You are on page 1of 8

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: __________________________ Petsa:___________Iskor:__________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Kuwarter 3 – Linggo 3
Kasanayang Pampagkatuto: EsP5PPP-IIIc-26
Pamagat (Lesson) Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan

Layunin: Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa

kaligtasan
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at
paalala kung may kaamidad

KONSEPTO

*(4.1 Paalala para sa mga panoorin at babasahin)

Ang pagsunod sa mga alituntunin o ipinag-uutos ay simpleng bagay lang kung
atin itong titingnan, pero marami pa rin ang nahihirapan sundin ang mga ito dahil sa
pansariling kasiyahan.

Ang Disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong may disiplina ay

gumagawa ng mabuti at mainam para sa lahat. Ang taong may disiplina ay kahanga-
hanga at mayroon ding maayos na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng pansariling
disiplina ay bunga ng positibong pagtugon sa kung anong magandang ibinubulong ng
sariling konsensya. Kapag ang lahat ng tao may disiplina, magdudulot ito ng
katiwasayan sa lipunan at lubos na kaunlaran ng bansa.

Isa sa halimbawa ng isang may matalinong pagpapasya ay ang pagkakaroon

ng matalino at masusing pagpapasya sa uri ng programang pinanonood sa telebisyon,
uri ng mga programang pinakikinggan sa radyo, at uri ng mga babasahing binabasa.

Bilang isang mabuting mamamayan, dapat kang maging mapili pagdating sa

libangan. Hindi mo dapat basta sinusunod ang sinasabi ng iba na panoorin mo,
basahin mo, o pakinggan dahil maraming libangan sa ngayon ang nagtatampok ng
seksuwal na imoralidad, karahasan, at espiritismo -mga bagay na dapat mong iwasan.

Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon o Movie and

Television Review and Classification Board (MTRCB) ay ang ahensiya ng

1
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
pamahalaan ng Pilipinas na responsible sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati
na rin ang sari-saring uri ng de – bidyong medya, na makikita o ikinakalakal sa bansa.
Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga pangyayari na ayon sa iyong
napapanuod ay tumutulong sa atin na makapagpasya nang matibay at tama. Ang
tamang gabay at patnubay ng magulang sa mga bata ay kailangan. Nasa atin na ang
pagsunod upang hindi tayo mapahamak.

*(4.2 Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung

may kalamidad)
Ang pagsunod sa batas at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran ay tungkulin
ng bawat mamamayan. Isang ligtas at malinis na kapaligiran ang susi upang ang tao
ay magkaroon ng magandang buhay, sapagkat nakatutulong ito sa kalusugan ng
katawan, kaisipan at damdamin. Dahil dito, dapat nating pagmalasakitan ang
kapaligiran. Samakatuwid, ang bawat isa ay dapat maging responsable sa
pangangalaga ng kapaligiran.
Mahalagang samahan ng disiplina at pagmamalasakit ang pagtupad sa
tungkulin, sapagkat kung wala ang mga ito, anumang programa ng pamahalaan
upang maging ligtas at maayos ang kapaligiran ay hindi magtatagumpay. Ayon nga
sa isang sikat na islogan, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan,”
pinatunayan lamang nito na may mahalagang gampanin ang bawat isa sa atin sa
pagpapanatili ng kaayusan sa ating kapaligiran.
Mahalaga rin na may wastong kaalaman upang maiwasan ang mga sakuna
tulad ng sunog. Gayundin ang kaalaman kung paano mapananatiling ligtas kung may
kalamidad gaya ng pagbaha at lindol.
Ang disiplina ay pagtuturo at pagsasanay na may layuning mahasa ang
mabuting-asal o wastong kilos at gawi ng isang tao.

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Siga sa Paaralan

Isang malaking siga ang ginawa sa Nicanor Burgos Elementary School sa

pangunguna ng mga mag-aaral sa ikalima at ikaanim na baiting. Ito ang kanilang sagot
sa kampanya ng paaralan laban sa paglaganap ng mga babasahin at mga panooring
malalaswa. Ang kampanya ay isinagawa sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga
klase sa ikaanim at ikalimang baitang ng mga babasahin na nagtataglay ng
malalaswang larawan at lathalain. Ang klaseng nakapagdala ng pinakamaraming
babasahing malaswa ay pinagkalooban ng gantimpalang plake bukod pa sa parangal
na ginanap sa paaralan. Ang kampanya ay tumagal sa loob ng isang buwan. Ang mga
klase sa ikalimang baitang ang nagkamit ng gantimpalang plake, samantalang pinuri
rin ang mga klase sa ikanim na baitang sa masigla nilang paglahok sa kampanya.

2
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
1. Tungkol saan ang balitang binasa? __________________________________________
2. Ano ang isinagawa sa Nicanor Burgos Elementary School?_______________________
3. Sinu-sino ang nanguna sa gawaing ito?________________________________________
4. Tama ba ang ginawa ng mga mag-aaral ng Nicanor Burgos Elementary School?_______
5. Bilang isang mag-aaral, gagawin din ba ninyo ang ginawa ng mga mag-aaral sa
Nicanor Burgos Elementary School? Bakit?_____________________________________
_______________________________________________________________________.

GAWAIN 2

Panuto: Piliin sa sumusunod ang kaya mong gawin. Isulat ang bilang ng iyong sagot.
1. Hindi ako bibili o manonood ng mga babasahing malalaswa ang nilalaman.
2. Sisirain ko ang anumang babasahing aking makita na may malaswang larawan at
artikulo.
3. Isusumbong ko sa may kapangyarihan ang nagtitinda ng malalaswang mga panoorin
o babasahin.
4. Pakikiusapan ko ang aking mga magulang na huwag ng bumili ng malalaswang mga
panoorin o babasahin.
5. Lalahok ako sa mga kampanya laban sa paglaganap ng mga malalaswang panoorin
at babasahin.

GAWAIN 3

Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng matalinong pagpapasya para sa

kaligtasan ng nakararami laban sa pagpapalaganap ng malalaswang babasahin at
panoorin.

3
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
GAWAIN 4

Panuto: Sa mga pagkakataon na nakararanas ang mga tao ng banta ng panganib,

nararapat lamang na ang bawat isa ay nakasusunod nang maayos sa mga paalala at
gamitin ang matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan. Panoorin ang mga video clips
mula sa Knowledge Channel at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

https://youtu.be/b6e5KPVbGkU Sunog | Disaster Preparedness

https://youtu.be/fnl_-oBQF9M Lindol | Disaster Preparedness
https://youtu.be/2JihPYiSOac Bagyo at Baha | Disaster Preparedness
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-anong impormasyon ang maibabahagi mo patungkol sa kaligtasan?

2. Nakaranas ka na ba ng sakuna/kalamidad? Ano ang iyong ginawa?
3. Ano ang dapat mong tandaan upang mapanatili ang kaligtasan?
4. Bakit kailangang bigyan ng sapat at wastong kaalaman ang mga tao tungkol
sa kaligtasan?

GAWAIN 5

Panuto: Sagutan sa kuwaderno ang tsart ng kinakailangang datos. Pag-aralan ang

halimbawa.
Mga Paalala Mga Dapat Gawin Kinakailangang
Disiplina
1.Huwag maglaro ng posporo o Itabi ang mga posporo Pagsunod sa
lighter o lighter sa ligtas na alituntunin sa
lugar kaligtasan
2. Magtabi ng mga emergency
supplies katulad ng de-bateryang
radyo, flashlight, at iba pa.
3. Kung walang kuryente,
tanggalin ang lahat ng mga
nakasaksak na de-kuryenteng
gamit.
4. Maging alerto, magmasid sa
nangyayari sa paligid at makinig
sa balita.

4
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
5. Magkaroon ng plano ang
bawat pamilya kung saan lalabas
sakaling magkasunog.
6. Maging alerto sa mga amoy at
usok sa bahay.
7. I-display ang emergency
number na maaaring tawagan.
8. Alamin ang main switch ng
inyong tubig, gaas at elektrisidad
para maisara kung sakaling may
emergency.
9. Tiyaking may nakaimbak na
emergency supplies tulad ng
tubig at pakain.
10.Pag-aralan ang plano ng
pamilya.

GAWAIN 6

Panuto: Buuin ang pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.
1. Maipakikita ko ang pagpapahalaga ko sa aking buhay at sa buhay ng iba sa
pamamagitan ng ________________________________________________.

2. Simula ngayon mas magiging maingat na ako sa pamamagitan ng _________

_________________________________.

3. Ang pagiging alerto at mapagmasid sa panahon ng sakuna at kalamidad ay

mahalaga din dahil ______________________________________________.

4. Upang matugunan ng pamahalaan ang mga programang pangkaligtasan

dapat ay ______________________________________________________.

5. Bigyang babala ang mga tao sa nangyayari sa kapaligiran upang _________

________________________________________.

6. Ang pagbibigay-alam sa mga kinauukulan ay mabisang tugon sa kaligtasan

ng tao sapagkat ______________________________________________.

7. Ang mga opisyales ng barangay ay kaagapay ng mga tao sa pamayanan

dahil sa ang __________________________________________________
________________________________________.

5
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
8. Makatutulong sa pagpapatupad ng kaligtasan ang isang mag-aaral na tulad
mo sa _______________________________________________________.

9. Dapat bigyang-pansin ang lahat ng babalang pangkaligtasan sapagkat _____

______________________________________.

10. Tamang disiplina ang dapat pairalin ng mga tao nang sa ganoon ay ________
______________________________________.

GAWAIN 7

Panuto: Basahin ang mga sumusunod sitwasyon. Ano ang dapat mong gawin?

1. Naiwan kang mag-isa sa bahay nang biglang lumindol.

2. Nakita mong pinaglalaruan ng nakababata mong kapatid ang posporo.

3. Nakita mong nagbabasa ng malalaswang babasahin ang iyong kaklase

habang hinihintay ang umpisa ng inyong klase.

4. Hindi nakikinig ang iyong kaklase habang ipinaliliwanag ng inyong guro

ang mga alituntunin para sa kaligtasan pag may kalamidad.

5. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang iyong nakatatandang

kapatid na na nonood ng malalaswang panoorin sa youtube.

6
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
Tandaan Natin
Ang pagsunod sa mga paalaala at tuntunin ay isang
halimbawa ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan
ng iyong sarili lalong-lalo na ng nakararami.

GAWAIN 8

Panuto: Gumupit sa diyaryo o humanap sa internet ng mga balita tungkol sa

kalamidad o sakunang nangyari sa bansa. Suriin ang mga balita na nakalapat at
magbigay ng rekomendasyon para mapalaganap ang impormasyong pangkaligtasan.

__________________________________________________

__________________________________________________.

7
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad
SANGGUNIAN:
 Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikalimang Baitang (Kagamitan ng mga Mag-
aaral) Unang Edisyon 2013. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon pahina
114-116
 Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 (Batayang Aklat) pahina 130-135
 https://esppnu3b.wordpress.com/2016/12/19/grade-5-plan-2/
 https://youtu.be/b6e5KPVbGkU Sunog | Disaster Preparedness
 https://youtu.be/fnl_-oBQF9M Lindol | Disaster Preparedness
 https://youtu.be/2JihPYiSOac Bagyo at Baha | Disaster Preparedness

Inihanda ni:

ALIZA C. PILLAS
Andres Bonifacio Integrated School
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

Michelle Benzon Elizabeth Patriarca Joseph Medrano

Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

Jovy D. Balbuena
Superbisor, ESP

8
Kuwarter 3 : Linggo: 3 Competency Code: EsP5PPP-IIIc-26
Kasanayan: Nakaksunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan .
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalala kung may kaamidad

You might also like