You are on page 1of 6

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: Petsa: Iskor: _

FILIPINO 5
Kuwarter 4 – Linggo 5

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap
sa pagkilatis ng isang produkto;
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa
ng sariling komposisyon

Pamagat:
Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagkilatis
ng Produkto at Bagong Natutuhang Salita
sa Paggawa ng Sariling Komposisyon

Layunin:
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto;
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawang sariling
komposisyon

.
Konsepto:
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita ng naglalahad ng buong diwa.
Mga Uri ng Pangungusap

• Pasalaysay - uri ng pangungusap na nagsasalaysay o nagbibigay ng impormasyon o

kaalaman. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.)
• Patanong - uri ng pangungusap na ngasasaad ng tanong. Ito ay nagtatapos sa
tandang pananong (?).
• Pautos o Pakiusap - uri ng pangungusap na nag-uutos o nakikiusap.
• Padamdam - uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng
tuwa, lungkot, pagkagulat at iba pa. nagtatapos ito sa tandang padamdam.

1
Kuwarter 4: Linggo: 5 Competency Code: F5WG-IVd-13.3, F5PT-IVc-j-6
Kasanayan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon.
Maaring gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng mga produkto.

Halimbawa:

Wow! Ang ganda naman ng basket na iyan.

Gusto ni Nanay bumili ng upuan na yari sa rattan.

Ang tsinelas ni Lorna ay yari sa abaka.

Marie, alam mo ba kung saan yari ang walis tingting?

Aryan, pumili ka ng magandang pamaypay.

Komposisyon – ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ang

pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na
pagtatanghal ay nagagawa ng pagsulat ng komposisyon.

Mga Bahagi ng Komposisyon

Ang isang Komposisyon ay binubuo ng mga bahaging dapat pagyamanin upang
lalong kalugdan ng mambabasa.
1. Panimula - isang makatawag pansin na pangungusap o pambungad na
salaysay. Magagamit ang mga natutuhang bagong salita. Maaaring ito ay
nabasa, narinig o napanood.
2. Katawan o Nilalaman - Ito ang pinakasentrong bahagi ng paglalahad sa
isang sulatin. lahat ng detalye ay kailangang may kaisahan upang lalong
mapatingkad ang ipinaliliwanag. Maaaring gamitin ang mga sariling
karanasan sa pagsulat ng komposisyon.
3. Wakas - Ito ang huling bahagi ng isang sulatin na kinakailangang gumising
sa diwa ng mambabasa.

2
Kuwarter 4: Linggo: 5 Competency Code: F5WG-IVd-13.3, F5PT-IVc-j-6
Kasanayan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon.
GAWAIN 1

A. Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang bilao ay yari sa rattan o mas kilala sa tawag na yantok.

a. Pasalaysay c. Pautos
b. Padamdam d. Patanong
2. Woo! Ang ganda ng pagkagawa ng silya at mesa.
a. Pasalaysay c. Pautos
b. Padamdam d. Patanong
3. Ana, kunin mo ang walis tingting sa kusina.
a. Pasalaysay c. Pautos
b. Padamdam d. Patanong
4. Bakit kailangan nating gumamit ng pamaypay?
a. Pasalaysay c. Pautos
b. Padamdam d. Patanong
5. Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging.
a. Pasalaysay c. Pautos
b. Padamdam d. Patanong

B. Panuto: Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa produktong nakalarawan at tukuyin

kung anong uri ng pangungusap ito.
1.

2.

3.

4.

5.

3
Kuwarter 4: Linggo: 5 Competency Code: F5WG-IVd-13.3, F5PT-IVc-j-6
Kasanayan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon.
GAWAIN 2

Panuto: Pumili ng isang produkto at sumulat ng limang pangungusap gamit ang mga uri
nito.

GAWAIN 3

Panuto: Sumulat ng isang komposisyon sa papel tungkol sa pandemyang ating

nararanasan ngayon. Gamitin ang rubrik bilang batayan sa pagsulat.

RUBRIK SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON

4 3 2 1
1. Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap sa bawat
talata.
2. Magkaka-ugnay ang mga talata.
3. Nakatugon sat ema ng komposisyon ang kabuuan ng talata.
4. May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan ng
komposisyon.
5. Malinis at maayos ang pagkakasulat.
KABUOANG PUNTOS

INTERPRETASYON
4 – Napakahusay Napakagaling - 20 – 17
3 – Mahusay Magaling – 16 - 13
2 – Katamtaman Katamtamang Galing – 12 - 9
1 – Nangangailangan pa ng Pagsasanay Nangangailangan pa ng Pagsasanay – 8 - 0

4
Kuwarter 4: Linggo: 5 Competency Code: F5WG-IVd-13.3, F5PT-IVc-j-6
Kasanayan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon.
SANGGUNIAN:
www.linkedin.com , www.slideshare.net, Hiyas sa Pagbasa V, pahina 158-160,
www.slideshare2.com, youtube.com/watch?v=6F2Kb4IOVwc

Inihanda ni:

CATHERINE R. SECRETARIO
MAHES
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

VALENTIN C. SAGUN, JR. MA. ELIZABETH T. MATEO

Tagasuri ng Nilalaman/Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

WERLITO C. BATINGA
Superbisor, Filipino/MTB-MLE

5
Kuwarter 4: Linggo: 5 Competency Code: F5WG-IVd-13.3, F5PT-IVc-j-6
Kasanayan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
Nagagamit ang mga bagong natutuhang salita sa paggawa ng sariling
komposisyon.
6

You might also like