You are on page 1of 14

6

Filipino
Kwarter 3- Linggo 8, Modyul 8:
Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipina


Filipino - Baitang 6
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3 - Modyul 8: Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng


Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda
upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang
hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan : Edilberto L. Oplenaria , CESO-V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6


Writer/s: Christian N. Briones, MT1
Illustrator and Layout Artist: Del Cagang
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Joselito C. Epe,Ed.D
Management Team
Chairperson:
Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Rosemarie T. Macesar,PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Members
Maria Eva S. Edon, Ph.D. CID Chief
Monisa P. Maba, Ph.D., EPS-Filipino
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Joselito C. Epe,Ed.D-PSDS
Editha M. Tawantawan, SP-1
Justina T. Sanchez, SP-1
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Lawanun S. Mohamad, HT-II
Anisa A. Maruhom, HT-III
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov.A.Quibranza Prov’l. Gov’t.Comp, Pigcarangan,Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino 6
Kwarter 3-Modyul 8:
Pag-uugnay ng Karanasan sa
Binasa

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng
Edukasyon . Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon, mga magulang na mag - email ng inyong mga puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa lrmdsldn@gmail.com .
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: Ang modyul na ito ay para sa mga
hangaring pang-edukasyon lamang. Ang mga hiniram na materyales (halimbawa, mga
kanta, kwento, tula, larawan, pangalan ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa
modyul na ito ay pagmamay-ari ng copyright holders. Ang publisher at mga may-akda
ay hindi kumakatawan o nang-aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong
pagpapahalaga sa mga nakagawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa modyul na
ito.
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

TAKIP NA PAHINA
PAHINA NG COPY RIGHT
PAHINA NG TITULO

Aralin 8 – Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Mensahe ng Guro 6
Tayahin 7
Karagdagang Gawain 8

Sanggunian
Aralin
Pag-uugnay ng Karanasan
8 sa Binasa

Alamin

Panimula
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Filipino !
Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa ikatlong kwarter, ikawalong linggo . Ito
ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa
pag-aaral sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin sa loob ng isang
linggo.
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito , inaasahang makakamit mo
ang mga sumusunod na layunin at kasanayan.

Kasanayang Pampagkatuto:

 Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (F6PB-Iva-1)


 Nasasagot ang mga tanong ayon sa binasang teksto
 Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang teksto
 Naipaliliwanag ang halagang pangkatauhan mula sa binasang teksto

Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong


ganda ng modyul na ito.
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.

____1.Ano ang kadalasan ipinagdiriwang ng mga Pilipino taon taon na kung saan
nagpapakita ng pasasalamat sa mga patron?
a. Kasal
b. piyesta
c. Kaarawan
d. Araw ng Puso

____ 3.Paano ipinagdiriwang ang piyesta?


a. nagpapalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkaloob
niya sa mga tao
b. nagluluto ng masarap na pagkain
c. nagsasama-sama ang pamilya
d. lahat na nabanggit

____3.Kailan madalas ipinagdiriwang ang piyesta?


a. Tag-init
b. Tag-ulan
c. Taon taon
d. Tuwing kabilugan ng buwan

____4.Para kanino ipinagdiriwang ang piyesta?


a. Mayor ng Bayan
b. Patron ng Bayan
c. Pangulo ng Bansa
d. Gobernador ng Lalawigan

____5.Bakit may piyesta?


a. Para sa maging masaya lahat ang mga tao
b. Dahil sa kagustuhan ng pamilya na magdiwang
c. Dahil ito’y isang kaugaliang minsan pa natin sa ating mga pinuno
d. Dahil ito ay araw ng pagkadakila, pagpupuri at pagpapangaral sa
Panginoon
Balikan Balikan

Sa nakaraang leksyon, napag-aralan mo ang tungkol sa paggamit ng mga uri


ng pangungusap sa usapan at sa iba’t-ibang sitwasyon sa binasang teksto. Balikan
ang mga pangungusap na nabanggit mula sa kwentong “Ang Hamon ni Bagyong
Yolanda”

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong uri ng
pangungusap ito. Isulat ang titik ng inyong napiling sagot sa sagutang
papel.

_____ 1.Opo! Nay”, “Opo! Tay


a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong

_____ 2.“Jessa, anak, maaari mo bang ihanda ang agahan natin nang may
makakain tayo mamaya?
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong

_____ 3.“Shella, anak, heto ang plastic dito mo itatago ang mga mahahalagang
dokumento natin para di-mabasa”.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong

_____ 4. “Gil, anak, pakiabot nga ng lubid at kailangan nating talian ang bubong ng
ating bahay at pakitulungan mo ako sa pagtali”.
a.Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Pakiusap

_____ 5.Ang kanilang barong-barong ay gawa sa konkretong materyales subalit


maaari pa ring mawasak ng kahit mahinang bagyo o ng isang bagyo.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento at unawaing mabuti upang maiugnay ang binasang
kuwento sa sariling karanasan.
ANG PIYESTA NG AGPAMAGO

“Letlet, gumising ka na!” tawag ni Lalay. Iminulat ni Letlet ang kaniyang mga
mata. Nakita niyang nag-aayos na ng higaan ang kaniyang kaibigan. “Piyesta ng
Agpamago ngayon! “
“Oo nga pala!” sabi ni Letlet, na napaupo sa kaniyang banig. Taga-Batangas
si Letlet, at inanyayahan siya ng kaniyang kaibigan na makisalo sa Piyesta ng
Agpamago. Ang Agpamago ang pinakamasayang pagdiriwang para sa mga Alangan
Mangyan sa Mindoro. Ginaganap ito tuwing Abril.
“Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Agpamago?” tanong ni Letlet.
“ Ang Agpamago ay pasasalamat kay Kapwan. Kapwan Agalapet ang tawag
naming sa Diyos na ibig sabihin ay Tagapangalaga. O, narito na pala ang mga
pinsan ko! Halika, ipakikilala kita.”
Nang umagang iyon ay nakilala ni Letlet ang lahat ng mga lolo, lola, tiyo, tiya,
at pinsan ni Lalay. Ang ilan sa kanila ay mula pa sa ibang mga barangay. Ang bawat
pamilya ay may dalang palay na pagsasaluhan ng lahat. Masayang
nagkukuwentuhan at nagkakantahan ang matatanda habang nagbabayo ng palay,
nagluluto ng pagkain, at nakikinig sa kanila ang mga bata.
“Banggi ang tawag sa mga kantang naririnig mo,” paliwanag ni Lalay. “Sa
pamamagitan ng mga awit, natatanggap naming ang mga kuwentong o pangaral ng
nakatatanda. Minsan naman, may mga banging nagpapatawa!” Namangha si letlet
sa kaniyang mga narinig.
Pagkatapos ng kainan, tumayo sa gitna si Aking Jose. Siya ang
pinakamatanda sa kanilang pamayanan. Iginagalang ng lahat ang kaniyang
kabutihan at dunong. Ayon sa kaniya, magiging mabuti ang kalusugan, kabuhayan,
at samahan ng lahat. Sinabi rin niya na dapat maging masipag ang bawat isa upang
maging masagana ang buhay ng buong pamayanan.
Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa isa’t isa ang mga kamag-anak ni Lalay.
Masayang-masaya ang lahat dahil naipagdiwang nila ang kanilang magandang
samahan at ang tapat na pag-aalaga ni Kapwan. Masaya rin si Letlet dahil sa
kakaibang karanasan na hinding-hindi niya malilimutan. Napakarami niyang
maikukuwento sa kaniyang mga kapatid pag-uwi niya sa Batangas.

Suriin Suriin

Ang mga katanungan ay magsisilbing gabay para sagutin ang gawain na


nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong batay sa mga pangyayaring naganap sa
kwentong binasa.

Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang kwento. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


2. Saan naganap ang kwento?
3. Paano ipinagdiriwang ang Agpamago?
4. Bakit Kapwan Agalapet ang tawag ng mga Mangyan sa Diyos?
5. Kung ikaw si Letlet paano mo igalang ang nakatatanda?

Pagyamanin

Gawain II
Panuto: Batay sa mga pangyayari sa kwento, isulat sa sagutang papel ang bilang 1-
5 ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

_______ Ipinagdiriwang ang Agpamago sa pamamagitan ng pagdala ng palay


bawat pamilya na pagsasaluhan, pagkukuwentuhan, pagkakantahan habang
nagbabayo ng palay, nagluluto ng pagkain, at nakikinig ang mga bata sa kwento.
________ Tuwing Abril ang mga Alangan Mangyan sa Mindoro ay nagdiriwang ng
Agpamago bilang pasasalamat kay Kapwan.
________ Ang mga Alangan Mangyan ay umawit ng Banggi. Ito ay isang kuwento o
pangaral sa nakakatanda na kung saan iginagalang ang kabutihan at dunong ng
pinakamatanda sa pamayanan dahil magiging mabuti ang kalusugan, kabuhayan, at
samahan ng lahat.
________ Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa isa’t isa ang mga kamag-anak ni
Lalay.
________ Nang umagang iyon ay nakilala ni Letlet ang lahat ng mga lolo, lola, tiyo,
tiya, at pinsan ni Lalay.
Isaisip Isaisip

Sa pagpapahayag, ang pagsagot sa tanong ng binasang kuwento ay


ginagamit ito sa pag-ugnay sa pangungusap at sa kadahilanan napagsusunod-
sunod nito ang tama ang mga pangyayari sa isang lathalain/salaysay.

Ang pagsusunud-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang panyayari


ayon sa kung kailan nangyayari ito. Kalimitan ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw
at taon ay tinatawag na pagkasunod-sunod. Ito ay kabilang sa uri ng pagkasunod-
sunod na pangyayari.

Bagamat ang binasang kuwento ay maging makabuluhan kung ito ay


maiuugnay sa sariling karanasan sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong,
pagsunod-sunod sa pangyayari, pagbigay sa tauhan, tagpuan at banghay ng
kuwento at halagang pangkatauhan.

Isagawa

Gawain III
Panuto: Gamit ang mga pangyayari na nasa loob ng kahon, punan ang graphic
organizer ng mga ang tauhan at tagpuan, kahalagahan ng pangkatauhan at
pagkasunod-sunod ng pangyayari ayon sa kwentong “Ang Piyesta ng
Agpamago” Isulat sa Fan-Fact Analyzer.

 Ipinagdiriwang ang Agpamago sa pamamagitan ng pagdala ng palay


bawat pamilya na pagsasaluhan, pagkukuwentuhan, pagkakantahan
habang nagbabayo ng palay, nagluluto ng pagkain, at nakikinig ang
mga bata sa kwento.
 Tuwing Abril ang mga Alangan Mangyan sa Mindoro ay nagdiriwang ng
Agpamago bilang pasasalamat kay Kapwan.
 Ang mga Alangan Mangyan ay umawit ng Banggi. Ito ay isang kuwento
o pangaral sa nakakatanda na kung saan iginagalang ang kabutihan at
dunong ng pinakamatanda sa pamayanan dahil magiging mabuti ang
kalusugan, kabuhayan, at samahan ng lahat.
 Pagsapit ng hapon, nagpaalam na sa isa’t isa ang mga kamag-anak ni
Lalay.
 Nang umagang iyon ay nakilala ni Letlet ang lahat ng mga lolo, lola,
tiyo, tiya, at pinsan ni Lalay.
Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na pangungusap tungkol sa


kuwentong “Ang Piyesta ng Agpamago” Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

_______ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


a. Rosa at Ana
b. Michael at Dennis
c. Roger and Thereza
d. Letlet at Aking Jose

_______ 2. Saan naganap ang kwento?


a. Ranao ng Marawi
b. Mangyan sa Mindoro
c. Higaonon ng Bukidnon
d. T’boli ng South Cotabato

_______ 3. Paano ipinagdiriwang ang Agpamago?


a. Nagluluto ng pagkain at nakikinig sa kanila ang mga bata
b. Masayang nagkukuwentuhan at nagkakantahan
c. May dalang palay na pagsasaluhan ng lahat
d. Lahat sa nabanggit
_______ 4. Bakit Kapwan Agalapet ang tawag ng mga Mangyan sa Diyos?
a. Dahil siya ang tinaguriang Tagapangalaga
b. Para sa mga masayahin na manananggol
c. Dahil pinuno ng pamayanan
d. Wala sa nabanggit

_______ 5. Kung ikaw si Letlet paano mo igalang ang nakatatanda?


a. Katamaran
b. kabalastugan
c. Kabulastugan
d. Tanda ng pagrespeto

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang simula, gitna at wakas ng mahalagang kwento
sa yung buhay sa pagdiriwang ng mahalagang araw sa iyong pamayanan.
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Agarrado, Patricia Jo C. et al. (2016) Alab Filipino V, pahina 68-69. Pilipinas ng FEP
Printing Corporation
Para sa mga katanungan maaaring sumulat o tumawag sa :

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address :lrmdsldn@gmail.com

You might also like