Professional Documents
Culture Documents
Gevoveva Edroza-Matute
Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding
malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon.
Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay
na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man
maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang
dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang
nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.
1|Page
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.
Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang
bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang
kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa
kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao.
Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis
ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya
ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid,
pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang
kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing
kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang
kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.
Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling
ipinasok muli saa kumot.
“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”
“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay
magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
2|Page
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at
ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at
bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig
niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na
nagsalita:
Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng
malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.
“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala
niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.
“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa
kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.
Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit
sa karimlan ay hindi niya makita.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan.
Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
3|Page
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay
nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang
ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si
Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng
tao.
Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok,
doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa
kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil
na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit
ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi
pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-
uusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay.
Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay
makita.
4|Page
“Bakit po? Ano po iyon?”
Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi.
Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok
at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.
“Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis
na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa
man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring
maiwan.”
Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa
kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.
“Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.”
Samantala...
5|Page
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na
kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa
kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng
pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
6|Page