You are on page 1of 4

MASUSING Paaralan Baitang Isa

BANGHAY- Guro Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Markahan Ikaapat

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
A. Pamantayang Pangnilalaman pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya,kaisipan,karanasan at damdamin.
Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang
B. Pamantayan sa Pagganap salita/pangungusap na idinikta.
Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang
pangyayarisa paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
 FIPS-IIc-3
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang
C. Mga Kasanayang
pangyayaring naobserbahan sa loob ng
Pampagkatuto/Layunin paaraalan.
 F1PS-IVe-3.8.3
Naisusulat nang may wastong baybay at bantas
ang salita/pangungusap na idinikta
 FIKM-IVe-2
II. NILALAMAN/PAKSA
 Pagpapanatili sa Kalinisan ng Ating Kapaligiran

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: pahina 93-95
2. Curriculum Guide pahina 14
3. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: pahina
4. Mga Pahina sa Teksbuk
5. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral
BAHAGINAN
 Ipaalala ang ipinagawang takdang-aralin at gamitin itong paksa ng bahaginan.
 Sabihin: Nagawa ba ninyo ang takdang-aralin kahapon? Nobserbahan ba ninyo ang
lugar dito sa paaralan kung saan nakalagay ang mga basurahan?Ginagamit ba ng
mga guro at mag-aaral dito sa paaralan ang mga basurahan?Ano ang naobserbahan
ninyo? Ito ang paksa ng ating bahaginan ngayong araw.
 Itanong:
Nasaan ang mga basurahan dito sa paaralan?
Ano-ano ang napansin ninyong tinatapon sa basurahan?
Ilan ang basurahan dito sa paaralan?
Ano pa ang ibang naobserbahan ninyo sa paggamit ng mga guro o mag-aaral sa
basurahan?
Sa palagay ninyo, bakit mahalaga ang basurahan?
Ano ang kaugnayan nito sa tema natin ngayong lingo?

Pahina 1 of 4
 Tumawag ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga katanungan.Tulungan silang
isaayos ang porma ng kanilang pangungusap kung kinakailangan.

PAGBABALIK-ARAL
 Ipakita ang pabalat ng aklat na Handog kay Isabella. Tumawag ng ilang mag-aaral
upang magsalaysay nang ilang pangyayari mula sa kuwento.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


 Buksan ang aklat sa pp.18-19. Ipakita ang larawan ng komunidad na naglilinis ng
kanilang kapaligiran. Lumapit sa ilang mag-aaral at ipaturo sa kanila kung saan sa
larawan ang : basurahan,imburnal,lumang gulong,kanal.
 Sabihin: Sa bahaging ito ng kuwento,tinalakay ng komunidad ang maaari nilang
gawin para hindi na pamuhayan ng lamok ang kanilang barangay. Naalala pa ba
ninyo kung ano ang mga binaggit nilang hakbang?
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
 Ipabasa sa buong klase ang mga hakbang na nakasulat sa listahan. Ituro ang bawat
salita habang binabasa ng klase. Pansinin kung aling salita ang hindi pa nila lubusang
mabasa at tulungan sila sa pagbasa nito.Magbigay ng tanong o pahiwatig,halimbawa:
“Anong letra ito?” Ano ang tunog ng letrang ito?”
D. Pagtalakay ng Bagong Konspeto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan Blg. 1
 Itanong:
Bakit importante na walang bara ang kanal? Ano ang mangyayari kung hindi
dumadaloy ang tubig sa kanal?
Bakit puwedeng pamahayan ng lamok ang gulong, lata at bote?
Ano ang nangyayari sa paligid pagkatapos umulan o bumaha na puwedeng
pagsimulan ng lamok?
Bakit mahalagang maglinis ng bakuran?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan Blg. 2


 Ipasulat sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang sumusunod na pangungusap na
ididikta sa kanila: Kapag malinis ang kapaligiran,dengue ay maiiwasan.
 Umikot sa buong klase habang nagsusulat ang mga mag-aaral upang tingnan kung
nasusulat nila nang may wastong baybay at bantas ang idiniktang pangungusap.

F. Paglinang sa Kabihasaan

1. Gawaing Pagpapalalim
 Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Ipataas ang kamay ng mga mag-aaral kung
hindi nila naisulat nang tama ang bawat bahagi ng pangungusap. Banggitin isa-isa
ang mga salita at bantas,at ipataas ang mga kamay ng mga bata kung hindi nila ito
naisulat ng wasto.Tukuyin kung sa aling mga salita sila sa pinakanahirapan.

2. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan


By pair: Isulat sa isang papel ang mga parirala/pangungusap na ididikta ng guro.
Isulat ito ng may tamang baybay at bantas.

1. malinis na kapaligiran
2. Huwag magkalat sa kalsada.
3. Madumi ang tubig sa ilog.
Matapos makapagsulat ng mga mag-aaral,isulat ang mga parirala/pangungusap sa
pisara upang makita nila ang tamang baybay at bantas.Ipataas ang kamay ng mga
mag-aaral kung hindi nila naisulat nang tama ang bawat parirala/pangungusap.

Pahina 2 of 4
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa kalinisan ng ating barangay at
paaralan?

H. Paglalagom/ Paglalahat
Itanong:
Bakit kailangan nating isulat nang may wastong baybay at bantas ang mga
salita/pangungusap?
I. Pagtataya ng Aralin
Isulat sa inyong kuwaderno ang ididikta ng guro.Isulat ito ng may tamang baybay at
bantas.
1. Ang mga dumi ng hayop at basura ay nagdudulot ng karamdaman sa atin.
2. Pinamumugaran ng lamok ang nakaimbak na tubig.
3. Ang dengue ay nakakamatay.
4. Ang malinis na kapaligiran ay kaaya-ayang pagmasdan.
5. Ang basura ay itapon sa tamang basurahan.
J. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng
mga gawaing pagpapahusay(remedial)
C. Nakatulong ba ang pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang naging epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
G. Anong mga inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /natuklasan ko na nais
kong ibahagi sa ibang guro?

Pahina 3 of 4
Pahina 4 of 4

You might also like