You are on page 1of 8

EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 5

THIRD QUARTER – WEEK 4

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga
natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihang
panlahat komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng kapaligiran.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang alituntunin at batas
na may
kinalaman sa bansa at sa global na kapakanan.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
22.Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan
Hal.22.1. paalala para sa mga panoorin at babasahin
22.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sap ag-iingat sa sunog at paalaala kung
may kalamidad
Code: EsP5PPP-IIIc-26

II. NILALAMAN
Aralin 3:
Paksa: Matalinong Pagpapasiya Para sa Kaligtasan
Kaugnay na pagpapahalaga: Pandaigdigang Pagkakaisa(Global Solidarity)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
Localized LM pahina 21-26 ( J. Canlas, Division of CSFP)
Kagamitan ng Mag-aaral sa EsP 5, pahina 130-135
Batayang Aklat: Ugaling Filipino sa Makabagong Panahon, Pahina 107-115
Kto12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016
Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Kagamitan ng Mag-aaral, pah.14-20
Aralin 3: Pagiging Mabuting Mamamayan: Ipakit sa Pakikilahok
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon,
Cuano, F. “Ang Pagyabong 5”, Cristobal, C.C. “Gintong Butil 5” at Vanguardia, L.,
Likas na Pag-uugaling Pilipino
Halaw mula sa Gabay sa Pagpapakatao 5, mga pah. 199-201
https://esppnu3b.wordpress.com/2016/12/19/grade-3-plan-2/

IV. PAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ang sapat at wastong kaalaman ng bawat isa lalo na ng bawat miyembro ng
pamilya ang magliligtas sa atin sa anumang kalamidad na darating at mararanasan.
Mahalagang lagi tayong alerto at handa upang hindi tayo malito at magpanik kapag
dumating ang mga sakuna sa ating lugar. Isaalang alang natin parati ang ating
kaligtasan. Importante rin na sumunod at makinig tayo sa mga eksperto upang
laging tama ang aksiyon na ating gagawin. Mahalaga din ang wastong pag-iingat,
pag-aalaga at pagpapanatiling malinis sa ating kapaligiran upang maiwasan ang mga
biglaang sakuna tulad ng sunog at pagbaha.
Naging mahirap para sa mga Pilipino ang taong 2020 dahil sa naranasang
pandemya at mga sakuna. Magtala ng mga sakunang naranasan sa ating bansa. Alin sa
mga sakunang ito ang naranasan ng inyong pamilya? Ano ang inyong ginawa upang
malampasan ang naging epekto nito sa inyong buhay?
B. Paghahabi ng layunin sa aralin
Sa araling ito iyong:
⮚ Napapahalagahan ang matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan
⮚ Naipapakita ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan
⮚ Mailalahad ang pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa
sa mga programang pangkaligtasan at pangkaayusan.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin)

Basahin mo ang pambungad na aralin. Paano ka nagdedesisyon para sa kaligtasan


mo at ng iyong mga mahal sa buhay?

“Ang Matalinong desisyon ay Nagsisimula sa Tamang Impormasyon.”

PAMBUNGAD NA ARALIN

Ang pagbangon mula sa isang sakuna ay karaniwang mabagal na proseso.


Kaligtasan ang pangunahing problema, maging ang mga kapakanang mental at
pisikal. Kung may tulong na makukuha, ang kaalaman kung paanong magagamit ito
ay nakapagpapabilis at nagpapadali sa proseso. Ang una mong saloobin pagkalipas ng
sakuna ay ang kalusugan at kaligtasan ng iyong pamilya.
Kailangan mong isaisip ang mga posibleng problemang pangkalusugan at
at kapakanan ng pamilya. Sa araling ito malalaman ang tamang pagpapasya para sa
kaligtasan.

Gawain 1: “Text Twist”

Ayusin ang mga pinaghalong titik upang makabuo ng isang salita. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

1. 3.

________________________ ___________________________

2. H A B A 4. P A L A 4.L A A

______________________ ___________________________

Ano-ano ang mga salitang nabuo mo?


Gawain 2 :
Tingnan ang mga larawan. Isulat sa iyong kwaderno ang kaisipang pumasok sa nakitang
larawan. Maaari ring mag-isip ng karanasan na may kaugnayan sa nasabing larawan.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong at gawin ito sa iyong kwaderno.

a. Ano-ano ang nakalagay sa larawan?


b. Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawan?
c. Ano kaya ang kahihinatnan kung pababayaan ang mga bata sa nasabing
larawan?
d. Paano kaya ito maiiwasan?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Isagawa


Natin)

Gawain 4:
Sa mga pagkakataon na nakararanas ang mga tao ng banta ng panganib, nararapat lamang
na ang bawat isa ay nakasusunod nang maayos sa mga paalala at gamitin ang matalinong
pagpapasiya para sa kaligtasan.

Basahin at unawain ang babasahin sa ibaba:

Mga Paalala para sa Kaligtasan


1. Huwag paglaruan ang posporo at lighter.
2. Alamin ang mga maaaring maging emergency exit sa inyong tahanan.
3. Maging alerto sa mga amoy at usok sa bahay.
4. Kung sakaling magkaroon ng sunog, huwag magtago sa bahay, sikaping makalabas
agad at makalayo sa sunog.
5. Para makaligtas kung sakaling may sunog, dumapa, at gumapang palabras. Mas
madaling makahinga kung mababa. Humanap ng pinto na madaling makalalabas ng
bahay.
6. Kung nasusunog ang iyong damit: huminto, dumapa, at gumulong hanggang
mapatay ang apoy. Sumigaw at humingi ng tulong.
7. Magkaroon ng plano ang bawat pamilya kung saan lalabas kung sakaling
magkasunog.
8. Magsagawa ng fire drill para magkaroon ng sapat na kahandaan.
9. Pag-usapan kung saan magkikita-kita sa labas ng bahay. Huwag na huwag bumalik
sa nasusunog na bahay. Kung may naiwang tao sa bahay ipagbigay-alam agad sa
mga bumbero.
9. Idispley ang emergency number na maaaring tawagan.
Kaligtasan sa Lindol
Bago ang Lindol
1. Maging alerto sa pag-uga ng kapaligiran, lalo na kung ito ay lumalakas.
2. Dapat magkaroon ng kaalaman ang lahat ng miyembro ng pamilya sa kung ano ang
aksiyong gagawin. Alamin ang pinakaligtas na lugar sa bahay at huwag lumapit sa
mga bintana, malalaking salamin, mga nakabitin na bagay, mabibigat na gamit, at
mga lugar na madaling magkasunog.
3. Maghanda ng emergency supplies Katulad ng de-bateryang radyo, flashlight, first-aid
kit, imbak na tubig sa bote, pang-dalawang linggong pagkain, gamot, at pito.
4. Alamin ang main switch ng inyong tubig, gas, at elektrisidad para maisara kung may
emergency. Alamin din ang lokasyon ng mga kakailanganing kagamitan.
Habang Lumilindol
1. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay, manatili sa kinalalagyan. Pakiramdaman ang
kapaligiran at lumapit sa ligtas na lugar.
2. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay at nagluluto, patayin ang kalan at isara ang tangke
ng gas. Pumunta sa ligtas na lugar.
3. Kung ikaw ay nasa labas ng bahay, pumunta sa lugar na maluwag ang espasyo
upang makaiwas sa bumabagsak na bagay.
Pagkatapos ng Lindol
1. Tingnan kung may mga nasaktan, tiyakin kung ligtas ang mga tao sa iyong paligid.
2. Tingnan kung may sira ang bahay o gusali. Kung Malaki ang pinsala/sira
kinakailangang masuri ng mga eksperto.
3. Kung nakaamoy ng gas, sabihan ang lahat ng miyembro na lumabas ng bahay.
Sikaping mabuksan ang mga bintana at pinto. Kung magagawa nang maingat at
ligtas, isara ang tangke ng gas. Ipagbigay-alam sa pinakamalapit na istasyon ng
bumbero.
4. Kung walang kuryente, tanggalin ang lahat ng mga nakasaksak na de-kuryenteng
gamit. Isara ang main fuse o breaker ng kuryente. Kung may panganib, kailangang
propesyonal may sapat na kaalaman sa kuryente ang magsasagawa nito.

Kaligtasan sa Baha
Bago ang pagbaha
1. Maging alerto, magmasid sa nangyayari sa paligid, at makinig ng balita. Alamin ang
mga bagong impormasyon tungkol sa bagyo. Humanap ng mataas at ligtas na lugar.
2. Tiyaking may nakaimbak na emergency supplies tulad ng inuming tubig, pagkain,
pera, gamot, damit, de-bateryang radyo, flashlight, at nakalagay ang mahahalagang
dokumento sa isang lalagyang plastic at nakatago sa ligtas na lugar.
3. Maging handa sa paglikas. Alamin ang lokasyon ng mga evacuation center,
magkaroon ng mga alternatibong daan na hindi bahain. Tiyakin din ang kaligtasan
ng mga alagang hayop. Kapag pinayuhang lumikas, huwag mag-atubili at gawin sa
pinakamadaling panahon.
4. Pag-aralan ang plano ng pamilya. Nararapat na mabigyan ng kaalaman sa nakalaang
lugar kung saan magkikita-kita kung sakaling magkahiwa-hiwalay. Mayroon din
dapat numero ng taong tatawagan ang lahat ng miyembro ng pamilya.
Habang Bumabaha
1. Maging alerto at mapagmasid sa nangyayari sa kapaligiran.
2. Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
3. Kung inabot ng baha, humanap ng mataas at ligtas na lugra. Lumikas sa lugar na
binabaha kung kinakailangan lalo na kung may payo na ang mga awtoridad na
lumikas.
4. Iwasan ang paglalakad o paglangoy sa umaagos na tubig.
5. Kung baha na sa kapaligiran, patayin ang main switch ng kuryente.
Pagkatapos ng Pagbaha
1. Pakinggan ang babala kung ligtas na ang kapaligiran at kung maaari nang bumalik
ang mga pamilyang lumikas ng bahay.
2. Mag-ingat sa pgbibiyahe. Mag-ingat nang husto at tiyaking ligtas ang mga daan at
lugar na nilalakaran.
3. Tingnan kung may mga pinsalang dulot sa bahay o gusali. Maging maingat sa mga
kable ng kuryente.
4. Tiyaking malinis nang husto ang bahay at siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya.
Ang pag-iwas sa sakunang hatid ng sunog, lindol, at baha ay maiiwasan kung
may
kahandaan ang mga tao. Ito ay nagsisimula sa pamilya. Dapat maturuan ang lahat
ng
miyembro ng pamilya na laging handa at alerto.

Pagnilayan ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong:


1. Nakaranas ka na ba ng sakuna/kalamidad? Ano ang iyong ginawa?
2. Ano ang dapat mong tandaan upang mapanatili ang kaligtasan?
3. Bakit kinakailangang bigyan ng sapat at wastong kaalaman ang mga tao tungkol
sa kaligtasan?

Ipaliwanag kung anong mga paraan ang dapat gawin sa gitna ng mga sakuna o kalamidad.
Gamitin ang impormasyong natutuhan mula sa babasahin.
1. Nasusunog ang inyong bahay wala ang iyong mga magulang at kayo lamang ng
kapatid mo.______________________________________
2. Malakas ang ulan at hangin at nakikita mong tumataas na ang lebel ng tubig sa
kalsada.__________________________________________
3. Nasa daan ka kasama ng mga kaibigan mo ng biglang yumanig ang
lupa.____________________________________________________
4. Nagsilikas na ang inyong mga kabaryo dahil sa lakas ng bagyo kayo nalang ng
pamilya mo ang naiwan dahil ayaw iwan ng mga magulang mo ang mga alagang
hayop._________________________________
5. Naglalaro ng posporo ang kapatid mo ng biglang nahawi niya ang kurtina at unti-unti
nagliyab ito._______________________________

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Matuto sa Iba) GMRC Integration
Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.
Bilang isang mabuting mamamayan, dapat kang maging mapili pagdating sa
libangan. Hindi mo basta sinusunod ang sinasabi ng iba na panoorin mo, basahin mo, o
pakinggan, dahil maraming libangan sa ngayon ang nagtatampok ng mga maselang
panoorin, karahasan, at espiritismo na mga bagay na dapat mong iwasan.
Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon o Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB) ay ang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na
responsible sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati na rin ang sari-saring uri ng de –
bidyong media, na makikita at/o ikinakalakal sa bansa.
Ang pagkakaroon nang bukas na isipan sa mga pangyayari na ayon sa iyong
napapanood ay tumutulong sa atin na makapagpasya nang matibay at tama. Ang tamang
gabay at patnubay ng magulang sa mga bata ay kailangan. Nararapat tayong sumunod
upang hindi tayo mapahamak.
Ilan lang sa mga sitwasyon na may masusi at matalinong pagpapasya ay ang pagsunod sa
ilang batas ng ating lipunan.
Gawain 4: Sagutin ang mga tanong sa iyong kwaderno.

1. Paano ka makatutulong sa pag-iwas sa mga sakunang napag-aralan?


___________________________________________________________________________
2. Paano ka makatutulong sa panahon ng kalamidad?
___________________________________________________________________________
3. Ano kaya ang mangyayari kung maraming tao ang makikiisa, makikialam, at
makikipagtulungan upang maiwasan ang sunog at iba pang kalamidad o sakuna?
___________________________________________________________________________
4. Naranasan mo na bang maging biktima ng kalamidad? Paano mo ginamit ang iyong
matalinong pagdedesisyon?
___________________________________________________________________________
5. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at
paalaala kung may kalamidad?
___________________________________________________________________________

F. Paglinang ng Kabihasnan (Tandaan Natin)

Mahalaga na malaman natin ang mga gawaing pangkaligtasan sa ating tahanan


upang mapanatili ang ating kalusugan at kaligtasan.

Halimbawa:
1. Lagyan ng marka ang mga lalagyan ng gamot/lason at ilayo ito sa mga bata.
2. Pagliligpit ng mga matutulis na bagay, posporo, lason sa mga lugar na di maabot ng
bata.
3. Huwag maglaro ng nakasinding apoy o kandila at patayin ito bago
matulog o umalis ng bahay.
4. Nakasusunod sa tuntuning pangkalusugan tulad ng:
a. Ipagbigay-alam sa may kapangyarihan sa kalusugan ang sinumang may sakit na
nakahahawa.
b. Gumagamit ng basurang may takip. Kung walang trak na kumukuha ng basura,
ibaon ito.
c. Iwasan ang pagdura kahit saan.
d. Itapon ang mga latang may tubig na pinamamyahayan ng lamok.
e. Iwasang bumili ng mga pagkaing itinitinda sa kalye.
f. Tiyaking malinis ang tubig na iniinom.
g. Kumain ng wastong pagkain upang lumusog ang katawan.
h. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

Ang kaligtasan ng bawat isa ay lubhang mahalaga hindi lamang sa tahanan o sa


paaralan kung hindi sa lahat ng lugar. Ang gawaing pangkaligtasan ay tungkulin ng bawat
tao upang makaiwas sa sakuna at kapahamakan. Kailangan ding magpatupad ng mga
gawaing pangkaligtasan sa loob ng paaralan. Mayroon dapat na alituntuning sinusunod
upang maiwasan ang pagkakagulo sa pagpila, pag-akyat at pagbaba ng gusali, pagbili sa
kantina, pagtawid at pagsakay. May mga paskil ding ikinakabit sa mga dingding ng gusali
na nagpapakita ng direksyon.
Sa mga paaralan nagkakaroon din ng mga earthquake drill at nagbibigay ng paalala
kapag may lindol. Dapat nating tandaan ang mga natutuhan mula ditto.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Isabuhay Natin)


Gawain 5:

A. Itala ang mga sakuna at alituntunin na dapat gawin upang makaiwas


sa sakuna o kalamidad. Gawin ito sa kwaderno.

Mga Sakuna Mga Alituntunin


B. Para sa mga mayroong internet connection sa bahay. Panoorin ang video clip:
Pagiging handa sa sakuna ng mga estudyante
(https://www.youtube.com/watch?v=hcfM2jiq8wU)

1. Isulat sa kwaderno ang mga natutunan mo mula sa napanood.


2. Mula sa mga nakalistang natutunan, sa papaanong paraan mo maisasabuhay ang
iyong matalinong pagpapasiya para sa iyong kaligtasan tuwing may kalamidad o
sakuna?

H. Paglalahat ng Aralin (Mahalagang Konsepto)


Paghahanda para sa Kalamidad

1. Maging alerto sa pamamagitan ng pag-antabay sa pinakahuling balita tungkol sa


kalamidad. Dito mo malalaman ang lagay sa iyong lugar at kung ano ang dapat gawin.

2. Maghanda ng mga kinakailangang supply. Ugaliing magkaroon ng emergency kit sa


bahay na madaling bitbitin sa oras ng kalamidad. Mabuting mayroon itong lamang
pagkain, tubig, damit, kumot, pera, flashlight, baterya, silbato (whistle), phone charger,
mahahalagang dokumento, at iba pang bagay na sa tingin mo ay kakailanganin nyo sa
oras ng sakuna.

3. Pag-usapan sa pamilya kung saan magkikita-kita kung kayo man ay magkahiwalay.


Hindi maiiwasan na mahiwalay ang ilang miyembro ng pamilya kapag lumilikas o dahil sa
iba pang dahilan na hindi mo na kontrolado.

Magbigay pa ng ilang paraan upang mapaghandaan ang kalamidad


1.______________________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________________

I. Pagtataya ng aralin (Subukin Natin Repleksyon)

Gawain 6: A. Isulat kung Tama Po o Mali Po ang sumusunod na pangungusap.


Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang taong may disiplina ay gumagawa ng mabuti at mainam para sa lahat.


2. Bigyang babala ang mga tao sa nangyayari sa kapaligiran upang maiwasan ang
sakuna at maging ligtas.
3. Hindi pagbibigay pansin sa lahat ng mga babalang pangkaligtasan.
4. Ang pagiging alerto at mapagmasid sa panahon ng sakuna at kalamidad ay
mahalaga para sa ating kaligtasan.
5. Itapon ang mga bagay na madaling masunog gaya ng mga hindi na ginagamit na
papel at iba pang bagay na madaling magliyab.

B. Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon na makikita sa larawan? Itala rin ang
dahilan kung bakit mo ito dapat gawin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. ______________________________________________

Dahilan_________________________________________

2. ______________________________________________

Dahilan:________________________________________
3. ______________________________________________

Dahilan: ________________________________________

4. ______________________________________________

Dahilan: ________________________________________

Gawain 7 :(Repleksyon)

Mahalaga ang buhay ng bawat isa. May magagawa ang mga tao upang makatulong sa
kaligtasan ng iba. Isulat sa kwaderno ang mga maaari mong maibahagi upang
mapangalagaan ang iyong sarili at ang ibang tao.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

Gumawa ng talaan ng mga hakbang sa pag-iwas sa mga sakuna tulad ng Sunog, Lindol,
Baha
na dapat bigyang pansin ng inyong pamilya. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Sunog Lindol Baha

You might also like