You are on page 1of 1

 

  angkang Papel

Ni Genoveva Edroza-Matute

Ang Maikling Kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng


tagapagsalaysay na sya ngang pangunahing tauhan sa kwento, dahil sa tuwing
nakakakita siya ng mga batang nag
nag papalutang ng bangkang papel. Isang
batang lalake ang kanyang naalala na nagising sa malalakas na dagundong at
nakasisilaw na liwanag nang araw na yon. Subalit napagtanto niyang walang
pumapatak na tubig ulan sa kanilang bubungan. Agad nyang hinanap ang
kanyang ama sa kanyang ina ngunit pinatulog lamang siya nito sapagkat
magpapalutang pa siya ng bangkang papel bukas na kanya ngang ginawa upang

mapaglaruan ito kinabukasan pag gising nya.


Ngunit kinabukasan paggising nya ay nakita niya ang kanyang inang
nakalugmok o nakaupo sa sahig habang hinahaplos-haplos ang buhok ng
kanyang kapatid na si Miling. Napansin nyang tila wala ito sa sarili at patuloy
lamang sa pag iyak. Napagtanto nya na napakaraming tao sa paligid at wala ni
isa man lang sa kanila ang nagpaliwanag sa kanya tungkol sa nangyayari.
Pawang mga matang naaawa ang pinupukol ng mga ito sa kanya. May narinig
syang malakas na tinig at sumisigaw, dahil pinalilikas na ang mga residente sa

ligtas na pook kasama si Kapitan Isidro.

Dahil dito napag-alaman ng batang lalaki na ang kanyang ama ay kasama


sa labinlimang patay sa sagupaan ng mga kawal at taong- bayan. Sobrang
pagkabigla at lungkot ang kanyang naramdaman nang malaman nya ang sinapit
ng kanyang ama. Tinanong niya ang kanyang ina kung bakit pinatay ng mga
sundalo ang kanyang ama ngunit hindi rin alam ng kanyang ina ang sagot sa
kanyang tanong dahil sa parehas nilang hinahanap ang kasagutan sa
pangyayaring iyon. Kaya simula non hindi na nya nagawa pang palutangin sa

baha ang kanyang ginawang bangkang papel.

You might also like