You are on page 1of 9

1

Aralin
Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari

4 Pagbibigay ng Buod ng Teksto

Mga Inaasahan

Magandang araw sa iyo! Kumusta ka?

Sa modyul na ito, ay pag-aaralan mo ang iba’t ibang uri ng pangungusap at


ibibigay mo ang lagom ng tekstong napakinggan at mga mahahalagang pangyayari sa
kuwento.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga kasanayang


ito:
1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan
(chat) (F5 WG-IVf-j-13.6)
2. Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa kuwento (F5 PB-IVi-14)
3. Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan (F5PN-IVg-h-23)

Ang sagot sa bawat gawain, pagsasanay at pagsusulit ay isulat sa nakalaang


sagutang papel na nasa hulihang bahagi ng modyul.

Paunang Pagsubok
Basahin mo at unawaing mabuti ang talambuhay. Ibigay ang sagot sa mga tanong
tungkol sa mahahalagang pangyayari ni Dr. Pio Valenzuela. Piliin sa kahon ang
letra ng tamang sagot.

Ang Talambuhay ni Dr. Pio Valenzuela


Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa
panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Isinilang siya
noong ika-11 ng Hulyo, 1869 sa Polo, Bulacan na ngayon ay Valenzuela City na.

Siya ay isang mag-aaral sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas nang


sumali siya sa bagong tatag na Katipunan, isang sikretong lipunan na itinatag ni
Andres Bonifacio noong Hulyo 7, 1892 sa Tondo, Maynila. Lihim na itinatag niya ang
mga sangay ng Katipunan sa maraming lugar sa Morong at Bulacan.

Si Dr. Valenzuela rin ang ay kinomisyon ni Bonifacio upang makipag-usap kay


Dr. Jose Rizal. Siya rin ang tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng “Kalayaan”
ang pahayagan ng Katipunan.

Nang maglaon, tinanggap ni Valenzuela ang amnestiya na inalok ng kolonyal na


gobyerno ng Espanyol. Sumuko siya noong Setyembre 1, 1896 at pagkatapos ay
dineport siya sa Espanya at nabilanggo sa Madrid.

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
2

Pagkalipas ng ilang taon, naglingkod siya bilang unang alkalde ng munisipyo ng Polo
na ngayon ay Valenzuela City mula 1899 hanggang 1900 bago siya naging gobernador
ng lalawigan ng Bulacan. Namatay siya noong ika-anim ng Abril,1956 sa edad na 86.

Noong 1963, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Polo at tinawag na


Valenzuela bilang parangal kay Dr. Pio Valenzuela.

Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay pantulong na detalye sa talambuhay ni


Dr. Pio Valenzuela at ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Siya ay isang mag-aaral sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas nang
sumali siya sa bagong tatag na Katipunan.
_____ 2. Naglingkod siya bilang unang alkalde ng munisipyo ng Polo na ngayon ay
Valenzuela City mula 1899 hanggang 1900 bago siya naging gobernador ng
lalawigan ng Bulacan.
_____ 3. Siya rin ang tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng “Kalayaan”, ang
pahayagan ng Katipunan.

_____ 4. Di niya nilihim ang pagtatag ng mga sangay ng Katipunan sa maraming lugar
sa Morong at Bulacan.

_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pinakawastong lagom ng talambuhay


ni Dr. Pio valenzuela?

A. Tinanggap ni Valenzuela ang amnestiya na inalok ng kolonyal na gobyerno


ng Espanyol, sumuko noong Setyembre 1, 1896 pagkatapos ay dineport siya sa
Espanya at nabilanggo sa Madrid.
B. Si Pio Valenzuela ay isinilang sa Bulacan na naging Valenzuela na sa ngayon
dahil pinalitan noong 1963 ang pangalan ng bayan ng Polo bilang parangal kay Dr. Pio
Valenzuela sa paglilingkod niya bilang alkalde.
C. Si Dr. Pio Valenzuela ay isinilang noong ika-11 ng Hulyo, 1869 sa Polo,
Bulacan na ngayon ay Valenzuela City bilang parangal sa kaniya sa mga nagawa
niyang sakripisyo tulad ng pagiging alkalde niya, sa lihim na pagtatag ng Katipunan
sa mga lugar ng Bulacan, sa pagtulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng Kalayaan
bago siya naging gobernador at namatay sa edad na 86 noong Abril 1956.

Balik-tanaw

Piliin ang angkop na solusyon sa mga naobserbahang mga suliranin na nakatala


sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng wastong sagot.

1.Nagkakainan ang mag-anak sa labas na may maruming bakuran.

A. Hayaang silang magkainan sa maruming bakuran.


B. Hayaang maglaro ng mga anak sa maruming bakuran.
C. Payuhan sila na gawing malinis at taniman ang maruming bakuran.
D. Antayin ang mga kaibigan saka linisin ang maruming bakuran.
2. Sa maruming estero/kanal pa rin tinatapon ng mga kapitbahay ang kanilang mga
basura.
A. Ipaalam sa kapitan na may maruming estero o kanal sa nasasakupan niya.
B. Ipagdasal na lamang na luminis ang estero /kanal nila.
C. Panoorin nalang ang mga tinapong basura sa estero/kanal .
D. Panatilihing malinis ang estero/kanal at hindi dapat tapunan ng basura.
3. Nararanasan ng mga tao ang kahirapan sa buhay dahil puro asa sa mga ayuda.

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
3

A. Magalit sa kapitbahay dahil di kayo naabisuhan na mayroong ayuda.


B. Magsikap na kumita para may pangtustos sa pamilya nang di
kailangang umasa sa ayuda ng gobyerno sa panahon ng pandemya.
C. Mamalimos na lamang para di umasa sa ayuda ng gobyerno.
D. Sisihin ang gobyerno dahil sa kahirapang dinanas sa ngayon.
4. Napabayaan ng magulang ang kanilang anak dahil sa kahirapan kaya naging
palaboy.
A. Ipabatid sa kinauukulan kung mayroong palaboy sa lugar.
B. Sisihin ang magulang na naging palaboy ang anak.
C. Kagalitan ang magulang na napabayaan ang anak.
D. Bigyan ng pera ang batang palaboy.
5. Problema sa trapiko ang madalas nangyayari sa mga lansangan.
A. Mainis sa mga bumibiyahe.
B. Matuwa na trapik dahil bumagal ang daloy ng trapiko.
C. Magbigayan sa lansangan ayon sa batas trapiko nang lumuwag ang daloy
ng trapiko.
C. Magsiksikan sa lansangan nang lumuwag ang trapiko.

Ngayon ay handa ka nang pag-aralan ang bago nating aralin tungkol sa


pagbibigay ng mahahalagang pangyayari at lagom ng binasa.

Pagpapakilala ng Aralin

Basahin ang bawat talata hango sa tekstong ““Bakit Hindi Naliligaw ang mga
Langgam” ni Jojo Briones-Cruz. Makinig at unawaing maigi ang babasahing talata.
Hanapin sa loob ng kahon sa ibaba ang letra ng angkop na lagom o buod sa bawat
bilang at isulat ito sa nakalaang patlang.

1. Ang langgam, ay kung saan-saan nagpupunta sa paghahanap ng kanilang


makakain. Pero kapag oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila
sa nakakabilib na diretsong linya.

Sagot:

2. Kung paano sila nakakauwi sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa


mga siyentipiko. Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na
ang aspeto ang gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos.
Nalalaman nila na ang mga langgam kapag pinakawalan sa patag na kalupaan ay
nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga.
Sagot:

3. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa


Berlin ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuturuang maglakad sa itaas at
ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.
Sagot:
4. Ipinakita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala
sa distansya na nalakbay sa taas-babang terrain.
Sagot:

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
4

5. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang
kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos
naitatala ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.

Sagot:

A.Posibleng mahulaan ng langgam ang kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang


pahalang na daanan.
B.Pinag-aralan ang mga langgam na tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok.
C. Ang kanilang pag-uwi sa lungga ay gawa ng matalas at malikhaing pagkilos.
D.Ang langgam ay pumupunta kung saan-saan at nakababalik sa lungga sa diretsong
linya.
E. Ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya na
nalakbay sa taas-babang terrain.

Magaling! Ang iyong sinagutang gawain ay may kinalaman sa kasanayan ng


pagbibigay ng buod o lagom. Basahin at alamin mo ang tungkol dito.
Ano ang Pagbubuod?

 Ang pagbubuod ay isang mahalagang kasanayan sa pag-aaral.


 Ang buod ay siksik at pinaiksing bersiyon ng teksto. Ang teksto ay maaaring
nakasulat, pinapanonood o pinapakinggan. Pinipili sa buod ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya na isinusulat sa sariling
salita o pangungusap.( Mexus Education)
 Ito ay maikli ngunit malaman, nagpapahayag ng buong diwang orihinal na
akda. (Consolacion Sauco)
* Ang buod ay nangangahulugan din ng sumaryo o pinagsama-samang
mahahalagang pangyayari o impormasyon sa isang nabasa, napakinggan o
napanood na kuwento, sanaysay at iba pa.

Pangunahing Katangian ng Pagbubuod

 Tinutukoy ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa


 Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda bagkus ito’y gumagamit ng sariling
pananalita
 Maikli ang buod kaysa orihinal na akda

Inaasahan ko na lahat ng ating tinalakay ay iyong naunawaan. Kung may di


masyadong naintindihan mangyaring magsaliksik, patulong sa magulang o huwag
mag-atubiling magtanong sa iyong guro upang lubos mong maintindihan. Maaari mo
nang sagutin ang mga sumusunod na mga karagdagang gawain.

Mga Gawain

Gawain 1.1

A. Isulat bago ang bilang kung anong uri ng pangungusap ang ginamit ng
isang pangkat na naka-online sa chat tungkol sa pinapagawang proyekto
ng guro.
___________1. Liza (lider): Makisuyo nga ako sa inyong lahat na isulat ang

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
5

inyong opinyon, kuhanan ng picture ang inyong mga sagot at


ipasa agad sa akin.
___________2. Mark: Alin doon ang uunahin naming sagutan?
___________3. Thea : Siyempre mula umpisa ng tekstong binasa dahil paiksiin pa
ng lider natin ang pangkalahatang sagot.
___________ 4. Jubert : Ipost niyo na rin Carlo at Marlon ang inyong sagot.
___________ 5. Liza: Wow! Maraming salamat sa pagbabahagi at kooperasyon niyo.

Gawain 1.2. Basahin at unawain ang balita at sagutin ang mga mga tanong ayon
sa mga pangyayari sa teksto. Piliin ang letra ng tamang sagot na nasa kahon.
Face Mask, Face Shield Ordinance, Amyendahan
ni: Noe B. Nenita
Ipinapanukala ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan na amyendahan ang
Face Mask, Face Shield Ordinance o bigyan ng kaukulang multa ang mga tricycle
drivers at mga pasahero na hindi tumutupad o sumusunod sa pagsuot ng face mask
at face shield.
Sa panayam kay SB member Ramil Bolina, Chairman ng Committee on
Transportation and Public Utilities sinabi nitong sa kabila ng kautusang mula sa
Department of Transportation (DOTr) ukol sa No Face Mask and No Face Shield, No
Ride Policy sa mga pampublikong sasakyan, marami pa rin ang lumalabag o hindi
sumusunod sa pagsuot ng face mask at face shield.
Ayon kay Bolina ang hindi pagsunod sa kautusan ng DOTr ang dahilan upang
ipatupad ng Sangguniang Bayan ang pagpapamulta sa mga tricycle drivers at mga
pasahero na mahuhuling hindi nagsusuot ng Face Mask at Face Shield.
Dagdag pa niya na pinag-aaralan ng konseho ang mga multa na ipatutupad at
ang pagbibigay ng hiwalay na multa sa mga tricycle drivers at pasahero na lumabag sa
ordinansa.
Naniniwala din si Bolina na malaki ang posibilidad na maiwasan ang pagkalat
ng virus kung magsusuot ng face mask at face shield ang mga pasahero na
sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.

__ 1. Anong ordinansa ang aamyendahan ayon sa balitang nabasa ?

___2. Kanino at saan ipapatupad ang __ 4. Sino ang naniniwala na malaki


“No Face Mask and No Face Shield, No ang posibilidad na maiwasan ang
Ride Policy”? pagkalat ng virus kung magsusuot
ng face mask at face shield?
__ 3. Ano ang kaukulang parusa sa
mga mahuling mga pasahero o tricycle __5. Paano ipatutupad ang multa sa
drivers na lumabag o di pagsuot ng mga tricycle drivers at pasahero na
face mask at face shield? lumabag sa ordinansa.

A. Pinag-aralang hiwalay na ipatutupad ang multa sa mga drivers at sa mga pasahero.

B. Ang “No Face Mask and No Face Shield, No Ride Policy”

C. Magkakaroon ng multa ang sinumang mahuling tricycle drivers at pasahero

D. Sa mga pasahero, tricycle drivers sa mga pampublikong sasakyan ipatutupad ang


ordinansa.

E. Ramil Bolina F. Harry Roque

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
6

Mahusay! Natapos mo ang gawain! Bago ka pumunta sa susunod na pagsubok


ay basahin mo muna ito upang higit mong maunawaan ang aralin.

Tandaan

 Sa pagbubuod ng teksto at pagbibigay ng mahahalagang pangyayari, maaaring


gumamit ng story map o graphic organizer upang matukoy ang mga
mahahalagang detalye sa napakinggan o sa binasa.

Mga Hakbang sa Pagbubuod at Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari:

 Basahin, panoorin, o pakinggan nang mabuti ang teksto o akda.


 GUHITAN ang pangunahing ideya habang binabasa ang akda at kung pakikinig at
panonood, isulat ang pangunahing ideya.
 Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema at ang mga susing salita (key
words).
 Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pagkalahatang kaisipan.
 Sulatin ang mga sariling kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap.
 Gamitin nang wasto ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa
pangungusap sa paraang angkop ayon sa gamit.

Napakahusay mo! Binabati kita! Mag-iingat ka at magdasal palagi.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Pakinggan at panoorin ang pabula tungkol sa “Ang Masamang Kalahi”
https://youtube.com/watch?v=V5k9Kx_PiJo&feature=share.
Magbigay ng 5 mahahalagang pangyayari sa pabula at isulat ang buod nito.
Tara na! Simulan mo na!

Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay


humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain.
Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni
Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa
banyagang manok na si Lolitang Leghorn.

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
7

Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga. ”Naku!” ang


bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging
kasintahan niya.” “Diyata’t?” ang bulalas din ni Aling Martang Manok. “At katakot-
takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw
ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo…” gayon din ang ikinagalit ni Toniong
Tandang nang siya’y dumating. “Napakasamang manok si Tnoriong Talisain “, ang
wika ng tandang.” Kangina’y nakita ko. Kung lumakad at magsalita’y ginagaya ang
mga leghorn.”
“Ang balita ko pa’y nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn
na. Nakapangnginig ng laman.” “Bayaan ninyo siya”, ang wika ni Aling Martang
Manok. “Pagsisihan din niya ang kaniyang ginawang iyan.”
Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si
Tenoriong Talisain.Guso’t gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa,
pasa-pasa ang buong katawan at hindi halos makagulapay. ”Bakit ano ang nangyari
?”, tanong ng mga kalahing manok. “Iyan pala ay maluwa’t nang kinaiinisan ng mga
katyaw na Leghorn”, ang wika ni Toniong Tandang.
“Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na
leghorn.” “Bakit hindi mo na lang pinabayaang mapatay?”, ang wika ng mga kalahing
manok. “Tayo rin lang ay ikinahihiya niya at itintakwil pa.” “Talaga nga sanang ibig ko
ng pabayaan”, ang wika ni Toniong Tandang.
“Ngunit hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung hindi ako sumaklolo’y
nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon.” “Nakita mo na, Tenoriong Talisain!” ang
wika ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi, kahit masamain mo’y talagang hindi
makatiis.”

Rubrik:

Markahan ang iyong ginawa ayon sa pamantayang ito:

Pamantayan Marka
1. Naitala nang maayos ang ang mga mahahalagang pangyayari . ______
2. Nagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagbuo ng usapan sa chat. ______
3. Nakabuo ng lagom o buod ng binasa o napanood na teksto/pabula. ______

5- Napakahusay 3-Mahusay 1- Dapat paunlarin

Magaling! Magaling! Natapos mo ang mga gawain nang mabilis na may


natutuhan.

Pangwakas na Pagsusulit

A. Basahin at unawain ang teksto. Sundin ang panuto sa ibaba bago sagutin.

ANG GURO BILANG ISANG GURO

Ang guro bilang tagapagdaloy ay may malinaw na layunin sa pagtuturo. Guro


ang susi ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang manggagamot, nararapat
pulsuhan ng guro ang kaniyang mga mag-aaral, damhin at pakinggan ang tibok ng

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
8

kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan nang
lunas. Bilang guro, obligasyon niya na ibigay ang kaalamang nararapat para hubugin
ang pagkaunawa at kinabukasan ng mag-aaral. Ituro ang tamang landas tungo sa
paghubog sa isang produktibong mamamayan. Ayon kay Papham (1980), malaki ang
tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad nang kakayahang taglay ng mag-
aaral. Kung kaya’t ang guro ay maituturing na “mind shaper” sa lahat ng pagkakataon
dahil hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay nakalaan ito upang hubugin
ang kinabukasan ng ating bayan.
Source: https://www.google.com/search?q=pabula+maikling+kwento&tbm

Piliin at isulat ang MP kung ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa nabasang


teksto at DMP kung hindi.

_____ 1. Tagapagdaloy nang may malinaw na layunin sa pagtuturo ang mga guro.
_____ 2. Isa sa mga obligasyon ng guro ang ibigay ang kaalamang narararapat para
hubugin ang kinabukasan ng mga mag-aaral.
______3. Guro rin ang nagtuturo sa tamang landas na mahubog ang isang mag-aaral
tungo sa pagiging isang produktibong mamamayan.
_____4. Alin sa mga sumusunod ang angkop na buod ng teksto at isulat ang titik nito.
A. Ang guro ang matuturing na “mind shaper” sa lahat ng pagkakataon
upang ituro ang tamang kaalaman at hubugin ang magandang kinabu-
kasan ng mga mag-aaral tungo sa produktibong mamamayan.
B. Ang guro ang tinuturing na “mind shaper” sa lahat ng pagkakataon
upang hubugin ang kinabukasan ng ating bayan.
C. Ang guro ang may obligasyon na ibigay ang kaalamang nararapat
para hubugin ang pagkaunawa at kinabukasan ng mag-aaral.
D. Ang guro ang tagapagdaloy nang may malinaw na layunin sa pagtuturo
at susi ukol sa mabisang pagtuturo.
____5. Mula sa tekstong binasa, anong uri ng pangungusap ang ginamit sa usapan o
panayam kay Papham taong 1980? “Malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa
pagpapaunlad ng kakayahang taglay ng mag-aaral. Kung kaya’t ang guro ay
maituturing na “mind shaper” sa lahat ng pagkakataon “ ?
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pautos D. Padamdam
Mahusay! Nabigyan mo ng tamang sagot ayon sa mga panuto. Binabati kita!

Pagninilay

Basahin ang usapan sa chat at tukuyin ang uri ng pangungusap na ginamit.

Renz : (1) Sino sa inyo ang nakapagpasa na kay Ma’am ng ating takdang aralin?

Bea : (2) Nakapagpasa na kami kahapon.

Ej : (3) Maaari ba akong makahingi ng kopya ng mga tanong o mga dapat gawin sa
takda dahil nahuli ako sa pagsali sa usapan noong online class natin?

Lance: (4) Naku! ngayon mo lang sinabi baka di ka na makahabol sa deadline, sige
ipasa ko kaagad sa iyo.

Guro: (5) Ipasa niyo agad sa Lunes para lahat kayo ay makahabol dahil napansin ko
may mga ilan pang di nakapagsumite ng gawa.

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
9

FILIPINO 5
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo
Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: ______________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Pagpapakilala sa Aralin
1
2
3
4

Gawain 1.1 Gawain 1.2


1. 1.
2. 2.
4. 3.
5. 4.
6. 5.

Pag-alam sa Natutuhan
1
2
3
4
5

Pangwakas na Pagsusulit Pagninilay


1. 1.
2. 2.
4. 3.
5. 4.
6. 5.

Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like