You are on page 1of 55

N AT I O N A L R E A D I N G

PROGRAM (NRP)
FILIPINO
GRADE 5 – QUARTER 4
April 5, 2024
TEACHER:_______________
OBJECTIVE

Nasasagot ang mga


literal na tanong
tungkol sa nabasang
kuwento
Scattegories
-Susulat ang guro ng isang titik sa pisara
at magbibigay ng isang kategorya.
-Sa loob ng dalawang minuto,
kinakailangan makasulat ang mga mag-
aaral ng maraming salita na nagsisimula
sa tinukoy na titik batay sa kategoryang
ibinigay.
PAGBAYBAY
nayon
karukhaan
palalong
panauhin
dilag
tapat
talisuyo
naghinagpis
marangya
nakayupyop
PAGBIGKAS
nakasubsob
mayaman
nalungkot
kahirapan
mapagmataas
dalaga
manliligaw
bisita
baryo
tunay
PAGHAWAN NG BALAKID
Basahin ang mga sumusunod na pahayag
at ibigay ang kahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit. Hanapin ang sagot sa
loob ng kahon.
1. Napakatahimik sa aming nayon.
2. Siya ay kabilang sa mayaman at palalong
angkan.
3. Si Paz ay isang magandang dilag.
4. Wala siyang napupusuan sa kanyang mga
talisuyo.
5. Ang kanyang mga kaibigan ay marangya
ang pamumuhay.
6. Sa kabila ng kaniyang karukhaan, ay
nakatapos din siya ng pag-aaral.
7. Maraming panauhin ang dumating sa
handaan.
8. Tapat ang pag-ibig ng binata.
9. Naghinagpis si Jose sa pagkawala ni Paz.
10.Hindi siya makaalis sa nitso ni Paz
nakayupyop siya at siya’y nanangis.
Pag-unawang Literal

Ito ay nakapokus sa mga ideya at impormasyong


tuwirang nakalahad sa teksto.
Ang mga kasagutan sa tanong na literal ay ang
simpleng pag-alaala sa mga impormasyon at
detalyeng nakapaloob sa kuwentong binasa o
napakinggan.
Basahing mabuti ang kuwento.
ALAMAT NG PASAY

Maraming taon na ang nagdaan, ang siyudad na


karugtong ng Maynila ay hindi tinatawag na
Pasay. Nang lumaganap lamang sa pook na ito
ang isang pangyayari saka lamang ito tinawag na
Pasay. Isang nayon lamang ito noon sa labas ng
Maynila at pinaninirahan ng isang
napakagandang dilag: si Paz.
Siya ay kabilang sa mayaman at palalong angkan.
Ang kanyang mga kaibigan at talisuyo ay pawang
mga marangya ang pamumuhay. Subalit wala
siyang napupusuan sa mga iyon. Isa sa nananahan
sa kanila ay si Mang Pedro na mayroong isang
anak na labis ang pagmamahal sa kanya at iyon
ay si Jose na kababata at kalaro ni Paz.Subalit
habang lumalaki ang dalawa ay unti-unti silang
nagkakalayo.
Si Paz ay pinag-aral ng kanyang mga magulang sa
siyudad, umuuwi lamang siya upang
magbakasyon. Habang si Paz ay nag-aaral si Jose
naman ay nagpupumilit magkaroon ng
edukasyon. Sa kabila ng kanilang karukhaan, ay
nakatapos din siya ng pag-aaral sa kolehiyo.
Sadyang ang araw ng pagtatapos ay masayang
araw sa mga mapapalad.
Ito ay sapagkat lihim siyang umiibig kay Jose.
Walang kayamanang maipagmalaki si Jose subalit
hindi mahalaga sa kanya ang kayamanan. Sapat
na sa kaniya ang tapat na pag-ibig ng binata.
Isang gabi ang mga magulang ni Jose ay
namanhikan sa mga magulang ni Paz. Hindi
tanggap ng ama ni Paz ang kanilang pag-iibigan.
Sabi ng ama ng dalaga, “magkaiba tayo ng uri,
mahirap lamang kayo!”.
Napakatinding dagok iyon para kay Jose, subalit
higit para kay Paz. Hindi nakayanan ng dalaga
ang labis na pagkabigla at pagkabigo. Nahulog
ang kanyang pangangatawan hanggang siya’y
namatay. Sa kanyang libing naroon ang
mamamayan at mga kaibigan. Gayundin ang
kaawa-awa at naghihinagpis na si Jose na
nakatayo sa di kalayuan.
Nakayanan niyang masdan ang paglilibing
ngunit nang makaalis na ang lahat ay parang
napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi
siya makaalis sa nitso ni Paz nakayupyop siya
at nanangis, “Paz-ay”. Malinis at marangal
ang kanyang pag-ibig.
Bilang ganti ng mga magulang ni Paz sa
pagpapahalaga ni Jose sa kaniyang pag-ibig,
tinawag nila ang kanilang hasyenda ng Pasay.
Pagkatapos ang ilang taon ang buong nayon
ay nabansagan na sa tawag na Pasay.
ACTIVITY
Sagutin ang mga katanungan
batay sa kwentong nabasa:
1. Ano ang pamagat ng kuwento/ alamat?
2. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento.
Ilarawan ang bawat isa.
3. Saan naganap ang kuwento?
4. Ano ang nangyari kay Paz ayon sa alamat?
5. Ayon sa alamat, saan hinango ang
pangalang Pasay?
ACTIVITY
Pair Reading.
Basahin nang mabuti ang isang
teksto. Sagutin ang mga tanong.
Isulat kung Tama o Mali ang bawat
pahayag.
Bilang mga taong may Diyos na
pinaniniwalaan, mahalaga ang paggawa ng
kabutihan sa kapwa tao. Pagdamay sa mga
nalulungkot , pagpawi sa iyak , pagtulong at
marami pang gawain na nagpapakita ng
kabutihan sa kapwa. Sa ating panahon
ngayon marami ang nangangailangan ng
tulong.
Halimbawa na lamang ang mga residente sa
Mindanao na tinamaan ng magkakasunod na
lindol at ang mga mamamayang higit na
naapektuhan sa pandemya.Ang ating
paniniwala ang naguudyok sa atin na
tumulong ng bukal sa loob at higit sa lahat
tumulong ng walang hinihintay na kapalit.
_______ 1. Mahalaga ang kabutihan sa kapwa tao.
_______ 2. Ang pagdamay sa kapwa ay hindi mahalaga
sa atin.
_______ 3. Hindi na kailangan ng ibang tao ang ating
tulong.
_______ 4. Masarap sa pakiramdam ang tumulong ng
walang hinihintay na kapalit.
________5. Ang pagdamay natin sa nalulungkot ay
gawaing nagpapakita ng kabutihan sa kapwa.
ACTIVITY
Basahin nang mabuti ang kuwento.
Ang pagtulong sa kapwa ay naging ugali na ni
Angela. Bawat pulubing lumapit sa kaniya ay
kanyang nililimusan. Madalas niyang
iniimbitahan ang mga batang mahihirap na
makipaglaro sa kanya. Si Angela ay madasalin.
Tuwing araw ng Linggo, siya ay
nagsisimba.Pagkatapos namimigay siya ng mga
laruan, damit, at pera sa hanay ng mga pulubi.
Napamahal na si Angela sa kanyang mga
kababayan. Nakaugalian na ng mga tao na
dalawin si Angela kung araw ng Pasko. Kakatok
sila sa pintuan ng kaniyang tahanan at sila’y
masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring
pagkain. Isang araw ng Pasko, sa kanilang
pagtataka, walang sumasagot sa kanilang
pagkatok.
Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking
gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig
at wala ng buhay si Angela. Nalungkot at nag-
iyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong
si Angela.
1. Sino ang matulungin sa kapwa?
2. Ano ang ginagawa niya sa bawat pulubing
lumalapit sa kanya?
3. Ano ang ginagawa niya tuwing araw ng Linggo?
4. Kung araw ng Pasko, ano ang ginagawa ng mga
tao?
5. Ano ang nangyari sa pangunahing tauhan sa
kuwento?
THANK
YOU!

You might also like