You are on page 1of 19

6

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagkuha ng Impormasyon
sa Pahapyaw na Pagbasa
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
Pagkuha ng Impormasyon
sa Pahapyaw na Pagbasa

Panimula

Kumusta? Nagbabasa ka ba ng mga kuwento? Pagkatapos mong basahin ang


kuwento, nasasabi mo ba kung tungkol saan ito? Nasasagot mo ba ang mga tanong
tungkol sa kuwentong iyong binasa?

Ang kakayahan sa pagbabasa ay hindi lamang tungkol sa marunong kang


magbasa. Kaakibat ng iyong kakayahang bumasa ay ang pagkahubog ng iyong
kaalaman at pag-unawa sa mga salita at nilalaman nito. Mahalagang matutuhan
mo ang iba’t ibang paraan sa pagbabasa upang higit mong malinang ang iyong
kakayahan sa pag-unawa ng kuwento o tesktong iyong binabasa.

Sa Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na ito,


matututuhan mo ang pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na
pagbabasa o Skimming.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.


(F6EP-IIIg-11)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ng pangunahing paksa o ideya mula sa binasang teksto;


2. nakapagtatala ng mga detalyeng sumusuporta sa paksang diwa ng talata;
at
3. nakasusulat ng buod at nailalahad ang saloobin ng may-akda ayon sa
nakuhang impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

Balik Aral

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Batang Matipid


ni Ma. Grace D. Campos, San Gregorio ES

Bata pa si Carlo ay tinuruan na siya ng


kaniyang ina na maging matipid sa lahat ng bagay
kaya naman pati sa paggamit niya ng papel,
kuwaderno at bolpen sa paaralan ay iniingatan
niya ito. Binibili lamang niya ang kaniyang
kailangan. Nakakaipon siya ng paunti-unti. Nang
magkaroon sila ng gawain sa kanilang paaralan,
ang Alay Kapwa o pagbibigay ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo para sa mahihirap at nawalan
ng tirahan ay laking tuwa ng ina niya sapagkat
hindi na siya humingi ng pera para maibigay niya
ang bahagi sa gawaing ito. Kusang-loob na lamang
siyang nag-abot ng tulong sa kanilang guro galing sa naipon niyang pera.

Panuto: Iugnay ang nabasang kuwento ayon sa iyong sariling karanasan sa


pamamagitan nang paglalahad ng mga karanasang ito sa iyong magulang o kasama
sa bahay.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Masayang Bakasyon
ni Ma. Grace D. Campos, San Gregorio ES

Masayang namasyal ang mag-


anak ni Mang Jose at Aling Lucy sa
probinsiya ng Zambales. Dinalaw nila
ang kanilang mga kamag-anak bago
sila mangibang bansa. Mapalad na
natanggap sa matatag na kumpanya
sa Canada ang kanilang panganay na
anak na si Cris at nabigyan siya ng
pagkakataon na makuha ang
kaniyang mga magulang.

Ipinasyal sila ng kanilang mga kamag-anak sa mga ipinagmamalaking


magagandang tanawin sa San Antonio. Labis ang kagalakang nadama nila nang
masilayan nila ang kagandahan ng islang Capones, Camara, bantay Silangin at
Anawangin. Gayundin, tuwang-tuwa sa sariwang hangin na kanilang nalalanghap
habang namamasyal sa isla. Nakadagdag pa ang sarap ng mga inihandang pagkain
para sa kanila pero higit sa lahat, ang hindi nila malilimutan ay ang kahalagahan
ng kanilang pagsasamahan sa araw na iyon. Ang pagkakaisa at pagmamahalan na
ipinadama ng bawat isa bilang pamilya ang namumukod-tangi sa lahat.

3|Pahina
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa iyong sagutang papel.

1. Anong damdamin o saloobin ng may-akda ang nais niyang iparating tungkol


sa pagbabakasyon sa probinsiya?
A. Kasiyahan B. Kalungkutan C. Pagkakaisa D. A at C

2. Alin sa mga magagandang isla ang hindi napasyalan nina Mang Jose at Aling
Lucy bayan ng San Antonio, Zambales?
A. Camara B. Grande C. Capones D. Anawangin

3. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?


A. Pamamasyal sa magagandang isla
B. Muling pagkikita ng magkakamag-anak
C. Masayang bakasyon ng mag-anak sa probinsiya
D. Hindi malilimutang karanasan sa bayan ng San Antonio

4. Paano mo maipakikita ang pakikiisa at pagmamahal sa iyong kapamilya?


A. Bigyan sila ng pera
B. Pasalubungan sila ng mga regalo
C. Palagian silang tawagan at kumustahin
D. Dalawin at pasyalan sila kung may pagkakataon

5. Bakit napuno ng kagalakan ang puso ng mag-asawa sa pagdalaw nila sa


kanilang mga kamag-anak sa probinsiya?
A. Masarap ang mga naihandang pagkain
B. Nagkitang muli ang mga magkakamag-anak
C. Nakapasyal sa iba’t ibang isla ng San Antonio
D. Lahat ng nabanggit

Mabilis mo bang nabasa at nasagutan ang mga katanungan sa kuwento?


Anong kasanayan sa pagbasa ang iyong ginamit upang makuha mo kaagad ang
pangunahing paksa o ideya ng kuwentong iyong binasa?

Ang isang mabilisang paraan sa pagbibigay ng pangunahing paksa o ideya ng


isang tekstong binasa ay sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbabasa o skimming
sa Ingles. Ang kakayahan sa pagbabasa at pag-unawa sa teksto ay dalawang
mahalagang bagay upang maging matagumpay ang pagsasagawa ng ganitong
kasanayan sa pagbabasa.

Ito rin ay nangangailangan ng mabilisang paraan ng pag-uugnay ng mga


detalyeng nabasa upang maibigay hindi lamang ang pangunahing diwa kundi ang

4|Pahina
paksang pangungusap at damdamin o saloobin na nais ipabatid ng may-akda sa
mga nilikha niyang iba’t ibang uri ng teksto.

Basahin at suriin natin ang isa pang maikling kuwento na ito.

Lumubog na Barko
ni Ma. Grace D. Campos, San Gregorio ES

Maagang naulila si Alex sa edad na sampung taong gulang. Kasama kasi sa


lumubog na barko ang kaniyang mga magulang patungong Maynila galing Cebu
para makipagsapalaran na makahanap ng mas magandang hanapbuhay roon.

Napakalungkot ni Alex sa balitang kaniyang narinig mula sa kanyang lola.


Napakabata pa niya kaya’t halos mawalan siya ng pag-asa sa buhay. “Sino pa
ngayon ang mag-aalaga at magpapalaki sa akin? Paano na ang aking pag-aaral?
Matanda na si lola,” wika niya sa kanyang sarili habang umiiyak.

Ang pangyayaring ito ay napanood ng isang mayamang negosyante na si


Ginang Glenda Cruz, kasalukuyang nasa Lungsod ng Makati sa loob ng kanyang
opisina. “Naku, parang kilala ko ang dalawang pangalang nabanggit sa lumubog na
barko. Oo tama nga, si Mang Cardo at Aling Adela. Sino kaya ang batang umiiyak
sa tabi nila? Marahil ay anak nila,” sambit nito sa kanyang sarili. Naalala niya tuloy
ang kanyang pinagmulan. Lumaki siyang mahirap ngunit sa tulong ng mag-asawang
iyon ay nakaahon siya sa kahirapan.

Mabilis niyang pinuntahan ang nasabing ospital at tinulungan ang mag-


asawa. Nagpakilala siya kay Alex na isa siyang kaibigan at kapitbahay nila sa Cebu
na natulungan ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.

Kinausap niya ang bata. “Kung iyong mamarapatin ay gusto kitang kupkupin,
pag-aralin at alagaan lalo pa at matanda na ang iyong lola,” wika ni Gng. Cruz sabay
yakap nang mahigpit sa kanya. “Napakabuti ng iyong mga magulang sa akin.
Narating ko ang aking tagumpay dahil sa tulong nila sa akin,” wika ni Ginang Cruz.

Nang mga sandaling iyon ay bahagyang napawi ang kalungkutan sa mukha


ni Alex. Napalitan ito ng tuwa at ngiti sa kanyang mga labi. Naalala tuloy niya ang
laging sinasabi ng kaniyang guro sa ikatlong baitang na kasabihan, “kung ano ang
itinanim ay siyang aanihin.”

Wala siyang ibang nasambit kundi ang pasasalamat kay Ginang Cruz at sa
Panginoong Diyos na kanyang kinapitan sa oras ng kanyang pagdadalamhati.

5|Pahina
Pag-aralan ang dayagram:

Pangunahing Paksa

Lumubog na Barko

Kasamang Nalungkot at Kinupkop siya ni


lumubog sa barko nawalan ng pag- Gng. Glenda Cruz at
ang mga asang makapag- pag-aaralin kaya’t
magulang ni Alex. aral pa si Alex. naging masaya na
siya.
Detalye Detalye Detalye

Nakita mo sa ating aralin na hindi lamang pangunahing paksa at


mahahalagang detalye ang ipinahahayag na impormasyon sa pahapyaw na
pagbabasa. Ipinaparamdam rin ng may akda ang diwa na nais niyang ipabatid sa
gumagamit ng kasanayang ito. Kung ano ang tunay na saloobin o damdamin sa
nilikha niyang kuwento o teksto gaya ng kasiyahan, pagkagulat, kalungkutan,
pagkatakot, pagkabighani, pagkamangha at marami pang iba.

B. Panuto: Basahin ang kasunod na teksto sa paraang pahapyaw o skimming.


Pagkatapos, kumpletuhin ang dayagram sa ibaba.

Ang Bayanihan ay isang


kaugaliang ipinagmamalaki ng
ating lahi. Ipinakikita ng
bawat isa lalo na ng mga
kalalakihan ang kanilang
pagkakaisa at pagtutulungan
upang maisagawa nang wasto
ang isang bagay. Ilan sa mga
ito ay ang paggawa ng bahay,
tulay, pagtatanim ng palay,
pagtulong sa mga nasunugan,
pag-alalay sa mga may
karamdaman, pagbabahagi ng dugo sa nangangailangan, pagtulong sa mga taong
nasalanta ng anumang kalamidad, at marami pang iba. Kay sarap pagmasdan ang
ganitong gawain. Tunay na kaligayahan sa puso ang hatid.

6|Pahina
Detalye:

Detalye: Detalye:

Paksa:

Tandaan

Ang isang mabilisang paraan sa pagbibigay ng


pangunahing paksa o ideya sa isang tekstong binasa ay
sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbabasa o skimming
sa Ingles. Isinasagawa ito upang mahanap ang mahahalagang
impormasyon at maiugnay ang mga detalye sa pagbibigay nang
wasto at pangunahing diwa ng kuwentong binasa.

Nasusuri rin ng mambabasa na gumagamit ng kasanayang


ito ang iba’t ibang uri ng damdamin at saloobin na nais ipabatid
ng may-akda sa nilikha niyang kuwento o talata upang lubusang
maunawaan ang ipinahahayag na diwa nito.

7|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Panuto: Gamit ang natutuhang kasanayan sa pahapyaw na pagbabasa, piliin ang


letra ng angkop na paksang diwa na inilalahad sa bawat talata. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Napakahalaga ang kumain ng masusustansiyang pagkain na siyang


nagbibigay ng nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Ito ang nagbibigay-
lakas sa ating katawan upang magawa ang mga gawain sa araw-araw. Sa
tamang nutrisyon, napananatili natin ang ating kalusugan.
A. Kumain ng masustansiyang pagkain.
B. Ang pagkain ng masustansiya ang mahalaga.
C. Panatilihin ang kalusugan.
D. Sa tamang nutrisyon, magagawa natin ang mga gawain.

2. Patok na patok ang Online Selling lalo na ngayong panahon ng pandemya.


Halos lahat ng nais mong bilhin ay maaari ng mabili online. Gayumpaman,
maging mapanuri sa mga binibili online dahil mayroong mga online seller na
bugos o peke. Dapat suriin ang mga bibilhin sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga reviews ng mga taong nakabili na ng produkto.
A. Maging maingat sa pagbili ng mga produkto online.
B. Patok ang online selling ngayong pandemya.
C. Huwag bumili sa mga bugos na seller.
D. Masaya ang pag-o-online shopping.

3. Mahalaga ang elektrisidad sa bawat mamamayan. Ang lahat ay nakikinabang


dito. Gumagaan at napabibilis ang mga gawain lalo na sa mga taong abala sa
paghahanapbuhay. Napapaandar nito ang may mga kagamitang
pangkuryente gaya ng refrigerator, bentilador, telebisyon, radyo, air
conditioner, washing machine, kompyuter at marami pang iba. Nagdudulot ito
ng saya at ginhawa ngunit ingatan rin ang paggamit sa tuwina upang
maiwasan ang di- kanais nais na hatid nitong sakuna.
A. Mahalaga ang kuryente sa buhay ng tao.
B. Maganda ang maraming appliances sa bahay.
C. Maraming tao ang gumagamit ng kuryente.
D. Pinabibilis ng kuryente ang mga gawaing-bahay.

4. Nahuhubog ang kagandahang-asal sa loob ng ating tahanan. Dito, tayo ay


ginagabayan ang ating mga magulang. Sila ang pangunahing

8|Pahina
nakaiimpluwensiya sa atin sa paghubog ng ating asal. Ang iba pang
miyembro sa tahanan ay nakaimpluwensiya rin sa ating asal at ugali. Ang
mga kilos o gawi na nakikita ng isang bata na ginagawa ng mas nakatatanda
sa loob ng tahanan ay kaniyang ginagaya sa pag-aakalang ito ang tama. May
kasabihang “Sa mata ng bata, tama ang ginagawa ng matanda.”
A. Magulang ang nagtuturo ng magandang asal.
B. Sandata sa buhay ang kagandahang asal.
C. Sa tahanan unang nahuhubog ang ating asal o pag-uugali.
D. Sa mata ng bata, tama ang mas matanda.

5. Napakahalaga ng komunikasyon sa lahat ng dako sa mundo. Ito ay daan


tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa sa pagkamit ng anumang minimithi
sa buhay. Sa paglipas ng panahon, nadagdagan ang paraan ng pakikipag-
ugnayan sa ating mga kamag-anak, mga kaibigan, mga kasamahan sa
trabaho at marami pang iba. Hindi na lamang sa mga sulat, telegrama at
paggamit ng telepono ang ginagamit. Nagkaroon ng malaking pagbabago at
lalong napabilis ang pag-unlad at pag-angat ng ating ekonomiya at
industriya. Halos lahat ng tao ngayon ay mayroon ng cellphone, messenger,
facebook, twitter, instagram at iba pang online platforms na maaaring magamit
nila sa paghahanapbuhay. Malaking tulong rin ito maging sa mga mag-aaral
na kasalukuyang nag-aaral.
A. Mahalaga ang komunikasyon.
B. May iba’t ibang uri at paraan ng komunikasyon.
C. Ginagamit din ang mga online platforms sa pag-aaral.
D. Ang facebook ang pinakagamit na uri ng komunikasyon.

B. Panuto: Basahin ang bawat talata. Iguhit sa patlang ang kung ito ay
nagpapahayag ng damdaming may kasiyahan at naman kung ito ay
nagpapahayag ng kalungkutan.

____1. Nagwagi ng unang karangalan ang pangkat nina Ace Robert sa paglikha nila
ng Robotics sa asignaturang Agham. Nagpakita ang bawat isa ng interes at
pagkakaisa sa pagbibigay ng ideya at pag- ambag sa pagbili ng mga
kailangang kagamitan upang mabuo nang maayos ang kanilang proyekto.
Binati sila ng kanilang guro at nagdiwang silang lahat.

____2. Masayang kumain ng malalaking bayabas sina Maricris kasama ng kanyang


mga kapatid. Gutom na gutom na kasi sila at hapon na ay hindi pa
nakababalik ang nanay nilang naglaba sa kabilang barangay. Nagulat na
lamang sila nang sigawan at pagalitan sila ng kanilang kapitbahay. Ninakaw
pala niya ang tanim na bayabas nito at ito ang pinagsaluhan nilang kainin.

9|Pahina
____3. Nauwi sa aksidente ang paligsahang pagbibisekleta ng anim na magpipinsan
malapit sa bulubundukin sa bayan ng San Andres, Quezon. Nagkayayaan
silang magpaligsahan upang malaman kung sino ang pinakamahusay sa
pagbibisekleta. Naglaan naman ng papremyo ang isa nilang tiyo kung sino
man ang papalarin sa kanilang manalo. Dahil sa trahedyang naganap, ang
perang inilaan nila ay nagamit sa pagamutan ng magpipinsan.

____4. Masigabong palakpakan ang sumalubong kay Mang Ador, isang magiting na
diyanitor sa isang munisipyo sa bayan ng Bulacan. Kinilala siyang ‘‘Ulirang
Manggagawa sa Taong 2020“. Mahusay niyang nagagampanan ang kanyang
tungkulin. Maaga siyang pumapasok sa kanyang trabaho, magalang,
mapagmalasakit at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Hinahangaan siya
ng karamihan at ipinagmamalaki naman ng kanyang pamilya sa taglay nitong
katangian.

____5. Nagkayayaan ang tatlong magkakaibigan na sina Ric, Arthur at Ed na


mamasyal sa bukid. Nilibot nila ang mga malalagong tanim na gulay at prutas
ng kanilang kamag-anak dito. Pagkatapos nilang kumain ay naligo sila sa
tabing ilog. Dahil sa kasiyahan sa lamig ng tubig na dumadaloy rito ay hindi
nila namalayan na napunta na pala sa malalim na bahagi ng ilog ang kaibigan
nilang si Ric. Buti na lamang at maagap na natulungan at nailigtas siya ng
kaniyang kaibigang sina Arthur at Ed.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang talata. Isulat ang hinihinging impormasyon sa
dayagram. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Napakaraming sakit ang lumalaganap sa ating kasalukuyang panahon ngayon.


Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng presyon o high blood pressure, diabetes, cancer,
pneumonia, kidney failure at marami pang iba. Hindi maipagkakaila na malaking
halaga ang magagastos kapag ito ay lumala. Nagiging sanhi ito ng maagang
pagkamatay o mahabang gamutan at pagkahiga sa banig ng karamdaman.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang kapabayaan sa sariling kalusugan,


kakulangan ng sapat na kaalaman sa tamang nutrisyon at wastong pagkain na
kailangan ng ating katawan katulad ng mga masustansiyang prutas at gulay,
pag-eehersisyo ng katawan, kawalan ng sapat na oras ng pamamahinga dahil sa
sobrang abala sa paghahanapbuhay, madalas na pagkain ng sitsirya at pag-inom
ng soda o alak, hindi maiwasang paglanghap ng mga usok mula sa mga sasakyan
sa lansangan o pabrika at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay nakadaragdag
sa panghihina ng lakas at resistansiya na nagdudulot ng sakit sa katawan.

10 | P a h i n a
Mga Dahilan sa
Paglaganap ng
Sakit

2. Ipinagmamalaki sa bayan ng San Antonio, Zambales si Alfonso Coke Bolipata.


Siya ay isang tanyag at mahusay na manunugtog ng instrumentong violin at
kinikilalang world renowned violinist. Anak ng yumaong abogado na si Ricardo
Bolipata at Elenita Corpus Bolipata na kanyang ina, isang matagumpay na
negosyante. Nakapagtanghal na siya sa maraming bansa katulad ng sa Europa,
Amerika, Africa at marami pang iba. Ang kanyang angking katalinuhan sa
larangang ito ay natatangi at kahanga-hanga. Ito ang isang dahilan kung bakit
itinayo nila ang kinikilalang CASA San Miguel sa bayang ito. Isang
makasaysayang lugar na pinagtatanghalan ng konsyerto sa larangan ng musika
at marami pang iba. Layunin rin nilang paunlarin ang kultura at linangin ang
kakayahan ng mga kabataang interesadong matuto sa iba’t ibang larangan gaya
ng pagtugtog ng violin, organ at piano, pagguhit at pagkuha ng iba’t ibang
larawan at pagsulat ng malikhaing kuwento sa kanyang pamamahala sa tulong
ng kanyang mga kapatid. Siya ay tunay na inspirasyon ng mga mamamayan rito.
Ang mga naturuan niyang kabataan ay naisama na ring magtanghal sa iba’t
ibang bansa at bilang gantimpala sa ipinakikita nilang kahusayan sa larangang
ito, nagbigay siya ng scholarship para makatulong siya sa pag-aaral ng mga ito.

11 | P a h i n a
Alfonso “Coke”
Bolipata

Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata sa pamamagitan ng pahapyaw na


pagbabasa. Kopyahin ang bulaklak sa inyong sagutang papel at itala sa bawat
talutot ang mga detalyeng sumusuporta sa paksang diwa nito.

A. Maraming benepisyo sa ating kapaligiran ang pagtatanim ng mga punongkahoy.


Sa loob ng lima hanggang sampung taon ay maaari na itong pakinabangan.
Makakagawa tayo ng bahay o iba’t ibang kasangkapan gaya ng upuan, mesa,
kama, at iba pa. Nakatutulong ang mga ugat nito sa tubig baha na dulot nang
malakas na bagyo. Nagbibigay lilim naman ang mahahabang tangkay at dahon
nito sa matinding sikat ng araw at sariwang hangin na kailangan ng ating
katawan. Higit sa lahat, nakatutulong rin ang mga bunga nito sa ating kalusugan
at nakadaragdag ng kita sa ating kabuhayan.

12 | P a h i n a
Mga Benepisyo
sa Pagtatanim
ng mga
Punungkahoy

B. Iba’t iba ang reaksiyon ng mga mamamayan sa pagsabog ng Bulkang Taal noong
ika- 12 ng Enero, 2020. Umabot ito sa alert level 4 na ang ibig ipahiwatig ay isang
mapanganib na pagsabog. Nagulat, natakot at napilitang lumikas ang karamihan
lalo na ang mga taong nakatira malapit sa lugar na ito. Nabitak ang ilang bahagi
ng lupa at bahay dahil sa pagyanig ng kalupaan. Nangamba naman ang mga may
alagang hayop sapagkat hindi nila malaman kung paano ililikas ang kanilang
mga alaga sa isang ligtas na lugar.

Napawi naman ang kaligayahang nadarama ng magkasintahang nagpakasal


sa araw na ito sapagkat hindi naging maganda ang pagdiriwang nila ng kanilang
pag-iisang dibdib. Nagsitakbuhan ang kanilang mga panauhin upang iligtas ang
kanilang sarili sapagkat biglang dumilim ang kalangitan, yumanig ang kalupaan
at nagsabog ang bulkan ng ilang kilometrong taas ng mga ulap ng abo at nag-
iilaw pa dulot ng volcanic lightning. Ang lava fountains na ibinubuga nito ay
kahalintulad ng mas mataas pa sa Empire State Building. Isang karanasang
hindi malilimutan ng mga taong nakaranas ng kalagayang ito.

13 | P a h i n a
Iba’t ibang
Reaksiyon sa
Pagputok ng
Bulkang Taal

Pagsusulit

Panuto: Basahin nang pahapyaw ang mga talata. Isulat ang buod ng nakuhang
impormasyon at saloobing ipinahahayag ng may-akda sa iyong sagutang papel.

1. Nagulat ang isang matandang pulubi habang siya ay naglalakad sa lansangan.


Binigyan kasi siya ng pagkain at pera nang hindi niya nakikilalang babae na
bumaba sa magarang kotse. “Lola, tanggapin po ninyo ito. Naglilibot po ako sa
lugar na ito ngayon upang ibahagi sa katulad ninyo at sa mga kapos palad ang
inihanda ko sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Ito ay paraan ko upang
mapasaya ko kayo at bilang pasasalamat na rin sa tinatamasa kong magandang
buhay ngayon.” masayang wika niya sa matanda.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

14 | P a h i n a
2. Masayang nagdiwang ang buong lungsod ng Iloilo sa pagkapanalo ni Rabiya
Occen Mateo nang siya ay makoronahan at magwaging Miss Universe 2020 sa
ating bansa noong ika -25 ng Oktubre, 2020 sa Baquio Country Club. Mapalad
niyang nakuha ang titulo sa apatnapung kandidata na kanyang katunggali sa
larangang ito. Siya ay dalawampu’t tatlong taong gulang at isang Indian-Filipino
Model. Siya ay anak nina Syed Mohammed Abdullah Moqueet Hashmi at
Christine Mateo. Nakapagtapos siya bilang Cumlaude sa kursong Physical
Therapist sa Iloilo Doctors’ College noong taong 2018. Napakahusay ng kanyang
mga isinagot at naging maganda rin ang kabuuan ng ipinamalas niyang
kakayahan sa buong pagtatanghal kaya’t hindi nakapagtatakang siya ang
nagwagi at lalaban sa nalalapit na Miss Universe 2021.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Tuwang-tuwa ang limang magkakaibigan nang kumita sila ng malaking halaga


sa mga ibenenta nilang nagsisigandahang flower vase, paso, trays, lagayan ng
lapis, picture frames, bags, mga hikaw, pulseras, kard na gawa sa mga patapong
bagay. Kinumpuni nila sa kani-kanilang mga bahay ang mga lumang diyaryo o
pahayagan, lumang damit, balat ng sitsirya, plastic bottles, butones, lumang
dahon ng iba’t ibang halaman at iba pa. Pinagtiyagaan nila itong inayos. May
nagplano at nag-isip ng iba’t ibang disenyo. May naghanda ng kailangang
kagamitan gaya ng gunting, pandikit at marami pang iba. May naghanda rin ng
pakulo upang anyayahan ang mga mamamayan na bumili. May nagpahayag sa
facebook at messenger nang matapos na nila ang masining at iba’t ibang
produkto. Hindi mapatid ang kaligayahan nila sapagkat bukod sa kumita na sila
ng pera ay nakatulong pa sila na mabawasan ang basura sa kanilang bahay at
kapaligiran.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Napakalaking hamon sa bawat magulang at mag-aaral ang paraan ng pag-aaral


sa panahong ito ng New Normal dahil sa pandemyang Covid-19. Matiyagang
kinukuha ng mga magulang ang mga printed modules para sa kanilang mga
anak. Sinisikap din nilang turuan at gabayan ang kanilang mga anak upang
ipaunawa ang bawat aralin. Hindi nila alintana ang pagod sa maghapong
paghahanapbuhay magampanan lamang ang tungkulin nila. Samantalang
patuloy namang inaalam ng mga guro ang kalagayan ng pag-aaral ng kanilang
mga mag-aaral at ginagabayan sa paraang online at paggamit ng cellphone
messenger. Ang pagkakaisa ng mga magulang at guro ay napakahalaga upang
masiguro na patuloy na maibibigay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga
mag-aaral bagama’t iba’t iba ang paraan ng pag-aaral sa kasalukuyan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

15 | P a h i n a
Rubrik sa Pagmamarka

Pagsulat ng buod ng talata sa nakuhang impormasyon


sa Pahapyaw na Pagbabasa

Pamantayan 4 3 2 1
Kumpleto at Wasto ang mga May ilan na May
wasto ang lahat detalye na detalye na hindi kakulangan
Nilalaman ng detalye na nakasaad sa dapat isama sa sa nilalaman
nakasaad sa talata. talata. ng talata.
talata
Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Hindi
sinuring mabuti pagkakalahad ng maayos ang maunawaan
ang mga detalye. nailahad na ang
Presentasyon pagkakasunod- talata. Hindi nilalaman ng
sunod ng mga gaanong talata.
ideya o maunawaan
kaisipan. ang nilalaman.
Tama ang Tama ang baybay Tama ang mga Hindi wasto
Wastong pagkakabaybay ngunit may ilan bantas ngunit ang baybay
Baybay at at Paggamit ng na hindi nagamit may ilang at gamit ng
Bantas mga bantas. ng wasto ang kamalian sa mga bantas.
mga bantas. baybay.
Kabuuan

Pangwakas

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang talata. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

diwa saloobin mambabasa skimming may- akda


teksto pag-unawa matagumpay mabilisang pangunahing paksa

Ang isang (1) ________________ paraan sa pagbibigay ng (2) ________________


ideya ng isang tekstong binasa ay sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbabasa
o (3) ________________ sa Ingles. Ang kakayahan sa pagbabasa at (4)
________________ ng mambabasa sa teksto ay dalawang mahalagang bagay upang
maging (5) ________________ang pagsasagawa ng ganitong kasanayan sa
pagbabasa.
Nasusuri rin ng (6) ________________ na gumagamit ng kasanayang ito ang
iba’t ibang uri ng damdamin at (7) ________________ na nais ipabatid ng (8)
________________ sa nilikha niyang (9) ________________ o talata upang lubusang
maunawaan ang ipinahahayag na (10) ________________ nito.

16 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Alano. 2020. "Pagbasa - Komunikasyon Sa Akademikong Filipino".


Slideshare.Net. https://www.slideshare.net/MaricelAlano/pagbasa-
komunikasyon-sa-akademikong-filipino.

DepEd, 2020. K to 12 Most Essential Learning Competencies with


Corresponding CG Codes, p.168

Interino. 2020. "Ang Pagbasa". Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/lighterthanblue/ang-pagbasa-27770104.

17 | P a h i n a
18 | P a h i n a
B. Alfonso Coke Bolipata Pagtalakay sa Aralin
- tanyag at mahusay na violinist A. 1. D
- Nagtatag ng Casa San Miguel 2. B
- Nagtanghal sa maraming bansa 3. C
- Nilinang ang kakayahan ng kabataan sa 4. D
Paggamit ng violin 5. D
-Pagbibigay ng scholarship sa mahuhusay
violinist. B. Paksa: Ang Bayanihan
Mga detalye :
Pang-isahang Pagsasanay - Pakikiisa o Pagtulong sa kapwa
A. - Pagtulong sa mga nasungan ng
1. Maraming benepisyo ang pagtatanim ng bahay at nasalanta ng kalamidad
mga punungkahoy. - Pagtulong sa mga matatanda at may
2. Nagagamit ito sa paggawa ng bahay, mesa karamdaman
kama atbp. - Pagbabahagi ng dugo para sa
3. Nakatutulong ito sa tubig-baha nangangailangan
4. Ang tangkay nito ay nagbibigay ng lilim -
5. Nagbibigay ng bunga at kita sa kabuhayan Gawain:
B. (Kahit hindi magkakasunod) Pinatbubayang Pagsasanay 1
1. Nalungkot A. 1. B
2. Nagulat 2. A
3. Nalungkot 3. A
4. Nangamba 4. C
5. Nagsitakbuhan 5. D
Pagsusulit: B. 1.
A. Pagbibigay ng buod at damdamin o 2.
saloobing ipinahahayag ng may- akda. 3.
Paggamit ng rubriks sa pagmamarka.( 4 4.
puntos, 3 puntos, 2 puntos at 1 puntos)
1. 5.
2.
3. Pinatbubayang Pagsasanay 2
4.
A. Mga Dahilan ng Sakit
Pangwakas - Kapabayaan sa kalusugan
- Kakulangan ng sapat na kaalaman sa
1. mabilisang 6. mambabasa tamang nutrisyon
2. pangunahing paksa 7. saloobin - Kulang sa oras ng pag-eehersisyo at
3. skimming 8. may-akda pamamahinga
4. pag-unawa 9. teksto - Madalas na pagkain ng sitsirya at pag-
5. matagumpay 10. diwa inom ng soda o alak
- Paglanghap ng usok o polusyon sa paligid
Susi sa Pagwawasto

You might also like