You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Markahan
Ikawalong Linggo

Aralin 8: Ipahayag ang Katotohanan, Masakit man sa Kalooban

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring
pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan CG pahina 67

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga kilos, gawain at pahayag na may kabutihan at katotohanan
CG pahina 70

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng:
9.1 pagkuha ng pag-aari ng iba
9.2 pangongopya sa oras ng pagsusulit
9.3 pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa EsP5PKP-Ih-35

II. NILALAMAN

ARALIN 8: Ipahayag ang Katotohanan, Masakit man sa Kalooban


Batayang Pagpapahalaga: Pagkamatapat (Honesty)

KAGAMITANG PANTURO:

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


Laptop (powerpoint presentation) www.google.com –images, Lakip Blg. 2 at 3
Lakip Blg. 2 at 3 Lakip Blg. 5, ginupit na masaya at malungkot na mukha,
Lakip Blg. 6 Lesson Plan in ESP 5, 2013 Edition, p. 28

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW

Alamin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Itanong:
Madalas ay sinusubok ang ating pagiging matapat lalo pa’t ang nasasangkot dito ay
ang ating kapamilya, kaibigan o kakilala. Alin nga ba ang dapat manaig sa mga
pagkakataong ganito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipahayag ang pamagat ng aralin.


ARALIN 8: Ipahayag ang Katotohanan, Masakit man sa Kalooban

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Ipakita ng guro ang ilang mga larawan. Itatanong sa mga bata kung ano ang
ipinakikita sa bawat larawan.

pagkuha ng pag-aari ng iba pangongopya sa oras ng pagsusulit

pagsisinungaling sa magulang

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Talakayin ang ipinapakita sa bawat larawan.


Tungkol saan ang ipinakita sa unang larawan? Pangalawang larawan? At
pangatlong larawan?
Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Bakit?

F. Paglinang sa kabihasaan

Iproseso ang kasagutan ng mga bata. Bigyang halaga o pansin ang pagsasabi ng
katotohanan sa isang pangyayari kahit masakit sa kalooban.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Magsasabi ka pa rin ba ng totoo sa isang pangyayari kung ang sangkot ay ang


iyong kaibigan, kamag-anak o kakilala kahit alam mong ito’y masakit sa iyong
kalooban?

H. Paglalahat ng Aralin

Itanong:
Ano ang dapat tandaan sa pagsasabi ng katotohanan?
I. Pagtataya ng Aralin

Itanong:
Bilang isang mag-aaral, magsasabi ka pa rin ba ng totoo sa isang pangyayari kung
ang sangkot ay ang iyong kaibigan o kamag-aaral kahit alam mong ito’y masakit sa
iyong kalooban?

IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Itanong kung ano ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo sa isang


pangyayari?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipahayag na ngayong araw na magsasagawa ng pangkatan at indibidwal na gawain


ang mga mag-aaral.

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pangkatang Gawain:

Sa loob ng 10 minuto pag-usapan kung papaano maipapakita ang pagiging


matapat sa lahat ng pagkakataon kahit na ang sangkot ay ang iyong mga mahal sa
buhay o kakilala. Ipakita ang natapos na gawain sa loob ng tatlong minuto.

Pangkat 1: Awit: Oras ng Pagsusulit

Pangkat 2: Tula: Pagsasauli ng Bagay na Napulot

Pangkat 3: Rap: Pagsasabi ng Totoo sa mga Magulang

F. Paglinang sa kabihasaan

Itanong:
Ano ang naramdaman ninyo pagkatapos ng gawain?
Ano-ano ang mga natutuhan ninyo sa gawain?
Nakiisa ba ang bawat miyembro sa inyong grupo?
Tama ba ang kanilang ipinakita sa klase?
G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Indibidwal na Gawain:
Basahin ang kuwento at pag-aralang mabuti kung ano ang marapat gawin sa
babasahing kalagayan:

Mahirap lamang ang buhay ng magkakaibigang Miguel, Felix at Oscar.


Nang araw na iyon binanggit ni Bb. David ang mga gamit na kailangan nila sa
pagbuo ng kanilang proyekto sa ESP. Kinakailangan nilang magtungo sa isang
“internet shop” upang magsaliksik. Alam nila na kailangan nila ang malaki-laking
halaga upang ito’y magawa. Sa kanilang paglalakad isang pitaka na maraming
lamang pera ang natisod ni Felix. Ano ang dapat gawin ng tatlo?

Isulat ang inyong sagot sa papel.

Rubriks

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 puntos

Konsepto Naipakita ang kabuoang May ilang kulang Walang kaugnayan


konsepto ng gawain na konsepto ang ang ibinahaging
nang tama naibahagi konsepto sa gawain

Lahat ay nakiisa sa gawain May ilang miyembro Marami sa mga


Pakikiisa nang may kagalakan/ ng pangkat ang miyembro ng
kasiyahan hindi nakiisa sa pangkat ang hindi
gawain. nakiisa sa gawain.

H. Paglalahat ng aralin

Itanong:
Ano ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo kahit masakit sa kalooban?

I. Pagtataya ng aralin

Itanong:
Paano mo maipakikita ang pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon kahit na ang
sangkot ay ang iyong mga mahal sa buhay o kakilala?

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Itanong:
Ano ang magiging bunga kung magsasabi ng katotohanan kahit masakit sa
kalooban?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin sa araw na ito.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gamit ang powerpoint presentation, magkakaroon ng talakayan tungkol sa mga


sumusunod:

1. Kahalagahan ng pagiging matapat


2. Pagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Naisabuhay mo na ba ang pagiging matapat? Magbahagi sa klase.

H. Paglalahat ng Aralin

Sabihin:
Dapat ipahayag ang katotohanan kahit na ito ay masakit sa kalooban dahil ang
sangkot dito ay ang iyong mahal sa buhay, kakilala o kaibigan.

I. Pagtataya ng aralin

Ano ang iyong mararamdaman kung sakaling inilihim mo ang katotohanan


upang maiwasan lamang na masaktan ang sariling kalooban at ng iba?

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Bumuo ng isang komiks na nagpapakita ng pagiging matapang sa pagpapahayag


ng katotohanan kahit na masakit sa sariling kalooban o sa ibang tao.

Rubriks sa Komiks

Pamantayan 5 4-2 1

Kagalakang Lahat ng kasapi ng Isa o dalawang Tatlo o mahigit


ipinamalas sa pangkat ay nagpakita kasapi ng pangkat pang kasapi ng
Gawain ng kasiyahan sa ay hindi nagpamalas pangkat ay hindi
pakikilahok sa ng kagalakan sa nagpamalas ng
gawain pakikilahok sa kagalakan sa
gawain pakikilahok sa
gawain

Kalinawan ng Malinaw na May konkretong Nakapagpahayag


Mensahe sa naipahahayag ang tugon sa maling sa sariling
ginawang mensahe sa gawain subalit hindi pamamaraan
pagpapahayag pamamagitan ng naging malinaw ang subalit hindi naging
konkretong tugon sa ginawang malinaw ang
maling gawain. pagpapahayag naging tugon sa
maling gawain.

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Magbalik-aral tungkol sa pagpapahayag ng katotohanan kahit na masakit sa


kalooban.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipahayag na magsasagawa ng isang laro tungkol pagsasabi ng totoo kahit


masakit sa kalooban.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Itanong:
Ano ang inyong gagawin upang maging mabuti at totoo sa lahat ng oras?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay

Suriin ang saloobin ng mga bata sa bawat kalagayan. Itaas ang masayang
mukha kung ito ay nagpapahayag ng katapatan at malungkot na mukha naman
kung hindi.

A. Nakita mo na nabasag ng kapatid mo ang baso . Galit na galit ang nanay mo at


ipinaaamin kung sino ang may gawa nito. Sinabi mo ang totoo na ang kapatid mo
ang nakabasag.

B. Inutusan ng iyong nanay ang iyong kuya na ilabas ang basura dahil daraan na ang
mga basurerong nangongolekta nito. Pero inuna ng kuya mo ang kanyang
paglalaro kaya’t hindi niya naabot ang trak ng basurero. Dahil sa takot na
mapagalitan ng nanay ay itinapon niya ito sa bakuran ng kapitbahay.nakita mo ito
pero hindi mo ito isinumbong sa iyong nanay.

H. Paglalahat ng Aralin

Itanong:
Ano ang mahalagang konsepto ang natutuhan ninyo sa isinagawang gawain?
Ipaliwanag.

I. Pagtataya ng aralin

Sagutin:
1. Nakita mong nangungupit ang iyong kapatid, ano ang gagawin mo?
2. Inutusan ka ng iyong kaibigan na bumili sa tindahan, napansin na labis ang
ibinigay sa kanyang sukli at ito ay hindi niya ibinalik sa tindera. Hahayaan mo na
lang ba siya sa kanyang ginawa? Bakit?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Pagninilay:

Sumulat ng isang sitwasyon sa iyong buhay tungkol pagpapahayag ng katotohanan


kahit masakit sa kalooban. Ipaliwanag kung ano ang iyong naramdaman sa
pagsasabi ng totoo.

IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Balikan ang kahalagahan ng pagsasabi ng tototo kahit masakit sa kalooban.


B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ngayong araw ay aalamin ko kung ano ang natutuhan ninyo sa ating aralin.

H. Paglalahat ng Aralin

Balikan ang mga konseptong natutuhan sa loob ng isang linggo.

I. Pagtataya ng Aralin

Pasagutan ng guro ang sumusunod:

Isulat ang Tama kung nagpapahayag ng mabuting gawain at Mali kung hindi.
gawin ito sa sagutang papel.

1. Ilang beses nang nakikita ni Julius na nangungupit ang kapatid sa pitaka ng ama
ngunit hindi pa rin siya nagsasalita sapagkat nakakatanda ito sa kanya.

2. Nakita ni Rhea na si Miko ang unang nanakit kay Rico. Tinanong ng guro kung
sino ang nakakita sa pangyayari ngunit hindi ito binigyang pansin ni Rhea.

3. Sinabi ni Isabela sa kanyang ina na nakita niya ang kanyang ate na namamasyal
lamang sa bayan gayong ang paalam nito ay pupunta sa kaklase upang gumawa
ng proyekto.

4. Sinabi lahat ni Yana ang nakita niyang pangyayari tungkol sa krimen na sangkot
ang kanyang pinsan sa mga pulis.

5. Nagkakawalaan ng gamit sa inyong silid-aralan at alam mo kung sino ang


gumagawa nito ngunit nakikiramdam ka lang sa kung ano ang maaaring mangyari
sapagkat kaibigan mo ang gumagawa nito.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Reaksyon:
Dapat bang ugaliin nating magpahayag ng katotohan kahit masakit sa kalooban?
Bakit?
Isulat sa isang buong papel ang kasagutan

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga estratihiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito

You might also like