You are on page 1of 19

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul11:Nakagagawa ng isang timeline batay sa
nabasang kasaysayan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Shiela Ortega/ Mary Ann A. Gallego
Editor: Miriam V Cencil
Tagasuri: Ma. Teresita E. Herrera, Ed.D / Monina J. Cruz/Nida Francisco
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, Ed. D
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde, Ed.D (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio, Ph. D (EsP)
Dulce O. Santos, Ph. D (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao, Ed. D (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Filipino 5
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 11
Paggawa ng isang timeline batay sa
nabasang kasaysayan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Modyul 11 para
sa araling ukol sa Nakakagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 Modyul 11 ukol sa Nakakagawa ng isang


timeline batay sa nabasang kasaysayan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong natutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:


A. makagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan
B. malalaman ang ibig sabihin ng timeline.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO:Gumawa ng timeline ng Presidente ng Pilipinas gamit ang mga


datus sa ibaba.Isulat ang mga pangalan ng president ayon sa pagkasunod –
sunod ng kanilang termino.

1.Emilio Aguinaldo 9.Diosdado Macapagal

2.Manuel L. Quezon 10.Ferdinand Marcos

3.Jose P. Laurel 11.Corazon Aquino

4.Sergio Osmeña 12.Fidel V. Ramos

5.Manuel Roxas 13.Joseph Estrada

6.Elpidio Quirino 14.Gloria Macapagal Arroyo

7.Ramon Magsaysay 15.Benigno Aquino III

8.Carlos P. Garcia 16.Rodrigo Duterte


1 2 3 4

8 7 6 5

9 10 11 12

16 15 14 13

BALIK-ARAL

Ang sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa panayam.


PANUTO:Isulat sa patlang kung ito ay pasalaysay, patanong, pautos o
padamdam.
__________1.Magandang umaga po sa inyong lahat!
__________2.Mahirap po bang maging isang frontliner?
__________3.Ano po ang maibibigay mong mensahe sa ating mga kababayan
para makaiwas sa COVID-19?
__________4.Hindi po pala biro ang maging frontliner.
__________5.Mabuhay ang lahat ng frontliners sa ating bansa!
ARALIN

Ang Timeline ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


base sa paglipas ng panahon.Ipinapakita nito kung kailan naganap ang mga
pangyayari at ano-ano ang mga bagay na nagbago.

Ngayon ating pag-aaralan ang kasaysayan ng Bayan ng Pateros gamit ang


timeline

Kasaysayan ng Bayan ng Pateros

Ang Pateros ay isang first class na muninsipalidad o bayan ng Metro


Manila, Pinakamaliit ang lawak ng kalupaan at populasyon nito sa NCR.
Noon ay bahagi o baryo ito ng Pasig ngunit noong 1770 nagkaroon ng decree
na maging malaya ang bayang ito at nahiwalay na sa Pasig. Taong 1901
naman naging isang bayan ito sa lalawigan ng Rizal noong 1903, nagsama
bilang isang bayan ang Taguig at Muntilupa sa ilalim ng Pateros. Taong
1909-nahiwalay itong muli sa Taguig at naging malaya bilang isang bayan
at noong 1975 naging bahagi ito nang bagong Metropolitan Manila

Pag-aralan ang timeline ng kasaysayan ng bayan ng Pateros


1. Ano ang mas madaling maunawaan ang kuwento o timeline?
2. Ano ang napansin mo sa mga taon sa timeline?
3. Ano ang mga pagbabagong nangyari sa Bayan ng Pateros?
Mga halimbawa ng organizer na maaring gamitin sa paggawa ng
timeline.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang sanaysay at gumawa ng timeline. Isulat ang mga grupo
ng dayuhan ayon sa pagkasunod –sunod ng kanilang pagpunta sa Pilipinas.

Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga


liping Mongol, ngunit bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga
Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon pang naunang mga grupo ng
mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang dito
ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga
sinaunang Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating
ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, palagian nang nakikipag-
ugnayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga mamamayan
ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng
pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at
mga Intsik. Ang lahat ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga
mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may natatanging tatlong
pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito,
mga Indones, at mga Malay.

Taong Tabon Intsik

Malay

Negrito Indones
MGA SINAUNANG TAO DUMATING SA PILIPINAS

Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang letrang katumbas ng mga pangyayari sa Lungsod ng


Quezon sa loob ng timeline.

Bago nabuo ang lungsod ng Quezon ay binubuo ito ng maliliit na bayan


ng San Francisco del Monte, Novaliches at Balintawak. Agosto 1896,
nagdekla ng rebolusyon ang mga katipunero laban sa Espanyol sa Pugad ng
lawin o mas kilalang Bahay Toro Sa kasalukuyan. Taong 1938 nilikha at
binili ni Pangulong Manuel L.Quezon ang asyenda o lupain sa may Diliman
na kilalang Barrio Oberero noon. At taong 1939 naitatag ang lungsod at
ipinangalan ito kay Manuel Luiz Quezon ang unang pangulo ng Komonwelt
ng Pilipinas
A. Taong 1938 nilikha at binili ni Pangulong Manuel L.Quezon ang asyenda o lupain
sa may Diliman na kilalang Barrio Oberero noon.

B.At taong 1939 naitatag ang lungsod at ipinangalan ito kay Manuel Luiz Quezon
ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas

C.Agosto 1896, nagdekla ng rebolusyon ang mga katipunero laban sa Espanyol sa


Pugad ng lawin o mas kilalang Bahay Toro Sa kasalukuyan.

MGA PANGYAYARI SA LUNGSOD NG QUEZON

Agosto Taong taong


L 1896 1938 1939

Pagsasanay 3

PANUTO: Punan ang tsart ng mga datus tungkol sa Pasig.Pumili ng sagot sa


kahon.
Noong Hunyo 1901 ang mga lalawigan ng Rizal ay nilkha sa
pamamagitan ng Batas bilang 137 ng komisyon ng Pilipinas.Ang Pilipinas ay
isinama sa lalawigan ng Rizal, at ito ay hinirang bilang kabisera ng bagong
lalawigan.
Taong 1975 ang Pasig ay inalis sa lalawigan ng Rizal at naging
bahagi ng kalakhang Maynila nang ang komisyon ng kalakhang Maynila ay
nilikha ni Pangulong Ferdinand marcos sa papamagitan ng Presidential
Decree 824
Hulyo 1994, ang Pasig ay na-Convert sa isang mataas na
urbanisadong lungsod sa pamamagitan ng Batas Republika bilang 7829. At
noong Disyembre ng taong 1994,nilagdaan ito ni pangulong Fidel V. Ramos
bilang isang batas,na sinang-ayunan naman ng mga tao sa ginanap na Plebi
sito noong ika-21 ng Enero taong 1995.

Hunyo 1901 Hulyo 1994 Taong 1975 Enero Disyembre


21,1995 1994

TAON PANGYAYARI
Ang Pilipinas ay isinama sa lalawigan ng Rizal, at
ito ay hinirang bilang kabisera ng bagong
lalawigan.
Ang Pasig ay inalis sa lalawigan ng Rizal at
naging bahagi ng kalakhang Maynila nang ang
komisyon ng kalakhang Maynila ay nilikha ni
Pangulong Ferdinand marcos sa papamagitan
ng Presidential Decree 824
Ang Pasig ay na-Convert sa isang mataas na
urbanisadong lungsod sa pamamagitan ng
Batas Republika bilang 7829.
Nilagdaan ito ni pangulong Fidel V. Ramos
bilang isang batas( isang mataas na
urbanisadong lungsod sa pamamagitan ng
Batas Republika bilang 7829.)
Sinang-ayunan naman ng mga tao sa ginanap
na Plebi sito noong ika-21 ng Enero taong 1995.
PAGLALAHAT

PANUTO: Pumili sa kahon ng angkop na salita upang makumpleto ang


pangungusap

Ang 1 ay tumutukoy sa 2 ng mga 3 base sa paglipas ng


panahon.Ipinapakita nito kung 4 naganap ang mga pangyayari at ano-ano ang mga
bagay na 5 .

Timeline pangyayari kailan nagbago pagkakasunod-sunod

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Isulat kung tama o mali


_____1. Ang timeline ay nakatutulong upang madaling matandaan ang mga detalye
ng pangyayari.
______2. Ang mga bata ay hindi maaaring gumawa ng timeline dahil bata pa sila.
_____3. Ang timeline ay nagpapakita kung kailan naganap ang mga pangyayari at
ano-ano ang mga bagay na nagbago.
______4.Mahirap intindihin ang timeline.
______5.Mahalang matutunan ng mga bata ang paggamit ng timeline.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO:Gumawa ng timeline ng Mayor ng Pasig (Philippine Republic) gamit


ang datus na ito mula 1992-2019:Isulat ang mga pangalan ng naging mayor
ayon sa kanilang naging termino.

1992-2001 Vicente P. Eusebio

2001-2004 Soledad Eusebio

2004-2007 Vicente P. Eusebio

2007-2013 Robert "Bobby" Eusebio

2013-2016 Maribel A. Eusebio

2016-2019 Robert "Bobby" Eusebio

2019-Present Victor Ma. Regis N. Sotto


Mayor ng Pasig (Philippine Republic)

1992- 2001- 2004- 2007- 2013- 2016- 2019-


2001 2004 2007 2013 2016 2019 present

Mayor ng Pasig (Philippine Republic)


PAUNANG PAGSUBOK
1.Emilio Aguinaldo 9.Diosdado Macapagal

2.Manuel L. Quezon 10.Ferdinand Marcos

3.Jose P. Laurel 11.Corazon Aquino

4.Sergio Osmeña 12.Fidel V. Ramos

5.Manuel Roxas 13.Joseph Estrada

6.Elpidio Quirino 14.Gloria Macapagal Arroyo

7.Ramon Magsaysay 15.Benigno Aquino III

8.Carlos P. Garcia 16.Rodrigo Duterte

PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2 PAGSASANAY 3


1.Negrito 1.C 1.Hulyo 1901
2.Indones 2.A 2.Taong 1975
3.Malay 3.B 3.Hulyo 1994
4.Disyembre 1994
5.Enero 21,1995

BALIK-ARAL PAGLALAHAT PAGPAPAHALAGA


1.PADAMDAM 1.TIMELINE 1.TAMA
2.PATANONG 2. PAGKAKASUNOD-SUNOD 2.MALI
3.PATANONG 3. PANGYAYARI 3.TAMA
4.PASALAYSAY 4.KAILAN 4.MALI
5.PADAMDAM 5.NAGBAGO 5.TAMA

PANAPOS NA PAGSUSUSLIT

Vicente P. Soledad Vicente P. Robert Maribel A. Robert Victor Ma.


Eusebio Eusebio Eusebio "Bobby" Eusebio "Bobby" Regis N.
Eusebio Eusebio Sotto
Sanggunian
A. Aklat
kayamanan3 Rex bookstore akda Eleonor D. Antonio Emilia L Banlaygas
Jocelyn L Lagarto d.95-98

B.Online o Elektronikang Pinagmulan

https://tl.wikipedia.org/wiki/Tatlong_pangkat_ng_sinaunang_mga_tao_sa_P
ilipinas
https://www.pasigcity.gov.ph/past-mayors
https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_presidents_of_the_Philippines
https://infograph.venngage.com/templates/recommended

You might also like