You are on page 1of 18

6

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pag-uulat Tungkol sa Pinanood
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo
(Aralin 2)
FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pag-uulat Tungkol sa Pinanood
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo (Aralin 2)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Jennifer Joan B. Renolo


Editor: Cristina Q. Artates
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Mona Liza G. Abelon
Chester F. Mertola
Tagaguhit at Taga-anyo: Donald F. Araracap
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pag-uulat Tungkol sa Pinanood

Panimula

Mahilig ka bang manood? Pamilyar ka ba sa mga napapanahong pelikula,


palabas o programa sa telebisyon, trending topics sa youtube at iba pang social media
platforms? Ang mga ito ba ay nagpapahayag ng katotohanan, kathang-isip o opinyon
lamang? Paano mo ibinabahagi sa iba ang impormasyong iyong nakalap?

Maliban sa pagbabasa at pakikinig, ang panonood ay isa ring paraan upang


makakuha ng impormasyon at kaalamang magagamit mo sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Sa patuloy na pag-aaral sa Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatutong ito ay malilinang ang iyong kakayahan sa pag-uulat.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakapag-uulat tungkol sa pinanood. (F6PD-IIIc-j-15)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakapanonood nang may pang-unawa;


2. nakapagtatala ng impormasyon o datos mula sa napanood; at
3. nakapag-uulat tungkol sa pinanood.

1|Pahina
Balik-Aral

Panuto: Sipiin ang puzzle sa iyong sagutang papel. Hanapin at bilugan ang mga
sumusunod na salita:

balita katotohanan pamamahayag


datos paglalahad pasalita
detalye pahayagan pasulat
impormasyon

Nahanap mo ba ang lahat ng salita sa loob ng puzzle? Mahusay!

Basahing muli at suriin ang mga salita na iyong nahanap. Nalalaman mo ba ang
kaugnayan ng mga ito sa bagong aralin? Halina at alamin.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Halina’t Manood!

Panoorin mo ang video mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) gamit ang


link na nasa loob ng kahon.

https://fb.watch/2p5x0ccuLX/
https://youtu.be/LrxTuj1SsEw
Para sa mga walang internet access, basahin ang kabuuan ng balita sa teksto
at isipin na ito ay iyong napapanood habang nagbabasa.

Paaano labanan ang COVID-19 sa ating bansa?

Mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa. Ang pananatili sa loob ng bahay ay


isa sa pinakasimple pero pinaka-epektibong paraan para hindi kumalat ang virus.

Kunwari ikaw ang tuldok na ito, malusog ka at malakas. Lumabas ka ng


bahay, ang hindi mo alam, may nakasalamuha ka nang may COVID-19.

Tandaan, mahirap malaman


kung sino ang may virus pero madali
itong maipasa sa iba. Puwedeng
naipasa na pala niya ang virus sa iyo
noong umubo siya o bumahing, o baka
naman ay nahawa ka na dahil
humawak kayo sa parehong bagay na
kontaminado. Ngayon ay mayroon ka
na ring COVID-19. Isa ka nang carrier
na makakahawa sa iba. Dahil
maaaring ilang araw pa bago lumitaw
ang sintomas na ubo, sipon, hirap sa
paghinga at lagnat. Puwede ring wala
kang nararamdamang sintomas ngunit
nakakahawa ka pa rin. Pag-uwi mo sa
bahay, maaari mong mahawaan ang
iyong pamilya, kasama na rito ang lolo
at lola mo o ang mga magulang mo na
may edad. Sila ang may pinakamahina na depensa laban sa virus. Ang mga may
sakit sa puso, diabetes, high blood at iba pang pre-existing conditions, at mga
3|Pahina
buntis— mahina ang panlaban sa COVID-19. Kapag na-infect ang taong mahina ang
immune system, posibleng magkaroon siya ng malalang karamdaman at
kailanganing dalhin sa ospital.

Sa patuloy na paglabas ng bahay at pagpunta sa pampublikong lugar,


tinatayang maaari kang makahawa ng tatlo pang tao. At sila, makahahawa ng mas
marami pang iba. 20% ng mga nahawa ay maaaring maospital at dadami nang
dadami ito habang mas kumakalat pa ang virus. Bukod sa dumaraming COVID-19
patients, marami pang ibang may sakit ang nasa mga pagamutan. Ang mga
pasyenteng malubha na ang karamdaman, hindi na maaasikaso. Wala ring lugar
para sa mga pasyenteng may ibang karamdaman.

Kaya nating iwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 kung iisipin natin
ang kapakanan ng iba. Kailangan nating isipin at kumilos na parang bitbit na natin
ang virus para hindi ito kumalat pa sa iba. Sundin ang social distancing at hangga’t
maaari, manatili sa loob ng bahay. Kung talagang kinakailangang lumabas,
panatilihin ang isang metrong layo sa ibang tao. Maging malinis din sa katawan at
sa kapaligiran. Parating maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at i-disinfect
ang mga bagay na madalas hinahawakan. Ang mahalaga, mapabagal natin ang
pagkalat ng COVID-19 para mas kakaunti ang mga kailangang magpa-ospital at
mabawasan ang mga Pilipinong magkakasakit. Magiging epektibo lamang ito kung
mananatili tayo sa bahay.

Sundin ang social distancing. Isang maliit na sakripisyo para sa buhay ng


kapwa natin Pilipino. Tulong-tulong tayo! Let’s beat COVID-19.

(Adapted from “Why fighting the coronavirus depends on you” by Vox.)

Panuto: Sagutin sa sagutang papel ang mga sumusunod na tanong upang


makatiyak na naunawaan mo ang iyong napanood o ang teksto na iyong nabasa.
Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

1. Saan nagmula ang video na iyong pinanood o tekstong iyong nabasa?


A. sa Kagawaran ng Agrikultura
B. sa Kagawaran ng Edukasyon
C. sa Kagawaran ng Industriya
D. sa Kagawaran ng Kalusugan

2. Ano ang paksa ng video o tekstong iyong binasa?


A. pag-iwas sa denge C. pagbabakuna sa mga bata
B. programa kontra bulate D. paano labanan ang COVID-19

4|Pahina
3. Ano ang nabanggit na pinakasimple ngunit pinakaepektibong paraan para hindi
kumalat ang virus?
A. paglabas ng bahay
B. pagdalo sa mga pagtitipon
C. pananatili sa loob ng bahay
D. pagpunta sa pampublikong lugar

4. Ano-ano ang mga sintomas ng COVID-19?


A. sakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka
B. pananakit ng tiyan, tagiliran at likod
C. ubo, sipon, hirap sa paghinga at lagnat
D. mainitin ang ulo, pagkabalisa at wala sa sarili

5. Sino sa mga sumusunod ang madaling kapitan ng virus?


A. ang taong nananatili sa loob ng bahay
B. ang taong may dati nang karamdaman
C. ang mga taong malakas ang immune system
D. ang mga taong sumusunod sa social distancing

6. Sa paanong paraan magiging epektibo ang kampanya laban sa COVID-19?


A. sa pamamagitan ng pananatili sa bahay
B. sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon
C. sa pamamagitan ng patuloy na paglabas ng bahay
D. sa pamamagitan ng pagpunta sa mga pampublikong lugar

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?


A. Madaling malaman kung sino ang may virus.
B. Maiiwasan ang pagkahawa sa COVID-19 kung lalabas ng bahay.
C. Madaling kapitan ng virus ang taong malakas ang immune system.
D. Mahina ang depensa ng immune system ng mga taong may edad na.

8. Ano ang maaaring maging resulta ng pagdami ng kaso ng COVID-19?


A. Babalik na sa normal ang lahat.
B. Dadami ang populasyon sa bansa.
C. Ang mga tao ay patuloy na lalabas ng kanilang mga tahanan
D. Hindi na maaasikaso ang mga pasyenteng malubha na ang karamdaman.

9. Alin sa mga sumusunod ang maaring maging dahilan ng pagpasa ng virus?


A. social distancing
B. paghuhugas ng kamay
C. paglilinis ng kapaligiran
D. paghawak sa bagay na kontaminado

5|Pahina
10. Ano ang huling mensahe sa video na iyong pinanood o teksto na iyong nabasa?
A. Let’s beat COVID-19!
B. Sulong Edukalidad!
C. Para sa Bata, Para sa Bayan!
D. Let’s Do It!

Nasagot mo ba nang tama ang bawat katanungan? Kung gayon, ay binabati


kita sapagkat naunawaan mo ang iyong napanood o nabasang teksto.

Talakayin Natin!

Ang pag-uulat ay isang mabisang paraan ng pagtalakay o pagbibigay ng


impormasyon tungkol sa isang paksa, aralin o gawain. Ito rin ay paraan ng
paglalahad ng mga pag-aaral, pagsasaliksik at pagsusuring ginawa tungkol sa mga
bagay na nabasa, narinig, nasaksihan o napanood.

Ang pag-uulat ay maaaring gawin nang pasalita o pasulat.

Narito ang ilang bagay na makatutulong sa mabisang pag-uulat:

1. Maging handa sa pag-uulat.


2. Pag-aralan ang paksa.
3. Mangalap ng impormasyon at magtala ng datos upang maging sapat ang
kaalaman tungkol sa paksa.
4. Bumuo ng balangkas.
5. Gumamit ng payak, wasto at angkop na salita upang maunawaan ang
kaisipang nais ipabatid.
6. Gumamit ng angkop na estratehiya at kagamitan sa pag-uulat.
7. Mag-isip ng mga posibleng katanungan at maghanda ng kasagutan.
8. Magbigay ng mga halimbawang naaayo
9. n sa aktuwal na sitwasyon.

Maliban sa pagbabasa at pakikinig, ang panonood ay isa ring paraan


upang makakuha ng impormasyon at kaalamang magagamit mo sa pang-araw-
araw na pamumuhay.

Upang makatiyak na tama at makatotohanan ang impormasyon mula sa


pinanood, mahalaga na suriin muna ito nang mabuti at tiyakin na
mapagkakatiwalaan ang pinagmulan ng impormasyon bago ito ibahagi sa iba.

6|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang anekdotang, “Tsinelas ni Pipoy.” Isipin na ito ay isang


pelikulang iyong napapanood habang binabasa.

Tsinelas ni Pipoy
ni Jennifer Joan B. Renolo, Hanjin Integrated School

Si Pipoy ay isang batang Ayta na nakatira sa Zambales. Naninirahan ang


kaniyang mag-anak malapit sa bundok ng Botolan. Sa kasalukuyan, siya ay nasa
ikaanim na baitang at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.

Isang araw, kailangan nilang pumunta sa bayan upang ipagbili ang mga
nahukay na kamote at iba pang mga aning gulay.

Nang mga oras na iyon, masama ang lagay ng panahon subalit nais ni Pipoy
na tumulong sa kaniyang mga katribu. Mataas ang tubig sa ilog at gayon din ang
agos nito. Hinubad ni Pipoy ang kaniyang nag-iisang pares ng tsinelas at maingat
na itinali ang mga ito gamit ang pisi na yari sa kawayan. Isinabit niya ito sa kaniyang
baywang.

7|Pahina
Habang sila ay tumatawid sa ilog ay humulagpos sa pagkakatali ang isang
tsinelas na agad namang inianod ng tubig.

“Ang tsinelas ko!” halos mapasigaw siya.

Sinubukan niya itong habulin subalit sinaway na siya ng isang nakatatanda


sa tribu.

Tiningnan niya ang naiwang kapares ng tsinelas. At dali-dali itong itinapon


sa ilog. Nagulat ang mga katribu.

“Bakit mo itinapon ang iyong tsinelas? Sa hirap ng buhay ay suwerte kung


makabili ka pa ulit nang bago”, wika ng kaniyang kasama.

“Ang isang tsinelas na naiwan sa akin ay walang pakinabang kung wala na


man itong kapares. Kung sino man ang makakakuha ng pares ng tsinelas ay tiyak
na mapakikinabangan niya ito sa kaniyang paglalakad.”

Napatingin ang mga katribu kay Pipoy. Marahil naunawaan nila ang sinabi
ng bata.

Panuto: Punan ng mahahalagang impormasyon o datos ang pamatnubay na


balangkas bilang pag-uulat sa anekdota na iyong nabasa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Pamagat: _____________________________________________________________

2. Tagpuan: _____________________________________________________________

3. Pangunahing Tauhan: 4. Katangian:


a. __________________________________ ___________________________________

5-9. Buod:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10. Aral: _____________________________________________________________________

8|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Mag-isip ng pelikula o palabas sa telebisyon na iyong napanood. Ibigay


ang mga hinihiling na impormasyon at detalye bilang pag-uulat.

(Pamagat ng Pelikula) (Kapana-panabik


na Bahagi ng Pelikula
na Naibigan Ko)

(Tema o Paksa)

Tauhan

Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Manood tungkol sa kuwento ng buhay ng isang tao na itinampok sa


telebisyon. Ano-anong karanasan sa buhay ang kaniyang ibinahagi sa mga
manonood na tiyak na kapupulutan ng aral at magsisilbing inspirasyon para sa
lahat? Isulat ito sa papel bilang pag-uulat.

Kuwento ng Buhay

Sa mga walang telebisyon sa bahay, maaaring pumili na lamang ng tao na


iyong hinahangaan at ipaliwanag kung bakit siya ang iyong napili.

9|Pahina
Rubriks sa Pag-uulat
5 4 3 2
Nakasunod sa panutong ibinigay kaugnay ng gawain.
Lohikal at maayos ang pagkakalahad ng mga kaisipan o ideya.
Wasto ang paggamit ng wika, bantas at baybay.
Nakapupukaw ng interes at kapupulutan ng aral.
Naipasa nang maayos at malinis ang gawain.

5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtaman
2-Nangangailangan ng Pagsasanay

Pagsusulit

Panuto: Pumili ng dalawang napapanahong isyu o paksa na napapanood sa


telebisyon, youtube o anumang social media platforms. Sumulat ng ulat tungkol dito.
Ilagay ito sa sagutang papel.

Para sa mga walang telebisyon o access sa internet, maaaring pumili ng


napapanahong isyu o paksa mula sa mga nakalathalang babasahin o pahayagan.

1.____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

10 | P a h i n a
Rubriks sa Pag-uulat Tungkol sa Napanood o Nabasang Teksto

(Napakahusay)
• Nailahad nang maayos, malinaw at organisado ang pinakamahahalagang
kaisipan, detalye o pangyayari sa napanood o nabasang teksto.
• Ang isyu o paksa ay napapanahon at nakapupukaw sa interes ng lahat.
5 • Malawig ang kaalaman tungkol sa paksa sapagkat ito ay nagdaan sa
pagsasaliksik upang matiyak na makatotohan at tama ang
impormasyong nakalap. Ang ibinahaging pinagmulan ng impormasyon
ay kilala at tiyak na mapagkakatiwalaan.
• Ginamitan ng payak, wasto at naaangkop na salita at bantas.
(Mahusay)
• Nailahad nang maayos ang pinakamahahalagang detalye o pangyayari sa
napanood o nabasang teksto.
• Ang isyu o paksa ay napapanahon at nakapupukaw ng interes ng
4
marami.
• May sapat na kaalaman sa paksa at naibahagi ang pinagmulan ng
impormasyon.
• Ginamitan ng payak at naaangkop na salita at bantas.
(Katamtaman)
• Nailahad ang mahahalagang detalye o pangyayari sa napanood o
nabasang teksto.
• Ang isyu o paksa ay napapanahon subalit nakapupukaw lamang sa
3 interes ng iilan.
• May kaunting kaalaman tungkol sa paksa at naibahagi ang pinagmulan
ng impormasyon.
• Ginamitan ng payak at naaangkop na salita subalit may ilang mali sa
paggamit ng bantas.
(Nangangailangan ng Pagsasanay)
• Nailahad nang bahagya ang mga detalye o pangyayari sa napanood o
nabasang teksto.
2 • Ang isyu o paksa ay napapanahon.
• Kulang ang kaalaman tungkol sa paksa at walang nabanggit tungkol sa
pinagmulan ng impormasyon.
• Hindi maayos ang paggamit ng mga salita at bantas.

11 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Punan ang patlang ng pangungusap sa bawat bilang batay sa iyong


natutuhan sa aralin. Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang
diwa ng bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

angkop datos estratehiya


impormasyon katanungan pag-uulat
panonood pasalita payak
pinagmulan

1. Ang ___________________ay isang mabisang paraan ng pagbibigay ng


impormasyon at paglalahad ng mga pag-aaral o pagsusuring isinagawa.
2. Ang pag-uulat ay maaaring gawin sa paraang pasulat o ___________________.
3-4. Upang maging sapat ang kaalaman tungkol sa paksa kinakailangan na
mangalap ng ___________________ at magtala ng ___________________.
5-6. Gumamit ng ___________________, wasto at ___________________ na salita
upang maunawaan ang kaisipang nais ipabatid.
7. Gumamit ng angkop na ___________________ at kagamitan sa pag-uulat.
8. Mag-isip ng mga posibleng ___________________ at maghanda ng kasagutan.
9. Maliban sa pagbabasa at pakikinig, ang ___________________ ay isa ring
paraan upang makakuha ng impormasyon at kaalamang magagamit mo sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
10. Mahalaga na suriin muna nang mabuti at tiyakin na mapagkakatiwalaan ang
___________________ ng impormasyon bago ito ibahagi sa iba.

12 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Department of Health. 2020.


https://fb.watch/2p5x0ccuLX/

Department of Health. 2020.


https://youtu.be/LrxTuj1SsEw

Marasigan, E. and Tesalona, L., 2018. Pinagyamang Pluma. 1st ed.


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 315-316,356

13 | P a h i n a
14 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay Balik Aral
Maaaring magkakaiba ang sagot
Pagsusulit
Maaaring magkakaiba ang sagot
Pangwakas
1. pag-uulat
2. pasalita
3. impormasyon
4. datos
5. payak
6. angkop
7. estratehiya
8. katanungan
9. panonood
10. pinagmulan Pagtalakay Sa Paksa
1. D
2. D
3. C
4. C
5. B
6. A
7. C
8. D
9. D
10. A
Pinatnubayang Pagsasanay 1
1. Tsinelas ni Pipoy
2. sa ilog
3. Pipoy
4. matulungin/masipag
5-9 Maaaring iba-iba ang sagot
10. Maaaring iba-iba ang sagot
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Maaaring magkakaiba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang


taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like