You are on page 1of 9

Detalyadong

Banghay-Aralin
sa EsP 5
Ipinisa ni: Rosedel P. Mapute
Student-Intern

Ipinasa kay: Gng. Mariniel A. Buico


Cooperating Teacher
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga paraan ng pakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing
nakatutulong sa bansa at daigdig;
b. naisaalang-alang ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga gawaing nakakatulong sa
bansa at daigdig; at
c. naipakikita ang mga halimbawa ng pakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing
nakakatulong sa bansa at daigdig.

II. Paksang Aralin


Paksa: Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakakatulong sa bansa at daigdig.
Mga kagamitan: Kartolina, Pananda, Larawan
Sanggunian:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagsasanay (Magkakaroon ng maikling
laro ang mga mag-aaral)

Magandang araw mga bata!


Magandang araw din po sayo, guro.
Handa na ba kayong lahat para sa mga
gagawin natin ngayong araw?
Opo, guro.
Mabuti naman kung gano’n dahil ngayong
araw na ito magkakaroon na naman tayo ng
maikling laro. Gusto niyo ba iyon?
Gusto po namin, guro.
Kung ganoon, ipapaliwanag ko na sa inyo
ang mga kailangan niyong gawin sa ating
laro.

Papangkatin ko ang klase sa dalawang grupo.


Bawat grupo ay bibigyan ko ng dalawang
pagpipilian, ito ang masaya at malungkot na
mukha. May babasahin akong mga sitwasyon
at ang gagawin ninyo ay itataas ang
masayang mukha kung ito ay nagpapahayag
ng paggamit ng iba’t-ibang multimedia at
technology tools sa pagpapatupad ng mga
batas at malungkot na mukha naman kung
hindi.
Ang grupo na makakakuha ng mas mataas na
puntos ay siyang panalo.
Opo, guro!
Naiintindihan ba mga bata?
Kung ganoon, simulan na natin!

1. Paggawa ng maikling video na


nagpapakita ng mga paraan sa wastong
pagrerecycle ng basura.
2. Pag upload ng mga larawan ng mga nag-
aaway sa barangay.
3. Paggawa ng FB page na sumusuporta sa
mga programang pangkalusugan ng
pamahalaan.
4. Pagwawalang bahala sa mga ipinapatupad
na alituntunin sa paaralan.
5. Paggawa ng poster ng wastong
paghuhugas ng kamay gamit ang aplikasyon
sa kompyuter

2. Balik-Aral

Ngayon magpatuloy na tayo. Sino sa inyo


ang nakaka-alala sa ating tinalakay nuong
huli nating pagkikita?
Nakakagawa ng isang proyekto gamit ang
iba’t ibang multimedia at technology tools sa
pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan,
kaligtasan, kalusugan at kapayapaan.
Mahusay!

Magbigay ng halimbawa ng mga multimedia


at technology tools na maaaring gamitin?
- Computer
- Internet
- Compact Disc
- Camera
- Facebook
-Twitter
-YouTube
- Instagram
Magaling! Ikinagagalak kung malaman na
naaalala pa ninyo ang huli nating tinalakay.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano ang napansin mo a mga larawan?
Ito ay nagpapakita nang mga gawaing
mabuti.

Anong mga salita ang puwede mong iugnay


sa mga larawan?
Pagpapanatiling malinis ang kapaligiran,
pagtulong sa kapwa, pag-aaral ng mabuti,
pagbili ng mga local na produkto, at pagiging
responsible at desiplinado.
Ikaw ba ay nakikiisa sa ganitong gawain?
Opo, guro.
Mabuti naman kung gano’n. Umaasa ako na
inyo ngang ginagawa ang mga ito sa para
makatulong sa inyong pamayanan.

2. Paglalahad

Base sa mga larawan na pinakita ko sa inyo,


ano sa tingin ninyo ang tatalakayin natin sa
araw na ito?
- Sa tingin ko po ay tungkol sap ag-alalaga
ng kalikasan.
- Sa tingin ko ay tungkol sa mga mabubuting
gawain.
-Base sa mga naitanong niyo po kanina, sa
tingin ko ang tatalakayin natin ngayon ay
tungkol sa pagsali sa gawain na nakatutulong
sa ating komunidad.
Tama kayong lahat!
Ngayong araw na ito ang tatalakayin natin ay
tungkol sa pakikiisa nang buong tapat sa mga
gawaing nakakatulong sa bansa at daigdig.

3. Pamantayan

Ngunit bago iyan, may itatanong muna ako


sa inyo.
Ano ang inyong gagawin kapag ang guro ay
nagsasalita sa harap?
Makininig ng mabuti.
Bakit kailangan ninyong makinig ng mabuti?
Para maintindihan naming ang iyong tinuturo
at may maisagot kami sa mga tanong.
Tama!

4. Pagtatalakay

Mayroon akong mga katanungan.

Bialang isang kabataan, paano kayo


makikiisa nang buong tapat sa mga gawaing
nakakatulong sa bansa at daigdig?
• Sumali sa mga organisasyon ng mga
kabataan na may mabuting layunin
para sa pamayanan.
Tama!
Mahalaga na magkaisa ang lahat at may
kooperasyon upang mas mapabilis ang
gawain.

Ano pa?
• Panatilihing malinis ang kapalagiran
Dapat nating panatilihing malinis ang
kapaligiran upang ma protektahan ang
kalikasan.

Magbigay ng isa pang halimbawa.


• Iwasan ang pagtapon ng basura kahit
saan.
Anong mangyayari kapag hindi itinatapon sa
tamang basurahan ang mga bsura?
• Matatambak ang mga basura sa ilog,
dagat, at pa kalat-kalat din sa daan na
maaaring pagsimulan ng sakit.

• Tumulong sa mga nangangailangan


kahit sa simpleng paraan.
Hindi mahalaga kung gaano kalaki o kaliit
ang iyong naitulong sa kapwa tao, ang
mahalaga ay may malasakit ka.

Ano pa?
• Mag-aral ng mabuti.
Tama! Napakahalaga talaga na mag-aral
tayong mabuti.
Ang mga batang katulad ninyo ay maaari
ring makiisa kahit sa munting paraan ay tiyak
na malaki naman ang maitutulong nito.

Ang pakikiisa na ito ay ginagawa natin


upang?

-Makatulong sa pag-unlad ng pamayanan.


-Upang gampanan ang mga resposibilidad
Tama! natin bilang mamamayan sa bansang ito.
Ito arin ay upang maimpluwensiyahan ang
ating mga kapwa na makamit ang kaligtasan
at kaayusan ng isang bansa at daigdig.
Upang magkaroon din ng kooperasyon
pagbibigay ng solusyon sa mga hindi natin
inaasahang pangyayaring makaaapekto sa
ating komunidad, bansa, at daigdig.
Ngayon na alam na natin ang sagot sa kung
bakit ito mahalaga itong gawin.

Marami pang bagay ang maaari nating gawin


at ang aking mga babanggitin ay isa rin sa
mga maari nating maggawa para mapabuti
ang ating bansa at daigdig ay:

✓ Pagsunod sa batas trapiko.

Bakit kailangan nating sumunod sa batas


trapiko?
Para maiwasan ang ma aksidente at ang hindi
mga magagandang pangayari.
Tama.

✓ Pag-aalaga sa ating kalikasan.

Bakit kailangan nating alagaan ang ating


kalikasan?

Dahil ito ang pinagkukunan natin ng likas na


yaman.
Kung ating mapapanatiling malinis, ligtas at
maayos ang estado ng ating kalikasan ay
patuloy nating magagamit ang mga ito.

✓ Pagbili ng mga lokal na mga produkto

Mas mainam na sa mga lokal na


manggagawa bumili para narin makatulong
tayo sa ating kapwa Pilipino.
5. Paglalahat

Bakit mahalaga na makiisa tayo sa mga


gawaing nakakatulong sa ating bansa?
• Ito arin ay upang maimpluwensiyahan
ang ating mga kapwa na makamit ang
kaligtasan at kaayusan ng isang bansa
at daigdig.
• Upang magkaroon din ng
kooperasyon pagbibigay ng solusyon
sa mga hindi natin inaasahang
pangyayaring makaaapekto sa ating
komunidad, bansa, at daigdig.
Magbigay nga mga bagay na maaari nating
gawin upang makiisa?
• Sumali sa mga organisasyon ng mga
kabataan na may mabuting layunin
para sa pamayanan.

• Panatilihing malinis ang kapalagiran

• Iwasan ang pagtapon ng basura kahit


saan.

• Tumulong sa mga nangangailangan


kahit sa simpleng paraan.

• Mag-aral ng mabuti.

6. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng ibat-


ibang gawain.

Group 1- Gumawa ng isang roleplay na


naipakikita ang mga halimbawa ng pakikiisa
nang buong tapat sa mga gawaing
nakakatulong sa bansa at daigdig.

Group 2- Gumuhit ng mga senaryo na c.


naipakikita ang mga halimbawa ng pakikiisa
nang buong tapat sa mga gawaing
nakakatulong sa bansa at daigdig.

Group 3- Bumuo ng isang tula na


naipakikita ang mga halimbawa ng pakikiisa
nang buong tapat sa mga gawaing
nakakatulong sa bansa at daigdig.

Group 4- Gumawa ng isang patalastas na


naipakikita ang mga halimbawa ng pakikiisa
nang buong tapat sa mga gawaing
nakakatulong sa bansa at daigdig.

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang (thumbs up) kung ang larawan ay nagpapakita ng pagkakaisa
nang buong tapas sa isang gawaing mkakatulong sa pag-unlad ng bansa at (thumbs
down) naman kung hindi.

1. Paglilinis ng kapaligiran

2. Pagbili ng mga local na produkto

3. Pagtapon ng basura sa tamang


lagayan.

4. Pagsusunog ng mga basura.


5. Pagtatanim ng mga puno.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng tapat na pakikiisa sa
mga gawain at program ana makakatulong sa pag-unlad ng bayan. (10 puntos)

You might also like