You are on page 1of 3

Bangkang Papel

Genoveva Edroza-Matute
Tema 
Ang akda ay umiikot sa pagkakaibigan ng dalawang tao sa kabila ng malaking agwat sa
buhay. Kung paano ang isang guro ay nakahanap ng isang tunay na kaibigan sa isang batangulila
at bukas na ang isipan sa buhay na kinalakhan sa murang edad pa lamang. Ganoon din sa parte
ng bata. Ipinapakita ang “pagmamahalan” at “pagmamalasakit” bilang pundasyon sa
pagkakaibigan.
Malaki rin ang epekto ng pagiging ulila ng isang bata sa pagharap ng kanyang buhay.Hindi
na bago sa atin ang ganitong sitwasyon, maraming ulilang mga bata na nagtagumpay sa buhay
kahit na walang magulang na gumagabay sa kanila dahil na rin sa sariling pagsisikap
namagtagumpay ngunit hindi rin lingid sa ating kaalaman na marami ring napariwara
dahilnawalan na sila ng pag-asa sa buhay. Ipinapakita rito na maraming naidudulot ang
kahirapan sa buhay ng isang tao, maaaring magsilbi itong inspirasyon sa iba para magtagumpay
okabaliktaran.
Ipinapakita rin sa akda na dapat ay matuto tayong rumespeto sa etnisidad o pinanggalingan
ng isang tao. Huwag natin basta-bastang husgahan ang bawat isa lalo na kungwala tayong alam
sa naging buhay at paghihirap nito. Minsan, hindi natin malirip kung bakitmay mga taong
kakaiba ang personalidad o pakikitungo sa ibang tao. Gayunpaman, dapat natingtandaan na bago
tayo magsimulang magsalita tungkol sa isang tao ay dapat alam natin ang buongkwento ng
kanyang buhay.
Tauhan:
 Bata - Pinakamaliit sa klase, pinakapangit, mayroong bilog at pipis na ilong, may punto
ang pagsasalita. Isa rin siyang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwassa malaking
lungsod bilang utusan, kalahating araw na pumapasok sa paaralan upangmay makasama
sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang amo.
 Guro - Siya ang patuloy na gumugunita sa kanilang pinagsamahan ng
mabutingestudyante kahit na matagal na panahon na ang lumipas.

Tagpuan
  Umiikot ang buong pangyayari sa kwento sa loob ng isang silid aralan. Nagsimula
atnagwakas ang kwento sa loob parin ng klasrum na sa paggugunita ng guro sa buong
pangyayarinoon ay hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal na nakaupo sa silid-
aralang iyon.

Banghay
Simula
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay
nilangaraw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y
nagpatuloy sa loob
ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang
arawnang walang tigil ang pag-ulan.Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga
bangkang papel, nariyang tinatangay ngtubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang
winawasak.
Saglit na kasiglahan
 Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob
ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang
natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang
saglit,nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Suliranin
Ang paghihintay ng batang lalaki sa pagbabalik ng kanyang ama.Patuloy na hinihintay at
hinahanap ng batang lalaki sa kanyang ina kung kailan babalikang kanyang ama. Walang
kaalam-alam ang bata sa kung saan namamalagi ang kanyang ama satuwing wala ito sa
kanilang tahanan. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipankung bakit hindi pa
umuuwi ang kanyang ama at hindi ipinapaliwanag ng kanyang ina ang mga pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid.

Tunggalian
 
 Tao laban sa Kalikasan: 
Patuloy na pag-ulan sa loob ng limang araw sa lugar na tinitirhanng batang lalaki
at ng kanyang pamilya . 
 Tao laban sa Tao: 
Pagkamatay ng kanyang ama sa sagupaan sa pagitan ng mga kawal atng taong-
bayan.
 
Kasukdulan
  Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang
yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila
naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang
ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Aling Ading, si
Feli, at siTuring, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

Kakalasan
  Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap
nila’y biglang natigil nang siya’y makita.Wala siyang narinig kundi...
“Labinlimang lahat ang nangapatay...”
 Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang
ayosng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
“Bakit po? Ano po iyon?”
Wakas
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahananay
nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.Ang gabing yaon ng mga dagundong
at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel  ang gabing yaon ang
kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng
pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. Kaya nga ba’t sa tuwi akong
makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang
batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang
kailanman...

You might also like