You are on page 1of 13

6

Filipino
Kwarter 3-Linggo 3, Modyul 3:
Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa
Binasang Teksto

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 - Modyu1 3: Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa Binasang Teksto
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay
sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala ng


mga Paaralan: Edilberto L. Oplinaria, CESO-V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6

Writer/s: April Joy D. Durato


Illustrator and Layout Artist: Del Cagang
Proofreader, In-House Content and Language Editors:

Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Rosemarie T. Macesar, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Members
Maria Eva S. Edon, Ph.D., CID Chief
Monisa P. Maba, Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Joselito C. Epe, Ed.D-PSDS
Editha M. Tawantawan, ESP-I
Justina T. Sanchez, ESP-I
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Anisah D. Sanggulingan, HT-III
Lawanun S. Mohamad ,HT-II
Anisa A. Maruhom, HT-III

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com.
6
Filipino
Kwarter 3-Modyul 3:
Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa
Binasang Teksto

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon, mga magulang na
mag - email ng inyong mga puna at sa Kagawaran ng mungkahi Edukasyon sa
Deped-Lanao del Norte Division at lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER:


Ang modyul na ito ay para sa mga hangaring pang-edukasyon lamang.
Ang mga hiniram na materyales (halimbawa, mga kanta, kwento, tula, larawan,
pangalan ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa modyul na ito ay pagmamay-
ari ng copyright holders. Ang publisher at mga may-akda ay hindi kumakatawan o
nang-aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong pagpapahalaga sa mga
nakagawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa modyul na ito.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

TAKIP NA PAHINA
PAHINA NG COPY RIGHT
PAHINA NG TITULO

Aralin 3 – Argumento

Alamin 1
Balikan 2
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isagawa 6
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 8
Pagwawasto 9
Aralin
Pag-iisa-isa ng mga
3 Argumento sa Binasang
Teksto

Alamin Subukin
Alamin

Panimula
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Filipino.Tiyak na
kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Pangatlong Kwarter Linggo 3. Ang modyul na
ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa
loob ng isang linggo.

Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto (F6PB-IIIe-23)


 Natutukoy ang mga argumento mula sa binasang kuwento
 Nakasisipi ng mga mahahalagang detalye na sumusuporta sa mga
argumento
 Naipapahayag ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon
ng pangangailangan

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga
tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang argumento ay nagpapahayag ng mga ______________ upang maipagtanggol
ang katuwiran ng isang panig.
a. sanhi at bunga
b. dahilan at ebidensya
c. pagtatalo at labanan
d. matibay na katuwiran
2. “Maliit lamang po ako. Hindi po ako makabubusog sa inyo”. Ang pahayag ay isang
halimbawa ng isang ___________.
a. pautos
b. paliwanag
c. argumento
d. padamdam

3. “Kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa inyo,”
matiyagang pakiusap ng daga. Nag-isip sandali si Leon. Alin dito ang nagpapa- hayag
ng argumento?
a. Nag-isip sandali si Leon
b. matiyagang pakiusap ng daga
c. Pinakawalan ng leon ang daga.
d. “Kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong ako sa
inyo,”

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa argumento?


a. Isa itong elemento ng pagtatalo
b. Ipinapahayag nito ang mga ebidensya at dahilan
c. naglalahad ito ng isang experimento at pag-aaral
d. Kailangang may sapat na kuro-kuro at opinyona ang isang panig.

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagtulong sa kapwa


maliban sa isa.
a. Dapat may kapalit ang tulong na binibigay sa kapwa
b. Ang pagiging matulungin ay likas sa ating mga Pilipino.
c. Tumutulong tayo sapagkat mayroon tayong pagmamalasakit.
d. Ang pagtulong ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Balikan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang buod o lagom?
a. Isa itong awit mula sa kwento.
b. Ito ay tumutukoy sa paksang napakinggan.
c. Tumutukoy ito sa isang kwentong binasa
d. Ito ay isang mas maikling bersyon ng isang mahabang teksto o sulatin.

2. Ano ang SAWA o Sigabit Abaca Weavers Association?


a. malaking sawa na kayang lingkisin ang isang tao.
b. grupo ng mga kalalakihan na nanghuhuli ng mga sawa.
c. Isang grupo ng mga kababaihan na kilala sa pagtatanim at pagpoproseso ng
abaka.
d. Organisasyon ng mga kabataan na sumasali sa mga patimpalak sa paggawa
ng mga produkto mula sa abaka.
3. Bakit maituturing na magandang halimbawa ang organisasyong ito?
a. Dahil sa kahusayan ng organisasyon sa pamamalakad at paglikha ng mga
de-kalidad na produkto.
b. Dahil sa kasikatan ng mga produkto nito hindi lang sa kanilang rehiyon kundi
maging sa buong bansa.
c. Ito ay sinimulan ng mayayamang kababaihan at kalalakihan sa kanilang lugar
kaya lalo itong naging tanyag.
d. Dahil sa magagandang kababaihan sa organisasyon, madali nilang
naimpluwensyahan ang mga karatig rehiyon.

4. Paano nakatulong ang industriya ng abaka sa Barangay Sinai?


a. Naging sikat sila sa buong bayan.
b. Naging pasyalan ang nasabing barangay.
c. Naging kilala ang Barangay sa paggawa ng mga sapatos.
d. Naging mas madali ang pagluluwas ng kanilang mga produktong agrikultural
sa pamilihang-bayan nang maiaayos ng organisasyon ang mga daanan.

5. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng isang


organisasyon/ industriya gaya ng SAWA maliban sa isa.
a. kapagdudulot ng kaguluhan sa barangay.
b. NaMalaki ang naitulong ng industriya sa isang barangay.
c. Nagkaroon ng kabuhayan ang mga mga tao sa kanilang lugar.
d. Nakatulong ng malaki ang organisasyon nang maisaayos ang mga daan at
nagpadali ng pagluluwas ng mga produktong agrikultural sa pamilihang-
bayan.

Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Alamin kung paano iniligtas ng munting
daga ang isang malaking leon mula sa kapahamakan. Pagtuunan rin ng pansin ang mga
argumentong nakapaloob sa kuwento.

Ang Leon at ang Daga


(ni:Lydia D. Liwanag)

Biglang dinampot ng gutom na leon ang isang munting daga na marahang


naglalakad sa harap niya, isang tanghaling tapat. Akala ng daga ay mahimbing na natutulog
ang leon. Nagpapahinga noon ang leon sa ilalim ng punong kahoy sa tabi ng kaniyang
kuweba.
“Aha! Sa gutom kong ito, munting daga ay pagtitiyagaan ko na!” pasigaw na sabi ng
leon habang hawak niyang mahigpit ang dagang pilit kumakawala sa mga kuko niya.
“Maawa na po kayo, marangal na Leon,” magalang na pakiusap ng daga. “Maliit lamang po
ako”. Hindi po ako makabubusog sa inyo. Huwag po ninyong dungisan ng dugo ng munting
daga ang marangal ninyong mga kuko,” naiiyak na sabi ng daga. “Ako’y nagugutom. Kahit
paano’y baka makabusog ka sa akin,” pabulyaw pa ring tugon ng leon.
“Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong
ako sa inyo,” matiyagang pakiusap ng daga. Nag-isip sandali si Leon. Tila may katuwiran
ang munting daga. Pinalaya niya ito. Mabilis na tumakbo ang daga sa loob ng gubat.
Ilang araw mula noon, naraanan ng daga ang leon. Nakakulong ito sa loob ng isang
lambat na lubid. Walang sinayang na panahon ang daga. Buong tiyaga at mabilis na
nginatngat nito ang lambat na lubid. Nakalaya sa lambat ang leon. Ganoon na lamang ang
tuwa at pasasalamat ng leon sa daga. Naiisip niya marunong tumupad sa pangako ang
daga.

Suriin

Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saan nakita ng daga ang inaakala niyang natutulog na leon?
2. Ano ang ginawa ng leon sa munting daga?
3. Ano ang ginawang pangangatwiran ng daga upang palayain siya ng leon?
4. Paano tinulungan ng munting daga ang nakakulong na leon?
5. Kung ikaw ang munting daga, tutulungan mo rin ba ang leon? Bakit?

Pagyamanin

Gawain II
Panuto: Sa tulong ng mga salitang nasa loob ng kahon, buuin ang mga sumusunod na
salitang may kinalaman sa argumento. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

KAALAMAN EBIDENSYA
DAHILAN KATUWIRAN KAIBIGAN

E_ID_N_Y_
A
R
_A_U_I_AN G
U
M
D_H_L_N E
N
T
K_A_AMA_
O
Isaisip

Ang argumento ay isang elemento ng pangangatuwiran. Ipinapahayag nito ang


mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol ang katuwiran ng isang panig.
Kinakailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon ang nangangatuwiran upang
makapaglahad ng isang mahusay na argumento.

Isagawa

Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba, bumuo ng isang argumento sa isang


napapanahong isyu patungkol sa Enhanced Community Quarantine. Magbigay ng
tigtatatlong (3) posibleng maging katuwiran o dahilan sa pagsang-ayon at di pagsang-ayon
sa nasabing isyu. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Enhanced Community
Quarantine

Sang-ayon Di Sang-ayon

Gawain VI
1. 1.

2. 2.

3. 3.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sagutang papel.
1. Ito ay nagpapahayag ng mga ebidensya at dahilan upang maipagtanggol
ang katwiran ng isang panig.
a. pasalaysay
b. argumento
c. paglalahad
d. pangangatuwiran

2. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y makatulong
ako sa inyo.” Ano ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni Daga?
a. luluhod si Leon kay Daga
b. mas lalong magalit si Leon
c. paparusahan ni Leon si Daga
d. palayain si Daga upang makatulong ito balang araw

3. Ano ang nag-udyok kay Leon upang kainin ang munting daga?
a. galit siya sa mga daga
b. nagkasala ito sa kanya
c. gutom na gutom si Leon
d. paparusahan ni Leon si Daga

4. Bakit tinulungan ni Daga si Leon mula sa pagkakakulong?


a. matalik silang magkaibigan
b. mayroon silang pinagsamahan
c. tinupad niya ang kanyang pangako
d. napilitan lang si Daga sa pagtulong kay Leon

5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng argumento


maliban sa isa. Alin dito ang hindi argumento?
a. Naisip niya marunong tumupad sa pangako ang daga.
b. “Ako’y nagugutom, kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.”
c. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal
ninyong mga kuko.
d. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain baka balang araw po’y
makatulong ako sa inyo.”

Karagdagang Gawain

Panuto: Sipiin mula sa loob ng kahon ang mga argumento kung kanino ito nagmula
gamit ang Venn Diagram.

 Sa gutom kong ito, munting daga ay pagtitiyagaan ko na!


 “Maawa na po kayo, marangal na Leon,”
 “Maliit lamang po ako”
 “Hindi po ako makabubusog sa inyo”
 Kahit paano’y baka makabusog ka sa akin.
 “Ako’y nagugutom!
DAGA LEON

__________________ __________________

“Mahal na Leon,
____________________ __________________
kung in baka balang araw
po’y___________________
_______makatulong ___________________
ako sa inyo,”

Venn Diagram
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Liwanag, Lydia D. et al. (2011) Landas sa Wika 6, pahina 170.
EduResources Publishing, Inc
Para sa mga katanungan, maaaring sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

You might also like