

Kung gayon, pang anim na araw sa isang linggo nagsimula


ang paghahanda.
Tama mga bata!
2. Pang ilang buwan ang kaniyang kaarawan?
 Ito po ay pangalawang buwan sa isang taon.

 Mayroong 12 buwan sa isang taon. Ang mga ito ay ang


Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo,
Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre at Disyembre.

Buwan ng Pebrero ang kaarawan ni Sky. Kaya ito ay


pangalawang buwan sa isang taon.
Magaling mga bata!

3. Anong araw nang mag-ayos sila sa lugar kung saan


gagawin ang kaarawan ni Sky?
 Ito po ay araw ng Sabado.

 Kung araw ng Biyernes nagsimula ang paghahanda at


kinabukasan naman sila mag-aayos ng lugar kung saan
idadaos ang kaarawan ni Sky, ito ay araw ng Sabado.
Mahusay!

4. Ilang minuto binihisan si Sky?


 30 minuto po siyang binihisan.

 Binihisan si Sky ng ika-2:30 ng hapon at nagsimula ang


handaan ng ika-3:00 ng hapon. Tandaan na may 60
minuto sa loob ng isang oras. Kung kalahating oras
lamang binihisan si Sky, 30 minuto siyang binihisan.

5. Anong oras nagsimula ang handaan?


Nagsimula ang handaan ng ika-3:00 ng hapon.

Tingnan ang iba pang halimbawa. Suriin kung paano ipinakita


at inilarawan ang paglutas ng isang suliranin.

 PAGLUTAS NG SULIRANIN ANGKOP SA ORAS

Nagluto ng hapunan si Aling Vilma para sakaniyang mag-


anak. Tumagal ang kaniyang pagluluto nang isang oras.
Anong oras siya natapos magluto kung nagsimula siyang
magluto ng ika-6:30 ng gabi?

1. Ano ang itinatanong sa suliranin?


 Oras na siya ay natapos magluto.

2. Ano ang ibinigay na detalye?


 1 oras at 6:30

3. Anong operasyon ang ating gagamitin?


 Magdadagdag

4. Ano ang “number sentence”?


 6:30 + 1:00 = N

5. Solusyon

6:30 pm Idadagdag ang


+ 1:00 “elapsed time” na 1
oras o 60 minuto.
7:30 pm

Elapsed time
6:30 pm

TANDAAN:
 1 minuto = 60 segundo (seconds)
 1 oras = 60 minuto (minutes)

 PAGLUTAS NG SULIRANIN NA MAY ARAW SA


ISANG LINGGO

Ganap na ika-5 ng Oktubre nagsimula ang unang araw ng


pasukan. Ito ay araw ng Lunes. Anong araw ang ika-26 ng
Oktubre.

Gamit ang kalendaryo tingnan kung paano nilutas ang


suliranin.

Solusyon:
Sa pamamagitan ng pagbilog ng mga araw sa kalendaryo,
makikita natin na ang araw sa ganap na ika-26 ng Oktubre ay
Lunes.

TANDAAN:
 1 araw – 24 oras
 1 linggo – 7 araw

 PAGLUTAS NG SULIRANIN NA MAY BUWAN


SA ISANG TAON
Ang kaarawan ni Aladino ay 2 buwan bago sumapit ang
araw ng pasko. Anong buwan ang kaniyang kaarawan?

 Anong buwan ang Pasko?


 Disyembre po.

Mahusay. Bibilang lang tayo ng 2 pabalik mula Disyembre


para malaman ang buwan ng kaarawan ni Aladino.

1 2 3 4 5 6
Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo
7 8 9 10 11 12
Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre
2 1
 Buwan ng Oktubre ang kaarawan ni Aladino.

TANDAAN:
 1 buwan – 30 araw
 1 taon – 12 buwan

Alam kong handa na kayo para sa ating mga susunod na


gawain.
Paglinang sa kabihasnan Bago tayo magsimula sa pangkatang gawain, mayroon muna
(Tungo sa Formative akong ilang paalala.
Assessment)
 Pumunta sa inyong pangkat ng tahimik.
(Pangkatang Gawain)  Panatilihin ang social distancing.
 Sumali sa nakaatang na gawain.
1. Pamantayan sa  Kapag tapos na ang gawain pumapalakpak at
Pangkatang Gawain bumalik sa upuan ng tahimik.
 Tandaan na kapag nagkakaisa kayo sa gawain ay
madali itong matapos.
RUBRIKS

Pangkatang Gawain Panuto: Basahin at lutasin ang bawat suliranin.


Unang Pangkat:

Araw ng Lunes, ika-7:00 ng umaga nang pumasok si Tracey sa


paaralan. Apat na oras ang itinagal ng kanilang klase sa umaga.
Anong oras ang kanilang uwian?

Pangalawang Pangkat: Panuto: Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba at sagutin ang
mga katanungan.

Bakasyon na naman! Nagplano ang pamilya Cruz na mamasyal


sa Boracay sa loob ng dalawang araw.
Naghanda sila ng kanilang gamit kahapon at aalis sila sa isang
araw.

Kung ngayon ay Miyerkules,


1. Anong araw sila naghanda ng gamit?
2. Anong araw sila aalis papuntang Boracay?
3. Anong araw sila uuwi galing sa Boracay?

Pangatlong Pangkat: Panuto: Lutasin ang bawat suliranin.

Tatlong araw ang Ikaapat na Lagumang Pagsusulit ng mga


mag-aaral sa unang baitang. Kahapon, nagsimula nang mag-
aral si Joni para may maisagot siya sa pagsusulit bukas.

1. Kung ngayon ay ika-16 ng Mayo,


2. Kailan nagsimulang mag-aral si Joni?
3. Kailan ang unang araw ng pagsusulit ni Joni?
4. Kailan matatapos ang pagsusulit?

Presentasyon ng mga ginawa at Ipakita at ipaliwanag ng bawat grupo ang kanilang ginawa.
pagbibigay ng iskor
Pagbibigay ng guro ng kanilang score.

Ako ay nagagalak dahil lahat kayo ay nakatapos sa inyong


gawain at nagawa niyo ito ng tama at mahusay, may
pagkakaisa at nagtutulungan at dahil diyan makakatanggap
kayong lahat ng STAR.

Paglalahat sa aralin Tandaan:


Mayroong ___________ araw sa isang linggo. At ________
minuto sa kahalating oras.

Mayroon namang __________ buwan sa isang taon at


__________ na oras sa isang araw.

Pinapatnubayang Pagsasanay Panuto: Unawain ang bawat suliranin sa ibaba.

1. Kung ang ika-23 ng Enero ay Martes, anong petsa sa


Linggo?
2. Ngayon ay Pasko at araw ng Sabado, anong araw ang
bagong taon?
3. Ngayon ay ika-3:00 ng madaling araw, anong oras na
pagkatapos ng 60 minuto?

Malayang Pagsasanay Panuto: Lutasin ang suliranin.

Si Gab ay pumunta sa bahay ng kaniyang pinsan sa Laguna


noong Biyernes. Araw na ng Martes siya nakabalik sa kanilang
bahay.

1. Ilang araw ang lumipas bago bumalik si Gab sa


kanilang bahay?
2. Kung hindi bumalik si Gab ng Huwebes at ninais
niyang mamalagi pa ng 3 araw, anong araw siyang
babalik sa kanilang bahay?

Pagtataya Panuto: Basahin at lutasin ang suliranin sa bawat pamilang na


nasa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ika-1 ng Agosto ang kaarawan ni Kristian. Kung ika-25


ng Hulyo ay Sabado, anong araw ang kaarawan ni
Kristian?
a. Biyernes
b. Linggo
c. Martes
d. Sabado
2. Tuwing ika-12:00 ng tanghali nanananghali ang
pamilya Santos. Natatapos silang kumain pagkalipas ng
30 minuto. Anong oras sila natatapos kumain?

a. 12:30
b. 12:45
c. 1:00
d. 1:45

3. Ngayon ay araw ng Kalayaan sa Pilipinas. Kung araw


ng Martes ngayon, anong araw sa ika-17 ng Hunyo?
a. Lunes
b. Miyerkules
c. Biyernes
d. Linggo

4. Si Sherwin ay papunta ng Maynila sa isang buwan.


Kung ngayon ay buwan ng Mayo, anong buwan
pupunta ng Maynila si Sherwin?
a. Abril
b. Hulyo
c. Hunyo
d. Setyembre

5. Lumuwas si Jerold noong ika-4 ng Setyembre. Kung


Lunes siya lumuwas, anong araw naman sa ika-10 ng
Setyembre?
a. Huwebes
b. Linggo
c. Miyerkules
d. Sabado

Takdang Aralin: Panuto: Basahin at lutasin ang suliranin sa ibaba.

Si Mark ay naipalista na sa unang baitang sa pasukan. May


mga kailangan pagdaanan para makapasok sa FL. Ngayon ay
ika-2 ng Hunyo, araw ng Martes. Bukas, sa ganap na ika-8:00
ng umaga magkakaroon ng pagsusulit si Mark upang
makapasok sa paaralan. Sa isang araw, magpapasa naman siya
ng mga kailangang dokumento.

Kung ang pasukan nila ay sa ika-15 ng Hunyo,


1. Ilanga raw nalang ang hihintayin niya bago
magpasukan?
2. Anong araw noong nagkaroon ng pagsusulit si Mark
3. Anong oras ang simula ng pagsusulit ni Mark?
4. Anong buwan at araw ang kanilang pasukan?

Inihanda ni: Iniwasto ni:


SHARMAINE KRISTEL JOY C. RAMOS EMELINA A.
BATAZAR
Practice Teacher Cooperating Teacher
Itinala ni:
GLICERIA C. GENETA
Principal III

You might also like