You are on page 1of 2

Ang kuwento ng pagmamahal ay hindi lamang kinatatampukan ng mga salaysay

ng romansa. Maging ang mga kuwentong maituturing na klasiko na ay


kinapupulutan din ng aral tungkol pagmamahal sa pamilya.

Lahat ng pagmamahalan ay nakabubuo ng pamilya, nagkakaroon ng anak ang


mga magkasintahan kaya naman isang uri ding ng pagmamahal ang kuwentong
pampamilya.

Ang akda ni Genoveva Edroza-Matute na Bangkang Papel ay isang kuwento ng


pag-ibig na wagas ng isang anak sa kaniyang ama, gayundin ang ama sa
kaniyang anak. Nag-umpisa ang kuwento sa kalagayan ng isang bata na
mayroong simpleng nais sa buhay, ang makapagpaandar o makapagpaanod ng
bangkang papel. Gumawa raw ang bata ng tatlong bangkang papel.

Dahil isang sundalo ang ama, madalas na nagtatanong ang bata sa kaniyang ina
kung nasaan na ba ang tatay niya. Makulit ang bat ana panay ang tanong sa
kaniyang ina.

Dahil hindi alam madalas ng ina ang isasagot sa anak, sinasabi na lang nito na
bukas ay darating ang ama nito kahit hindi siya sigurado.

“Ewan ko. Matulog ka na, anak. At bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang


ginawa mo,” -Ina ng bata
Dahil dito ay natuwa ang bata at nasabik sa kaniyang paglalaro ng mga
bangkang papel na kaniyang ginawa. Balak niya ring makipagtagisan sa kaniyang
mga kalaro. Ipinagmamalaki niya ang gawa niyang bangkang papel na matibay
na raw at malaki pa.

“Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay…hindi


masisira ng tubig.” -Bata sa kuwento
Kinagabihan, hinihintay pa rin ng bata ang kaniyang ama. Sabi niya sa ina,
nagtataka raw siya kung saan namamalagi ang kaniyang ama kung hindi ito
umuuwi. Malakas pa naman ang ulan ng gabing iyon. Malamig, kaya naman
kagyat na nakatulog ang bata na sabik na rin na makipaglaro ng bangkang papel.

Kinabukasan, bagaman normal lang naman ang panahon, naging ibang


kinabukasan ito para sa mag-ina. Pagkagising niya, maraming tao sa kanilang
bahay. Gulong-gulo ang bata kung bakit maraming tao. Nakadagdag pa nang
makita ang ina nakasalampak sa sahig, umiiyak.

“Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”
-Batang bida sa kuwento
Tinanong ng batang lalaki ang kaniyang ina kung bakit may kaguluhan. Ngunit
ang kaniyang ina ay tila hindi pa handang makausap. Ngunit nabatid rin ng bata
na ang ama niya ay wala na. Napahamak ang ama niya sa isang engkuwentro
kalaban ang mga kawal o kalaban ng pamahalaan.

Naging mabigat din para sa batang tanggapin ang sitwasyon. Ngunit ito ang
realidad ng trabaho ng isang sundalo, ang mahalin ang bayan hanggang sa dulo.
Musmos pa siya upang maunawaan ang kabayanihan ng ama ngunit sa
pagdating ng kaniyang pagiging binata, sa tuwing makakikita siya ng bangkang
papel, naaalala niya ang pagmamahal sa bayan, at ang pag-ibig sa kanila ng
kaniyang ama.

“Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa


aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong
malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman…” – batang bida
sa kuwento na ngayon ay binata na
Gintong Aral
Maliban sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang, makikita
rin ang pagmamahal ng ating mga nanay at tatay sa trabahong nagbibigay ng
kabuhayan sa kanilang pamilya. Katulad ng sundalo sa kuwento na hindi man
laging napapadama sa pamilya ang pag-aruga, ipinamalas naman ang
pagmamahal sa bayan.

You might also like