You are on page 1of 20

6

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagkuha ng Impormasyon
sa Pahapyaw na Pagbasa
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
(Aralin 2)
FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagkuha ng Impormasyon sa Pahapyaw na Pagbasa
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo (Aralin 2)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Ma. Grace D. Campos


Editor: Joanne Roxanne T. Robregado
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Rowena R. Biag
Chester F. Mertola
Tagaguhit at Tagalapat: Liezel M. Eclarino
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagkuha ng Impormasyon
sa Pahapyaw na Pagbasa

Panimula

Kumusta? Nagbabasa ka ba ng mga kuwento? Pagkatapos mong basahin ang


kuwento, nasasabi mo ba kung tungkol saan ito? Nasasagot mo ba ang mga tanong
tungkol sa kuwentong iyong binasa?

Ang kakayahan sa pagbabasa ay hindi lamang tungkol sa marunong kang


magbasa. Kaakibat ng iyong kakayahang bumasa ay ang pagkahubog ng iyong
kaalaman at pag-unawa sa mga salita at nilalaman nito. Mahalagang matutuhan
mo ang iba’t ibang paraan sa pagbabasa upang higit mong malinang ang iyong
kakayahan sa pag-unawa ng kuwento o tesktong iyong binabasa.

Sa Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na ito,


matututuhan mo ang pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na
pagbabasa o Skimming.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.


(F6EP-IIIg-11)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang pangunahing paksa o ideya mula sa binasang teksto;


2. naitatala ang mga detalyeng sumusuporta sa paksang diwa ng talata; at
3. naisusulat ang buod ng nakuhang impormasyon sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa.

Balik-Aral

Panuto: Basahin ang kuwento.

Ang Batang Matipid


ni Ma. Grace D. Campos, San Gregorio ES

Bata pa si Carlo ay tinuruan na siya ng


kaniyang ina na maging matipid sa lahat ng bagay
kaya naman pati sa paggamit niya ng papel,
kuwaderno at bolpen sa paaralan ay iniingatan
niya ito. Binibili lamang niya ang kaniyang
kailangan. Nakaiipon siya ng paunti-unti. Nang
magkaroon sila ng gawain sa kanilang paaralan,
ang Alay Kapwa o pagbibigay ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo para sa mahihirap at nawalan
ng tirahan ay laking tuwa ng kaniyang ina
sapagkat hindi na siya humingi ng pera para
maibigay niya ang kaniyang bahagi sa gawaing ito.
Kusang-loob na lamang siyang nag-abot ng tulong sa kanilang guro galing sa naipon
niyang pera.

Panuto: Iugnay ang nabasang kuwento ayon sa iyong sariling karanasan sa


pamamagitan nang paglalahad ng mga karanasang ito sa iyong magulang o kasama
sa bahay.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Basahin ang maikling kuwento na may kaugnayan sa ating aralin ngayon.

Masayang Bakasyon
ni Ma. Grace D. Campos, San Gregorio ES

Masayang nagbakasyon ang


mag-anak ni Mang Jose at Aling Lucy
sa probinsiya ng Zambales. Dinalaw
nila ang kanilang mga kamag-anak
bago sila mangibang bansa. Mapalad
na natanggap sa matatag na
kumpanya sa Canada ang kanilang
panganay na anak na si Cris at
nabigyan siya ng pagkakataon na
makuha ang kaniyang mga magulang.

Ipinasyal sila ng kanilang mga kamag-anak sa mga ipinagmamalaking


magagandang tanawin sa San Antonio. Labis ang kasiyahang nadama nila nang
masilayan ang kagandahan ng mga islang Capones, Camara, bantay Silangin at
Anawangin. Gayundin, tuwang-tuwa sa sariwang hangin na kanilang nalalanghap
habang namamasyal sa isla. Nakaragdag pa ang sarap ng mga inihandang pagkain
para sa kanila pero higit sa lahat, ang hindi nila malilimutan ay ang kahalagahan
ng kanilang pagsasamahan sa araw na iyon. Ang pagkakaisa at pagmamahalan na
ipinadama ng bawat isa bilang pamilya ang namumukod-tangi sa lahat.

3|Pahina
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang pangunahing paksa o ideya ng kuwento?


A. Magagandang isla sa Rehiyon III.
B. Ipinagmamalaking tanawin sa probinsiya ng Zambales.
C. Masayang bakasyon ng mag-anak sa bayan ng San Antonio.
D. Pagkakaisa at pagmamahalan ng magkakamag-anak sa probinsiya.

2. Alin sa mga magagandang isla ang hindi napasyalan nina Mang Jose at Aling
Lucy sa bayan ng San Antonio, Zambales?
A. Camara B. Grande C. Capones D. Anawangin

3. Anong damdamin o saloobin ng may-akda ang nais niyang iparating tungkol


sa pagbabakasyon sa probinsiya?
A. Kasiyahan B. Kalungkutan C. Pagkakaisa D. A at C

4. Paano mo maipakikita ang pakikiisa at pagmamahal sa iyong kapamilya?


A. Bigyan sila ng damit at pera.
B. Pasalubungan sila ng mga regalo.
C. Palagian silang tawagan at kumustahin.
D. Dalawin at pasyalan sila kung may pagkakataon.

5. Bakit napuno ng kagalakan ang puso ng mag-asawa sa pagdalaw nila sa


kanilang mga kamag-anak sa probinsiya?
A. Masarap ang mga naihandang pagkain.
B. Nagkitang muli ang mga magkakamag-anak.
C. Nakapasyal sa iba’t ibang isla ng San Antonio.
D. Lahat ng nabanggit

Mabilis mo bang nabasa at nasagutan ang mga katanungan sa kuwento?


Anong kasanayan sa pagbasa ang iyong ginamit upang makuha kaagad ang
pangunahing paksa o ideya ng kuwentong iyong binasa?

Ang isang mabilisang paraan sa pagbibigay ng pangunahing paksa o ideya ng


isang tekstong binasa ay sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbabasa o skimming
sa Ingles. Ang kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa sa teksto ay dalawang
mahalagang bagay upang maging matagumpay ang pagsasagawa ng ganitong
kasanayan sa pagbabasa.

Ito rin ay nangangailangan ng mabilisang paraan ng pag-uugnay ng mga


detalyeng nabasa upang maibigay hindi lamang ang pangunahing diwa kundi ang

4|Pahina
paksang pangungusap at damdamin o saloobin na nais ipabatid ng may-akda sa
mga nilikha niyang iba’t ibang uri ng teksto.

Basahin at pag-aralan ang dayagram:

Pangunahing Paksa

Masayang Bakasyon

Nagbakasyon Labis ang Hindi malilimutan


sa probinsiya kasiyahan nang ang karanasan at
ng Zambales masilayan ang kahalagahan ng
ang mag-anak. mga isla. pagsasamahan.

Detalye Detalye Detalye

Nakita mo sa ating aralin na hindi lamang pangunahing paksa at


mahahalagang detalye ang ipinahahayag na impormasyon sa pahapyaw na
pagbabasa. Ipinararamdam din ng may-akda ang diwa na nais niyang ipabatid sa
gumagamit ng kasanayang ito. Kung ano ang tunay na saloobin o damdamin sa
nilikha niyang kuwento o teksto gaya ng kasiyahan, pagkagulat, kalungkutan,
pagkatakot, pagkabighani, pagkamangha at marami pang iba.

B. Panuto: Basahin ang kasunod na teksto sa paraang pahapyaw. Pagkatapos,


kompletohin ang dayagram. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Bayanihan ay isang


kaugaliang ipinagmamalaki ng
ating lahi. Ipinakikita ng
bawat isa lalo na ng mga
kalalakihan ang kanilang
pagkakaisa at pagtutulungan
upang maisagawa nang wasto
ang isang gawain. Ilan sa mga
ito ay ang paggawa ng bahay,
tulay, pagtatanim ng palay,
pagtulong sa mga nasunugan,
pag-alalay sa mga may
karamdaman, pagbabahagi ng dugo sa nangangailangan, pagtulong sa mga taong
nasalanta ng anumang kalamidad, at marami pang iba. Kay sarap pagmasdan ang
ganitong gawain. Tunay na kaligayahan sa puso ang hatid nito sa pamayanan.

5|Pahina
Detalye:

Detalye: Detalye:

Paksa:

Tandaan

Ang isang mabilisang paraan sa pagbibigay ng


pangunahing paksa o ideya sa isang tekstong binasa ay
sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbabasa o skimming
sa Ingles. Isinasagawa ito upang mahanap ang mahahalagang
impormasyon at maiugnay ang mga detalye sa pagbibigay nang
wasto at pangunahing diwa ng kuwentong binasa.

Nasusuri rin ng mambabasa na gumagamit ng kasanayang


ito ang iba’t ibang uri ng damdamin at saloobin na nais ipabatid
ng may-akda sa nilikha niyang kuwento o talata upang lubusang
maunawaan ang ipinahahayag na diwa nito.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Panuto: Gamit ang natutuhang kasanayan sa pahapyaw na pagbabasa, piliin ang


letra ng angkop na paksang diwa na inilalahad sa bawat talata. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

6|Pahina
1. Napakahalaga ang kumain ng masusustansiyang pagkain na siyang
nagbibigay ng nutrisiyon na kailangan ng ating katawan. Ito ang nagbibigay-
lakas sa ating katawan upang magawa ang mga gawain sa araw-araw. Sa
tamang nutrisiyon, napananatili natin ang ating kalusugan.
A. Panatilihin ang kalusugan.
B. Kumain ng masustansiyang pagkain.
C. Ang pagkain ng masustansiya ang mahalaga.
D. Sa tamang nutrisiyon, magagawa natin ang mga gawain.

2. Patok na patok ang Online Selling lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Halos lahat ng nais mong bilhin ay maaari ng mabili online. Gayunpaman,
maging mapanuri sa mga binibili online dahil mayroong mga online seller na
bugos o peke. Dapat suriin ang mga bibilhin sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga reviews ng mga taong nakabili na ng produkto.
A. Masaya ang pag-o-online shopping.
B. Huwag bumili sa mga bugos na seller.
C. Patok ang online selling ngayong pandemya.
D. Maging maingat sa pagbili ng mga produkto online.

3. Mahalaga ang elektrisidad sa bawat mamamayan. Ang lahat ay nakikinabang


dito. Gumagaan at napabibilis ang mga gawain lalo na sa mga taong abala sa
paghahanapbuhay. Napaaandar nito ang mga kagamitang dekuryente gaya
ng refrigerator, bentilador, telebisyon, radyo, air conditioner, washing
machine, kompyuter at marami pang iba. Nagdudulot ito ng saya at ginhawa
ngunit ingatan din ang paggamit sa tuwina upang maiwasan ang di- kanais
nais na hatid nitong sakuna.
A. Mahalaga ang kuryente sa buhay ng tao.
B. Maraming tao ang gumagamit ng kuryente.
C. Maganda ang maraming appliances sa bahay.
D. Pinabibilis ng kuryente ang mga gawaing-bahay.

4. Nahuhubog ang kagandahang-asal sa loob ng ating tahanan. Dito, tayo ay


ginagabayan ang ating mga magulang. Sila ang pangunahing
nakaiimpluwensiya sa atin sa paghubog ng ating asal. Ang iba pang
miyembro sa tahanan ay nakaimpluwensiya rin sa ating asal at ugali. Ang
mga kilos o gawi na nakikita ng isang bata na ginagawa ng mas nakatatanda
sa loob ng tahanan ay kaniyang ginagaya sa pag-aakalang ito ang tama. May
kasabihang “Sa mata ng bata, tama ang ginagawa ng matanda.”
A. Sa mata ng bata, tama ang mas matanda.
B. Sandata sa buhay ang kagandahang asal.
C. Magulang ang nagtuturo ng magandang asal.
D. Sa tahanan unang nahuhubog ang ating asal o pag-uugali.

7|Pahina
5. Napakahalaga ng komunikasyon sa lahat ng dako sa mundo. Ito ay daan
tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa upang makamit ang anumang
minimithi sa buhay. Sa paglipas ng panahon, naragdagan ang paraan ng
pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak, kaibigan, kasamahan sa trabaho at
marami pang iba. Hindi na lamang sa mga sulat, telegrama at paggamit ng
telepono ang ginagamit. Nagkaroon ng malaking pagbabago at lalong
napabilis ang pag-unlad at pag-angat ng ekonomiya at industriya. Halos
lahat ng tao ngayon ay mayroon ng cellphone, messenger, facebook, twitter,
instagram at iba pang online platforms na maaaring magamit sa
paghahanapbuhay. Malaking tulong din ito maging sa mga mag-aaral na
kasalukuyang nag-aaral sa iba’t ibang paaralan.
A. Mahalaga ang komunikasyon.
B. May iba’t ibang uri at paraan ng komunikasyon.
C. Ginagamit din ang mga online platforms sa pag-aaral.
D. Ang facebook ang pinakagamit na uri ng komunikasyon.

Panuto: Basahin ang bawat talata. Iguhit sa sagutang papel ang kung ito ay
nagpapahayag ng damdaming may kasiyahan at kung ito ay nagpapahayag ng
kalungkutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____1. Masigabong palakpakan ang sumalubong kay Mang Ador, isang magiting na
diyanitor sa isang bahay pamahalaan sa bayan ng Bulacan. Kinilala siyang
‘‘Ulirang Manggagawa sa Taong 2020“. Mahusay niyang nagagampanan ang
kaniyang mga tungkulin. Maaga siyang pumapasok sa kaniyang trabaho,
magalang, mapagmalasakit at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
Hinahangaan siya ng mga kasamahan sa trabaho at ipinagmamalaki ng
kaniyang mag-anak sa taglay na katangian.

____2. Masayang kumain ng malalaking bayabas sina Maricris kasama ng kaniyang


mga kapatid. Gutom na gutom na sila at hapon na ay hindi pa nakababalik
ang kanilang nanay galing sa paglalabada sa kabilang barangay. Nagulat na
lamang sila nang sigawan at pagalitan ng kanilang kapitbahay. Sinungkit
pala ni Maricris ang mga bungang bayabas at ito ang pinagsaluhan nila.

____3. Nauwi sa aksidente ang paligsahang pagbibisekleta ng anim na magpipinsan


malapit sa bulubundukin sa bayan ng San Andres, Quezon. Nagkayayaan
silang magpaligsahan upang malaman kung sino ang pinakamahusay sa
kanila. Naglaan ng perang papremyo ang isa nilang tiyo para mabigyan ng
gantimpala ang mananalo. Dahil sa aksidenteng naganap, ang perang inilaan
dito ay nagamit ng magpipinsan sa pagamutan.

8|Pahina
____4. Nagwagi ng unang karangalan ang pangkat nina Ace Robert sa paglikha nila
ng Robotics sa asignaturang Agham sa kanilang paaralan. Nagpakita ang
bawat isa ng interes at pagkakaisa sa pagbibigay ng ideya at pag- ambag sa
pagbili ng mga kailangang kagamitan upang mabuo nang maayos ang
kanilang proyekto. Binati sila ng kanilang guro at nagdiwang silang lahat.

____5. Nagkayayaan ang tatlong magkakaibigan na sina Ric, Arthur at Ed na


mamasyal sa bukid. Nilibot nila ang malawak na taniman ng prutas at gulay
ng kanilang kamag-anak dito. Pagkatapos nilang kumain ay naligo sila sa
tabing ilog. Dahil sa kasiyahan sa lamig ng tubig na dumadaloy doon ay hindi
nila namalayan na napunta na pala sa malalim na bahagi ng ilog ang kaibigan
nilang si Ric. Mabuti na lamang at maagap na natulungan at nailigtas siya
ng kaniyang dalawang kaibigang sina Arthur at Ed.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang talata. Isulat ang hinihinging impormasyon sa
dayagram. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Napakaraming sakit ang lumalaganap sa ating kasalukuyang panahon ngayon.


Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng presyon o high blood pressure, diabetes, cancer,
pneumonia, kidney failure at marami pang iba. Hindi maipagkakaila na malaking
halaga ang magagastos kapag ito ay lumala. Nagiging sanhi ito ng maagang
pagkamatay, mahabang gamutan at pagkahiga sa banig ng karamdaman.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang kapabayaan sa sariling kalusugan,


kakulangan ng sapat na kaalaman sa tamang nutrisiyon at wastong pagkain na
kailangan ng ating katawan katulad ng mga masustansiyang prutas at gulay,
pag-eehersisyo ng katawan, kawalan ng sapat na oras ng pamamahinga dahil sa
sobrang abala sa paghahanapbuhay, madalas na pagkain ng sitsirya at pag-inom
ng soda o alak, hindi maiwasang paglanghap ng mga usok mula sa mga sasakyan
sa lansangan o pabrika at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay nakadaragdag
sa panghihina ng lakas at resistansiya na nagdudulot ng sakit sa katawan.

9|Pahina
Pansuportang
Detalye

Mga Dahilan
Pansuportang Pansuportang
sa Paglaganap
Detalye Detalye
ng Sakit

2. Ipinagmamalaki sa bayan ng San Antonio, Zambales si Alfonso Coke Bolipata.


Siya ay isang tanyag at mahusay na manunugtog ng instrumentong violin at
kinikilalang world renowned violinist. Anak ng yumaong abogado na si Ricardo
Bolipata at Elenita Corpus Bolipata na kaniyang ina, isang matagumpay na
negosyante. Nakapagtanghal siya sa maraming bansa katulad ng sa Europa,
Amerika, Africa at marami pang iba. Ang kaniyang angking katalinuhan sa
larangang ito ay natatangi at kahanga-hanga. Ito ang isang dahilan kung bakit
itinayo nila ang kinikilalang CASA San Miguel sa bayang ito. Isang
makasaysayang lugar na pinagtatanghalan ng konsiyerto sa larangan ng musika
at marami pang iba. Layunin nilang paunlarin ang kultura at linangin ang
kakayahan ng mga kabataang interesadong matuto sa iba’t ibang larangan gaya
ng pagtugtog ng violin, organ at piano, pagguhit at pagkuha ng iba’t ibang
larawan at pagsulat ng malikhaing kuwento sa kaniyang pamamahala sa tulong
ng kaniyang mga kapatid. Siya ay tunay na inspirasyon ng mga mamamayan
dito. Ang mga naturuan niyang kabataan ay naisama na ring magtanghal sa iba’t
ibang bansa at bilang gantimpala sa ipinakikita nilang kahusayan sa larangang
ito, naggawad siya ng scholarship para makatulong sa pag-aaral nila.

Pansuportang
Detalye

Pansuportang Alfonso “Coke” Pansuportang


Detalye Bolipata Detalye

10 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Basahin ang talata sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa. Kopyahin


ang bulaklak sa iyong sagutang papel at itala sa bawat talutot ang mga detalyeng
sumusuporta sa paksang diwa nito.

A. Iba’t iba ang reaksiyon ng mga mamamayan sa pagsabog ng Bulkang Taal noong
ika- 12 ng Enero, 2020. Umabot ito sa alert level 4 na ang ibig ipahiwatig ay isang
mapanganib na pagsabog. Nagulat, natakot at napilitang lumikas ang mga
mamamayan lalo na ang mga taong nakatira malapit sa lugar na ito. Nabitak ang
ilang bahagi ng lupa at bahay dahil sa malakas na pagyanig ng kapaligiran.
Nangamba rin ang mga may alagang hayop sapagkat hindi nila alam kung paano
ililikas ang kanilang mga alaga sa isang ligtas na lugar nang mga oras na iyon.

Napawi ang kaligayahang nadarama ng magkasintahang nagpakasal sa araw


na iyon sapagkat hindi naging maganda ang pagdiriwang ng kanilang pag-iisang
dibdib. Nagsitakbuhan ang ilan nilang panauhin upang iligtas ang kanilang sarili
sa biglaang pagdilim ng paligid, pagyanig ng lupa at pagsabog ng bulkan ng ilang
kilometrong taas ng mga ulap ng abo at nag-iilaw dulot ng volcanic lightning. Ang
lava fountains na ibinuga nito ay kahalintulad ng mas mataas pa sa Empire State
Building. Isang karanasang hindi malilimutan ng mga taong nakaranas ng
kalagayang ito.

Iba’t ibang
Reaksiyon sa
Pagputok ng
Bulkang Taal

11 | P a h i n a
B. Maraming benepisyo sa ating kapaligiran ang pagtatanim ng mga punongkahoy.
Sa loob ng lima hanggang sampung taon ay maaari na itong pakinabangan.
Nakagagawa ang mga mamamayan ng bahay o iba’t ibang kasangkapan gaya ng
upuan, mesa, kama, at iba pa. Nakatutulong ang mga ugat nito sa tubig baha
na dulot nang malakas na bagyo. Nagbibigay lilim ang mahahabang tangkay at
dahon sa matinding sikat ng araw at sariwang hangin na kailangan ng ating
katawan. Higit sa lahat, nakatutulong din ang mga bunga nito sa ating
kalusugan at nakadaragdag ng kita sa ating kabuhayan.

Mga Benepisyo
sa Pagtatanim
ng mga
Punungkahoy

Pagsusulit

Panuto: Basahin nang pahapyaw ang mga talata. Isulat ang buod ng nakuhang
impormasyon at saloobing ipinahahayag ng may-akda sa iyong sagutang papel.

1. Nagulat ang isang matandang pulubi habang siya ay naglalakad sa lansangan.


Binigyan siya ng pagkain at pera nang hindi niya nakikilalang babae na bumaba
sa isang magarang kotse. “Lola, tanggapin po ninyo ito. Naglilibot po ako sa lugar
na ito ngayon upang ibahagi sa katulad ninyo ang inihanda ko para sa aking
kaarawan. Paraan nang pasasalamat sa tinatamasa kong magandang buhay sa
kasalukuyan.” masayang wika niya sa matanda.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12 | P a h i n a
2. Masayang nagdiwang ang buong lungsod ng Iloilo sa pagkapanalo ni Rabiya
Occeña Mateo nang siya ay makoronahan at magwaging Miss Universe 2020 sa
bansa noong ika -25 ng Oktubre, 2020 sa Baquio Country Club. Mapalad niyang
naiuwi ang korona sa apatnapung kandidatang kalahok sa kompetensiyang ito.
Siya ay dalawampu’t tatlong taong gulang at isang Indian-Filipino Model. Anak
nina Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi at Christine Mateo.
Nakapagtapos bilang cumlaude sa kursong Physical Therapist sa Iloilo Doctors’
College noong taong 2018. Napakahusay ng kaniyang mga isinagot at naging
maganda rin ang kabuoan nang ipinamalas niyang kakayahan sa buong
pagtatanghal kaya’t hindi nakapagtatakang siya ang magwagi at kakatawan sa
bansa sa nalalapit na Miss Universe Pageant 2021.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Tuwang-tuwa ang limang magkakaibigan nang kumita sila ng malaking halaga


sa mga ibenenta nilang nagsisigandahang flower vase, paso, trays, lagayan ng
lapis, picture frames, bags, mga hikaw, pulseras at kard na gawa sa mga
patapong bagay. Kinumpuni nila sa kani-kanilang bahay ang mga lumang
diyaryo o pahayagan, lumang damit, balat ng sitsirya, plastic bottles, butones,
lumang dahon ng iba’t ibang halaman at iba pa. Pinagtiyagaan nila itong inayos.
May nagplano at nag-isip ng iba’t ibang disenyo. May naghanda ng kailangang
kagamitan gaya ng gunting, pandikit at marami pang iba. May naghanda rin ng
pakulo upang anyayahan ang mga mamamayan na bumili. May nagpahayag sa
facebook at messenger nang matapos na nila ang masining at iba’t ibang
produkto. Hindi mapatid ang kaligayahang nadarama nila sapagkat bukod sa
kumita na sila ng pera ay nakatulong pa na mabawasan ang basura sa kanilang
bahay at kapaligiran.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Napakalaking hamon sa bawat magulang at mag-aaral ang paraan ng pag-aaral


sa panahong ito ng New Normal dahil sa pandemyang COVID-19. Matiyagang
kinukuha ng mga magulang ang mga printed modules para sa kanilang mga
anak. Sinisikap turuan at gabayan upang maipaunawa ang bawat aralin. Hindi
alintana ang pagod sa maghapong paghahanapbuhay magampanan lamang ang
kanilang tungkulin. Samantalang patuloy namang inaalam ng mga guro ang
kalagayan ng pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral at ginagabayan sa paraang
online at paggamit ng cellphone o messenger. Ang pagkakaisa ng mga magulang
at guro ay napakahalaga upang masiguro na patuloy pa ring maibibigay ang
mataas na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral bagama’t iba’t iba ang paraan
ng pag-aaral sa kasalukuyan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

13 | P a h i n a
Rubrik sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Buod ng Nakuhang Impormasyon
sa Pahapyaw na Pagbasa

Pamantayan 4 3 2 1
Kumpleto at Wasto ang mga May ilan na May
wasto ang lahat detalye na detalye na hindi kakulangan
Nilalaman ng detalye na nakasaad sa dapat isama sa sa nilalaman
nakasaad sa talata. talata. ng talata.
talata
Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Hindi
sinuring mabuti pagkakalahad ng maayos ang maunawaan
ang mga detalye. nailahad na ang
Presentasyon pagkakasunod- talata. Hindi nilalaman ng
sunod ng mga gaanong talata.
ideya o maunawaan
kaisipan. ang nilalaman.
Tama ang Tama ang baybay Tama ang mga Hindi wasto
Wastong pagkakabaybay ngunit may ilan bantas ngunit ang baybay
Baybay at at paggamit ng na hindi nagamit may ilang at gamit ng
Bantas mga bantas. ng wasto ang kamalian sa mga bantas.
mga bantas. baybay.
Kabuoan

Pangwakas

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang talata. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

diwa saloobin mambabasa skimming may- akda


teksto pag-unawa matagumpay mabilisang pangunahing paksa

Ang isang (1) ________________ paraan sa pagbibigay ng (2) ________________


ideya ng isang tekstong binasa ay sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbabasa
o (3) ________________ sa Ingles. Ang kakayahan sa pagbabasa at (4)
________________ ng mambabasa sa teksto ay dalawang mahalagang bagay upang
maging (5) ________________ang pagsasagawa ng ganitong kasanayan sa
pagbabasa.

14 | P a h i n a
Nasusuri rin ng (6) ________________ na gumagamit ng kasanayang ito ang
iba’t ibang uri ng damdamin at (7) ________________ na nais ipabatid ng (8)
________________ sa nilikha niyang (9) ________________ o talata upang lubusang
maunawaan ang ipinahahayag na (10) ________________ nito.

Mga Sanggunian

Alano. 2020. "Pagbasa - Komunikasyon Sa Akademikong Filipino". Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/MaricelAlano/pagbasa-komunikasyon-sa-
akademikong-filipino.

DepEd, 2020. K to 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes, p.168

Interino. 2020. "Ang Pagbasa". Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/lighterthanblue/ang-pagbasa-27770104.

15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
B. Alfonso “Coke” Bolipata Pagtalakay sa Aralin
- tanyag at mahusay na violinist A. 1. C
- Nagtatag ng CASA San Miguel 2. B
- Nakapagtanghal sa maraming bansa 3. D
- Nilinang ang kakayahan ng kabataan sa 4. D
pagtugtog ng violin atbp. 5. D
-Paggawad o pagbibigay ng scholarship sa
mahuhusay na biyolinista. B. Paksa: Ang Bayanihan
Mga detalye:
Pang-isahang Pagsasanay - Pakikiisa o Pagtulong sa kapwa
A. Reaksiyon sa Pagputok ng Bulkang Taal - Pagtulong sa mga nasungan ng
(Kahit hindi magkakasunod ang ayos ng bahay at nasalanta ng kalamidad
sagot) - Pagtulong sa mga matatanda at may
1. Nalungkot karamdaman
2. Nagulat - Pagbabahagi ng dugo para sa
3. Nalungkot nangangailangan
4. Nangamba -
5. Nagsitakbuhan Gawain:
B. Mga Benepisyo sa Pagtatanim Pinatbubayang Pagsasanay 1
1. Nagagamit ito sa paggawa ng bahay, mesa A. 1. C
kama atbp. 2. D
2. Nakatutulong ito sa tubig baha 3. A
3. Ang tangkay nito ay nagbibigay – lilim 4. D
4. Ang dahon ay nagbibigay ng sariwang 5. B
hangin
5. Nagbibigay ng bunga at kita sa kabuhayan B. 1.
Pagsusulit: 2.
A. Pagsulat ng buod at damdamin o saloobing 3.
ipinahahayag ng may- akda. Paggamit ng 4.
rubrik sa pagmamarka (4 puntos, 3 puntos, 2
puntos at 1 puntos) 5.
1.
2. Pinatbubayang Pagsasanay 2
3.
4. A. Mga Dahilan ng Sakit
Pangwakas - Kapabayaan sa kalusugan
- Kakulangan ng sapat na kaalaman sa
1. mabilisang 6. mambabasa tamang nutrisiyon
2. pangunahing paksa 7. saloobin - Kulang sa oras ng pag-eehersisyo at
3. skimming 8. may-akda pamamahinga
4. pag-unawa 9. teksto - Madalas na pagkain ng sitsirya at pag-
5. matagumpay 10. diwa inom ng soda o alak
- Paglanghap ng usok o polusyon sa paligid
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang


taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like