You are on page 1of 5

FILIPINO 5

KASANAYANG PANGKATUTO: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa


pagkilatis ng isang produkto.

I. Layunin
A. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
B. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang
produkto.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang
produkto.
B. Kagamitan: PowerPoint Presentation, larawan,
C. Sanggunian: Pinagyamang Pluma, pp. 78-79

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Drill
a. Magtala ng mga bagay na nasa iyong kanan, kaliwa,
unahan, likuran.

Gamitin sa pangungusap ang mga bagay na naitala.

B. Pagganyak

2.
3.
4.

Mahilig ba kayong kumain?

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Ang larawang inyong nakikita ay halimbawa ng Food Pyramid.


C. Paglalahad ng Tekstong Lunsaran

Mga Pamantayan sa Pagbasa ng Malakas:


a) Maupo nang maayos.
b) Sundin ang bawat bantas na makikita sa teksto.
c) Unawain ang tekstong binabasa.

Five-A-Day Pyramid

Iminumungkahi ng Food Guide Pyramid na sa isang araw ay mainam ang


maghain ng tatlo hanggang limang uri ng gulay at dalawa hanggang apat na uri ng
prutas sa ating mga hapag-kainan. Ang pagkain ng minimum na haing itp ay dapat na
idagdag sa mga nakagawiang pagkain araw-araw. Ayon sa mananaliksik, ang pagkain
ng limang hain ng gulay at prutas ay makatutulong upang maiwasan ang mga sakit na
gaya ng kanser at ng sakit sa puso. Bukod sa mga bitamina, mineral, at fiber na
naibibigay ng pagkain ng gulay at prutas, ito rin ay nagtataglay ng phytochemicals,
isang mahalagang elementong nakatutulong upang makaiwas sa sakit na kanser.

D. Pagtatalakay

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa teksto.

1. Ilang hain ng gulay at prutas ang iminumungkahing kainin araw-araw?


2. Paano makatutulong ang pagkain ng gulay at prutas sa ating katawan?
3. Bakit mahalagang sundin ang Five-A-Day Food Pyramid?
4. Lahat ba ng tao, bata o matanda ay dapat-isaalang alang ang Five-A-Day
Pyramid?
5. Basahin ang sumusunod na pangungusap na may kaugnayan sa tekstong
binasa. Makikita ito sa mga slides. Ano ang napapansin ninyo sa mga
pangungusap?

Ang gulay at prutas Ilang hain ng gulay Kumain ka ng gulay


ay mainam sa ating at prutas ang at prutas araw-
katawan. iminumungkahing araw.
kainin araw-araw?

Pakibili mo naman Wow! Ang sarap ng


ako ng prutas sa mga pagkain!
palengke.
Ang mga sumusunod na pahayag ay mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng
pangungusap ayon sa gamit.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT:

1. Paturol o Pasalaysay – Pangungusap na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang


paksa. Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos sa bantas na tuldok.
2. Patanong – Pangungusap na naghahanap ng kasagutan. Nagtatapos ito sa
tandang pananong.
3. Pautos – Pangungusap na nagsasabi na gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito
sa tuldok.
Pakiusap – Pangungusap na pautos ngunit nakikiusap o nakikisuyo. Maaari rin
itong magtapos sa tuldok o tandang pananong.
4. Padamdam – Pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng
galit, tuwa o paghanga. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.

D. Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Ang bawat
pangkat ay inaasahan na matapos ang mga gawain sa loob ng sampung
minuto.

I – Gumawa ng maikling palatastas gamit ang gatas bilang produkto.

II – Magpakita ng maikling jingle rap tungkol sa sabong nagpapakinis ng


balat.

III – Magpakita ng maikling dula-dulaan na ang tagpuan ay sa mall gamit


ang mga cosmetics o pampaganda bilang produkto.

E. Paglalahat
Ang bawat pangungusap ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit nito
katulad ng Pasalaysay, Patanong, Pautos o Pakiusap at Padamdam.

F. Pagpapahalaga
Paano natin makikilatis ang isang produkto mula sa mga pahayag
na nakapaloob dito?

G. Pagtataya
Magbigay ng pangungusap ayon sa hinihingi ng panuto na makikita
sa taas ng larawan. Isulat ang pangungusap sa tapat ng larawan.
1. Pasalaysay na Pangungusap

2. Patanong na Pangungusap

3. Pautos na Pangungusap

4. Pakiusap na Pangungusap
5. Padamdam na Pangungusap

IV. Takdang-Aralin
Gumupit ng larawan ng isang produkto mula sa isang magasin o
pahayagan at idikit ito sa inyong kwaderno. Bumuo ng iba’t ibang
pangungusap ayon sa gamit nito.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

You might also like