You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay-Aralin

Sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

I.Layunin

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. mababatid ang mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa


pagpapanatili ng kapayapaan;
b. maipakikita ang paggalang sa karapatang pantao, at paggalang sa opinyon at
idea ng iba; at
c. nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa
kabutihan ng lahat.

II. Paksang-Aralin

Paksa: “Mga Batas Ating Sundin para sa Kinabukasan Natin”

Sanggunian: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, p. 156-157

Kagamitan: Powerpoint

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

a. Panimulang Gawain

Magandang umaga mga bata!


Magandang araw din po guro.
Althea pangunahan mo ang panala-
ngin sa araw na ito.
Opo guro.
Salamat Althea, Ces pangunahan mo
naman ang awitin.
Opo guro.
Salamat Ces. Ngayon ayusin na ang
inyong mga upuan bago tayo magsi-
mula sa ating tatalakayin ngayon.
May lumiban ba ngayong araw mga
bata?
Wala po guro.
Mabuti naman kung ganoon.

b. Pagganyak

Ryu magbigay ka nga ng halimbawa


ng karapatang pantao.
Karapatang mamuhay po guro.
Magaling!
Ano pa? Edison?
Karapatang maging malaya po.
Ano pa? Mia?
Kalayaan sa pagsasalita po.
Magaling!
Paano mo maipakikita ang paggalang
sa opinyon ng iba?
Paggalang sa hangganan o limitasyon
po guro.
Ano pa? Rhomihel?
Irespeto po sila guro.
Magaling!

c. Paglalatag

Bawat isa sa atin ay may tungkulin


sa ating bansa. Isa na rito ay ang
pagsunod at pakikipagtulungan
sa pagpapatupad ng mga batas para
sa kabutihan ng lahat. Marapat na
alam natin ang tungkol sa
mga pangkalinisan, pangkalig-
tasan, pangkalusugan, pangkapaya-
paan at pangkalikasang batas.
Malaki ang magagawa natin
sa pangangampanya sa pagpapatupad
sa mga ito.

d. Pagtatalakay

Basahin nga ang kwento Nathan.

Tutulong Kami!
ni Pedro D. Arpia
Naintindihan ba ng maigi ang kwento (Babasahin ng mag-aaral ang kwento.)
mga bata?

Magaling! Opo guro.


Ano ang pinag-uusapan ng mga
mag-aaral sa dayalogo?

Pinag-uusapan nila ang tungkol


sa tulung-tulung na lutasin ang
mga problemang pangkalini-
san, pangkaligtasan, pangkalusu-
gan, pangkapayapaan at maging
Magaling! pangkalikasan.
Ano-ano ang mga naging panukala
ng mga tauhan sa dayalogo
upang malutas ang mga problema
sa kanilang barangay?

Pagsama sa pangangampanya sa
usaping pangkalinisan. Paggawa
ng mga poster upang iparating sa lahat
ang layunin hinggil sa kalinisan ng
Magaling! Ano pa? barangay.

Sipagan ang pagroronda upang mapanatili


Magaling! Ano pa? ang kapayapaan at kaligtasan sa lugar.

Kumalap ng mga listahan ng


mga malnourished sa lugar
upang maireport agad sa kinauukulan at
Magaling! Ano pa? ng mabigyan kaagad sila ng tulong.

Kausapin ang guro na hikayatin ang


mga estudyante na lumahok sa pina-
planong pagtatanim ng mga puno sa tabi
Magaling mga bata. ng kalsada.
Sa inyong tingin bakit may mga batas?

May mga batas po para mapadali at mana-


Magaling! tiling payapa ang lahat ng tao.
Ano ang mga dapat gawin
sa pakikilahok sa pangangampanya
ng mga batas at gawain para sa
mga suliranin?

Walisan ang harapan ng bahay araw-


Magaling! Ano pa? araw.

Iwasan ang mga bagay na naglalabas


ng greenhouse gases, kagaya
ng pagsusunog, pagpaparami ng
basura, sobrang paggamit ng kuryente,
Ano pa? at iba pa.

Bawasan ang konsumo ng kuryen-


te. Patayin ang mga ilaw at appliances
Ano pa? na hindi naman ginagamit.

 Huwag magtapon ng basura kahit saan.


Magaling mga bata.
 Gawin ang 3R's: Reuse, Reduce, Recycle.
e. Paglalahat

Naintindihan ba ang tinalakay natin


ngayon mga bata?

Kung ganoon ano na nga ulit ang


dahilan kaya may batas? Opo guro.

Para mapadali at manatiling payapa


Magaling! ang lahat ng tao.
Ano pa?

Ano ang natutunan niyo sa araw na ito? Para sa kabutihan ng lahat.

Natutunan ko po na kahit sa maliit na


Tulad ng anong paraan? paraan lamang ay makatutulong para
sa ikabubuti ng lahat.

Magaling! Tulad ng pagwawalis sa harapan ng


bahay o sa paaralan.
f. Paglalapat

Ngayon papangkatin ko kayo sa 3


grupo at gawin ang nasa harap.
Panuto: Sumulat ng mga pangako
at dapat gawin batay sa
inyong natutunan sa aralin.

Kami’y nangangakong tutulong


sa paglutas ng suliranin sa
aming barangay para sa kabutihan
ng lahat sa pamamagitan ng
1.
2.
3.
4.
5.

IV. Ebaluasyon

Panuto: Isulat ang Tama kung


ang ipinahahayag sa bawat bilang
ay dapat gawin at Mali kung ito’y
hindi dapat gawin.

1. _______ Labanan at sugpuin


ang paglaganap ng droga sa
lipunan.
2. _______ Makilahok sa paggawa
ng mga poster tungkol
sa pangangampanya sa pangka-
lusugan.
3. _______ Maging pabaya sa mga
Nangyayari sa inyong kapaligiran.
4. _______ Ang bawat kabataan ay
dapat maging mapanuri sa grupong
sasalihan.
5. _______ Ang bawal kabataan ay
dapat makilahok sa pangangalaga
ng kalikasan.
6. _______ Huwag sasama sa
pagtatanim ng mga puno lalo na
kung ito ay gaganapin sa mga
bundok.
7. _______ Makiisa at sumunod sa
curfew na ibinigay ng punong
barangay.
8. _______ Pakikipagtulungan sa mga
lider ng Clean and Green Project
na inilunsad sa inyong barangay.
9. _______ Pagsuway sa alagad ng
batas.
10. _______Kailangang makiisa
sa pamahalaan sa pangangampanya
at sa pagpapatupad ng mga batas.
V. Takdang-Aralin

Gumawa ng isang maikling


sanaysay tungkol sa pakikilahok
sa pangangampanya sa pagpapa-
tupad ng mga batas para sa kabu-
tihan ng lahat. Lagyan ng pamagat.

You might also like